Prologue

1698 Words
Prologue "Ilang presyo ang makukuha natin sa ibebenta mamaya? Sigurado ka bang malaki ang kita niyan?" tanong niya habang prenteng nakaupo sa swivel chair sa kaniyang miserableng opisina habang nakatitig sa akin. Sarkatiko akong napangisi. "Tsk... Bender let me handle this. Just trust me. Parang hindi mo yata ako kilala. Kailan pa kita binigo?" Pinaglaruan ko ang hawak na baso na may laman ng alak. Kita ko ang pagngisi ng kaharap nang marinig ang aking sinabi. "Yeah, right. May tiwala naman ako sa 'yo, pero wala akong tiwala sa i-bi-bid mo mamaya." Tumayo ako saka tinungga nang diretso ang alak. Gayon na lamang ang paggapang ng mainit na likido sa aking lalamunan. Imbes na magdala iyon sa akin ng pag-aalinlangan mas ineengganyo pa akong sundan ulit iyon ng ilang shot. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ng kaniyang opisina. Kasing-dilim ito ng kaniyang buhay na tanging lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw para makita ang nasa paligid. Dalwang sofa sa bandang gilid ng kaniyang opisina para sa bisita niyang makakapunta rito. At sa gitna niyon ay isang maliit na mesang gawa sa salamin. Sa magkabilang sulok naman ng kaniyang opisina ay ang mataas na halaman na siyang nagdagdag buhay sa patay niyang opisina na ito. Mga old paintings na nakasabit sa dingding. Ang nakatatawag pansin lamang roon ay ang mukha niyang ipininta na nakasabit sa bandang uluhan niya. Kung saan naka-pwesto ang upuang para sa kaniya. Mukhang hindi ako makatatagal sa opisinang ito na mukha yatang nagluluksa ng ilang taon. Bahagya akong yumuko upang magsaling muli ng alak sa baso at ngumisi. "Sisiguraduhin kong hindi iyon kakanta, Bender. Isang halik ko lang do'n alam kong tatahimik na siya. Just trust me on this," buong tiwala kong pahayag sa kaniya. Umiling-iling si Bender na parang hindi makapaniwala. "Ibang klase ka talaga, Nido. Gatas na nga pangalan mo, malupit pa!" "Tss. You torturing again my name.” Agad nito na nasangga ang ibinato kong sapatos habang tila mamamatay na ang lalaki sa kakatawa. "Hindi mo siguro nababalitaan sa campus natin na kayong mga magkakapatid ang pinagkakaguluhan dahil hango sa gatas ang mga pangalan ninyo!" Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin siya natitinag. "Bakit ba kasi Nido, Milo, Enfakid, Promil, Alaska, Berchtree, at Bearbrand ipinangalan sa inyo ng Mommy niyo? Seryoso, Brad? Hahaha!" "Gusto mo nang mawalan ng hininga? Sabihin mo lang sa akin, ako na mismong tatapos." Iiling-iling itong tumayo habang tumatawa. Gusto ko nang gilitan sa leeg ang kaharap at nang mawalan na ng hininga pero hindi puwede. Kailangan ko pa siya sa negosyo ko. Hindi ko pa siya maaaring patayin. Sinipa ko siya sa puwitan nang tumalikod na sa akin pero patuloy pa rin sa pagtawa. Walang epekto sa kaniya ang aking ginawa. Sarap bangasan ang mukha! "Umalis ka na nga! At maghanda mamaya sa bidding! Hindi iyong pangalan naming magkakapatid ang pagtripan mo! Karmahin ka sana!" Rinig na rinig ko ang malutong nitong halakhak papalabas ng silid na aming kinaroroonan. "Whatever, Nido Monteneille!" PASIPOL-SIPOL ako sa gilid ng kalsada habang naglalakad papunta sa isang maliit na department store malapit sa hide out namin. Mamaya pa magaganap ang bidding kung kaya't marami pang oras para gumala at suyurin ang buong lugar na aming napili ni Bender. Maraming taong nagdadaan habang may mga dala-dalang imumin papasok sa kanilang mga bahay. Ang iba naman nagsisipunta sa kalapit na bar. Ang iba naman ay sakay ng kanilang mga magagarang kotse at pupunta sa hotel. Nagkakantahan sa mga gilid ng kalsada ang ilan at ang ilan sa kanila'y may nag-iinuman. May mga babaeng nakahain sa kanilang gilid na parang kinulang sa damit. Busena ng ilang sasakyan ang nagdagdag ng ingay sa magulong kantong ito ng Sta. Mesa, Manila, Nestle Village. Napapatingin sa akin ang ilang mga kababaihang aking nakakasalubong. Nakapostura ang mga ito at nakasuot ng mga maiikling damit. Kinulang sa tela kung tawagin ng ilan. Ang mga hita nila'y nakadungaw na para bang nang-iimbita sa mga kalalakihang uhaw. Umiling ako saka agad na napamura. Girls will always be girls. Wala na yatang matitinong babae sa panahon ngayon. Tsk. "Hi pogi!" tili ng apat na babaeng aking nakasalubong. Hindi na ako nagtaka kung bakit nila ako napansin at tinawag agad ng ganoon. Sa gwapo ko ba namang mukhang ito at maskuladong pangangatawan? Sa facial expression kung parang nang-aasar, dahil sa ngising lumilitaw. At sa paningin kong matalas na aakalain mong lalapain ka kahit na anong oras. Ang pangangatawan kong pang-model ng bench kung kinakailangan. Perfect and muscular. Hot as sun, hunk. Inirapan ko ang mga ito. Hindi ko sila pinansin. For sure pupunta na naman ang mga iyon sa bar kalapit ng hide out namin. Diretso-diretso ako sa aking paglalakad at tuluyang pumasok sa maliit na department store. Agad kong iginala ang aking paningin sa loob. Maraming mga taong namimili ang sumalubong sa akin sa loob. Halos ang ilan sa kanila'y napatingin sa aking direksyon nang makapasok na ako. Maraming pila sa counter napangiwi ako dahil roon. Ang ilan naman ay sa iba't ibang section habang namimili ng kanilang mga kakailanganin. This store is good. Nakahilera ang lahat ng mga iba't ibang products na kailangan ng tao. Sa kaliwa ang mga shampoo section, sa kabila naman ang mga iba't ibang klaseng inumin, from the latest to the oldest, meron ring mga section na para sa mga taong mahilig sa mga pagkain. Maayos ang kanilang pagkakahanay at ang linis tingnan, hindi magulo. Maging ang floor ay walang makikitang ni bahid ng dumi ng sapatos. Tumungo agad ako sa stall ng mga gatas. Sumunod sa akin ang sales lady. Panay ang pa-cute nito na hindi ko nagustuhan. "What do you want, Sir?" "A milk..." Walang gana kong sagot rito. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin ng mga gatas na nakalagay sa mga bar sections. "S-sir?" "Sabi ko gatas. May Nido ba kayo rito? Pakikuha ako ng isang cartoon niyon. Two hundred eighty (280) grams, ah." Naguguluhan naman itong kumilos at hinanap nga ang sinabi ko. Halos gusto ko nang matawa dahil sa itsura nitong hindi maipinta. Ganoon ba ang epekto sa kanila sa tuwing bibili ang isang tulad kong guwapo ng simpleng gatas? Tsk. How pathetic. "S-sir, ito na po ang hinahanap niyo..." "Yes, good. Pakidala sa counter, babayaran ko." "Para po sa anak niyo Sir?" Hindi na yata nito mapigilan ang magtanong. Ngumisi ako. Tinitigan ko siya nang seryoso. "Hindi," maikli kong tugon. "Huh? Eh para po kanino ito?" Naguguluhan nitong tanong ulit. Ayaw ko pa naman sa mga matanong na tao. Kung hindi lang talaga nakakabastos ang murahin ito kanina ko pa nagawa. Pero dahil dakilang mabait ako, babarahin ko na lang siya. "Sa akin... at sa baby ko." Sabi ko sabay kindat sa babae. Kitang-kita ko kung paano malaglag ang panga nito sa gulat. Malamang at sa malamang, on the process pa rin ngayon sa isip niya ang sinabi ko. Hindi ko na hinintay pang magsalita ito. Agad kong kinuha mula sa kaniya ang hawak na cartoon ng Nido at dumeritso na sa counter. Inilapag ko lang sa counter nang makalapit at iniwan roon ang isang libo, saka lumabas roon bitbit ang gatas. Mabilis ang aking paglakad pabalik na sa aking hide out dahil nagsisimula na akong mairita sa mga chismis ng bawat kumpol ng mga tao na masasalubong ko. Isang oras na lamang at magsisimula na ang bidding. Hindi naman ako kinakabahan dahil malakas ang kutob kong malaki ang kikitain ko ngayong gabi. Tingnan natin kung hanggang saan ang pagdududa ng lintik na Bender na iyon. Ipapakain ko sa kaniya mamaya ang perang mapapanalunan ko, makikita niya. Walang bilib sa akin, eh hindi hamak na mas marami akong negosyo! "Ano ba? Bitawan mo ako! Hindi ako sasama sa 'yo! Manloloko! Hiwalay na tayo!" Napatigil ako nang makakita ng isang couple na nag-aaway. Napairap ako sa kawalan. Pilit na hinihila ng lalaki ang babae pasakay sa kotse nito, at mukhang ayaw naman ng babaeng sumama. Isa na namang eksena na masakit sa mata. "Ano ba? Sinabing ayaw kong sumama sa 'yo! Wala na tayo! Tapos na tayo!" sigaw ulit ng babae. Nakakarindi na rin kaya tumungo na ako sa kanilang direksiyon. "Sa ayaw at sa—" Hinila ko ang babae mula sa pagkakahawak ng lalaki dahilan upang tumigil ito sa pagsigaw. "Narinig mo naman siguro, Pare... ayaw sumama sa 'yo ng babae. Respetuhin mo naman iyon." Sabat ko naman. "Aba't--sino ka ba at nangingialam ka rito?!" Sigaw nito sa aking pagmumukha. Hindi ako maaaring magkamali kung nagsitalsikan ang laway nito sa aking pisngi. Damn! "Hindi na importante kung sino ako at kung nangingialam ako. Ang importante rito ay huwag mong piliting isama sa 'yo itong baby ko. Baka kumanta ka ng 'aray naku' nang wala sa oras?" Mukha itong tinakasan ng dugo dahil sa aking sinabi. Napatingin ito sa hawak-hawak kong cartoon ng Nido. Napapalunok ito ng sariling laway. "G-girlfriend mo ang g-girlfriend ko, Nido Monteneille?" Kinakabahang tanong nito. Hindi na ako nagulat pa kung bakit nakilala agad ako nito. Hindi ko siya sinagot sa halip tinitigan ko ito nang mabuti. Lunok laway itong nagsalita, "S-sabi ko nga..." Halos mapugto ang ugat sa aking leeg sa kakapigil ng tawa nang kumaripas ito ng takbo papalayo sa amin. "Hoy! Gago! Naiwan mo ang kotse mo!" Tatawa-tawa kong sigaw rito. Pero dahil siguro sa takot hindi na nito nagawang lumingon pa at balikan ang kotseng naiwan. Kung may dala sana akong cellphone kanina nakuhanan ko na ang mukha nitong parang natatae. Duwag pala. "T-thank you," isang malambing na tinig ang nagpatigil sa aking pagtawa. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang babaeng nakatayo roon. Sa simpleng suot nito na bestida at mukha na walang kaarte-arte, para akong nakakita ng isang anghel na bumaba mula sa langit. "Hindi ako tumatanggap ng isang thank you lang, Miss," seryoso kong saad dahilan upang mabahala ang napakaganda nitong mukha. "Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" "This..." Agad ko siyang kinabig sa batok at siniil ang kaniyang malalambot na labi ng isang halik. Isang minuto. Dalawang minuto. Tatlong minuto ang itinagal ng halik na iyon. Pinakawalan ko na ang kaniyang mga labi at tinitigan ang tulala niyang mukha “See you, soon.” © All Rights Reserved 2018 The Bad Kisser
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD