Prologue

662 Words
2004 Terrified as she is, binilisan ng dalagitang si Angela ang pagtakbo sa madilim na kalsadang kinaroroonan at humanap ng maaring mahingan ng tulog. But the whole place is deserted! 'God,  I need help, anyone please' sigaw niya sa loob-loob at umaasang sana'y may makasalubong o makitang ibang tao. Medyo malayo na ang natakbo niya ng makaramdam ng pagkahapo. Ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod, pero hindi siya maaring huminto at baka abutan siya ng mga humahabol. She never had an idea what terror is, until now. Nanlalamig ang nanginging niyang mga kamay kasabay ng paggapang ng kilabot sa buong katawan. Numbness and blankness filled her head when she thought about what happened a few minutes ago. 'Who could those people be.' She asked herself while catching her breath. Ngayon niya pinagsisihan ang ginawang pagtakas sa sundo dahil lang sa kagustuhang sumama sa birthday ng isang kaklase. Naglalakad siya kanina pauwi nang biglang may humintong sasakyan sa tapat at sinubukan siyang isakay ng tatlong lalaking lumabas mula doon. Mabuti nalang at naging mabilis ang kilos niya at nagawa niyang makatakas sa mga ito. And now here she is. Lost, sa isang ilang na lugar. Walang matanaw na bahay, just empty lots. Bahagyang ilaw mula sa malaking buwan ang nagsisilbing liwanag niya. At tumataas ang mga balahibo niya sa anino ng mga matataas na puno sa paligid na malayang nililipad ng panggabing hangin. She continued running for her life. Nang sa isang palikong daan ay biglang tamaan siya ng headlight ng paparating na sasakyan kasabay na paggikgik ng gulong dahil sa pwersahang pagtapak ng preno. Bumagsak sa kalsada si Angela sa kabila ng hindi timaan dala ng pagkagulat. Mula sa sasakyan ay bumaba ang isang may katangkarang lalaki. Hindi mawari ni Angela kung binata naba ito o matangkad lang na binatilyo dahil sa lean na mga legs nito. Nasisilaw parin kasi siya sa headlight mula sa sasakyan. "Are you okay, Miss?" may bahid ng pag-alala ang buong-buong tinig nito at yumuko upang tulungan siyang makatayo. Ngunit bago pa siya makasagot ay nagsidatingan ang mga humabol sa kanya. Nagulat rin ang estranghero dahil sa bilis ng pangyayari. Basta ang alam lang ni Angela naramdaman nalang niya ang sariling hinila mula sa lalaki at bumalya sa tabing daan. Bigla siyang nakaramdam ng pag-ikot ng paligid dahil sa impact ng pagkaka-bagsak. "What the..." Narinig niya sabi ng binata na hindi natapos ang sasabihin dahil inundayan na ito ng suntok. Bumawi ito at nagka-gulo sa bahaging iyun. Three versus one. Nagbakbakan ang mga ito sa gitna ng kalsada. Nagpilit siyang magmulat ng mata sa kabila ng pagka-hilong nararamdaman.  At kitang-kita niya ang estranghero na kasalukuyang nakikipaggirian sa isang humahabol sa kanya. Damn! but he was really good at fighting. Ni hindi man lang tumatama ang suntok ng mga lalaking lumulusob rito. Nang aksidenteng matapat ang mga ito sa may streetlight ay nabigyan siya ng pagkakataong masilayan ang mukha ng estranghero. Sandali lang iyon dahil muling napunta ang mga ito sa dilim pero hindi niya kailanman makakalimutan ang itsura nito. 'He was so handsome'. Hindi iyong tipo ng boy next door na gwapo pero yun bang tipong pang action star, ang lakas ng dating. Parang si Lancelot na bida sa paborito niyang libro. 'Oh is he my knight in shining armour.' Napatitig siya sa tila-slow motiong silhouette na paggalaw ng estranghero habang patuloy itong nakikipaggirian. His moves were flawless. "Next time matuto kayong gumalang ng babae mga gago." Pangangaral ng kanyang tagapagligtas. Sitayuan ang mga ito at kanya-kanyang pulusan. For one last time she opened her eyes widely at hinding-hindi makakalimutan ang matang iyun. A bewildering set of deep brown eyes. And he is gazing down at her with amazement. Her heart beat erratically. Pero hindi tulad ng nararamdaman kanina. Bumabayo iyun sa dibdib pero hindi masakit. At sa halip ay nagdadala iyun ng kakaibang damdamin. An overflowing feeling. "Are you okay?" masuyong tanong nito. He looked worried. Kasabay ng paghawak nito sa mga palad niya'y ang warmth na feeling. She wanted to response pero para siyang hinila palayo mula sa kanyang tagapagligtas. Umahon ang pagtutol sa dibdib niya. Hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD