Prologue

548 Words
“WE are here, sir.”             Humimpil ang itim na limousine ni Randall Qasim sa harap ng isang malaking restaurant. Sumulyap siya roon at pilit inaninag ang mga taong nasa loob at labas ng establisyemento. Naningkit ang mga mata niya. Ilang buwan ang nakararaan nang una siyang umapak sa Pilipinas. Subalit hanggang ngayon nahihirapan pa rin siyang makita ang pagkakaiba ng mukha ng mga Pilipino. Para kay Randall ay magkakapareho ang hitsura ng mga ito. Noong bata pa siya ang mukha lang ng kaniyang ina na Pilipina ang kilala niya. But when he was eighteen, may isa pang mukha ang tumimo sa isip at puso niya. Isang mukha na kompiyansa siyang kaya niyang kilalanin sa gitna ng maraming tao. At sa kabila ng mahabang panahong lumipas, malaki ang tiwala niya na madali niyang marerekognisa ang hinahanap niya.              Napaderetso ng upo si Randall at naging alerto nang matagpuan ng kaniyang mga mata ang mukhang hinahanap niya. She was smiling happily at someone sitting on one of the tables inside the restaurant. Kumabog ang dibdib niya at kinailangan niyang ikuyom ang mga kamao upang kontrolin ang mga emosyong nais magwala mula sa puso niya. He missed that smiling face, as if she’s sunshine personified. Ang mainit na ngiting iyon ang tumunaw sa yelo na nakapalibot sa katauhan ni Randall noong bata pa siya. “I can see her, Salem,” nausal niya na hindi naitago ang pangungulila sa kaniyang tinig. Sumulyap sa kaniya ang driver s***h bodyguard s***h right hand man niya. “Yes, sir. After months of searching.” More like, after years of waiting, sagot niya sa isip. Pormal ang tinig ni Salem subalit alam ni Randall na masaya ang lalaki para sa kaniya. After all, masyado na silang matagal na magkasama. Mas malalim sa simpleng employee-employer ang relasyon nilang dalawa. What they had is mutual trust and loyalty. Huminga siya ng malalim. “I’m getting off now.” Tumango si Salem at mabilis na bumaba ng sasakyan upang umikot patungo sa pinto niya. Binuksan nito iyon at umibis mula sa limousine si Randall. Deretso ang tingin niya sa babaeng nasa loob ng kainan at mukhang wala pa ring kaalam-alam sa presensiya niya. Taas ang noong pumasok siya sa restaurant at naglakad palapit sa babae. Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula rito nang sa wakas ay maramdaman nito ang presensiya niya at lumingon. Sa sandaling magtama ang kanilang mga mata ay muntik nang higitin ni Randall ang dalaga at ikulong sa mga bisig niya. May bumikig sa lalamunan niya at nag-init ang mga mata niya. He had been waiting for this moment. All this time he had been searching for her. Ipinangako niya sa sarili na hahanapin ang dalaga at ngayon ay nagkaroon na ng katuparan ang pangakong iyon. “Alaina,” usal ni Randall sa pangalan nito nang nakatayo na siya sa harapan nito. “At last, I found you.” Umangat ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Subalit bago pa lumapat ang dulo ng mga daliri niya sa balat ni Alaina ay namilog na ang mga mata ng dalaga at ibinuka ang mga labi upang magsalita. At ang unang pangungusap na inusal nito para sa kaniya ay tila bombang sumabog sa mukha ni Randall. “Sino ka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD