Prologue

611 Words
Killer's POV HUMAKBANG ang killer palapit sa babaeng takot na takot na umaatras. Puno ng luha ang mukha, nagmamakaawa ang mga mata. “Pa-Parang awa mo na... hu-huwag...” Hindi siya tumigil sa paglalakad, parang hindi narinig ang pagmamakaawa nito. Wala rin siyang maramdaman na awa. Kailangan nitong mamatay. Iyon lang ang tumatakbo sa kanyang isip. Nagtatakbo ang babae patungo sa isang kuwarto ng bahay nito, mabilis na isinara ang pinto pagkapasok doon. Narinig pa ng killer ang pagtunog ng lock, maging ang mga kaluskos sa loob. The killer knew there was no other way out of the house, except the front and back door. Pinag-aralan niya na rin ang lugar . Umiling-iling siya. Tumigil sa paghakbang ang killer pagkatapat sa pinto ng kuwarto. Malakas niyang sinipa iyon pabukas. Narinig niya ang malakas na pagsigaw ng babae. Nakasiksik ito sa isang sulok at humahagulhol ng iyak. Iginala ng killer ang paningin sa buong kuwarto. It was a bedroom. Sa pinakagitna ay naroroon ang isang queen-sized bed. Napansin pa niya ang ilang stuffed toys na nakapatong sa ulunan niyon. Ibinalik ng killer ang paningin sa babae na nakatayo na. “Please... please don’t do this,” patuloy na pagmamakaawa nito. Lumapit siya sa kinatatayuan ng babae at inayos ang maskara na suot sa mukha. Hinawakan ng killer ang handle ng katana na nakasabit sa kaliwang gilid ng kanyang pantalon. Napatigil siya sa paghakbang nang itaas ng babae ang kanang kamay na kanina pang nakatago sa likuran nito. May hawak na itong baril at nakatutok iyon sa kanya. “Ha-hanggang... hanggang diyan ka na lang,” garalgal na sabi nito. “Hu-huwag kang... huwag kang lalapit kung hindi... kung hindi babarilin kita!” Bumuntong-hininga ang killer. Nakikita niya ang panginginig ng katawan ng babae. “Gawin mo,” malamig na utos niya. Napansin niya ang pagkatigil ng babae, naglumikot ang mga mata nito. Dahil doon ay hindi nito napaghandaan ang paggalaw ng kaliwa niyang kamay. Iglap lang ay nahawakan na ng killer ang ulo ng baril na hawak ng babae at mabilis na nahila iyon paalis sa pagkakahawak nito. She was holding the gun weakly it was so easy to snatch away. Kasabay ng pagtapon niya ng baril sa sahig ay ang tuluyang pagbunot ng kanang kamay niya sa katana mula sa sheath. Napasinghap ang babae nang tumapat ang blade ng katana sa leeg nito. Nanigas ang buong katawan nito. The killer chuckled. Inilapit niya ang naka-maskarang mukha sa mukha ng babae, pinakatitigan ito. “The moment you hesitate, that’s when you die,” mahinang sabi niya. “You should’ve just pulled the trigger. Ahh...” Umiling siya. “Humans are more stupid than they realize.” Hindi na nakapagsalita ng ilapat niya ang sharp side ng katana sa leeg nito. In one swift move, the killer sliced her throat. Mabilis din siyang umatras para hindi bumagsak sa kanya ang katawan ng babae. Tiningnan niya ang babae na nakahiga na sa sahig, hawak-hawak ang leeg nitong bumubulwak ng dugo. Tumalikod na ang killer at hahakbang na sana palayo nang maramdaman ang isang kamay ng babae na humawak sa coat na suot niya, pinigilan siya. Ibinalik niya ang tingin dito. Itinapat niya ang katana pababa, hinawakan ng dalawang kamay ang handle niyon. Pagkatapos ay itinarak niya iyon sa kaliwang dibdib ng babae, mariin. Ilang sandali lang ay tuluyan na itong nalagutan ng hininga. The killer pulled back the sword and placed it back in its sheath. Binunot niya sa likurang bulsa ng pantalon ang isang hunting knife. Yumukod siya at inayos ang kanang kamay ng babae na nasa sahig, pagkatapos ay itinarak niya ang kutsilyo sa kamay nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD