Prologue

542 Words
PROLOGUE "At last, I'm back." Nandito ako sa tapat ng apartment ko sa Manila. Dito ako tumutuloy tuwing pasukan since my real house is located in Laguna. Two months din itong nawalan ng tao dahil pinilit ako ng parents ko na gugulin ang bakasyon kasama nila at ng kompanya. They are preparing me for my upcoming duties dahil ako naman daw ang magmamana noon at sisimulan ko agad ang pagpapatakbo nito right after I graduated. Hindi naman ako tutol sa bagay na ito because I myself witness the hardship of my father in building and making it successful. Ayokong sayangin ang pinaghirapan niya at gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan niya dahil wala namang ibang gagawa noon maliban sa akin. Sinusian ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. I was about to step inside the house when I noticed something. "Parang may mali." Malayo ang itsura ng loob nito sa inaakala ko. It was supposedly neat and everything is in proper places dahil ganoon ko ito iniwan pero ngayon ay para itong dinaanan ng bagyo. A tornado rather. Wala sa ayos ang mga furnitures, magulo at nagkalat ang mga unan, pinagkainan ng kung anu-ano sa sahig, mostly junk foods, mga papel, damit at pati mga laman ng book shelves nagkalat din! "Pinasok ba ko ng magnanakaw?" Bulong ko habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. "Imposible. Mahigpit ang siguridad ng lugar na ito. Isa pa, mukhang wala namang nawala rito. My appliances and gadgets are still inside. Nandito pa rin at nakakabit sa dingding ang 64 inches at flat screen kong TV, ang player, desktop and even my telephone." I was still inside of my thoughts when I suddenly heard an eerie creaking of the door followed by a low moan. Mabilis kong dinampot ang baseball bat sa pinaka ibabaw ng shelve at pansamantalang nagtago sa likod ng sofa. Mula sa dim light na nagmumula sa buwan na tumatagos sa salaming bintana, lumabas ang isang bagay na may pigura ng...tao. Nakasuot ito ng bestidang puti na lampas hanggang tuhod at may kaluwagan sa kanyang katawan. Nakalugay ang buhok na magulo at tumatakip sa mismong mukha. Walang sapin sa paa. Kumikinang ang tila porsilanang balat nito sa liwanang at naglalakad na parang walang direksyon at pagewang-gewang. What the hell! She looks like possess! Nang makalapit na ito sa direkson na pinagtataguan ko ay inihanda ko ang sarili sa pag atake. I stood up and was about to hit her ng bigla itong lumingon at malakas na sumigaw. Sa sobrang lakas nabitawan ko ang hawak kong baseball bat at napatakip sa magkabila kong taynga. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Dumaan ka ba sa pinto, sa bintana, sa dingding o sa kisame? Si-suguro magnanakaw ka 'no! Holdaper? Kidnapper? Killer? O baka naman, rapist ka! Please huwag, maawa ka! Huwag ang p********e ko! Ito na lamang ang natitira sa'kin!" Dire-diretso nitong sabi habang nakayakap sa sariling katawan at dikit na dikit ang likod sa dingding. Wala itong tigil sa pag iyak at patuloy na nakikiusap. Really! What's happening in here? Lahat ng pangamba ko kanina ay tuluyan ng nawala sa halip ay napalitan ito ng gulat at...tuwa? Is this some kind of a joke? Hindi ko namalayang napahagalpak na pala ako ng tawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD