PROLOGUE

2306 Words
Westdoor; year 2001 "Happy Birthday Julie!" "Thank you po!" Maingay ang pamamahay ng mga San Jose dahil 7th birthday ng nag-iisang anak na si Julie Anne. Nakaikot ang mga bata dahil kakatapos lang magblow ng cake ni Julie. "O let's eat let's eat!" Sabi ni Mira, mommy ni Julie. Inasikaso nito ang mga ibang bata habang si Julie ay timutulungan kumain ng kanyang Daddy Jim. "Mam..." Kinalabit ni manang Celia, mayor doma nila Julie, si Mira. "O manang, ano po iyon?" Tanong ni Mira na hinarap ang matanda. "E nandyan daw po si Mrs. Magalona, yung bagong lipat diyan nung isang linggo." "Ay oo! I invited them!" Nagsimula na maglakad si Mira papunta sa gate ng kanilang bahay at nakita doon ang bagong kapit bahay nilang si Mrs. Magalona. May kasama pa itong dalawang bata. Isang babae at lalaki. "Good afternoon!" "Good afternoon din Pat!" Bati naman ni Mira bago tumingin sa dalawang batang kasama nila. Mas matanda ang babae siguro ay nasa dose na ang tanda nito habang ang batang lalaki ay muhkang kasing tanda lang ni Julie. "Ito na ba ang mga anak mo?" "Ah oo!" Sabi ni Pat at ngumiti sa dalawang bata bago binalik ang tingin kay Mira. "This is Maxene..." Turo niya sa batang babae na magalang na ngumiti at tumango. "And this is Elmo..." Sabay turo sa batang lalaki na muhkang nahihiya pa pero mahina naman itong kumaway. "Oh they're both good-looking ah." Masayang sabi ni Mira. "Pasok kayo, nagsisimula pa lang ang kainan." She ushered them inside at pumasok ang tatlong bagong bisita. "Julie Anne!" Tawag ni Mira sa anak. Mula sa kinauupuan ay tumalon si Julie at lumapit sa mama niya. May nakaready na ngiti sa muhka ng bata at napatingin ito sa mga bagong dating. "Lieanne, these are our neighbors, the Magalonas, that's your tita Pat, that's Ate Maxene and this is Elmo." Julie gave a huge smile and waved to the people in front of her. "Pretty girl mo naman." Sabi ni Tita Pat na patuloy lang nakangiti kay Julie. "Happy Birthday!" Sabi naman ni Maxene kay Julie. "Thank you po." Ngiti ni Julie. Saka naman siya napatingin sa batang lalaking nananahimik lang sa isang tabi. "Hi!" Tumingin lang sa kanya si Elmo na para bang natatakot pero mahinang tumango. Pat chuckled. "He's a little shy." Mira only smiled back. "You play na lang with Julie ha Elmo? Kasama ang iba pang kids." Mabilis tumango si Julie bago kinuha ang kamay ng nagulat na si Elmo. Dinala niya ang batang lalaki papunta sa iba pa nilang kalaro. "Ui, ito nga pala si Elmo!" Pagpapakilala ni Julie. Hawak pa rin niya ang kamay ng batang lalaki na muhkang nahihiya pa din. "Hi Elmo!" Bati ng ibang bata. Mabilis na kinalas naman ni Elmo ang sariling kamay mula sa hawak ni Julie at umupo lang sa isang tabi. Napanguso si Julie at ang ibang bata naman ay napakibit balikat na lang. Binalewala na lang ni Julie ang lahat ng iaanounce ng kanyang Mama Mira na magsisimula na ang party games. The whole time ay tingin siya ng tingin sa batang tahimik. Crush niya kasi kaagad ito. Ang puti puti tapos mapula ang pisngi. Ang tangos pa ng ilong saka medyo manipis ang mga labi. "Huy Julie." "Ha?" Napatingin siya sa best friend niyang si Frencheska na tinatawag din nilang Maqui. "Tingin ka ng tingin kay Elmo." Sa sinabi ng kaibigan ay napabalik nga ang tingin ni Julie kay Elmo na nakaupo pa rin sa upuan at nakatungo lang. That was their first meeting. The second time was at school. First day ng classes at nasa grade 2 na si Julie. Star student siya at siya lagi ang top 1 sa klase. Masaya siyang nakikipagusap sa mga kaibigan nang makita niyang pumasok si Elmo sa loob ng classroom. Nakatungo pa rin ito. Sakto naman ay nagkita ang kanilang tingin. Hindi niya alam kung ano ang nakita niya pero parang guminhawa ang kaninang matigas na ekspresyon sa muhka nito ng makita siya. "Ui nay new student o." Sabi ng isa niyang kaklase. Gulat na lang ni Julie nang lumapit si Elmo sa kanya. "J-Julie, pwede tumabi sa'yo?" Sabay sabay naman napatingin ang iba pa na kasama ni Julie sa kanya habang si Elmo ay naghihintay pa rin ng sagot. Kahit hindi sigurado ay tumango lang si Julie. Tahimik na umupo si Elmo sa kaliwa niya. "Julie Anne, sino yan?" Tumingin muna si Julie kay Elmo na nakatago lang ang muhka sa mga braso bago sagutin ang kaibigan. "Ah. Kapitbahay namin yan, si Elmo." Tiningnan niya uli ito kaso hindi naman niya makita ang muhka dahil nga nakatago sa mga braso. Napakamahiyain naman talaga nito. Umayos na sila lahat ng upo nang dumating ang class adivser nila at nagbigay ng reminders para sa first day of school. "Bibigyan ko kayo ng test ha." Grabe! Test kaagad? First day pa lang ng school ah. Napasulmbaba si Julie. Hindi naman kasi siya nakapagreview kung ano mang test ang ibibigay sa kanila ng teacher. Simpleng spelling bee lang naman pala. Matapos ay tsinekan na din nila ang mga papel. "Our highest is Elmo Magalona! Perfect 10/10!" Maligalig na sabi ng teacher. Lahat ng ibang bata ay pumalakpak para kay Elmo na nahihiyang tumango lang sa kanila. Pero si Julie ay napaawang ang labi. Natalo siya ni Elmo! Siya kasi one mistake! Naningkit ang mga mata niya sa batang lalaki na nakaupo lang. Hindi na pala niya ito crush. Kalaban na niya ito. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Westdoor year 2004. "Julie Anne..." Napaangat ng tingin si Julie nang makita na papalapit sa kanya si Elmo. Sumimangot siya dito kahit na mahinang nakangiti ito sa kanya. "Ano nanaman Kalabs." Napangisi si Elmo sa sinabi niya bago ito umupo sa kabilang swing sa tabi niya. "Bakit ba yon yung tawag mo sa akin?" "Kasi kalaban kita, kasi nakakainis ka na top 1 ka nung grade 2 tayo." Nakasimangot na sabi ni Julie at patuloy na nagswing. Naging sorta magkaibigan din sila sa lumipas na tatlong taon. Ayun nga lang laging inaaway ni Julie si Elmo at hinahayaan naman ito ng lalaki. "Ikaw naman yung nag top 1 nung grade 3 tayo ah." "E ikaw ulit nung grade 4..." Himutok pa ni Julie bago tiningnan si Elmo. "Kaya ngayong grade 5 na tayo tatalunin kita!" Mahinang natawa lang si Elmo at nginitian ulit si Julie. Napaiwas kaagad ng tingin ang huli. itong lalaki naman kasi na ito! Hindi na sila yung dalawang batang nagkita nung birthday ni Julie noon. Hindi na gaano kamahiyain si Elmo at mas marami nang lumalabas na salita sa bibig nito. Pilit na sinasabi ni Julie sa sarili na hindi naman niya crush si Elmo dahil panira ito sa ambisyon niyang maging laging top 1 sa klase. Pero aminado siyang gumagwapo ito ngayon. "Hi Elmo! Hi Julie!" Napatingin sila sa nagsalita at nakita ang kalaro nilang si Xerxes na palapit. Nakita ni Julie ang tuluyang paglaki ng ngiti ni Elmo nang lumapit ang babae sa kanila. "Xerxes, akala ko pupunta kayo sa Batangas?" Tanong ni Elmo. Tumayo pa ang lalaki para maupo ang babae sa may swing kung saan siya nakaupo kanina. Ngumiti naman si Xerxes at umupo nga bago sagutinang tanong ni Elmo. "Hindi natuloy eh. May biglang bisita kasi sila mama." Halaang parang dismayado ito kaya naman nginitian ni Elmo ang babae. "Di bale, gusto mo kain na lang tayo ng fishball? Libre kita?" "Sige tara! Julie sama ka?" Sabi ni Xerxes. Gusto sana sumang-ayon ni Julie pero nakita niyang parang nangangausap ang mga mata ni Elmo na tumanggi siya. Siguro para masolo nito si Xerxes. Halata namang crush nito ang babae eh. Mahina na lang siyang ngumiti. "Ah, hindi na. May tatapusin lang ako na libro." "Ah ganon ba, o sige." Sabi ni Xerxes at hinarap si Elmo. "Tara na?" "Tara." Elmo gave a small smile. Naglakad na sila palayo at naiwan si Julie na nakaupo sa may swing. Napabuntong hininga siya bago tumayo mula sa swing at naglakad pauwi. Nadaanan pa niyaang kotse ni kuya Omar, kapitbahay nila, tited ang ito kaya ginawa niyang salamin ang kotse. Matagal niyang tiningnan ang repleksyon niya. Hirap talaga maging babae. Palibhasa habol lang ng mga lalaki kagandahan. Para sa kanya kasi hindi siya ganoon kaganda. Simple lang. Tamang itsura lang. Si Xerxes kasi maganda talaga. Yung tipong mapapatingin ka ulit kapag dumaan ito sa harap mo. Kaya siguro parang wala lang siya kay Elmo. She shook her head. Bakit ba niya iniisip ang mga ganitong bagay. Ang bata bata pa niya eh. Pumasok na siya sa loob ng bahay at nagbasa na nga lang ng libro, dahan dahang kinakalimutan ang mga naiisip kanina. =•=•=•=•=•=•=•=•= Westdoor year 2007... Inayos ni Julie ang suot suot na salamin sa mata. Nandoon siya sa duyan sa may likod bahay nila. Paborito niya magbasa doon kasi mahangin at talaga namang nakakapahinga siya. "Julie Anne!" Gulat na lang niyanang makita na papalapit si Maqui. Minsan na lang sila magkita nito. Mas matanda kasi ng dalawang taon si Maqui kaya habang siya ay 1st year high school pa lang, si Maqui ay third year na. "Hi Maq!" Bati din niya at dumeretso ng upo sa duyan. Sumampa din si Maqui at sabay silang nahiga doon. "Alam mo ba..." Bunagd ni Maqui at napaderetso ng upo si Julie para mapakinggan ng maigi ang sasabihin ng kaibigan. "Bakit?" She asked. Tiningnan muna siya ni Maqui bago ito nagsalita. "Naring ko pinaguusapan ka ni Elmo saka ni JR." Tumaas ang kilay ni Julie. "O ano naman sinasabi nila?" "Crush ka daw ni Elmo..." Katahimikan bago napahagalpak ng tawa si Julie. "Ano pinagsasabi mo siyan Maq! Si Xerxes kaya crush non!" "Hindi! Narinig ko talaga! Halika bilis!" Bago pa makaangal si Julie ay hinila na siya ni Maqui patayo sa duyan at dinala sa may playground ng kanilang village. Sakto at nandoon nga talaga si Elmo at JR na naguusap. Muhkang kagagaling lang sa paglaro ng basketball ang mga ito at nagpapahinga sa may swing. Pasimpleng lumapit mula sa likod sila Julie para marinig nila ang usapan ng dalawang lalaki. May puno kasi sa may bandang likod pakaliwa nung swing kaya nakapagtago ang dalawang babae. Medyo hapon na rin kaya kaunti lang ang tao. "Umamin ka Moe! Crush mo si Julie! Kaya minsan ang lagkit mo makatingin eh!" Natatawang sabi ni JR. Dahan dahan na umiling si Elmo at bahagya pang napangisi. "A-ano ka ba tol, magkalaban nga kami non diba? S-saka mas lalaki pa ata sa akin yon eh. Oo tama." "s**t pre, ano ka bakla kung ganoon?" "Hindi no! What I mean is, hindi ganun si Julie. Basta...di kami talo..." Elmo explained. "Eh sino type mo? Si Xerxes?" Pagtudyo pa ni JR. Hindi na sumagot pa si Elmo at umiling na lang. "Ewan ko sayo. Uwi na ako, may sasabihin pa daw si mama at papa sa amin eh." Tumayo na ang lalaki at naglakad palayo. Napakamot naman sa likod ng ulo si JR bago naglakad na din palayo. Maqui uneasily looked at Julie. Tulala lang ang huli bago napailing at mahinang ngumiti pabalik.  "Sabi sayo Maq eh. Paano naman ako magiging crush non eh magkalaban nga kami." Pagak na natawa si Julie. "Tara na balik na tayo, magluluto ako spaghetti." "Bes..." Tawag ni Maqui sa naglalakad palayo na si Julie. "Hmm?" Nagisip muna si Maqui kung itutuloy niya ang sasabihin at umiling na lang. "W-wala." Tumango lang si Julie bago nauna nang naglakad. Hindi nakita ni Maqui ang patagong pagpunas ni Julie ng lumandas na luha. Gabi na nang ihatid pauwi ni Julie si Maqui. Nagprotesta pa ang huli na sino naman daw ang kasama ni Julie pauwi at natawa lang ang una. "Ang lapit lapit lang Maq o, tatlong kalye lang layo ng bahay niyo sa amin." At naihatid na nga pauwi ni Julie ang kaibigan. Gusto lang din niya maglakad lakad. Malamig kasi ang simoy ng hangin kahit November pa lang sa Pilipinas. Pakaliwa na sana siya sa street nila nang may maanigan siyang pigura na nasa may mga swing. "Elmo?" Bulong niya sa sarili. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya si Elmo na nakaupo sa may mga swing. And he was...crying? Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito pero wala na siyang nagawa nang sariling mga paa na niya ang naglakad papunta dito. "E-Elmo?" Napsinghap sa gulat si Elmo nang marinig ang boses niya at napatalon din siya sa gulat. "J-Julie?" "O-okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Deretsong tanong ni Julie at umupo sa tabi ni Elmo. Nagpunas ng luha si Elmo at nanahimik lang. Akala ni Julie hindi na siya nito sasagutin pa nang sa wakas ay nagsalita din ito. "Magpapaannul na si mama saka si papa." Hindi naman nawala ang pagkagulat sa muhka ni Julie. Nagsalita muli si Elmo. "K-kay Papa ako. Pupunta na kami sa New York. Si Ate kay Mama sasama." "Paghihiwalayin nila kayo ni Ate Maxx?" hindi makapaniwala na sabi ni Julie. "B-bakit hindi na lang kayo magstay sa isang parent?" "Ayun yung napagusapan eh." Elmo sniffed again. He bitterly smiled at Julie. "Aalis na ako Kalabs, mamimiss kita." Doon lang napagtanto ni Julie na tama nga ang lalaki. Parang nakalimutan niya ang sama ng loob niya sa pinagsasabi nito kay JR kanina. Isinantabi na niya ang iniisip. "Talaga? Mamimiss mo kapag inaaway kita?" She tried to make the situation light. Elmo actually smiled at her and to her surprise, pulled her close and hugged her. "Oo naman." Naninigas sa kinauupuan si Julie pero yumakap din naman siya pabalik sa lalaki. Kahit ngayon lang. Baka ito na rin kasi ang huling beses na magkita sila. And it'll pass. Malay ba niya, makakalimutan din nila ang isa't isa. This was just a tween crush anyways. it didn't mean anything. Maybe this will all be just a good memory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD