HFL3: MONTH OF CURSE

552 Words
"Mahal..." pukaw ni Gael sa kanya asawa na si Veron habang pinagmamasdan nito ang anak na nasa loob ng metal na kulungan. Ang pagkukulong nila sa anak roon ay tradisyunal na sa tuwing sasapit ang ikatlong buwan. Ang heat season o sumpa na kung tawagin ng magpipinsan. Agresibo ang anak nila kapag nasa ganun panahon ang anak. Nanghihina na ang kulay brown na lobo mula sa pagwawala nito sa loob ng kulungan sa pagtatangka na makawala doon. Sa tibay niyun at lakas ng boltahe ng kuryente malabo makawala doon ang kanila anak. "Sana matagpuan na niya ang kaniya mate ng sa ganun hindi na natin siya kailangan ikulong pa rito sa basement..." untag niya sa asawa. Naaawa sa kalagayan ng anak. Hinarap siya ng asawa. "Sa ngayon kailangan muna magtiis ng anak mo,ilang taon na rin naman na ang dumaan na hinaharap iyan ni Vlad.." tugon ng asawa. Tumango siya at may pag-aalala pa rin na pinagmasdan ang anak na nasa anyo lobo pa rin. "Maganda gabi.." Mapanabay na nilingon nila ang pinaggalingan ng boses na iyun. Si doktora Amore. Ang doktora na siya tumutulong sa kanila tuwing nasa ganun sitwasyon ang kanila anak. "Maganda gabi din,Amore.." pagbati ni Veron sa doktora. "Kamusta ang iba kong pamangkin?" tanong niya rito. "Nacheck ko na ang dalawa,dito ang next stop ko..hmm,mukhang ang aga mapagod ng isang ito ah," puna nito sa anak nila na tahimik ng nakadapa sa gitna ng pinagkukulungan nito. "Alam mo naman kabaligtaran ang pagiging agresibo ng batang iyan.." iiling-iling niya saad. "Sa anyong tao ginagamit ang pagiging agresibo.." dugtong niya. Tumawa ang Doktora. "Sabagay,masyado mabait itong lobo niya.." anito. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Totoo yun. Namana ng anak sa kanya ang pagiging warrior kaya madalas napapaaway ito pero hindi naman ganun kalala. May pagkakataon lang na hindi nito napipigilan ang sarili na makasakit ng tao dahil sa kakaiba nito lakas. "Well,mukha naman siya okay..pupuntahan ko ang tatlo pa," anang ng doktora. "Sige,salamat.." aniya. Nagpaalam na ito at muli nila hinarap mag-asawa ang pagod na pagod na lobo. She sighed. Matatapos lang ang paghihirap ng anak nila ito kapag naisakatuparan na ang ritual. Napasulyap siya sa asawa ng hapitin siya nito sa kanya beywang. Nilapat nito ang bibig sa gilid ng kanya ulo. "Matagal pa ba?" may pag-aalala pa rin nito sabi. "Kunting oras na lang,mahal.."tugon niya sa asawa. "Sana matapos na ilang araw na siya rito nakakulong...ilang araw na din ako walang kalaban sa chess.." She chuckled. "Pwede ako muna ayaw mo naman," aniya. Sumimangot ito. "Ayoko sayo,dinidistract mo ako kaya natatalo ako.." Muli siya tumawa. Naalala nga niya sa tuwing naglalaro sila nito ng chess kapag alam niya matatalo siya inaakit niya ito para madistract niya ang konsetrasyon nito para maungusan niya. "Hindi ka pa nga nanalo sa anak mo eh," tukso niya rito. "Ako nagturo sa kanya kaya malamang mahihirapan ako talunin siya.." pagngisi nito saad. Mapanabay na napasulyap sila sa anak ng marinig nila ang pag-ungol nito. Nakatitig ang malalaki mata ng anyong lobo nila anak sa kanila. "See,di sang-ayon ang anak mo,talagang magaling lang ang anak mo kaysa sayo.." Napailing ang asawa. "Oo na..ako na ang talo.." Puno ng pagmamahal na nginitian niya ang anak na nakatingin pa rin sa kanila. Hindi man perpekto ang kanila anak napakaperpekto naman ng samahan nila mag-anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD