CHAPTER 1 - Lucy N Fer's HELL

2029 Words
Lucy N Fer’s HELL “ANO na, Shane?" Naiinis na tanong ni Jems sa kabarkadang 'di pa rin sumasagot. "K-kailangan pa ba nating gawin ang kalokohang 'to,” tanong ni Shane imbis na sumagot. "Haist! Packing tape naman, Shane. Kung ayaw mong sumama, mauna ka na lang umuwi. Mabubulilyaso pa kami dahil sa pakyeme mo, eh." Naaasar na sabi ni Frannie. “Come on, Shane, katuwaan lang 'to. Sa dami ng pera ng mga parents natin, can afford silang bilhin lahat ng laman sa shop na pagsa-shoplift-an natin. Dagdag experience lang, ano?" pangungumbinsi ni Rizza. “KJ mo naman, Shane! Nung ikaw ang nag-suggest na pagtripan si Sir Kadz, ride kami lahat, tapos ngayon mang-iiwan ka." Sumbat ni Drew. Bumuntong-hininga si Shane bago nagsalita. "Okey, I'm in!" “Wohooo!" Magkakasabay na sigawan ng apat kasunod ng kunwaring pagbabanggaan ng mga dibdib. “Kanya-kanyang takas sa sundo, ha. Kitakits na lang tayo sa dati!" Pahabol ni Jems bago sila maghiwahiwalay. Mayamaya pa’y tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase sa all girls school na pinapasukan ng magkakaibigan. Magkakasama nilang tinungo ang lugar na gagawan ng napagkasunduang kalokohan. "D’YAN tayo papasok," sabi ni Jems sa mga kaibigan. "Ukay-ukay 'yan, eh. Bakit d'yan?" disgustong tanong ni Drew. "Mas madali mag-shoft lift d'yan. Tignan n'yo, walang manong or manang guard." "May point si Jems. Kaya lang, ano naman ang manenenok natin d'yan, eh puro used item ang nand'yan? Second hand? Yuck!" Maarteng sabi ni Frannie. "Oo nga, Jems. Waley naman ang idea mo, eh. Ikaw pa namang ang leader ngayon.” Umiikot ang eyeballs na sabi ni Rizza. "Hellooo! Choosy pa? Sa tingin n’yo ba mag-sa-succeed tayo if sa department store or supermarket tayo kukuha ng experience? Makulong sa presinto ng mga pulis, feel n’yo ma-experience?" Sarkastikong tanong ni Jems. Nagkatinginan ang apat nitong kasama. "Oo nga, okey na diyan para madali makalusot,” pagsang-ayon ni Drew. “Well, pwede na rin. After all, gusto lang naman natin malaman how they do that kind of thing and if kaya rin ng mga powers natin ang mang-umit gaya nila." Pagsang-ayon na rin ni Rizza. "Okay, fine!" Napipilitang sagot ni Frannie. "G-girls..." Bantulot na tinig ni Shane. Halos magkakasabay na nagtinginan ang mga kaibigan sa kanya. "P-para kasing ang weird ng ukay-ukay store na 'yan. Look naman ‘yong sign sa itaas, LUCY n FER's H.E.L.L.. Ang creepy, 'di ba? Sound's like, Lucifer's hell!" Umismid si Jems sa narinig at kinontra agad ang sinabi nito. "Hello naman, Shane. Nagbasa ka nga edited naman. H for halukay, E for everything, L for low, L for isa pang low. Lucy n Fer's Halukay Everything at Low, Low price, ano naman ang creepy dun?” Sinundan pa ng pagtawa ang sinabing iyon. Nagtawanan din sina Drew, Frannie at Rizza. "Yan ang napapala mo kababasa ng mga horror stories. OMG Shane, you're so praning!" kantyaw ni Rizza. "May climate change na, wala na sa Solar System ang planetang Pluto, at nagkaroon na rin ng meteor shower, tapos ikaw... nagpapatawa ka ba or what?" natatawang tanong ni Frannie. Si Drew ang maagap na sumagot. Kinakabahan din ito. "Eh, k-kung huwag na lang kaya natin ituloy, 'to? May point naman si Shane, nakakatakot naman talaga ang store na 'yan. Tignan n’yo yung clown na nakatayo sa entrance, parang nakatingin sa atin." Tuluyan nang napikon si Jems. "O 'di ba, mandamay daw ba? Basag trip ka naman, Shane!" "Kung natatakot ka, ikaw na lang ang mag-quit. Huwag mo nang idamay si Drew!" Asik ni Frannie sabay hatak sa kaibigang nagdadalawang isip na rin. "Relax lang kayo, Jems, Frannie. Para naman tayong others, eh. What are friends for if masisira lang sa ganitong issue. Wala namang sinabi si Shane na ayaw niya, ah. Right, Shane?" malumanay na sabi ni Rizza. "H-ha? O-oo naman." Naisagot na lang ni Shane. Hindi na napanindigan ang pagtanggi upang hindi makagalit ang mga kaibigan. "How about you, Drew?" baling ni Rizza. Tumango na rin si Drew nang makitang sasama na si Shane. "O, 'di ba? 200 over 200 kasi agad ang blood pressure n’yo, eh." "Akala kasi namin... sorry, Shane." Ngumiti si Shane. "Sorry rin, mga best." "Aaaaa, group hug!" Nakangiting sabi uli ni Rizza kasabay nang pagbuka ng dalawang braso. Nagyakapan na silang lahat pagkatapos. "Lahat tayo may dalang pera 'di ba?" Panimula ni Jems. Nagtanguan naman ang apat. "Okey, ganito ang task. Lahat tayo may bibilin, pero ang pinaka magugustuhan natin ang isha-shoplift natin. Kung sino ang may pinakamalaking risk na malulusutan ang magiging leader natin sa next nating adventure. At ang pinaka-puchu, manlilibre ng snack buong week. Deal?" Paghahamon nito sa mga kasama sabay unat ng braso at pataob na iniumang ang kanang palad sa harapan. "DEAL!" masiglang sagot nina Frannie, Rizza at Drew, sabay patong ng kanang palad sa nakataob na palad ng leader. Habang si Shane ay nakiayon na lang. HABANG papalapit sa ukay-ukay store ay naramdaman na ni Shane ang pangangalog ng kanyang mga tuhod. Pilit man niyang iwasang tignan ang clown na manekin ay napapatingin pa rin siya. Pakiramdam niya'y nakatingin ito sa kanila at naghihintay. Naigtad siya nang makita ang pagngisi nito. Tinignan niya ang mga kaibigan. Gusto niyang sabihin ang nakita ngunit sa huli ay pinanatili na lamang niyang nakatikom ang bibig. "Tama si Rizza, dahil sa mga nababasa kong kwento ng mga katatakutan at kababalaghan kaya ganito ang nararamdaman ko!" pagpapalakas-loob niya sa sarili matapos sulyapan ang mga kasamang wala namang napansing kagaya niya. Wala ring takot sa mukha ni Drew na unang nagsabing tila nakatingin sa kanila ang clown. Isang malalim na buntung-hininga ang pinaalpas niya at saka nakipagsabayan sa mga kaibigang nagkakatuwaan. Sa loob ng tindahan... "Ang gaganda ng mga paninda dito, girls! Kung hindi ko alam na ukay-ukay ang tindahan na ito hindi ko mapagkakamalang used items ang mga naka-display dito sa loob. Grabe, bagung-bago. Imported na, mura pa!" humahangang sabi ni Jems. "At saka ang laki pala nito. Kung titignan sa labas maliit lang pero tignan n’yo, hanggang doon sa dulo may paninda!" puna naman ni Rizza. Natatanaw nito ang mga taong pumapasok at lumalabas sa bahaging iyon. "Halika na, mga best!" Excited na aya ni Frannie sabay lakad papasok, kasabay nito sina Jems at Rizza na panay na ang linga. "Lika na, best!" Nasasabik na ring aya ni Drew sabay hila sa kamay ni Shane. Sa dami ng pamimilian ay nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan. Nalibang na rin si Shane sa dami ng nag-gagandahang paninda. NAGAWI sa hanay ng mga sapatos si Frannie. "Oh my God, ang gaganda!" Ngunit mas nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang rubber shoes sa gawing dulo. Nagmamadali siyang lumapit. "Ang tagal ko nang nagpapabili kay Mommy ng ganitong shoes pero wala kaming mahanap, dito lang pala meron na." Masayang-masaya ang tinig niya. Agad siyang naupo sa silya at isinukat ang kulay pink na Skechers. "Wow! Bagay na bagay sa akin at ang sarap sa paa. Tapos favorite color ko pa. Match na match dito sa bag ko. Kapag isinuot ko ito walang mag-aakalang sa ukay-ukay lang ito galing.” Tinignan niya ang kulay pink na price tag na nakalawit. "One thousand eight hundred pesos lang? Gusto ko 'to, gusto ko 'to." Paulit-ulit niyang sabi habang ipinapadyak ang dalawang paa. Nagagahol niyang hinubad ang suot na backpack. Mula sa loob ay kinuha niya ang pitakang kulay pink din. “What the f— “ sambit niya nang malamang wala pang one thousand ang pera niya. Naiisip niyang tawagan ang ina. The number you dialled is not yet in service, please try your call later. “Where are you, Mom? Answer the phone, please.” Ilang ulit niyang dinayal ang numero ng ina ngunit ‘di ito nakontak. "Kapag iniwanan ko 'to baka mabili na ng iba. Ayoko nga!" Ang pagiging spoiled brat ay nasa kilos na niya. Ayaw din niyang mangutang sa mga kaibigan, ayaw niyang masabing poor siya at walang perang pambili. Isang ideya ang nabuo sa utak niya. Luminga siya sa paligid. Walang tao. Walang ibang naroroon kung 'di siya! Tahimik na tahimik ang paligid kung kaya ang malakas na t***k ng kanyang puso ay dinig na dinig. Nangangatog ang mga kamay niya nang isilid sa loob ng bag ang sapatos. "Hindi pwede dito, halatang-halata!" aniya nang makitang nakaumbok iyon. Muli siyang luminga sa paligid at dali-daling inalis ang sapatos sa loob ng bag. "Ah, alam ko na!" Pagkasabi ay muli niyang ibinalik sa loob ang isang paa ng sapatos at ang isa naman ay iniipit sa likuran ng suot na paldang inalis sa pagkaka-hook. "Yes!" aniya pagkatapos at saka nagtungo sa hanay ng mga accesories at pumili na animo walang ginawang mali. Napangiti ang matandang lalaking nakatayo sa gilid. Mula pa kanina ay nakamasid na ito at nakita ang lahat ng ginawa niya. Pagkaraan ay tumalikod na ito at naglakad patungo sa ibang section ng tindahan. "PACKING tape, over sa dami ng pants. Puro original na almost bago pa!" bulalas ni Rizza. Hindi siya magkamayaw sa pagpiling ginagawa. Tatlong maong na sunod sa uso ang agad niyang kinuha at saka nagmamadaling tinungo ang fitting room. "Wow, lapat na lapat sa pwet ko at balakang. Napaka-sexy ng dating!" Nangingiti niyang sabi habang nagpapaikut-ikot sa harapan ng salamin. Isinukat niya ang tatlong napili na pare-parehong nagustuhan. Dahil kulang din ang perang dala, ang ideyang pagsa-shoplift ang pumasok sa utak niya. Nagmamadali niyang hinubad hanggang hita ang suot na cycling short. At saka ipinaikot sa balakang ang dalawa sa pantalong nagustuhan. Muli niyang isinuot ang cycling at pinilit pagkasyahin. Nagputukan ang tahi niyon ngunit naihapit naman niya sa puwitan ang pantalon. Nginitian niya ang sarili nang makitang hindi na mapapansing may itinago siya sa ilalim ng paldang suot. Hinagod niya ang mga plits upang maiuli ang unat na pagkakaplantsa niyon. Sa pagyukong ginawa ay hindi na niya napansin ang sariling repleksiyon. TUWID pa rin sa pagkakatayo at titig na titig sa kanya. Isang tusong ngiti ang kumawala sa mga labi nito. "ASTIG ng mga relos dito, puro branded!" humahangang sabi ni Jems. Agad siyang tumingin sa paligid at nang makitang malayo sa kinaroroonan niya ang mga namimili ay agad niyang ipinamulsa ang tatlong relos na nagustuhan. At saka walang ano man na naglakad upang hanapin ang mga kaibigan. Kamuntik pa niyang mabunggo sina Drew at Shane nang biglang lumabas mula sa fitting room. "Halata ba?" Kinakabahan tanong ng dalawa kasabay nang paghagod sa katawan. Tig- aanim na mamahaling blouse ang patung-patong na isinuot ng mga ito bago muling isinuot ang school uniform. Lumapad ang katawan ng dalawa at nagmistulang manlalaro ng football. Umiiling si Jems habang tinatakpan ang bibig upang ‘di matawa. Napangiti si Drew matapos tignan si Shane. Gano’n din naman ang huli. Pinagtawanan nila ang sariling mga itsura kung kaya magkakasabay na silang tatlong bumunghalit sa pagtawa. Sinaway nila ang isa’t isa nang mapansing nagtitinginan sa kanila ang ibang mamimili. Hindi nagtagal at nagkita-kita silang lahat sa gitna ng tindahan. "Kamusta, okey ba?" halos magkakasabay nilang tanong sa isa’t isa. Nakangiti nilang isinenyas ang pinaglagyan ng mga inumit. "Very good! Alright girls, let’s proceed to the next level. Ang makalabas dito nang ‘di nahuhuli,” sabi ni Jems. Sabay-sabay na silang naglakad palapit sa cashier. Kinabahan silang lahat nang isa-isa silang titigan ng babaeng nakaupo sa harap ng kaha matapos tignan ang mga inilapag nila. "Ito lang ba?" Makahulugan nitong tanong sa tinig na may hatid na kilabot. "O-opo." "SIGURADO kayo?" "S-sigurado po." Kasabay nang pagpindot nito sa kaha at pagtunog ng "TING!" ay pumisik ang mga ilaw... hanggang sa tuluyang mamatay. Kasunod niyon ang malakas na tunog ng nakangingilong kidlat at pagbuhos ng napalakas na ulan. Nakapangingilabot na tilian ng limang kabataang babae ang sumunod na narinig. Hindi na nila nakita ang ngiting gumuhit sa mga labi ng kahera. KINABUKASAN. "Ang gaganda ng mga manekin dito, no? Parang totoong tao." "Oo nga, buhay na buhay ang mga mata. Imported din siguro ang mga ‘yan.” “Huwag mo nang likutin at baka masira, pagbayarin ka pa ng may-ari. Halika na sa loob para makapamili na tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD