Chapter 1

3851 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 1 'J!' Napataas ang tingin ko mula sa binabasa kong newspaper here at my desk to the person who's walking towards me. 'Boss!' 'You did it again, J! I'm so proud of you!' nilapag niya sa harap ko ang isang report sheet. Actually alam ko na 'to, nauna na akong i-congratulate ni Big Boss kaninang umaga pagdating ko. Isa itong written report na nagsasabing nagawa ng agent ang assignment niya on time or ahead of the allotted time that was given to them. 'Thank you, Boss!' sumandal ako sa swivel chair ko at nag-cross arms then I smile at him. 'Dahil sa mabilis at pulidong accomplishment mo sa De Guzman Case, you're still Top 1 J! Congratulations for a job very well done!' kinamayan niya ako. 'And because you've finished it 5 days ahead of your scheduled time frame, you have an incentive from Big Boss!' alam ko narin ang tungkol sa incentive na yun dahil nabanggit narin sa'kin ni Big Boss ang tungkol dun. Nilapag niya sa desk ko ang isang black envelop na may logo ng BRICA. Dalawa lang ang meaning  kung bakit aabutan ka ng black envelop with BRICA logo, it's either may new assignment ka or ang incentive mo na parehas ay nanggagaling kay Big Boss. Tinignan ko muna si Boss at saka tumingin sa laman ng black envelop, puro ito blue bills na sa estimate ko ay nasa 20 to 25 pieces. Depende kasi sa araw na  ahead mong natapos ang kung magkano ang incentives mo. Tumango ako at ngumiti kay Boss bago sinilid ang tinuping envelop sa loob ng suot kong vest. 'May assignment ba akong bago, Boss? Or vacation na muna ako?' gusto ko ng vacation kahit na dalawang linggo lang para makapag-relax at makapag-pahinga. Magkasunod kasi ang assignments ko na Carpio-Angeles Case at itong huli na De Guzman Case. 'Sad for you ay meron, pero sa Saturday ko pa ibibigay sa'yo ang details at sa Saturday pa natin makakaharap ang mother ng magiging client mo. After this assignment, bibigyan kita nang one month vacation mo. Pangako yan, J!' 'Ayos! Thank you, Boss!' 'Relax ka na muna diyan! Kape, gusto mo? Sandwich? Bake Mac?' 'Kape na lang, Boss!' 'Peter! Kape nga kay J! Samahan mo ng konting bilis, ayaw nito ng naghihintay!' kumindat pa sa akin si Boss V bago tuluyan ng umalis sa harapan ko. Sumandal ulit ako sa swivel chair ko at nag-isip. Saan ko na naman gagastusin ang pera ko? Napangisi ako sa naisip. Ibabangko ko na lang ulit ang nakuha ko today, tutal I still have money inside my pocket sa binigay na incentive ni Big Boss sa Carpio-Angeles Case ko.  'Congrats J!' bati sa'kin ng kalapit kong table na si R or si Richard Dimapilis na katulad ko ay agent rin ng BRICA na nasa Rank 6.  'Thanks R!' Let me introduce myself pala first. Ako si Maria Jewel Aguinaldo or mas kilala bilang J Aguinaldo dito sa BRICA pero kapag nasa operation ako, my codename is Lady Phantom. Ang mga magulang ko ay sina Owel Aguinaldo at Jenna Aguinaldo, may isa akong kapatid na si Ate Maria Diamond Aguinaldo. We used to be a happy family na parang magkakaibigan ang turingan, since nagba-ballet si Ate Diamond noon ay ipinasok rin ako nila Mama at Papa sa ballet class kasama si Ate when I'm 6. Aside sa ballerina kami ni Ate, we are into swimming rin. Parehas rin kaming in-enroll nila Papa sa swimming class when I was just 8 years old at 12 si Ate Diamond that time. I was to graduate ng High School a week before that tragic day happened na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Kasalukuyan kaming nasa sala ni Mama that time while Ate at si Papa ay nasa garden naman nang may bigla na lang kaming narinig ni Mama na sigawan at putok na baril. Pinasok pala kami ng mga hindi kilalang lalaki na nakatakip ang mukha at naka-jacket. Nabulong pa sa'kin ni Mama noon tandang-tanda ko pa na palagi daw akong maging matapang at balang-araw ay alamin ko kung sino ang may gawa noon sa amin. Hangang sa a man grab Mama by her hair tapos pinaluhod siya sa harap ko katulad ng ginawa rin nila kay Papa. Umiiyak ako noon dahil sa takot at awa sa mga magulang ko, sa harap ko ay binaril sila sa ulo na agad rin nilang ikinamatay. Tapos sa gilid ng mga duguang katawan nila Papa at Mama ay ang Ate ko na nire-rape ng mga lalaking naka-itim. Kitang-kita ko ang kawalanghiyaan nila sa kapatid ko na patuloy na sumisigaw at sinasabihan akong tumakbo na. 15 ako nang nangyari yun, 10 years ago nang mangyari ang malagim na araw na yun na napatay ang pamilya ko sa mismong harap ko. Dapat patay rin ako sa insidenteng iyon kung hindi lang ako itinakas ng isang kasambahay namin na siyang nagligtas sa akin matapos kong makita ang pag-gilit nila sa leeg ni Ate. Dinala niya ako sa probinsya niya sa Vigan at dun ako namalagi ng ilang linggo. Sa stay ko dun ay sobra akong na-trauma dahil sa nasaksihan ko na nangyari sa pamilya ko, sobra ang galit ko that time at pinangako kong ipaghihiganti ko ang pamilya ko sa kung sinuman na gumawa noon sa kanila. Until one morning ay may nakilala akong babae na ang unang dating sa akin ay isang masamang tao. Palagi ko siyang nakikita sa park kung saan ako palaging nandun every morning, everytime I see her ay palagi na lang may nakasukbit na baril sa tagiliran niya. Maganda ang babae at mukha parin bata pero matalim itong tumingin at bibihira mong makikitang nakangiti. Hanggang sa one time ay nakausap ko siya, hindi ko na napigilan ang curiosity ko and I was the one who approached her. Rosemarie pala ang pangalan niya at kagaya ko ay ulila narin siya sa magulang. Taga Manila siya, sa Quezon City. Nandito lang siya sa Vigan para sa isang assignment. Noon ay akala ko na isa siyang teacher or reporter dahil may assignment daw siyang kailangan niyang tapusin sa Vigan pero sa isang linggo mula ng magkakilala kami, napag-alaman ko na agent pala siya. Parang sa mga palabas ni James Bond 007 na agent at spy. Inalok niya akong sumali sa kanya dahil after daw ng tinatrabaho niya dito ay magtatayo siya ng isang agency kung saan ang magiging trabaho ko ay maging bodyguard, agent, hitman at spy. Pinakita niya rin sa'kin ang bank accounts niya sa tatlong kilalang bangko sa Pilipinas at lahat ng iyon ay may tig-800,000 plus na laman. Pinaliwanag niya sa'kin kung ano talaga ang trabaho niya. Hindi siya naglihim sa akin at ang pinagtataka ko ay hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit pa nalaman kong pumapatay siya ng tao. 3 days bago siya umalis sa Vigan dahil natapos na niya ang assignment niya ay kinausap niya ako, tinanong niya ulit ako kung gusto kong sumama sa kanya pabalik ng Manila. Siya na daw ang bahala sa akin doon at siya narin ang bahala sa lahat ng pangangailangan ko kung sasama ako sa kanya, pati ay tuturuan niya ako sa lahat ng dapat kong malaman upang maging isa akong magaling at kinakatakutan na agent. She gave me 2 days to think about her offer at ang usapan namin, kung sasama ako sa kanya pabalik ng Manila ay dapat nasa park ako by 6am on the 3rd day at mismong araw ng alis niya. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga sinabi niya sa'kin maging ang mga pinaliwanag niya, inaral kong maigi ang mga pros at cons. On the third day, quarter to 6am pa lang ay nasa park na ako dala ang ilang damit na meron ako. Nang nagbalik ako ng Manila ay binago ni Rosemarie ang buong pagkatao ko pati ang background ng buhay ko ay binago niya, even ang tawag niya sa akin. She stop calling me Jewel at J na ang tinawag niya sa'kin. Tinago ko na ang totoo kong pangalan na Maria Jewel Aguinaldo, I am now known as J Aguinaldo. In a year of practice ay natutunan ko ang pag-gamit ng baril, gumamit ng mga patalim even martial arts, kick boxing and street fighting. Tinuruan rin ako ni Rosemarie na ayusin ang sarili ko at mag-make up, she always told me a magagamit ko ang ganda ko sa mga future assignments ko. Sa 2 years stay ko sa BRICA or Black Rose International Contract Agency na tinayo nga ni Rosemarie ay naging magaling na ako sa lahat ng self defense na pwede kong aralin at malaman. Binansagan ako ni Rosamarie or Big Boss bilang Lady Phantom during operations dahil sa bilis at galing ko sa unang sabak ko pa lang sa field. For my 9 years sa BRICA, ito ang tumayong tahanan ko at si Rosemarie ang tumayong magulang ko at nag-iisang mentor ko. Katulad ng ibang members ng BRICA, lahat kami na nandito ay may mga masamang nakaraan. Ang iba ay inabandona, ang iba'y binugbog at minaltrato, ang iba naman ay palaboy sa kalye at ang karamihan ay kagaya kong ulila na. Sa tagal ko sa BRICA ay mga bigatin ng assignments ang nahahawakan ko, katulad na lang ng assignements ko sa isang billionaire sa India, Queen of England, Asia's top businessmen at isang Politician sa Texas pati mga politicians at businessmen na clients ko dito sa Pilipinas at ito ngang huli na katatapos lang na De Guzman Case. Si Senator Romualdo De Guzman ay kilala bilang Anti-Drug na politician. Kaya marami siyang nakakabanggaang mga malalaking tao sa bansa. Kinuha niya personally ang service ko para itumba ang Top 1 Drug Cartel Boss dito sa Pilipinas na si Christopher Chiong, na siyang numero uno at pinaka-bigatin niyang kalaban sa pagsugpo sa droga. Hindi ko naman talaga gusto ang maging mamamatay tao pero ito ang linya ng trabaho ko bilang isang agent, bodyguard, spy at hitman. Tuwing naiisip ko ang nangyari sa pamilya ko at kapag naaalala ko ang bawat iyak, luha at sigaw nila ng pagmamakaawa ay nawawala ang reasonings ko sa trabaho ko ngayon. Pinangako kong hindi ako titigil sa pagiging ganito ako ngayon hanggang sa hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pamilya ko. Kahit abutin pa ng buong buhay ko ang paghahanap sa kung sino ang mga hayop na yun, gagawin ko't mabigyan ng justice sila Papa, Mama at Ate Diamond. Isa pa'y puro matitinong clients lang ang siniserbisyuhan ng BRICA, mga naghahanap ng protections against sa mga kumakalaban sa kanila at naghahanap rin ng justice like me kaya ayos lang. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy parin na tinutupad ng BRICA ang sinumpaang pangako nito sa bansang Pilipinas, sa Presidente natin at sa mga tao na ililigtas ang mga mabubuti laban sa kasamaan. Dahil sa mag-isa na lang ako sa buhay at 9 years narin akong nakatira sa ilalim ng bubong ng BRICA, pinayagan na ako ni Big Boss na manirahan sa labas ng compound ng agency. Sa kasalukuyan, sa ika-apat na pagkakataon sa loob ng pitong buwan ay nakatira ako ulit sa isang condominium dito sa Bel-Air Makati. But this time ay mas secure na ang tirahan ko para sa mga possible na kaaway ko dahil CCTV installed na ang buong area at mas marami ang securities dito. Katabi ng condo unit ko ay ang unit ni Brian Oliveros na katulad ko ay agent rin sa BRICA, 8 years pa lang siya sa agency this year. Pero hindi kagaya ng common na magkapitbahay, bihira kaming magpang-abot ni Brian sa condo or magkita man ay madalang lamang. Just like any other woman ay may beauty regimen rin ako sa mukha't katawan ko, nagsusuot rin ako ng mga damit na pang-babae. Pwera na lang kung nasa duty or nasa field/operation ako dahil palagi akong naka-all black kapag ganon. Hindi man kapani-paniwala ay mahilig akong magbasa ng mga tagalog stories, online man or hard copies. Idol ko pagdating sa mga tagalog stories ang KAILYAN TAGALOG STORIES at PRECIOUS HEARTS ROMANCE. Una akong nakapagbasa sa KTS ay noong nasa Taiwan ako for an assignment, na-browse ko sa f******k ang page nila at doon na nagsimula ang pag-abang ko sa mga kwento nila. Aside sa mahilig akong magbasa ay hilig ko rin ang magluto. Sa BRICA kapag tinotopak ako ay nagluluto ako para sa mga taga doon aside sa once a month ko silang ipinagluluto. Mahilig rin akong gumawa ng mga friendship bracelets pero hindi ko pinagbebenta. Hobby ko lang at binibigay ko sa mga nakakasama ko sa BRICA na tumatagal ng 6 months probation pataas, mapa-lalaki man. Pagtungtong ng 5pm, kagaya ng mga regular na employees sa isang company ay tapos narin ang trabaho namin. Kapag ganitong kakatapos lang ng assignment ko at wala pang nabibigay sa'kin na bagong trabaho, sinusulit ko talaga ang libreng oras ko. On time akong lumalabas ng BRICA, kagaya na lang ngayon. Ang plano ko ngayon ay manood ng sine at kumain sa labas ng dinner ko. Kahit ako lang naman mag-isa ay nanonood parin ako ng sine. Sumakay na ako sa BMW Big Bike ko na kulay black and red. Ito ang unang-una kong nabili ng makaipon ako ng pera mula sa pagiging agent ko sa BRICA. Pangarap ko kasing magkaroon ng Big Bike na either BMW or Honda, kaya after ng apat na bigtime clients ko ay nakabili narin ako ng brand new na motor. Bukod kasi sa binibigay na incentives sa'min ni Big Boss kapag maaga namin natatapos ang assignments namin ay may sweldo rin kami sa BRICA bilang employees nila, tapos iyong pinaka-payments pa ng clients namin sa services namin sa kanila. Kaya nga apat na clients lang ay nakabili na agad ako nitong baby ko. Dumeretso na ako sa paborito kong Mall, SM Jazz Mall na walking distance lang sa JUPITER EXCLUSIVE CONDOMINIUM kung saan ako nakatira. Nanood muna ako ng movie at pagkatapos ay saka ako kumain ng dinner ko sa Vikings na isang Seafood Restaurant. After I had my dinner, umuwi na ako. Papasok na ako ng pinto when the elevator door opens. Each floors ng condominium na ito ay may 4 units lamang, ang unit namin ni Brian ay nasa 3rd floor. 'J!' napataas ako ng ulo to see a man na medyo kayumanggi ang balat or what they say na lalaking-lalaki ang kulay. Nakaputi siyang mucles shirt, black slim fit pants, black back pack bag at may nakasabit sa balikat niyang itim na jacket. 'B!' bati ko sa kanya. B stands for Brian. Lahat ng mga nasa higher ranks at iyong mga senior agents na, ang tawag na sa kanila ay ang unang letter ng names nila. Brian is rank 2 ng BRICA ngayong year then rank 3 ay si K which stands for Knight. Kami ang nasa top 3 this year ng BRICA, that's for the last 6 consecutive years. Kada first day kasi ng taon after New Year ay ina-announce ang mga ranking agents ni Big Boss. 'Congrats for still being Rank 1, J! Bakit ba hindi kita mauna-unahan?' he smile at me. A smile that always takes my breath away. 'Alam mo na ang sagot jan, B. You knew exactly very well why.' I smile back at him. 'Kaya nga! Anong laban ko sa charm and beauty mo plus your s*x appeal na ginagamit mo para makatapos ka agad ng mga assignments mo!' he chuckled. 'Well, there are things that only women can do perfectly.' binuksan ko na ang pinto ng unit ko. 'Want to have dinner with me?' 'Are you asking me out on a date, B?' nagliwanag ang mukha ko. 'You can say that, J.' ngumiti ulit siya sa akin, this time ay mas na-emphasize ang dimples niya. 'I'd love to, B. Kaso I've already had my dinner kanina lang bago ako umuwi ngayon.' 'Oh man! Sana hinintay mo naman ako, J! Wala na naman akong kasamang kumain ngayon!' nag-pout pa siya, ways niya para magpaawa sa akin. 'Ang bagal mo kasi! And I didn't knew na darating ka ngayon! I thought bukas pa ang tapos mo sa assignment mo!' 'Alright, mali nga naman ako dun. How about tomorrow lunch na lang? Let's have a lunch date or a dinner date.' 'Pag-iisipan ko!' binuksan ko na ng malaki ang pinto ng unit ko. 'J naman! Please say yes! Please...' lumuhod talaga siya sa harap ko and held my hand para hindi ako makalayo sa kanya. 'Please J? Say yes, please?' he stares at me with his cute gray puppy eyes. 'Oo na nga! Nakakaawa ka naman! Tumayo ka na jan!' hinila ko ang kamay niyang nakahawak parin sa kamay ko. 'YES!! I'll fetch you here tomorrow at 11, J! Let's have lunch and dinner narin! Wala ng bawian! See you tomorrow, J! Goodnight! I love you, J!' mabilis siyang humalik sa pisngi ko at kumaripas ng takbo papunta sa unit niya and quickly went inside. Iiling-iling akong pumasok na sa loob. I remove my boots and socks tapos ay umupo sa couch then open the television. Tinaas ko ang paa ko sa centertable at hinubad ang blouse kong suot. Kapag nasa bahay ako at mag-isa, nasanay na akong naka-bra lang at shorts or pants. Saktong balita na kaya tinuon ko ang paningin ko sa tv. Maya-maya ay binalita ang pagkamatay ng notorious Top 1 na Drug Cartel dito sa Pilipinas na si Christopher Chiong. Palaisipan parin hanggang ngayon kung paano siya napatay sa loob mismo ng kwarto niya sa Pasig City, habang bantay-sarado ang pamamahay ni Chiong. Well, hindi ako magiging Top 1 for nothing. Hindi ako tanga para mag-iwan ng bakas or any clues that will lead them to me nor sa BRICA. Yan ang isa sa pinaka-iingatan ko everytime I am doing my job. Sobrang pulido at linis kong gumawa. Practice makes you perfect. Na-interview rin si Senator Romualdo De Guzman tungkol sa masasabi niya sa pagkamatay ng mortal niyang kalaban na si Christopher Chiong. Pinatay ko na ang tv at nagpunta na sa room ko. Tumuloy ako sa bathroom and have a warm bath, suot ang robe afterwards ay nagsalin ako ng Vodka sa rock glass at nagpunta sa veranda ng room ko. Nagsindi ako ng sigarilyo and have a sip sa alak. Yes, I smoke pero kapag umiinom lang ako. Pinag-aralan ko rin ang bagay na ito dahil minsan ay kailangan sa cover up ko. I drink occasionally, kapag sobrang pagod or stress o di kaya ay trip ko lang. Sumagi na naman sa isip ko ang nakakakilig na ngiti ni B. I must admit, mahal ko siya pero hindi kami at wala pa kaming relasyon. Bakit? Hindi pa naman siya nagtatapat sa akin at hindi pa niya ako tinatanong if sasagutin ko ba siya at kung kami na ba. Hindi ako Maria Clara ng sinaunang panahon, I am the Maria Clara of the present time. Nagka-boyfriend na ako noon, si D or si Dave Leviste. He was also a BRICA agent, Rank 1 to be exact at ako ang Rank 2 dati. Sabay kaming pumasok sa BRICA, sabay kaming nagsanay at natuto hanggang sa gumaling. Pero isang tama ng bala sa batok niya ang nagpahiwalay sa kanya sa akin. At dahil doon ay mas nag-ensayo pa ako hanggang sa I've reached Rank 1 at hindi ko na binitawan ang rank ko until now. Galit ako sa mga kriminal, sa mga mamamatay tao na kumikitil ng buhay ng mga inosente, mga walang magawa sa buhay at namemerwisyo ng iba. I hate bad guys. Dahil sila ang dahilan kung bakit naging mag-isa na lang ako sa buhay. Sila ang reason why I've lost my beloved family and my first love. Pero since the time na muling tumibok ang puso ko para kay B, I started to see the bright side of life again. Kahit pa hindi pa kami ay nararamdaman ko ang pagmamahal, pag-iingat at pag-aalala niya sa'kin. It's hard to have a partner in life sa katulad kong agent, most of the men I met outside BRICA are intimidated sa akin. But unlike D and B, sila lang ang tinignan ako bilang babae at hindi bilang kauri nila. Sobrang kulit nga lang ni B at may pagka-childish kung minsan pero napakabait niyang tao. Simpatiko, may sense kausap, hindi boring kasama, gwapo, hindi maputi at yummy. Mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Responsible rin siya dahil may kapatid pa siyang pinag-aaral ng College na nakatira ngayon sa Tita nila. Bunga siya ng broken family and his mother died due to Hematoma or iyong pamumuo ng dugo sa katawan sanhi ng sobrang pagkabugbog. Grabe rin ang pinagdaanan niya at ng kanyang dalawang kapatid, nandun na tumira sila sa bangketa at manlimos. Mabuti na lang at nakilala niya si K at ito ang nagsama sa kanya sa BRICA. Sa tulong ni K at ako bilang trainors niya, magaling ng agent ngayon si B. Naungusan pa niya sa ranking si K dahil narin sa angkin talento niyang makatapos ng maaga sa scheduled time frame na binigay sa kanya ni Big Boss. Excited na ako para bukas. Who wouldn't kung ang makakasama mo ay ang mahal mo? Kahit naman tigasin ang trabaho ko ay babae parin naman ako and it's but natural na kiligin ang in love, mangarap at maging excited. Normal akong babaeng pagdating sa puso ko. Kinabukasan, maaga akong nagising to do my morning rituals. Threadmill, push ups, sit ups, jump rope at lift ng weights. May gym naman dito sa ibaba ng building pero one time na pumunta ako dun para mag-gym ay ini-intimidate ako ng mga men regulars dun. Dahil sa babae ako at halos lahat sila sa lalaki pwera sa owner ng Jupiter Gym. Ayoko naman mapaaway sa kanila dahil kabago-bago ko lang sa condominium na ito kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng threadmill at weights pati jumping rope. Dito na ako sa unit ko nagpapapawis. Saktong 11am ay tumunog ang doorbell ng unit ko. Just as I suspect, si B nga ang napagbuksan ko. Tumuloy muna siya sa living room ko habang nagsuot lang ako ng rubber shoes sa kwarto. Paglabas ko ay agad na siyang tumayo at lumapit sa akin. 'Ayos lang naman siguro ang outfit ko for our date today.' naka-light blue kasi akong blouse na may ruffles at black na shorts. 'Kahit magsuot ka pa ng garbage bag or basahan, you'll always be beautiful in my sight.' 'Bolero! Tara na nga!' inalalayan niya ako palabas ng unit ko, sa elevator at sa pagsakay ng Audi niya na metallic gray. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, gentleman siya hindi lang sa akin kundi kahit sa ibang babae. At humble pati siya dahil kahit pa marami-rami narin ang naipundar siya para sa sarili at sa mga kapatid niya, hindi niya ito pinagyayabang. Paano ko nasabi na humble siya? May-ari lang naman siya ng isa sa sikat na bar dito sa Makati City, ang ANGEL'S CRIB. Walang ibang nakakaalam noon kundi ako at si Big Boss lamang. 'Ready to have fun with me, J?' sumulyap siya sa'kin at ngumiti bago tinuon muli ang paningin sa daan. 'I am always ready, B! I was born to be ready always!' --------'-,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD