KABANATA I - PRINSEPE

1444 Words
KABANATA I – “PRINSEPE”   “BOSS hindi mo po ba sasagutin iyang natawag sa iyo?” Napatingin ako sa bartender na naglakas loob na magtanong sa akin. Napatingin ako sa kaniya at mabilis kong nabatid na para bang natakot siya sa mapanlisik kong pagkakatitig sa kaniya. Sa katunayan niyan hindi ko na rin talaga siya nakikita ng malinaw dahil nakakailang baso na ako ng alak na naiinom. Hindi ko na nabilang pero ramdam ko na nilalamon na nito ang buong sistema ko. Hindi ko na maaninagan ng maayos ang itsura niya o kung meron pa ba siyang mukha talaga at wala rin naman akong pakialam talaga sa kung anong itsura niya. Nahihilo na rin talaga ako sa mga iba’t ibang kulay na ilaw na paikot ikot sa bawat sulok nitong club. Ang alam ko lang maayos ang suot niya. Puting polo na may nakapatong na itim na vest. Pulang necktie. Meron siyang hawak hawak na dalawang stainless cocktail shaker na kanina niya pa inaalog alog sa harapan ko. “Gusto mo bang sagutin ko para sa iyo?” Seryosong pagkakatugon ko sa tanong niya. Nakaramdam siya ng pagkahiya mula sa pagkakasagot ko sa tanong niya kaya naman hindi na siya nakasagot pa. Hindi naman iyong pabalang. Hindi rin naman sarkastiko. Ganito lang talaga ako magsalita. Ganito lang ako sumagot. Isa pa, anong bang mali sa sinabi ko. Naabala ba siya ng phone ko? Kung oo, sana siya ang sumagot. Wala akong pakialam. Hindi ko nga alam kung paano niyang naririnig pa ang tunog ng phone ko. Ang lakas lakas ng patugtog nila rito, ang ingay ng bawat grupo mula sa iba’t ibang mesa. Merong apat na pole dancers sa gitna. Mga naka-bra at panty lang na halos kitang kita na pati ang kaluluwa nila kaya naman nagtutuluan na ang mga laway ng mga lalaki na narito ngayon. Bukod sa kanila meron din kasing mga naliligaw na magagandang babae rito. Kagaya ng tatlong babaeng nakatayo sa sulok papuntang palikuran. Isa sa kanila ay alam kong kanina pa nakatingin sa akin. Napatingin ako sa phone ko na nakapatong lang sa counter sa tabi ng glass shot na wala ng laman. Umaasa ako na tatawagan niya ako pero hindi ng lalaking ‘to. FRANK is calling… “Kung ako ikaw, sasagutin mo ba ang tawag na ito?” Tanong ko sa bartender. Inayos niya ang pagkakatayo niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso ko. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina na huwag siyang titigil sa pagsalin ng alak sa baso ko hangga’t hindi ako tumatayo sa kinauupuan ko. “Mukhang importante boss. Siguro dapat mong sagutin, napansin ko kasing nakakalimang tawag na siya sa iyo. Pang-anim na attemp na niya iyan.” “Kanina ka pa nakatingin sa phone ko?” “Napapansin ko lang boss.” “Ivan. Ivan ang pangalan ko at hindi ako ang boss mo. Hindi ako ang may-ari ng club na ito. Pero kakilala ko siya. Malaki ang pagkakautang niya sa boss ko.” Hanggang sa mamatay muli ang tawag ni Frank, “…hindi naman importante ang sasabihin sa akin ng lalaking iyan. Hintayin mo lang tatawag ulit iyan siya sa akin.” Dinampot ko ang baso at muli ko itong tinungga. Tumingin ako sa babaeng kasama ng tatlo. Pumakagat labi siya. Tatayo sana ako para lapitan kaso biglang merong lalaking humarang at inunahan ako. “Kung ako sa iyo boss. I mean, Ivan… o pre. Hindi ko lalapitan ang mga babaeng iyan.” “Bakit naman?” “Iyan lalaki na lumapit sa kaniya. Tauhan iyan ni Nick Valenti. O kung tawagin nila ay Prinsipe.” Sabi niya at bigla akong napangisi, “…pre, hindi basta basta ang grupo ni Prinsipe. Malaking grupo iyan sila rito sa San Pedro. Sila iyong grupo nakaupo red couch sa left corner.” Dugtong niya na may pag-aalala marahil sa pagkakangisi ko. “Natawa lang ako sa Prince. Hindi bale, Prince Nick pala ang pangalan niya?” Sinulyapan ko ang grupong sinasabi niya. Higit sa sampo sila at ang lalaki ng katawan ng kasama niya. Siguro mga body guards niya. Hindi na niya pa kailangan sabihin sa akin kung sino si Prince sa kanila. Malabo man mula rito ang pagkakaanig ko sa kanila hindi naman mahirap malaman kung sino siya sa mga iyan. Natural lang napalibutan siya ng mga tauhan niya habang nagsasaya siya sa paraang gusto niya. Wala siyang katabing mga babae pero meron ang bawat kasama niya o ang mga tauhan niya. Hinahayaan niyang maging masaya ang mga ito. Siguro meron silang isang malaking selibrasyon na pinagsasaluhan ngayon. “Hindi pre. Nick lang. Prinsipe lang ang bansag sa kaniya. Siya iyon nasa gitna. Iyong nakapula.” Sabi niya at muli akong pumaharap sa kaniya. Sinalinan niya ng alak muli ang baso ko. Muli siyang napatingin sa phone ko. “Sabi ko sa iyo, tatawag ulit iyan.” Dinampot ko na ang phone ko at sinagot ko ito pagkatapos kong tunggain ang alak. “Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Bakit ang ingay riyan?” “Nandito ako sa Harlem Nightclub. Iyon din ang dahilan kung bakit maingay ngayon dito. Bakit ka ba natawag? Ano bang problema mo?” Malakas at halos pasigaw kong pagsagot. Dahil hindi niya rin talaga maririnig ang boses ko kung bubulungan ko lang siya sa phone. Meron siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan basta ang malinaw lang sa akin ay ang pangalang Henry, “…Hindi ko siya kasama. Umalis siya sa bahay kanina. At hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta kaya kung pwede lang huwag mo akong abalahin sa pag-iinom ko.” Nagsasalita pa siya pero pinatayan ko na siya tawag. Pinatay ko na rin ang phone ko at ibinulsa ko ito. Muli kong hinarap ang bartender. Pinagmamasdan niya pa rin ako. Hindi ko naman alam kung anong pumapasok sa isipan niya. “Trip mo ba ako?” Tanong ko sa kaniya. Biglang napakunot ang noo niya, “…gusto mo ba akong matikman?” “No!” Matigas na pagkakatanggi niya, “…may girlfriend ako at hindi ako kagaya ng iniisip mo pre. Pinagmamasdan lang kita kasi parang ang laki laki ng problema mo. Nakaka bente sais na shots ka na. Halos mauubos mo na rin itong nasa bote. Kalimitan sa mga nagpupunta rito. Umuupo riyan sa kinauupuan mo ngayon, hanggang tatlo lang.” “Wala akong problema pre. Gusto ko lang uminom. Gusto ko lang magpakalasing.” “O baka naman gusto mo lang makalimot.” Pamumutol niya sa pagsasalita ko. Kumitid ang mga mata ko. “Sino naman sa palagay mo ang gusto kong kalimutan?” “Iyong taong dahilan kung bakit ka narito ngayon.” Sagot niya at muli akong napangisi. Dinampot ko ang baso ko at itinaas ko. “Alam mo tagayan mo na lang ako. Nandito ako para uminom hindi para makalimot.” Sabi ko at bigla kong naalala si Henry. Bigla akong natulala. Kanina lang ang saya saya ko dahil sa wakas naintindihan ko na ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito sa tuwing kasama ko siya. Parang ang gaan gaan ng loob ko kapag kasama ko siya. Parang ang layo layo ko sa problema sa tuwing nasa tabi ko siya. Iyong mga ngiti niya. Iyong boses niya. Iyong malambot na balat niya. Pagkatapos ay bigla niyang sasabihin sa akin na hindi pwedeng maging kami ng hindi man lang niya pinapaliwanag ang dahilan. Napakalabo niya! Siguro nga’y siya rin talaga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Pero hindi para kalimutan siya. Nasaktan lang siguro ako sa ginawa niya. Kung nabigla siya sa sinabi ko. Mas nabigla ako ng mag-walk out siya sa bahay. Naawa tuloy ako kay Lorenzo at kay Mamita. Naghanda pa man din sila para sa aming dalawa. Napakasama ng ugali ng baklang iyon! Gayunpaman, kahit na masama ang ugali niya. Mali ko rin talaga na masyado ko siyang binigla. Siguro dapat dahan dahanin ko na lang hanggang sa magustuhan niya ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung nagkamali si Lorenzo sa pagkakakilala sa Kuya Erwin niya na Kuya Henry na ngayon? Sinabi niya sa akin na mahilig daw sa gwapo ang Kuya niya. Hindi ba ako gwapo? Pangit ba ako? Hindi ba ako kagusto gusto? Hindi ba ako masayang kasama? Boring ba ako? Ano bang wala sa akin na hindi niya nagustuhan? Ginalingan ko naman noong unang beses na may nangyari sa aming dalawa. Hindi ba siya nasarapan sa ginawa ko sa kaniya? Hindi ba ako magaling? Tagal ko na rin kasing nabakante talaga. Masyado akong naging seryoso sa mga pinaggagawa ko. Nawalan talaga ako ng oras sa pangbababae. Napayuko ako at napatingin ako sa harapan ko. Ang lungkot lungkot mo na siguro? Pasenya ka na ‘tol. Bale, masusubo ka rin. Hintay ka lang. O pwede rin ngayon gabi. “Alam mo pre. Tama ka. Nandito ako sa club ng boss mo para maging masaya. Kaya naman hindi pwedeng hindi ako makakarami ngayong gabi.” Dinampot ko ang baso at muli ko itong tinungga. “Prince?” Panawag pansin sa akin ng pamilyar na boses ng isang babae. Napalingon ako sa kaniya na kaagad namang pumuwesto sa kanan. Isang napakaganda at maalindog na babae. “Angelica.” Pagbigkas ko sa kaniyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD