PROLOGUE

1454 Words
Saindele Haile’s “Sasha! ‘Wag kang masyadong uminom n’yan!” pigil sa akin ni Tiff. “C’mon! It’s just a vodka!” narito kasi kami ngayon sa club. Ito ang araw na napagdesisyunan kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Dahil sa susunod na buwan ay ipapakilala na nila ako sa gusto nilang ipakasal sa akin. “Baka mamaya ay malasing ka! Sasha naman!” natawa ako sa mukha ng aking kaibigan, mukhang hindi niya alam kung paano ako papatigilin sa iniinom ko. “Please, alam mo naman ang mangyayari sa akin next month.” nilagok ko iyon, gumuhit ang tila isang mapangahas na init sa aking lalamunan. “I know, ano’ng magbabago kung uminom ka? Still gano’n pa rin naman, ‘di ba?” iniayos niya ang kaniyang buhok na humawi. “Yeah,” tungoko, wala nga naman ang magbabago, kahit uminom pa ako ay matutuloy pa rin naman. “Ang inaalala ko lang, paano ka? Alam mo naman na susunduin ako ni Kris.” kamot-kamot niya ang kaniyang noo. “Your precious fake boy friend?” pinagtaasan ko siya ng kilay, alam ko ang nangyari sa kaniya. “Bakit kasi ngayon ka pa naglasing, alam mo namang may alis kami ngayon.” pinipilit niya na akong umiwi kanina pa, pero hindi naman ako pumayag. Ito na nga lang ang magpapakasaya sa akin ay pipigilan niya pa? “Sh*t!” tila kabado niyang sambit nang makita kong umilaw ang kaniyang telepono. “Go on, Tiff. I can handle myself.” hinawakan ko ang kaniyang balikat, agad naman niya iyong sinagot. “I’m on my way, just.. just a freaking minute!” naiirita ang kaniyang boses, habang kausap ang nasa kabilang linya. Nang ibaba niya iyon ay tumingin na siya sa akin, “Call me, okay? God! How can I leave you here, being like that!” ayaw niya akong iwan pero ako ay gusto kong maiwan. “B*tch, just go! How many time do I have to tell you, that I can handle my pretty sexy ass?” rumolyo ang kaniyang mga mata na tignan ako, humalakhak siyang tignan ako. “I guess so,” tumungo-tungo pa siya, “Sige, ‘wag mong gawing bata ang modta, ah! Love ‘yah!” binalingan ko siya ng tingin. “Umalis ka na nga lang!” mabuti na lamang at pinakinggan niya ako. Kahit ayaw niya akong iwan ay wala siyang nagawa nu’ng may tumawag nanaman sa kaniya. “May kasama ka, Miss?” ilang shots na ang nagawa ko, ngunit parang kulang pa rin iyon sa akin. “Alis,” tinarayan ko pa siyang muli, saka ko nilagok pa ang natitirang vodka. “Gusto mo ‘bang pumunta sa place-” “Leave.” isang baritonong boses ang aking narinig mula sa likod ko. Kaya nang lingunin ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko. “Wow! You’re here!” lasing na akong tumingin sa kaniya. “Who’s with you?” “Just me and my p***y,” turo ko sa ibabang parte ko. Mukhang hindi niya iyon nagustuhan nang makita ko siyang suminghap. “Ihahatid na kita,” kinuha niya ang braso ko. “No! Bitawan mo nga ako!” tulak ko sa kaniya, “Go on, pumunta ka na sa Tine mo! ‘Wag mo akong alalahanin dito!” sigaw ko pa sa kaniya. “Sasha!” hindi ko siya pinansin nang tawagin ko muli ang waiter. “One more-” “Don’t.” singit nanaman ni Shad sa gilid ko, “One more!” bakit ba ang hilig niyang makialam! Alam kong kasalanan ko! Alam kong kasalanan ko, kung bakit kami naghiwalay! “Bitawan mo nga ako!” pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib. “Bitaw.” hinawakan niya ang dalawa kong braso at mabilis na idinikit sa kaniyang dibdib. Nahinto ako, unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nami-miss na kita ng sobra. “Iuuwi na kita.” hinawakan ko ang kaniyang polo. Nakayuko pa rin ako. “P-pwede ‘bang sa condo mo na lang muna ako?” uminit ang pisngi ko, pati na rin ang aking mga mata sa mga luha. “Hindi ko gustong umuwi sa bahay, nahihirapan ako.” Humikbi ako at mas idiniin pa ang hawak sa kaniyang polo. “Nasasakal na ako bilang panganay. Walang nakakaintindi sa akin, napakahina ko. Hindi ako katulad ni Pivo na pinaglaban niya ang mahal niya, kaya pati ang mahal ko ay mahal na rin ang babaeng mahal ng pinsan ko,” mas lalong sumikip ang dibdib ko. “Nahihirapan na ‘ko, Shad.” Niyakap niya ako, sobrang higpit. “Gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit. Gusto kong lumayo muna sa kanila, hayaan mo at hindi kita guguluhin.” iginalaw niya ang kaniyang panga nang tignan niya ako. “Ihahatid na kita,” iyon lamang ang kaniyang sinabi, mukhang hindi niya naman ako papayagan. Hindi niya na ako mahal, hindi tulad noon. Mas ginusto kong iwan siya, dahil ako ang panganay ng mga Villion. Kailan kong mag-sacrifice. “Hindi na, kaya ko ang sarili ko.” bumitiw ako sa yakap niya. Masyado na ba akong nakakaawa? Ako na nga ang umalis at iniwan siya, tapos ako pa itong gusto na makitulog sa condo niya? Kinuha ko ang aking bag, ngunit hinawakan niya ang braso ko at agad akong pinigilan. “Shad..” tawag ko sa kaniya at ngumiti, pinunasan ko ang aking luha at agad na inalis ang kaniyang kamay sa braso ko. Kahit pagewang-gewang akong maglakad ay nilakasan ko pa rin ang aking loob, napakalayo naman kasi ng Batanes para makauwi pa ako doon. Doon na kasi ako, bago pa ako ipakasal ni mommy sa hindi ko kilalang tao. Nasabihan niya na ako dito, pero hindi niya pa sa akin ipinakikilala. Iyon ang dahilan, kung bakit ko iniwan si Shad. Mas masasaktan lamang kaming dalawa, kung ipagpapatuloy namin iyon. Kung alam ko lang naman na sa iba lang pala ako ikakasal at hindi sa kaniya. Tabingi na ang lakad kong makarating sa dance floor. Sinasabayan ko ang mga taong natalon mula sa malakas na tugtog. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may isang lalaki na humampas ng pwet ko. Kahit lasing ako ay feeling ko’y mali ang ginawa niya! Hindi ako naging komportable! Gumapang sa akin ang takot, baka mamaya ay hilain na lamang ako nito sa kung saan, lalo na ngayon na wala akong lakas. Lalapit na sana sa akin ang lalaking lasing, ngunit may humila sa aking braso. Sunod no’n ay isang malakas na suntok ang iginawad niya sa lalaking nang hampas sa pwet ko. “Shad!” sigaw ko sa kaniya. Natakot ako lalo nang paulanan niya ng suntok ang lalaki. “Shad!” hinila ko ang kaniyang braso, sunod no’n ay may ilang pumito saka inilayo si Shad sa lalaking duguan ang mukha. “Ano ba ang ginagawa mo? papatay ka ba?” “Kaya kong pumatay, Sasha! Kaya kong patayin ang lalaking ‘yan, dahil sa ginawa niya sa ‘yo!” tila nawala ang alak sa aking katawan nang makita ko siya, kung paano magalit. “F-ck!” sigaw niya. “Hindi mo alam kung ano ang kaya ko, Sasha!” “Boss, pinalabas na po ‘yung lalaki.” hinawakan niya ang kaniyang sintido at agad na tumingin sa akin. “’Wag kang lalayo, iuuwi na kita.” hinila niya agad ang kamay ko palabas. “Shad, kaya ko nga sabi! Hindi na kailangan! Binabawi ko na rin ang sinabi ko.” “Alin doon?” humarap siya sa akin. “Alin do’n, Sasha?” “Alin doon ang binabawi mo? Kasi kung kailan hulog na hulog na ako sa ‘yo, saka mo ako iniwan!” natikom ko muli ang aking bibig, umiwas na lamang ako ng tingin. Agad akong tumalikod sa kaniya, aalis na ako. “Saindele!” sigaw niya pa sa pangalan ko, ngunit hindi ako nakinig. Gumigewang ang lakad ko, tila patabingi na nga iyon. “Saindele!” malakas niya akong hinila. “Ano ba’t ang kulit mo?” suko na siya sa katigasan ng ulo ko? “Uuwi na ‘ko!” tinulak ko muli siya, pero masyado siyang malakas. “Iiuwi na kita.” “Kaya ko ang sarili ko-” “’Wag kang mag-alala, sa condo ka uuwi,” nahinto ako sa pagtulak sa kaniya. “H-hindi na, maghahanap na lang ako ng hotel-” “’Wag kang makulit.” “Ayoko nga sabi-” hindi nanaman niya ako pinatuloy magsalita nang ilapad niya ang labi nito sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang gawin niya iyon, tila puputok na ang dibdib ko sa sobrang kaba. “Paparusahan kita, Saindele. Paparusahan kita.” muli niyang inangkin ang aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD