Chapter One

1909 Words
Waikiki Beach Resort, Hawaii AS SHE effortlessly glides on her surfboard, Pamela extends her arms and fearlessly confronts the towering waves. She waits for the perfect moment and meets the surge head-on. Sa isang mabilis na galaw, she propels herself up, finding balance as she ascends above the water. With each turn and twist, she gracefully maneuvers through the water. Surrounded by a misty halo created by the ocean spray. Her radiant smile reflects the exhilaration of the ride, embodying the freedom and adventure that defines a surfer's lifestyle. It was her first time attempting such a feat. Wakesurfing was one of the tricks she was eager to master. Kaya nang magkaroon siya ng opportunity na matuto ay dalawang linggo niyang inaral ang surfing noong nasa Maldives siya. At sa loob lamang ng dalawang oras ay ngayon nga’y nagawa niya. Kung kaya’y walang pagsidlan ang nararamdaman niyang saya. Nakarating si Pamela sa pangpang ay nakangiting kinawayan niya ang kapatid na nasa lilim ng puno. Gumanti ng kaway si Alec, sinenyasan siyang bumalik na. Umahon siya sa dagat dala ang surfboard at nakangiting nilapitan ang kapatid na inundayan ng apir. “You did great!” tukoy nito sa surfing riding niya. “Thanks.” aniya na tinanggap ang inabot nitong inuming in can at ininom iyon. “Feeling tired?” nakangiting tanong nito nang mapansing napagod siya sa ginawang pag-surfboarding, habang nilalagay ang puting tuwalya sa kanyang mga balikat. “I've never been tired, Alec. Kahit pa na biglaan ang punta ko dito sa Hawaii. Basta ba ikaw ang taya ngayon,” nakangiting sagot niya. “Of course, hahayaan kong mangyari iyon. I'm the one who asked you to come here in Hawaii, after all,” ganting sagot nito bago siya inakbayan. “. . .so I’ll take care of everything and consider me your personal chaos coordinator.” he added with a grin. Giliw na natawa ang dalaga. “Babalik na ako sa hotel,” mayamayang wika niya. “Let’s go then,” anito na nauna nang humakbang. “No, you don’t have to. Kaya ko namang bumalik mag-isa sa hotel.” hindi niya gustong abalahin ang kapatid sa pagre-relax nito. “Not a problem, I definitely wanna go back to the hotel. Besides, may mahalaga tayong pag-uusapan, my dear little sister,” seryosong wika nito. She shrugged. “Sounds important,” aniyang sinundan ng tingin ang seryosong mukha nito. “Sa hotel na natin pag-usapan,” anito. Pagkatapos ay nagpatiunang naglakad sa kanya. Si Pamela ay hindi maiwasang mapaisip. Sa loob ng elevator ay walang kibuan ang magkapatid. May agam-agam sa dibdib ni Pamela. Tatlong araw na mula nang dumating siya rito sa Hawaii at alam niyang hindi siya papapuntahin ni Alec kung hindi maganda ang dahilan nito. Taon-taon ay entitled ang out of the country vacation niya. Subalit sa taong ito ay apat na beses siyang labas-masok ng Pilipinas na ang pagitan lamang ay dalawang buwan. “I’ll give you thirty minutes to shower and dress. Hihintayin kita sa restaurant sa ibaba,” wika ni Alec nang nasa tapat na ito ng silid niya. Isang tipid na ngiti at tango ang naging tugon niya sa kapatid. Pagkatapos ay tumuloy na si Alec sa sariling hotel room. Binuksan ni Pamela ang pinto ng silid sa pamamagitan ng pagtipa niya ng passcode. Nag-shower siya at nagbihis ng flowy sundress and paired of flip-flop sandals. Matapos mag lagay nang kaunting make-up ay bumaba na rin. “You’re fifteen minutes late,” wika ni Alec na hinila ang upuan sa tabi nito upang paupuin siya. “Malapit na kitang panikin sa silid mo,” may himig ng iritasyon ang tinig nito. “You’re very impatient, Alec. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo at pumuputok na ‘yang butsi mo?” malambing niyang wika kasabay ng pag-upo. “Kung ang sasabihin mo lang sa akin na mag-aasawa ka na. Well, matagal ko nang pinanabikan na maging tita.” Hindi sumagot ang binata. Sinenyasan lamang nito ang waiter. Ni hindi nga siya tinanong kung ano ang gusto niyang pagkain sa menu at ito na mismo ang pumili ng order nila. Pag-alis ng waiter ay mataman niyang tinitigan ang kapatid. “Now what?” Itinaas niya ang dalawang braso sa mesa. Itinukod roon ang kanyang baba at nginitian ang kapatid. Matagal siyang tinitigan ni Alec. Pagkatapos ay tumungo upang iwasan siya ng tingin. “You’re right, tungkol nga sa pag-aasawa ang pag-uusapan natin, but it's not about me.” Agad na nagsalubong ang kilay niya sa tinuran ni Alec. “Eh sino?” “I will tell you later. Pero, gusto kong sabihin na may hihingin akong pabor sa ‘yo Pamela . . . I badly needed your help.” Matiim na napatitig siya sa kapatid. Hindi niya minsan naringgan na may hinihinging pabor sa kanya si Alec. Siya ang laging dependent dito. She’s twenty-three at matanda sa kanya si Alec ng sampung taon. Noong mga bata pa lang sila ay ipinagtatanggol na siya nito sa mga classmates niyang bully. Kapag may suliranin din siya’y ang nakatatandang kapatid ang lagi niyang takbuhan, kapag may pabor ay sinusunod siya nito, at noong namatay ang mga magulang nila, Alec became not just a brother, but a pillar of her strength and solace. Sa puso niya, pinahalagahan at iginagalang niya ito higit sa kaninuman. “Anong pabor ang maibibigay ko sa ‘yo, Alec?” tanong niya sa mahinang boses. “Gusto ko munang malaman kung nakahanda kang tulungan ako, Pamela.” “O-of course, sa abot ng aking makakaya, tutulungan kita. Alam mo ‘yan.” Biglang umaliwalas ang mukha ng binata. “I know, I can rely on you, Sunshine . . .” Sunshine. Iyon ang tawag sa kanya ni Alec noong maliit pa sila hanggang sa magdalaga siya. May kung anong init na humaplos sa puso niya. Natanaw ng binata ang waiter, dala na ang pagkain nila. “Shall we eat first? Alam kong gutom ka na. Pag-usapan natin ang hinihingi kong pabor mamaya pagkatapos natin kumain,” Walang naisagot si Pamela kung ‘di isang marahan na tango. Nakararamdam siya ng unusual sa mga ikinikilos ng kapatid. Sa pagitan ng pagkain nila ay pasulyap-sulyap siya dito. Iniisip kung sa paanong paraan ng dalaga matutulungan ang nakatandang kapatid? She’s only too eager na tulungan ito sa pabor nito. Makakaganti rin siya ng utang na loob sa lahat ng mga kabutihan na ginawa nito sa kanya. Kasalukuyang inilalapag ng waiter ang kanilang dessert nang simulan ni Alec ang paglalahad ng pabor nito. At naglahong lahat ang pagnanais niyang tulungan ang kapatid nang marinig niya ang salaysay nito. “H-Hindi ko magagawa iyon! Hindi ko magagawa ang pabor mo, Alec,” mariing tugon niya pagkaraan ng ilang sandali. Nagsalubong ang mga kilay ni Alec. “Ang sabi mo’y handa kang tulungan ako in every way you could.” “P-pero hindi sa ganoong paraan,” aniya na litong-lito. He sighed impatiently. Luminga-linga sa buong paligid ng restaurant. “Hindi mo ba alam kung saan nanggagaling ang salaping pinapag-aral ko sa ‘yo nitong huling taon mo sa kolehiyo Pamela? Ang salaping ginagastos mo sa pagparoo’t parito sa ibang bansa? Itong hotel accommodation natin? Ang pocket money mo?” “N-Nasaan ang naiwan na pera ng Papa at Mama? Ang negosyo natin sa Cebu?” Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid. “Matagal nang wala iyon,” Sa pagkataong iyon ay umiwas ng tingin si Alec. “How? Hindi ko maintindihan . . .” “Kaya nga ipinapaliwanag ko sa ‘yo at puwede ba makinig ka nang maigi sa mga sasabihin ko,” angil nito. “I . . . I started losing money here in Hawaii.” “Huwag mong sabihin na ipinatalo mo sa sugal ang kabuhayan natin?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. Alam niyang nagsusugal ang kapatid niya pero ang maipatalo nito ang buong minana nila sa magulang ay hindi niya mapaniwalaan. Nang hindi sumagot ang binata ay nanlumo siya. “Oh God, Alec! What have you done?” “It’s for your own good, Pamela. I’m doing this for you. Hindi ko naman inaasahan na pati ang mamanahin sa magulang natin ay mawawala. Nagipit ako at may isang taong tumulong sa ‘kin para mabayaran lahat ng utang ko. At ngayon na siya naman ang nangangailangan ng tulong . . . he's given me an opportunity to repay his kindness.” Tumingin ito sa kanya. “Pamela, please . . . heto lang ang paraan para makabawi ako sa kanya, sa lahat ng tulong na ibinigay niya sa ating magkapatid.” “But it’s unfair Alec! How can you expect me to marry a man I have never met in my whole life?” bulalas niya na gustong maiyak. “Anumang oras, you will meet him today.” “No, please . . . huwag mong gawin ito sa ‘kin,” nagsusumamo ang mga mata niyang tumingin dito. Inihilamos ni Alec ang isang palad sa mukha at tila nahahapong sumandal sa upuan. “I’m sorry, sunshine,” sa mahinang tinig ay hinagap nito ang palad niya. Nagkaroon ng lambong ang mga mata. “You know you're right, I've been incredibly unfair to you as your older brother. Pinasok ko ang problemang ito. And probably, may pagkakataon pa naman sigurong lusutan. So please forgive me Pamela.” Hindi nakakibo ang dalaga. May tumulong luha sa kanyang mga mata na agad rin niyang pinahid ng kamay. Ginamitan siya ng kapatid ng reverse psychology. Alam niya iyon. Subalit hindi rin iyon nito imumungkahi sa kanya kung may ibang paraan pa ito para lusutan ang problema. At hindi niya maaaring pabayaan ang kapatid. Utang na loob niya rin naman na tulungan ito. Walang tutulong dito kung hindi siya rin na kapatid. Pagkatapos ng katahimikan ay muli siyang nag-angat ng mukha. “Okay, I . . . I will marry him, Alec.” Kung paano lumabas sa bibig niya iyon ay hindi niya alam. Alec’s face turned into surprised. “A-are you sure, sunshine?” Isang marahang tango ang pinakawalan ng dalaga. “Oh, Pamela! Thank you. You just saved my throat. I love you!” Lumingon ito sa kabilang mesa, sa ‘di kalayuan sa kanila at sumenyas. Isang malaking lalaki ang tumayo mula sa mesa at lumapit sa kanila. “Hello Alec,” nakangiting bati ng lalaki at sandaling sumulyap sa kanya. “Is this your dear little sister Pamela?” “Yes, Mr. Carvajal. I want you to meet my dearest younger sister, Pamela.” Nilingon ito ni ng huli na tila maiiyak. “Sunshine, this is Dylan Carvajal. He will be your husband.” Kinamayan siya nang mahigpit ng lalaki at napapikit ang dalaga. Hiniling niya’y lamunin na sana siya ng lupa sa kinasasadlakan niya ngayon. Pakiramdam niya’y tila parang wala ng saysay ang buhay niya. “I'm pleased to meet you, my future wife.” Humigpit ang hawak sa kamay niya. “You will not regret having me as your husband, my love,” mariing wika ni Dylan. Hindi alam ni Pamela kung paniniwalaan niya ang sinabi nito o’ hindi. Hinatak niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. Kakaiba ang mga titig nito sa kanya. At sana’y lukubin na siya ng lupa. Ngayon pa lang ay gusto na niyang pagsisihan ang pagpayag sa pakiusap ni Alec na pakasalan ang lalaki sa harapan niya. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pagpapakasal niya sa lalaking ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD