Chapter One - Meeting and Avoidance

4376 Words
Her name is Serene Amber Trias. The beautiful doctor assigned in one of the remote barangay in Sulu. After almost ten years of pursuing her career, now she has set foot in this small barangay of San Joaquin. She lived in a cabin near the command base of 114th infantry battalion. Tatlong linggo na rin ang nakalilipas mula ng madestino siya sa barangay na ito. Matagal na rin niyang gustong malipat dito dahil sa kadahilanang may taong gusto niyang makita. She missed him so much but she does not know if he ever had a thought about her. And she never expected about it because she knew in the first place everything about them is a big mistake. Nalulungkot siya tuwing naiisip niya ang huling pagkikita nila sa Maynila. Pero gayunpaman gagawin niya ang lahat just to make up things with him. "Amber!" sigaw ng kaibigan niyang si Lia pagbungad pa lang nito sa pinto ng shelter nila. Katulad niya ay doktor din ito. Pero imbis na pansinin niya ito ay tumalilis siya palabas ng shelter na inookupa nila pero agad rin naman siyang pinigilan nito. "Lia, kailangan ko pang mag-rounds sa mga pasyente ko. Mamaya na lang tayo mag-usap." "No, no, no. Amber naman. Gusto ko lang ibalita sa'yo na iniimbitahan tayo ng Commander sa gaganaping birthday party mamaya sa loob ng barracks."tuwang balita nito sa kanya. "I'm sorry pero busy ako. Baka hindi ako makasama sa inyo."matamlay niyang tugon rito. "Talaga? Hindi na magbabago ang isip mo?" 'di naniniwalang tanong pa ng kaibigan sa kanya. "Oo nga. Sige, alis na ako."aniyang humakbang na paalis subalit natigilan siya sa mga sumunod na sinabi ng kaibigan sa kanya. "But I heard, the commandant of Lieutenant Laxamana is coming fresh from their successful mission up from the mountains."nakangiting turan nito sa kanya. "Pero hindi na kita pipilitin na isama, kami na lang nila Trish at ibang team ang a-attend." nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang bumalik at pumasok sa loob ng shelter nila. A sudden surge of her blood rush up. Her heart slowly became erratic upon hearing his name. She is happy hearing that soon they will meet but at the same time her emotion is mixed up with sadness. Alam niyang hindi siya gustong makita nito. At alam niyang magagalit na naman ito sa kanya. "Akala ko ba ayaw mong sumama?"tukso sa kanya ni Lia. Inirapan niya lang ito at pumila sa buffet na nakahanda at kumuha siya ng ilang desserts na gusto niya. Agad niyang sinubo ang chocolate cake na gusto niya. Sarap na sarap siya nito kaya dinagdagan niya pa ang nasa plato. Hindi niya na napansin ang ginawang ingay ng mga kasamahan niyang nurse at doktor nang may pumasok na isang grupo sa bungad ng quarter na pinagdausan ng party dahil na rin sa lakas ng music sa paligid. Paglingon niya ay halos mabitiwan niya ang hawak na plato na puno ng chocolate cake at ibang desserts nang magtama ang paningin nila ng taong matagal niya ng gustong makita. Ang puso niya ay unti-unting parang nalulunod sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. His cold eyes is like a dagger piercing her fragile heart. Gusto sana niya itong lapitan pero parang agad siyang naglaho sa paningin nito ng palibutan ang binata ng mga kasamahan niya at ilang kasamahan din nito. They congratulated him at the same time. At ngayon ay naduwag siya. Naduwag siyang lapitan ito. Naduwag siyang muling marinig ang mga salita nitong muling magpapaguho sa mundo niya. Kaya naman agad rin siyang tumalilis sa lugar na iyon at lumabas ng exit dala-dala ang isang plato ng desserts. Hindi niya alam kung bakit walang humpay ang pag-agos ng luha niya habang kumakain ng dessert. Nandito siya ngayon sa labas ng quarter. Nakaupo siya sa bench na naroon na kaharap ang mayayabong na halamanan habang nakatingala siya sa kalangitan at malungkot na pinagmamasdan ang kislap ng mg bituin. "What are you doing here?"isang matigas na boses ang pumukaw sa kanyang atensyon na siyang nakapagpapitlag sa kanya. Agaran niyang pinahid ang mga luha at kinalma ang sarili bago lumingon. "Ah, a-ano dito kasi ako na-assign." "I'm asking why are you here?" Nakikita niya sa mga mata nito ang pagkadisgusto na naroon siya. "D-Dito nga ako na-assign for my service as a doctor.."medyo tinigasan rin niya ang boses. "Yeah. Pero hindi mo naman kailangan gawin 'yon. You can work directly and become a director of your own hospital. Honestly, do you really still need this so called public service?" ramdam niya ang pang-uuyam sa boses nito. "I... I just want to experience serving the community." "Talaga ba? Do you still need these excuses just to satisfy your obvious intention?" Sa sinabi nito ay pakiramdam niya ay may tumarak na punyal sa kanya. Pilit niyang kinalma ang sarili at pigilin ang nagbabadya niyang mga luha. "Y-yeah, to be honest I...I just want...to be near with...you."sa huli ay pag-amin niya. Hindi rin naman kasi siya makalulusot rito. Ngayon naman ay nakatungo siya. Ayaw niyang salubungin ang matatalim na tingin nito sa kanya. "But I don't want to see you around here."muli ay malamig nitong sabi sa kanya. "W-why?"sa halip ay nangahas siyang tanungin nito. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na ayoko nang makita ka pa. Bakit ngayon nakabuntot ka na naman sa akin?"sumbat nito sa kanya. "You are my fiancé at malapit na tayong ikasal. Sabi kasi ni daddy na mabuting magkalapit tayo para mapagplanuhan natin ang kasal next month." Ngayon ay nakatingala na siyang kausap nito at pilit na pinapatatag ang sarili. "That is bullshit! You are not my fiancee! Ilang beses ko na bang ipinaintindi sa kanila na hindi ako magpapakasal sayo. Iisa lang ang gusto kong pakasalan at iyon ay si Selene, hindi ikaw!" muli ay nakita niya ang pamumula ng mga mata nito. Alam niyang galit na ito ngayon base sa pagkuyom ng kamao nito. Napansin niya rin ang pamumula ng mga tainga nito sa galit. "Pero matagal nang wala si ate, Gene. Wala na siya kaya kalimutan mo na siya-" "Shut up! Buhay pa ang ate mo! Buhay pa siya at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita. Siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan wala nang iba not even her fake sister!" bulalas nito sa kanya sabay talikod. Sunud-sunod na naglaglagan ang mga luha niya at nakatanaw siya sa papalayong binata. Alam niyang wala namang gusto sa kanya si Gene pero heto siya at pinagpipilitan pa rin ang sarili dito. At mas lalo siyang nasaktan nang ipamukha nito sa kanya kung ano ang tunay niyang katayuan sa pamilyang meron siya. Yes, she's only an adopted daughter and she knows her place. Kaya naman mas lalo siyang nasaktan sa sinabi ni Gene sa kanya. Kahit ano palang pagsisikap niya ang maging kapantay nito ng propesyon ay hindi pa rin mababago sa paningin nito na isa lamang siyang hamak na ampon. Kailanma'y hindi niya mapapantayan ang kung ano man ang mayroon ang ate Selene niya dahil kahit anuman ang gawin niya sa paningin nito hindi mababago na isa lamang siyang ampon. Sa gabing iyon ay tahimik siyang umiyak, kimkim ang sakit na kanyang nadarama simula pa noong mga bata pa sila. Kinabukasan dahil ayaw siya nitong makita kaya minabuti niyang umiwas rito. Ayaw niyang punan pa ng masakit na mga salita ang pagparito niya sa lugar na iyon. Ngayon, para sa kanya ay sapat na ang malamang nasa iisang lugar lamang silang dalawa ni Gene. Nasa malapit lang ito at kaniyang makikita kailan niya man gusto kahit sa malayo at saglit na sulyap lang sa binata. Masaya na siya. Natuto na siyang makuntento sa ganitong paraan. Mula noon hanggang ngayon tanging sulyap lang ang kaya niyang gawin rito. "Amber, talaga bang desidido ka nang magpa-assign sa kabilang bayan?" isang umaga ay tanong sa kanya ni Lia. "Oo, naman. Kawawa naman doon ang mga taong kailangan ng medical na atensyon kung walang magbo-boluntaryo para sa kanila."tanging tugon niya sa kaibigan habang nag-iimpake na ng kaniyang mga gamit. "Pero, paano si Gene?"tanong nito na nakapagpatigil sa kanya. Bumuntong-hininga muna siya bago liningon ang kaibigan. "Mas mabuti nang ganito. Alam mo na, baka pag wala ako rito at hindi niya nakikita ay ma-miss niya pala ako. Two hours lang naman ang biyahe mula rito papunta sa kabilang bayan kaya pwede niya akong bisitahin kung gusto niya anumang oras."nakangiti niyang sabi rito pilit na pinagtatakpan ang tunay na nararamdaman. "Pero Amber, nag-aalala talaga ako sa'yo. Alam mo na ba kung bakit walang nag-volunteer na doktor sa bayan na 'yon?"umiling lang siya sa tanong nito at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit. "Iyon ay tatlong doktor na ang nakidnap sa lugar na 'yon at pinaslang ng mga terorista."nahihintakutan pang sabi sa kanya ni Lia. "Dito ka na lang Amber. Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo." "Pero hindi ko na pwedeng bawiin ang napangako ko sa team leader natin." "Pero napaka-delikado ang lugar na 'yon." "Huwag kang mag-alala mag-iingat ako. Saka anim na buwan lang naman. Malalampasan ko rin iyon. Uuwi ako ng ligtas, okay. At magkikita pa tayo sa Maynila. At paminsan-minsan ay dadalawin kita rito kaya huwag ka ng mabahala pa." "O-okay. Basta mag-iingat ka."malungkot nitong wika habang nakayuko. "And please, huwag mong ibalita ito kay Gene naiintindihan mo?" mahigpit niyang bilin sa kaibigan. "Ha?" tila gulat pa na tanong ni Lia sa kanya. Mukhang nababasa lang ng kaibigan ang iniisip niya. "Pero bakit? Karapatan niyang malaman iyon dahil fiance mo siya di ba?" "Basta huwag mong sasabihin sa kanya. Kapag sinabi mo sa kanya sigurado akong hindi na ako sisikatan ng araw dun." "At bakit? So concerned naman pala sayo si Gene eh." "Nope! He's just burdened of the responsibility, hindi sa akin."tanging sagot niya. "Naku! Bakit mas matigas at mas malamig pa sa yelo ang puso ng mahal mo, ha? Maghanap ka na nga lang ng iba Amber. Iyong totoong pahahalagahan ka. Kalimutan mo na lang siya."napayo sa kanya ni Lia. "Yeah, that's what I'm doing right now. Magpo-focus na lang ako sa trabaho. Simula ngayon kakalimutan ko na siya. At maghahanap ako ng iba ng mas higit pa sa kanya. Okay na ba iyon, Lia?"nakangiti niyang sabi rito. "Naku, okay na sana kung hindi lang kita kilala. Sige na nga tulungan na kitang mag-impake. Naghihintay na sayo ang sundo mo."wika nito at tinulungan na nga siyang mag-impake. Alam niya na kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi niya. Dahil kailanman ay hindi niya pa rin maipagapalit sa puso niya si Gene kahit na paulit-ulit pa siyang masaktan. Nang umagang iyon ay tuluyan na nga siyang nakaalis sa bayan ng San Joaquin upang tumulak sa bago niyang destinasyon at lingid iyon sa kaalaman ni Gene. Alam niyang hindi malalaman ng binata ang pagkawala niya roon dahil wala naman itong pakialam sa kanya kung tutupad lang sa pangako si Lia na hindi ito magsusumbong kay dito. Gusto pa sana niyang manatili malapit kay Gene pero gusto niyang paghilumin muna ang nasaktan niyang puso at makapag-isip kaya pinili niyang magpakalayo muna rito at iyon rin naman ang kagustuhan nito. Ang huwag siyang makita. Kaya sinunod niya ang kagustuhan ng binata. Halos mag-iisang linggo na nang mapansin ni Gene na hindi niya na nakikita pa si Amber sa bunk house na okupado ng medical team malapit sa base nila. Mabuti naman at sinunod nito ang gusto niya na huwag na huwag itong magpapakita sa kanya sa tuwing naroon siya sa base. Hanggang sa sumunod pa ang ilang linggo. Ang nasa isip lamang niya ay umiiwas lang si Amber sa kanya. Lingid sa kaniyang kaalaman na lumipat na pala ito sa kabilang barangay. Hindi rin naman siya nag-uusisa sa mga kasamahan nito kaya wala siyang kaalam-alam. "Jake, sa tingin mo kakasya na lahat itong pinamili natin?"tanong ni Amber sa kasamahan. Nasa palengke sila ngayon sa bayan ng Isabela, namimili ng pagkain at iba pang supply na kailanganin nila. Ginagawa nila ito isang beses sa isang linggo. "Siguro, okay na to. Bilhin na lang natin iyong iba pang rekados, dok." sagot nito sa kanya. Si Jake ay kasamahan niya sa bayan na pinaglipatan niya. Isa rin itong doktor to be specific isa itong surgeon. Akala niya talaga ay tanging siya lamang ang made-destino sa lugar na iyon na kinatatakutan ng lahat. Pero hindi niya akalain na may kasama pala siya. Noong unang beses ay awkward pa sa kanya hanggang sa makapagpalagayan niya ng loob si Jake. "Sandali lang Jake."pigil niya rito nang nasa bukana na sila ng palengke palabas. Huminto naman ito at sinundan siya ng tingin na lumapit sa nagtitinda ng cotton candy. Napangiti na lang si Jake sa kaniya. Wala na siyang pakialam kung isipin man nitong childish siya. Basta ang gusto niya lang ay kumain ng cotton candy. Ang huling kain niya ng cotton candy ay noong college pa kaya natakam talaga siya. Hindi lang siya nakontento sa isa at dinagdagan niya pa iyon ng isa. "Bakit?"curious na tanong niya kay Jake habang nakangiting pinagmamasdan siya nito. "Makalat ba akong kumain?"inosenteng tanong niya rito na nakapagpatawa lalo kay Jake. Lumapit ito sa kanya. "Medyo."nakangiting turan nito. "Talaga?"aniya na hinimas ang mukha at kinapa kung saan siya madungis. Samantalang sa harap naman ng palengke ay kararating lang ng isang owner type jeep. Bumaba roon si Gene at dalawang mga kasamahan niya. Pero para siyang natulos sa kinatatayuan ng makita si Amber na may kasamang lalaki na nakikipagtawanan dito. At mas lalo pa siyang nainis nang hinawi ng lalaki ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ni Serene. Mabilis ang mga hakbang na tumawid siya papunta sa kinaroroonan ng mga ito. "Serene!"agad na tawag ni Gene sa dalaga. Natigilan naman ang dalaga sa pagkagat sa cotton candy at napabaling ang atensyon sa tumawag sa kanya. Agad siyang kinabahan, nag-iisang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. Nakita niya ang malaking pagkadisgusto sa mukha ng binata nang makita siya. Nagdidilim kasi ang anyo nito at parang bumubuga ng apoy ang mga mata. Napalingon din si Jake sa gawi ng binata. "Ah, J-Jake. T-Tayo na."aniya na agad hinila ang doktor na kasama. Habang wala pang ibang salita na lumalabas sa bibig ni Gene ay tatakasan niya na ito. Agad na kumaripas ng takbo si Serene, hila-hila si Jake papunta sa sasakyan nila at agad sumakay. Habang sumunod rin naman sa kanya si Jake kahit naguguluhan. "Jake, paandarin mo na. Umalis na tayo, bilis." "Okay, relax." "Bilisan mo. Palapit na siya rito."kinakabahan niyang wika. Halos pigilin niya ang paghinga. Nakita pa niya sa side mirror ang paghabol ni Gene sa sasakyan nila. "Who is he?"maya-maya ay tanong sa kanya ni Jake nang makalayo na sila sa palengke. "Huh? Ah... Ano, spy ng dad ko?" humagalpak ng tawa si Jake sa sinabi niya habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. "Ba't ka tumatawa? May nakatatawa ba sa sinabi ko?"inis niyang turan. "Yeah, ang akala ko kasi nahuli tayo ng nobyo mo." Agad namang natigilan si Amber sa sinabi nito. Nobyo? Ulit niya sa isipan. Ni hindi pa nga niya nahahawakan ang mga kamay nito. "Wala akong nobyo. At lalong hindi ko siya nobyo."inis niyang wika. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Jake sa tinuran ng dalaga. "Sige, na ubusin mo na 'yang kawawang cotton candy mo."utos sa kanya ng binata. Inis naman na sumunod siya sa sinabi nito at nilantakan ang kawawa niyang cotton candy. Samantalang sa bunkhouse naman ng medical team ay gulat na gulat pa si Lia nang makita ang nag-aabang na si Gene. Agad siyang napatalikod pero huli na dahil nakita na siya ni Gene. "Lia, wait!"nagkunwari na lang siyang walang narinig at binilisan ang lakad pero natigilan na lang siya nang may humablot sa kanyang mga braso. "Ano ba, Gene! Nakakagulat ka naman!"pagkukunwari niya. "I called you." sa halip ay sabi nito. "But you pretend to not hear me." Halos isumpa na ni Lia ang kaibigan sa isipan. Hindi pa rin niya maintindihan bakit ayaw nitong malaman ni Gene na nagpadestino siya sa ibang barangay. "Ano? May kailangan ka?" "Yes. May I know where is Serene?"tanong nito na nag-aabang sa isasagot niya. "Serene?"pakunyaring wala siyang kilala na Serene kahit alam naman niyang si Amber ang tinutukoy nito. " I mean, Serene Amber. Can I talk to her?"nakita niya sa mga mata ng binata ang kagustuhan nitong makausap ang kaibigan niya. Kaya naman may pumasok na ideya sa kanya. "Bakit? Hindi ba't ayaw mo siyang makita." "Lia, I really need to talk to her."mariing sabi nito na tila ba pinipigilan ang pagkaubos ng pasensya. Lihim siyang napangiti sa naging reaksiyon ng binata. "Oh, but she's not around, Lieutenant Laxamana."tudyo pa sa kanya ni Lia. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito at pagdidilim ng mukha. Napakuyom rin ito ng kamao. "Why? Where is she? Is she still with her man?"galit nitong tanong sa kanya na para siyang lalamunin. Natigilan rin si Lia sa sinabi nito. "M-man? W-Who's that man? Sa pagkakaalam ko ikaw lang naman ang man niya." sa halip ay sagot niya na lalong ikinainis lang ni Gene. Pabalya siyang binitiwan ng binata. "Tell me when she's around! Tell her that I need to talk to her!" galit nitong turan at iniwanan na siya. Saka lang siya nakahinga ng maayos. Sinimangutan na lang niya ang papalayong binata. "Buti nga sayo!"nawika niya. "Hello, Amber! Amber!"paulit-ulit na tawag sa kanya ng kaibigan. "Ano ba! Huwag ka ngang sumigaw. Parang miss na miss mo na ako ah."tuwang tudyo niya sa kaibigan. Nandito ngayon siya sa isang tindahan kung saan may signal booster ang may-ari at nakikitawag. Mahirap kasi makalap ang network signal sa barangay kung nasaan siya nakadestino ngayon. "Hindi kita na-miss, noh! Ang supladong Gene mo ang gumugulo sa buhay ko rito! Palagi ka niyang hinahanap sa akin! As if naman ibinulsa kita." "Hayaan mo siya."tanging tugon niya. "Hayaan? Eh, araw-araw niya akong binubwisit dito hindi na matahimik ang halang kong kaluluwa. At saka ano tong nalaman kong may lalaki ka raw? Totoo ba?" "Ha? B-Baka si Jake iyong tinutukoy mo." "Jake? Sinong Jake at bakit ngayon ko lang narinig ang pangalang iyan, ha? Talaga bang ipinagpalit mo na si Gene!? Wow, congrats, Amber!" "Tumahimik ka nga! Kasamahan ko siyang doktor dito kaya huwag kang mag-isip ng kung ano diyan." narinig niya ang pagbungisngis ni Lia sa kabilang linya. "Talaga, guwapo ba? Matangkad kasing kisig ng Gene mo? Ano sagutin mo ako? Kung ayaw mo sa kanya sa akin na lang." "Tumigil ka nga. Basta huwag mong sabihin sa kanya kung nasaan ako." "Yeah, hindi ko nga sasabihin. Pero sa palagay ko naiinis na sa akin si Gene, baka anumang oras ipadampot niya ako sa kanyang mga tauhan at ipa-firing squad pag di ako umamin." "Lia! Ano ba, yung imahinasyon mo lumalawak." "Alam ko. Pero sa palagay mo ba mapipigilan ko siyang alamin. Hindi lang naman ako ang may alam na nandidiyan ka. Maraming nakakaalam kaya maghintay ka one of these days ay isisilid ka ng sako ni Gene at isasakay ng bangka pauwi ng Maynila." medyo nangilabot siya sa sinabi ng kaibigan. "No! Hindi ko hahayaan na gawin niya iyon." "Well, let us see."wika nito. "Sige na, Lia. Puputulin ko na to, nilalamok na ako rito at baka naiinip na sa paghihintay sa akin si Jake. Bye na. Balitaan mo na lang ako." "Okay, bye." Ibababa na sana ni Amber ang tawag pero sumingit pa ang kaibigan sa kabilang linya. "Wait, Amber." "Bakit?" "Si Jake mo, ipakilala mo siya sa akin, ha?"lambing pa nito sa kanya. Napatawa nalang siya sa sinabi ng kaibigan. "Yeah, kaya huwag kang ma-disappoint kapag pinakilala ko sa'yo si Dok Jake. Isa siyang matandang kalbong doktor na diborsyado na sa asawa na may limang anak." natatawang tudyo niya sa kaibigan kahit na kasalungat naman noon sa paglalarawan niya ang tunay na anyo ng binata. Talagang gusto niya lang itong inisin. "Pwe! Tigilan mo nga ako, Serene Amber! Huwag mo akong pinagloloko dahil hindi mo ako maloloko. Hindi mababaliw kahahanap sa'yo si Gene kung hindi makisig ang kasama mong si Jake. Bleeh!" sagot naman nito saka siya pinatayan. Teka, mukhang siya yata ang naisahan ni Lia ah, sa isip niya. Naiiling na napangiti siya. Agad siyang napalingon nang maramdaman ang mainit na bagay na bumalot sa kanya sa likuran. Ang nakangiting mukha ni Jake ang nasalubong niya habang binabalot siya nito ng sariling jacket. "Malamig na baka sipunin ka."wika nito. "Thank you."tanging tugon niya. "Tayo na?"anyaya nito sa kaniya na iminuwestra siya patungo sa sasakyan. "Okay." Samantalang sa higaan ay hindi na naman dalawin ng antok si Gene. Ilang linggo na niyang inaabangan si Serene subalit ni minsan ay hindi nagtagpo ang landas nila. Sa tuwing tatanungin naman niya ang kaibigan nitong si Lia ay marami naman itong palusot kaya nabubwisit na siya. Maski ang mga tauhan na inutusan niya na abangan ang paglabas ng dalaga sa bunkhouse ng mga ito ay ni anino ni Serene ay di nakita. Kaya talagang nagdududa na siya kung nasaan na nga ba ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalilimutan ang tagpong iyon na kaniyang nadatnan sa palengke. Hindi niya alam pero kumukulo ang dugo niya sa lalaking iyon. Sa lalaking nangahas na hawakan si Serene. Talagang naiinis siya. Agad na naman siyang napabiling sa kabilang banda naiisip kung bakit siya nagagalit gayong wala naman siyang pakialam kay Serene. Wala siyang pakialam dito kahit na ipinapangalandakan nito na fiance siya nito at malapit na silang ikasal. Dahil sa una pa lang wala naman siyang balak pakasalan ito. He would never betray his girlfriend, Selene-ang ate ni Serene. Well, hindi naman talaga tunay na magkapatid ang dalawa dahil tanging ampon lang naman ng mga magulang ni Selene ang batang musmos noon na si Serene. Tanging ang tinitibok lamang ng puso niya ay ang kapatid nito. Si Selene lamang ang mahal niya. Siguro dahil naninibago lamang siya na may kasamang ibang lalaki si Serene at close ang dalawa kaya siguro ganoon ang nararamdaman niya. It is just his instinct as a protective brother. Dahil kapatid ito ni Selene, at ayaw niyang basta maloko ang kapatid nito kaya siguro nagkakaganoon siya. Nawala na sa kanya si Selene at nangako siya dito na poprotektahan niya ang itinuring nitong kapatid kaya siguro ganoon ang reaksiyon niya. Iyon ang pangungumbinsi niya sa sarili. Halos mag-uumaga na nang makatulog siya. Hindi pa sumisikat ang araw ay abala na si Serene sa paghahanda ng mga kakailanganin nila mamaya sa medical mission na magaganap sa kabilang barangay. Naimbitahan kasi sila ng governor na sumali sa gagawing medical mission, ang libreng konsulta at maging doctor to the barrio pansamantala. Kaya saktong alas singko ay nakaalis na sila ni Jake at dalawang nurse na kasamahan papunta sa barangay kung saan gaganapin ang konsultasyon. Kahit papaano ay minsan nawawaglit rin sa kanyang isipan ang mga imahe ni Gene. Ang pagkadigusto nito sa kanya at ang katotohanan na kailanman ay hindi ito magkakagusto sa kanya. Mga alas sais y media pa lang ay nakarating na sila sa venue. Tuwang umibis siya sa sasakyan at pinagmasdan ang bagong kapaligiran. Subalit ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga nakahilerang sundalo na kararating lang. At sa malamang ay nakita niya si Gene sa mga hanay nito. Agad siyang napatalikod at napabalik ng sasakyan. "Dok, Amber may hinahanap ka po?"tanong ng isang nurse na kasamahan niya. Patay-malisyang ngumiti siya rito. "Oo, eh. Iyong mask, saan ko nga ba nailagay iyon?"aniya. "Heto po, dok." abot naman sa kanya ng isa pang nurse na si Therese. Hindi na siya nagdalawang isip pa at kumuha agad ng dalawang mask at agad na sinuot. Ayaw niya kasing makita siya roon ni Gene. Inabala niya ang sarili at tumulong na sa pagdidiskarga ng mga gamit. Bigla na naman siyang natigilan nang may marinig mula sa likuran. "Ma'am tutulungan ka na po namin."wika ng isang sundalo. Nakita niya iyon sa kanyang peripheral vision. Agad siyang naalerto. "Naku, huwag na. Kaya ko na to."wika niya. Sila na lang tulungan ninyo. Tukoy niya sa kasamahan na nurse. Agad niyang binitbit ang isang di kalakihan ng box at pumunta sa pinakasulok ng venue. Doon siya pumwesto para hindi siya kaagad mapansin. Naiinis siya at bakit nagkataon pa na nandito rin ang grupo nila Gene. "Dok Amber, ayos ka lang?"tila nagulat pa siya sa katabing nagsalita. "J-Jake?"tila gulat pa siya sa pagpukaw sa kanya ng binata. "What's wrong with you?"naguguluhang tanong sa kanya ni Jake. "N-Nothing."tanging tugon niya. Nang lumaon ay nagpasalamat na rin siya dahil dumami na ang mga tao at natatabunan na siya sa kumpulan ng mga ito. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi naman niya nakuha ang atensyon ni Gene. Busy rin kasi ito sa hanay ng mga tao para siguraduhin na walang makakalusot na mga kahina-hinala at may masamang balak. Napabuntung-hininga siya at sinimulan na ang serbisyo. Malapit nang magtanghali nang may lumapit sa kanila na isang ginang nagmamakaawang tingnan ang nahimatay nitong asawa malapit sa mosque. Dahil ayaw rin naman niyang makita siya doon ni Gene ay nagprisinta na siyang siya ang tumingin sa pasyente kahit na labag man iyon sa kalooban ni Jake. Ayaw kasi siyang paalisin nito at iminungkahing ibang doktor nalang ang ipadala roon pero sadyang siya lamang ang mabait dahil siya lang ang mag-isang nagprisinta kaya natuwa siyang malaman iyon. At least, makakatakas na siya sa presensiya ni Gene. Nangingiti siyang isinukbit sa balikat ang isang medical bag at sumunod na sa ginang at kasamahan nito. Pagdating niya roon ay nakita niya ang lalaking walang malay na nakadapa sa tiles sa loob ng mosque habang pinapapaypayan ito ng mga kasamahan. Agad niyang sinuri ang lalaki at ginawa ang first aid na nararapat rito upang magkamalay na ito. Sinuri niya ang mga vital signs nito at sa palagay niya ay na heat stroke lamang ang matanda dahil sa sobrang init ng panahon. Maya-maya lang ay nagkamalay na nga ang matanda at tuwang nagpasalamat sa kanya ang matanda. "Maraming salamat po talaga dok."naluluhang wika ng ginang. "Walang anuman iyon. Para masiguradong walang komplikasyon ay iminumungkahi kong pansamantala muna siyang magpahinga doon sa observation area namin para naman maobserbahan siya kahit papaano at doon ko na lang din siya reresetahan ng gamot."nawika niya. "Okay po dok. Maraming salamat talaga." nakangiti lamang siyang tumango sa ginang at inumpisahan nang ligpitin ang mga gamit upang makaalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD