Prologue

1426 Words
“Ate, may mini performance kami mamaya para sa Character Development subject namin, pupunta ka ba?” malungkot na tanong sa akin ni Tala. Ilang events na kasi sa school n’ya ang hindi ko napuntahan dahil natataon iyon sa tuwing nagkaka-problema si Drei. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Madalas kaming nag-aaway dahil lang sa mga walang kwentang bagay. Gaya na lang kagabi, we fought because of a freaking charger! Dahil lang hindi ko agad natanggal ‘yong charger sa cellphone n’ya. Galit na galit s’ya sa’kin. I know that he’s using drugs again kaya ganoon na lang ang mabilis na pagbabago ng mood niya. Magaling lang talaga magtago si gago. Kapag nahanap ko talaga ‘yong mga drug parapernalya n’ya, papalamon ko talaga ‘yon lahat sa kan’ya kasama lighter. Hinagod ko ang maitim at mahaba niyang buhok at nginitian. “Oo, naman, pupunta si Ate. Anong oras ba ‘yun?” Mabilis na nagliwanag ang mukha ng aking kapatid. Nitong mga nakaraang araw kasi ay malungkot s’ya dahil nasa ospital pa rin ang kapatid kong si Bituin. Habang tumatagal ay lalong nagiging worst ang kalagayan ng puso n’ya. Hindi ko kakayaning mawala ang kahit na sino sa kanila. Ang mga kapatid ko na lang ang tanging nagbibigay ng lakas ng loob sa akin dahil wala naman na akong mapapala kina Mommy at Daddy. They are more focus on living their own lives and hating each other. “3 pm, Ate. ‘Wag mong kalimutan, ah. Kapag nakalimutan mo bibili mo’ko nang bagong cellphone,” nakangiting sabi niya. “Ay, sure na sure na ‘yan na hindi makakalimutan ni ate dahil wala akong perang pambili ng bagong cellphone,” Natatawang ani ko. Ginulo ko ang buhok niya at sinabayan siya maglakad kung saan naroon ang kotse. Pagkahatid ko kay Tala sa school ay dumiretso na rin ako sa may Immaculate Colleges. Ilang maiinit na mata at bulung-bulungan ang sumalubong sa akin. Saglit akong tumigil doon sa mga nagkumpulang bubuyog na alam na alam ko namang ako ang pinag-uusapan. “Anong meron? Pa-share naman ng chika, mukhang ako ang bida d’yan. Baka naman,” patuya kong saad. Sabay-sabay silang nagkulay suka sa narinig. “W-wala naman, Sinag. Ang ganda mo lang today,” kinakabahang wika ni Sally, isa sa mga student council. I rolled my eyes at them and then flipped my hair before I turned around. Dumiretso na ako sa classroom ko pagkatapos. Drei and I are classmates on the first period kaya nagtataka ako na malapit nang mag-alas diyes ay hindi pa rin siya dumarating. Walang dumating na Drei hanggang sa matapos ang klase. Nagsimula nang uminit ang ulo ko kaya napagpasyahan ko nang tawagan s’ya. I keep on calling him but he is not answering my call. That’s it. Kailangan ko na naman siyang puntahan. Mukhang may hang-over na naman kaya hindi nakapasok. Vacant ko ng three hours kaya may oras pa ako para kaladkarin siya mula sa kama niya para makapasok sa susunod niyang klase. Ang hirap na magpalaki ng mga magulang at kapatid, pati ba naman sa boyfriend ako pa rin? Kailangan ko na talagang magpagawa ng rebulto ko sa plasa one of these days. Dahil sa yamot kong nararamdaman ay mabilis akong nakarating sa apartment n’ya. Hindi ko na na-park nang maayos ang aking sasakyan at dali-daling kinuha ang susi at sinaksak iyon sa seradura ng pinto. May halong kaba iyong inis na nararamdaman ko. Dama ko ang panlalamig ng kamay at pagbigat ng dibdib habang tinutulak pabukas ang pinto. My eyes began to cloud when a potent chemical smell welcomed me right after I opened the door. Nagkalat rin ang mga basyo ng alak, upos ng sigarilyo at mga parapernalya ng lintik na bisyo niya. His phone was on the floor as well as his shorts and underwear. Lalong dinaga ang dibdib ko nang madako ang paningin sa isang pares ng undergarment na pambabae. Kahit na pilit itinatanggi sa isip na hindi niya magagawa iyon ay tila ba may demonyong bumubulong sa akin na “sige, lokohin mo ang sarili mo.” Para akong tuod na naglakad patungo sa kanyang silid. Mas malinaw na sa akin ang hinala nang may maulinigang halinghing. Punyeta, ang aga-aga. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit dahan-dahan pa ang ginawang pagtulak sa bahagyang nakasarang pinto. Habang palakas nang palakas ang kasalanang naririnig ay pahigpit rin nang pahigpit ang kapit ng hapdi sa aking puso. “f**k, Drei. You are so...Ahhh..Big,” the girl moaned. She was at the top, dancing with the tune of lust. Expertly devouring the lustrous body that used to be mine. Seeing Drei’s face close to extreme made my soul crash. Hindi pa nakuntento ang babae, she pulled herself from his shaft without taking away her gaze. Drei smirked when the girl started to lick him down to his throbbing c**k, giving it a hitch-hiking to heaven. Hindi ko makuhang gumalaw, humakbang o kahit pumalahaw ng iyak. Wala na akong maramdaman. I keep my eye on Drei’s face. Namumula ang tsokolate niyang mga mata, bakas ang ligayang hatid ng droga. I started asking myself kung saan ba ako nagkulang? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Bakit hindi ako ang naging sapat na dahilan upang magbago s’ya? Lahat ng tanong na ‘yon ay parang mga punyal na sabay-sabay tumusok sa puso ko. Then my chest started to burn in anger. Blood boils down from my heart to my sanity. Doon ko unti-unting nadama ang galit. Hindi na ako nagbilang, hindi ko na pinigilan. Sapat na ‘yong maikling oras na ninamnam ko ang pasakit ng kasalanan nila. Hinila ko ang buhok ng babae. Doon ko malinaw na nakita ang ang kabuuan ng mukha niya. It was Carla, he's so called "friend.” Pinilit ko siyang itayo, hila-hila pa rin ang buhok. She was screaming in pain. Her sweat smells like ammonia. It was the result once the body absorbed the meth. Kita mo nga naman, kung sino pang mahinhin ay siya pa pala ‘yong pwedeng maging ahas. “S-Sinag, s-stop…Masakit,” she whimpered. Bawat panaghoy niya’y nagsilbing musika sa aking tainga. I can feel her tears streaming down from her face right through my hands. I keep slapping her face. It made me feel good and powerful. “Drei, help!” Hinarap ko siya sa lalaking tinatawag niya. Ganoon na lang ang pagpalahaw ng iyak niya nang makitang mahimbing na itong natutulog. Sa dami ng kalat sa labas ay hindi na ako nagtaka. He used it without limit until he reached the sky. Sana hindi na siya magising na animal s’ya. “Ayan, tang’na mo paano ka tutulungan niyan!?” nanggigigil kong sigaw. “T-Tama na, Sinag. Nasasaktan ako,” pagmamakaawa n’ya. “Eh, anong tawag mo sa nararamdaman ko ngayon? Gago!” “Minahal ko lang si Drei, Sinag. Patawarin mo ako, h-hindi ko na uulitin,” bulok na katwiran niya. Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Minahal lang? Kung makapag-makaawa s’ya ay parang s’ya iyong argabyado rito. Hindi lang nila ako isang beses pinatay. Paulit-ulit nila akong sinaksak patalikod. Alam kong hindi lang isang beses nila ginawa ‘ito. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang mga pagbabago ni Drei nitong nakaraang linggo. Kinaladkad ko siya palabas ng silid. Wala akong pakialam kung wala siyang saplot. Gusto ko siyang mawala sa paningin ko. “S-Sinag, please. Aalis ako, promise pero pagdamitin mo naman ako,” lumuluhang pakiusap niya. “Gusto mo ‘yan ‘diba?! Halika rito. Ipa-free taste mo sa labas!” “P-Parang awa mo naman na. Papatayin ako ng tatay ko kapag umuwi ako nang ganito.” Hilam na hilam na ng luha ang kanyang mga mata. Ramdam ko rin ang pagdulas ng kamay dahil sa mga buhok niya unti-unti ko nang nabubunot.“ "Wag kang mag-alala, ipalilibing kita. Pati pang-babang luksa mo ako na ang bahala. Labas!” Pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi nagpatalo ang galit ko. Inubos ko ang lakas ko para lang mapalayas siya sabay sipa palabas at pabalagbag na sinarado ang pinto. I screamed and cried until I lost my voice after I kicked her out. Nang kumalma ay nilinis ko ang mga kalat nila. Tumatawa ako habang umiiyak sa gitna ng ginagawa. Kinaya ng sikmura kong damputin ang mga damit nila. Ganito pala ang pakiramdam ni Mommy sa tuwing nasasaktan siya sa unfaithfulness ng daddy ko. I realized that I am like her. Magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan para sa lalaking mahal. Bakit ko nga ba pinaabot pa nang ganito katagal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD