SYNOPSIS

295 Words
'Hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan ang pagsubok sa buhay. Dahil hindi iyan ibibigay sa iyo kung hindi mo kayang harapin at lampasan.' Nagkasala ang isang Justin Aragon sa babaeng pinakamamahal niya. Nabulag siya ng kapusukan at matinding pagnanasa kaya nakagawa siya ng isang bagay na naging dahilan ng pagkasira ng namumuong relasyon sa kanilang dalawa. At halos ikasira na rin ng buong buhay niya. Labis siyang nagsisi sa kanyang pagkakamali pero kahit anong pagsisising naramdaman niya ay hindi na nito maibabalik ang lahat. Pinarusahan niya ang sarili sa kasalanang nagawa. Halos sumuko na siya at ilang beses na sinubukang wakasan ang sariling buhay. Pero parang may ibang plano pa ang nasa itaas sa kanya dahil nagigising pa rin siyang buhay at humihinga. Kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay, buhay na puno ng lungkot at walang kulay. Walang saya at walang pag-asa. Buhay lang siya at humihinga pero deep inside ay itinuring na niya ang sariling parang patay na. Nasaktan, naghirap at nagdusa. Pero lahat iyon ay tila napawi nang dumating ang isang Sunshine Langusta sa buhay niya. She became his personal nurse, personal assistant, personal maid, personal in EVERYTHING. She became his everything. At mula ng makilala niya ito ay muling nagkakulay ang buhay niya. Sumaya, sumigla at unti-unting bumalik sa dati. Sa madaling salita si Sunshine ang kanyang naging liwanag at bagong pag-asa. Liwanag ang naging hatid ng dalaga sa madilim niyang mundo. Pero makakaya rin kaya nitong paghilumin ang sugatan at bigo niyang puso? O panibagong sakit ang maging dulot sa kanya nito? Isang lalaking halos nabaliw dahil sa pag-ibig sa isang babae. Pag-ibig din kaya ang makakapag-pagaling sa kanya? O magiging dahilan pa iyon ng lalong pagkasira at pagkabaliw niya? *R18 *Read at your own risk *Not suitable for young readers
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD