Uno

2205 Words
Sa probinsya ng Antipolo City sa barangay San Jose. Papasikat pa lang ang araw sa kanilang lugar pero... "SHEAAAAA!! Aba gumising gising ka nang bata ka, malalate ka na sa eskwelahannn" kalabog ni Nanay sa pintuan. Ang aga-aga pa eh! Tumingin ako sa orasan. Alas quatro pa lang! Pero si Nanay nang gigising na! "Opoo 'nay babangon na!" Sigaw ko pabalik. Bumangon na ako saka nag ayos ng higaan. Nag sipilyo at naligo ako. Nag ayos ng sarili at nag suot ng simpleng shirt na puti at maong na sa pangbaba. Kinuha ko ang naka hanger na uniporme sa aparador saka tinupi sa libro para hindi magusot. Sayang sa kuryente at oras kung gagamit pa ako ng plantsa. Bago lumabas nag suklay muna ako at pulbo. Kailangan mag ayos-ayos dahil unang araw ng pasukan. "Mabuti naman at naka baba ka na. Ang bagal mo kumilos, akala ko aabutin ka pa ng siyam siyam eh" iling na sabi niya. Si nanay talaga oh! Matagal pa ba yung kalahating minuto? Hindi naman kasi ako si flash eh. "Oh kumain ka ng marami para may lakas ka sa eskwelahan" sabay lagay ng maraming gulay at kaunting tilapia. Hindi naman ako vegetarian pero ganon talaga si nanay. Siya ang may bahay kaya siya ang masusunod. Habang si tatay naman ay namayapa na dahil sa aksidente. "Nay, hindi po muna ako tutuloy sa college para maka tulong sayo sa pag bebenta" napa tingin siya sakin. "Ilang beses na natin to pinag usapan. Hindi ka titigil" mariin niyang sabi, "Isa pa wala akong kayamanan na maipa-mamana sayo, gusto ko bago mamatay manlang eh napag tapos kita ng kolehiyo. Hindi biro ang hindi makapag tapos" dagdag pa niya. Ang kulit talaga, hayssss. "Nay naman ih! Mag iipon muna ako bago mag kolehiyo. Kayo na rin po nag sabi, mataas ang matrikula" "Kelan ko yon sinabi?" "Kakasabi mo lang po kahapon ah, si nanay makakalimutin na" biro ko kaya napalo ako sa braso. "Nanay naman!" "Pinagloloko mo nanaman ako bata ka! Kumain ka na nga lang diyan" Napanguso ako. Eh totoo naman ah. Nagsasabi lang ng totoo, hmp! Pagkatapos makakain ako na ang nag hugas ng pinagkainan. Umalis din agad kami ni nanay patungong palengke. Tumutulong ako sa pagbebenta para hindi gaano mahirapan si nanay. "Ale! Dito ka na bumili samin, mura lang oh, saka bagong pitas yan" magiliw kong aya. "Talaga lang ha? Ibabalik ko ito kapag hindi maganda" sabi nito habang nag titingin tingin ng mga gulay. "Peksman Ate ganda! Mamatay ka man este mas gaganda at babata ka!" Tinitigan niya muna ako bago nilagay sa supot na nakahanda ang mga nakuha, "Sus bolera ka" "Salamat sa pagbili! Sa susunod Ate ganda ha!" Sigaw ko habang tinatanaw ang pa-alis na babae. Napangiti naman ako. Naka benta ulit ako! Mabilis nilagay ko ito sa bulsa para hindi manakaw ng kung sinong hudas. "Shea!" "Nay, bakit?" Pumasok ako sa loob. "Mag bihis ka na para maka pasok na. Mamaya ay malate ka pa" bilin niya saka tumayo at nagpunta sa labas. "Opo 'nay!" Pagkatapos makapag bihis ay tinirintas ko na ang sariling buhok. Nag lagay ng pulbo para hindi naman mukhang pagod at haggard. Haysss sinu-sino kaya bago naming kaklase? Miss ko na sila lalo na yung limang itlog na pagka ingay. Wala silang pake kung maingayan ang iba ang mahalaga ay nagagawa ang gusto at masaya ang tropa. Lumabas na ako para makapag paalam kay nanay bago pumasok. "Nanay papasok na ho ako!" Sabay halik sa mag kabilang pisngi nito at niyakap ng sobranggggg higpit. "Jusmiyo kang bata ka! Bitaw!" Pinalo niya ang likod ko. "Nanay naman" nguso kong atungal. "Papatayin mo ba ako? Hala sige larga na't makapasok ka. Kapag ika'y nahuli masasapok kita sa ulo" saka tinaboy ako papa alis. "Mami-miss kasi kita 'nay eh! Kahit kelan talaga napaka sweet" bulong ko. "Wag ka nga bubulong bulong diyan Shea! Para kang demonyo!" Sigaw niya. Hala si nanay may super powers, astigg!! "Hindi naman ho ako bumubulong eh! Paalam 'nay!" Kinuha ko ang skateboard. Ito lang kase ang meron ako. Ang nagturo naman sakin gumamit ay yung mga kaklase kong lalaki. Tropa tropa kaming lahat. Well syempre kapag indibidwal tulungan lahat at kapag grupo-grupo naman ganon pa rin. Nakakatawa nga lang na mismong guro namin simula grade 7 ay guro na namin siya. Si Sir Vhinmar. Minsan napag kakamalan siya ni nanay na bakla dahil daig pa daw nito ang babae sa ganda ng decorations ng room namin taon-taon. "Sheaa!!" Tumigil ako sa pag skateboard at tinungo ang panenderya ni Mang Simon. "Oh ito baonin mo. Libre na yan kaya wag ka umangal" sabay bigay ng isang supot ng pandesal. Napangiti ako sa kabaitan nito, "Salamat, Mang Simon! Sana magka asawa ka na!" Napangiwi naman ito, "Magtigil ka Shea. Wala na sa isip ko ang mag-asawa pa ulit, sapat na sakin si Aiyana" "Oh sige ho, ayan ang sabi niyo eh. Pero kung mag–" pinitik niya ang noo ko. Masakit! "Aray naman, Mang Simon talaga. Nagbibiro lang" "Puro ka kalokohan. Hindi na mag babago isip ko. Sandali nga't tatawagin ko si Ai" Saka siya umalis. Binuksan ko ang paper bag saka kumuha ng dalawa at nilagay sa bag ang supot. Mahirap na buraot pa naman sila. Ilang sandali pa ay bumaba na si Tito kasama si Ai na kakamot kamot sa ulo habang nag susuklay. "Ikaw talaga napaka bagal mong bata ka. Bilisan mo na kanina pa nag aantay si Shea oh!" "Tay naman bagal lang hindi 'napaka'. Iba na yun eh" katwiran niya kaya napabatukan ni Tito. Mahina naman ako tumawa. "Ganoon din iyon, sige na't lumarga na kayo" Binigay na ni Tito ang baon ni Ai saka kami sabay na nag skateboard papunta sa private school. Magdallena School. "Tingin mo may bago tayong kaklase?" Tanong ko at nilagay sa likod ni manong guard ang skateboard naming dalawa. "Ewan ko, alam mo naman si Sir eh. Puro sa kabilang section nililipat ang mga transferee" sagot niya at sumubo ng isang buong pandesal. Takaw! "Ang dugyot mo kumain! Hindi ka naman mauubusan eh" saway ko at pinagpag ang pantaas niya. "Tss, pagkarating natin sa room ubos lahat ito lal—" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng may dumamba sa likuran namin. Dalawang malaking baboy lang naman. "Yow ang aga natin nag sipasok ah" si Thea habang naka akbay sakin. Kawawa naman ako, kami pala. "Woy pandesal, pahingi ah" hindi pa pumapayag si Ai ay nakakuha na si Clea. Napaka buraot talaga. Hinampas ni Ai ang kamay ni Clea, "Tanginamo, hindi pa nga ako pumapayag eh!" Reklamo niya. "Sus, ganoon din yon! Pumayag o hindi syempre kukuha pa din ano" si Sarah sabay kuha sa paper bag. Nakatikim naman siya ng hampas kay Ai. "Isa ka pa Chua! Mawalan ka sana ng load, letse ka!" Natawa na lang ako habang naiiling. "Ulol! Pakyu! Mag lilive daw si Lino kaya kailangan makapanuod ako!" "Hmp! Kairita kayo talaga!" "Owws? Mahal mo naman kami eh. Tsaka matitiis mo ba kami?" Singit ko. "Ohh! Hindi nakaimik ano? Mahal mo naman kami eh, mwa mwa" tawang sabi ni Clea at pilit hinahalikan sa pisngi si Ai. Buang talaga. "Teka nakita niyo na ba si Ate Khione?" Tanong ko habang pa-akyat kami sa hagdan. Nagkibit balikat lang ang dalawa habang nakain pa rin. "Ewan ko, tara bilisan natin para ma-abangan sa gate" hinatak ako ni Sam pataas at tumakbo kami pataas. "Gago!" Hinampas ko siya sa braso nang makarating sa pintuan, "Nakakapagod kaya tumakbo! Ang taas pa naman ng hagdan" nakaka inis talaga minsan ang mga to. "Ayaw mo yon nakapag exercise tayo!" Tinaasan ko siya ng kilay, "Ang sabihin mo tinatamad ka may exercise ng walang kasama! Kaya hindi ka pumapayat eh" iling kong sabi. "Humph! Nakakapagod kaya" "Buang ka! Walang exercise na hindi nakaka pagod" bara ko at nilagay sa upuan ang bag. "Shea!" Napalingon ako sa sumigaw. "Nakita mo na ba si Ishi?" Nailing na lang ako at naglakad palabas sa pintuan. "Hindi ko pa nakikita bebe mo! Tignan mo na lang sa kabilang room" habol ko bago tuluyan maka labas. Si Traise talaga. Muli kami bumaba sa gate at inabangan si Ate Khione. May ikkwento daw siya about sa love life niya at samin niya lang sinabi. Kapag kila Aiyana at Thea kasi pinag kakalat eh. Delikado na baka makarating sa Ate niya. Dakilang tsismosa pa naman. Nakarating na sila Yssa, Aerus, Zylex, Clarence, Trixia at iba pa naming kaklase pero wala pa rin yung isa. "Hoy tara na. Baka late nanaman si Ate" aya ko at hinatak na siya patayo. Sakto namang dating ni Ate Khione kasama ang Ate nito. Mabilis na lumapit kami sa kanya. Kinuha ko ang lunch box niya at si Clea naman sa bag niya. "Aga niyo ah, kanina pa kayo nag-aantay?" "Oum! Bilisan na natin baka dumating na si Sir. Bumuga pa ng apoy" tawang biro ko at nag unahan sa pag akyat. Kamuntikan pa ako matisod habang si Clea ay nakakapit agad sa railings kundi ay gugulong siya pababa. "Tangina niyo!" Sinisi pa kami. "Gaga ka kasi dapat nag lakad ka na lang napala mo" biro ko kaya nahampas naman ako, "Masakit! Bigat pa naman ng kamay mo" "Tse! Tara na nga, baka dumating na si Sir" Bago pumasok sumilip muna ako sa kabilang room at hinanap si Ishi. Hindi nanaman ako tatantanan ni Traise kakatanong sa jowa niya. Ginawa pa akong google, amp. "Pre, nakita mo?" "Oo kaya umupo ka na. Magkikita naman kayo mamaya eh" Kinikilig na tinapik niya ang balikat ko saka naupo sa upuan. Dumating na rin si Sir na may dalang pagkain. Imbes na magpakilala sa isa't isa ay hindi na ginawa. Wala namang bago samin at medyo nakakasawa na rin. Nakakasawa na pala. Puro pag mumukha nila nakikita ko eh. "Shea! May marker ka daw tanong ni Sir" sigaw ni Claire (Clarence) "Saglet!" Sigaw ko pabalik habang nag hahanap sa bag. Mabilis ko naman binato sa kanya at nasalo niya naman bago binigay kay Sir. "Mauuna na ako ah. Pakabusog kayo para may energy. Bukas na lang ulit" lumabas na si Sir at nagpunta sa faculty. "Ayos! Maagang lumabas si Sir" "Hayss mabuti naman, gusto ko na umuwi" "Sino kaya next teacher? May bago daw eh, pero bagong kaklase wala" tanong ni Clea. "Oo nga tapos ikaw pinag palit" hirit ni Zylex at tumawa. Tumawa na din lahat. "Gago ka Lex" "Hahaha oo nga eh, sino nga yun si Clyde ba?" Zylex. Mali naman hula eh. "Tanga hindi si ano ata eh si Poseidon yon!" Singit ni Acey. "Ayun si Dionysus pangalan eh!" Thea. "Tangina niyo gago. Baka nandito lang ako" simangot na sabi ni Clea. "Suss, muling ibalik ang taaAmiss ng pag-ibig" kanta ni Zylex at pumiyok pa. Nagtawanan naman kami. Jusmiyo. Parang matatanggal panga namin kakatawa. "Gago Lex, ayos lang yan pre" tawang sabi ni Clarence. "Hayaan mo pre nandito kami oh, dadamayan ka namin" nakahawak sa balikat na sabi ni Traise. Amputa! Para namang namatayan si Zylex sa ginagawa nila. "Gago hindi pa ako patay iniiyakan niyo na ako!" Mura niya samin. "Oy! Oy! Oy! Nasaan yung holly water? Amina para mabasbasan si Zylex" kumuha siya ng alcohol sa bag at binuksan ng bahagya. "Gago pre itigil mo yan, hoy!" "Tangina hoy!" "Amputa naman Hahahaha" "Nawa'y pagpalain ang kaluluwa ni Zylex, Amen" sabi ni Aerus habang nakatapat ang kanang kamay sa ulunan ni Zylex at naka pikit. Feel na feel niya talaga ang pagiging pari. Naiiling na tumingin ako sa bintana at sumandal. Wala naman ako makikita sa labas dahil sa pauso ni Sir ngayon. Bird box daw kami. Sa tagal ko natulala ay nag tubig ang mata ko at naluha. Umayos naman ako ng upo bago napa singhot at nagpunas ng pisngi. "Hala tangina niyo pina iyak niyo si Shea" komento ni Ai. "Hoy, sino nag paiyak dito ha?" Matapang na tanong ni Aerus at tumayo pa sa upuan. Kunwa'y pinatunog nito ang kamao pero wala naman. Natawa naman ako sa kanila. Over protective. "Baka naalala nanaman si Yoko" sinamaan ko ng tingin si Thea. "Sira ulo, at bakit ko naman siya maalala, aber?" Tass kilay na tanong. "Duh! Malamang hindi ka pa nakakapag move on" irap ni Gia. "Sus, palibhasa nandiyan ka sa jowa mo eh" asar ko, namula naman ang babae. "Yiiee Gia ha, pasimpleng galawan. Hoy Zylex panagutan mo yan!" Umamba pa ng suntok si Aerus. Jollibee mode nanaman. "Mga hindot nandiyan na si Sir" napa tingin ako sa harapan. Nandiyan na nga si Sir Mark, teacher sa Math. "Nandiyan na si Sir" sabi naman ng isa. "Gago, si Sir nandiyan na" sigaw na pabulong ni Claire kay Aerus. Humarap naman si Aerus, "Gago ka Sir bakit ka nandito?" Amputa! Ang tapang ng lalaki ah, liit naman ng bayag. Joke! Nagtawanan naman kami. Tinaasan siya ng kilay ni Sir. Patay ka! "Ay hehe nandiyan ka pala Sir" umupo na siya. "Hindi Gatchalian picture lang ako" poker face na sabi ni Sir. "Ohh! Sinungaling kayo eh, picture lang pala eh" napa face palm naman ako. Ang sarap niya batukan. "Hoy Aerus! Hindi yan picture si Sir talaga yan" si Gab at tinuro pa si Sir na naka halukipkip na ngayon. "GATCHALIAN LABAS!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD