Prologue

1094 Words
Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong 6:45 na ng umaga. Ang balak kong nap ay nauwi sa tulog is life. Nahimbing ako ng sobra. Tuwing hapon kasi ay umuuwi ako ng 5pm sa apartment dahil alas siyete pa naman ng gabi ang susunod kong klase. One hour na lang naman iyon at last subject na.  Mabilis akong naligo at nagbihis. Natabig ko pa iyong remote dahil sa kakamadali. Nagising tuloy si Sally - pinsan ko siya. "Saan ang punta mo?" tanong niya na nakapikit pa ang kaliwang mata.  "Male-late na ako mag a-alas siyete na," sagot ko.  Umupo ako at mabilis na sinuot ang aking duty shoes.  "Ateng, alas diyes ng gabi pa lang. Bakit ka nagsusuot niyan?" ngumuso pa siya sa sapatos ko.  Napatapik ako ng noo. Sinilip ko ang labas at nakitang madilim nga. Akala ko kasi ay umaga na. Mukha mali na naman ang naiset kong oras ng alarm. Bumalik ulit ako ng kwarto para magpalit ng pambahay na damit. Lutang, tulala at wala sa huwisyo. Ganyan madalas ang bansag ng mga taong araw-araw na nakakasalamuha ko. Mula kasi nang mamatay si Mommy ay para na akong nawalan ng buhay. Walang gana at parating wala sa ulirat. Lalo pang naging sabaw ang aking utak noong na stroke naman si Daddy. Hanep 'diba? Malas is real.  Nagising ako kinabukasan dahil sa init ng sikat ng araw na tumatama sa aking mata.  "Ateng, gising na, tanghali na," sabi ng pinsan ko habang tinatanggal ang nakabalot na kumot sa aking katawan.  "Ang aga-aga pa, Saleng, sabado ngayon ano ba! Mamaya pa ang klase ko."  "Stop calling me Saleng. That name is so duh...ewwww, kadiri, kaderder, kaurat, basta ang pangit," ingos niya. "At saka ano bang sinasabi mong Sabado, Biyernes pa lang." Humalukipkip siya at tinitigan ako ng matagal.  Umupo ako at nag-isip. Hindi ko masyadong na-digest iyong sinabi niya.  Tamad akong tumayo at nagtimpla ng kape. Habang si Sally naman ay iniikut ikutan ako. Para siyang timang.  "Hala siya! Slow motion na ang brain pati ang kilos slow din. Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha.  Hindi ko siya pinansin. Humigop ako ng kape at tumulala ulit. Hobby ko talaga ito, ang tumulala.  "Anong araw na ba ngayon, Saleng?" balewalang tanong ko, tulala pa rin. "Ay. Kulang sa kalembang ang ulo nito. Nakakaloka ka! Biyernes nga ngayon!" Napalamutak siya ng mukha at nag walk out.  Ano kayang problema noon? Nagtanong lang naman ako ng araw ngayon. Sabi niya Biyernes ngayon.  "s**t. Biyernes ngayon!?" malakas na sigaw ko.  Matulin akong nagbihis at nag-ayos ng gamit. Nagsipilyo na lang ako at naghilamos. Ayos na iyon para makasurvive sa paniguradong disorganisado kong araw. Halos ganito naman yata ako araw-araw. Sakto namang may tumigil na jeep sa kanto kaya nakasakay ako agad. Mga limang segundo akong tumuwad, nagpalinga-linga ako sa mga pasaherong naroon.  Bakit ganito ang mga jeepney driver? Kahit alam na puno na sasabihin maluwag pa. Ni kalahati nga ng pisngi ng puwet ko ay hindi na kasya.  Umisod ng kaunti ang bawat isa hanggang sa makalikha ng kaunting espasyo. Salamat sa bayanihan nila at nakaupo ako. Mamaya na lang ako mag e-exhale kapag maluwag na.  Binuksan ko ang magulo kong bag at kinapa kapa ang perang papel sa dulong bahagi nito.  "Manong, bayad po, Rev building lang," sabi ko sa driver. Hindi na ako nahirapang iabot ang bayad dahil nasa likod lang niya ako.  "Ay, sisters," saad ng driver nang iabot ko sa kanya ang pera. May bading pa lang jeepney driver?  "Ineng, wala akong isusukli sa sisters mo. Menopause na rin ang asawa ko, hindi ko mapapakinabangan iyan. Baka may otso ka na lang diyan," seryoso niyang sambit.  Nanlaki ang mata ko nang napagtantong napkin pala ang naibigay ko. Nakakahiya! Halos talunin ko ang pagbaba ng jeep dahil sa hiya. Hindi ko na pati nakuha ang aking sukli.  Pinaglihi ba ako ng Mommy ko sa bulbol? Bakit ganito kagulo ang utak ko? I'm always out of focus. I'm too clumsy and unorganized.  Dahil magulo na rin naman ang naging simula ng araw ko ay nagpa banjing banjing na lang ako papasok ng building. Mikael always told me that I have to loosen up a bit. Make my mind relax and be calm.  Mabagal akong naglakad papunta sa may elevator. Papasok na sana ako sa loob ngunit may biglang humatak sa akin at dinala ako sa vip elevator.  Amoy pa lang niya ay alam ko na kung sino iyon. It's King Mikael Davis. Kaibigan siya ng boss ko.  "Hoy, bakit ka ba nanghahatak!?" I hissed at him. Ang sakit kasi sa braso. Ang nipis nipis ng braso ko tapos hihilain niya ako ng ganoon.  "Bakit ka ba nagagalit? You should've thank me." Kibit balikat niyang sagot. Gusto ko siyang batukan.  Hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan ang gagong ito. Bukod kasi sa balahura ang bibig niya ay may kamanyakang tinataglay din ang dugo niya.  Pinaikutan ko siya ng mata at hinampas ng bag.  "Aww. Mapanakit ka ha. Inaano ba kita?"  "Gago. Ako pa ang mapanakit? Ulol! Hinatak mo ang braso ko. Nakikita mo ba ang braso ko kung gaano kanipis!?"  Ngumisi siya ng nakakaloko at umiling iling. Abnormal talaga.  Hinawakan niya ang magkabila kong braso at iniharap sa kanya. Ano na naman kayang pakulo nito? Napasinghap ako ng bigla niyang ilapat ang dalawang kamay niya sa dibdib ko. He pressed it gently and smirked.  Putang ina! Hinawakan niya ang dede ko.  "King-ina mo, King. Bakit ka nanlalamas ng dede!?" I yelled at him. Anger was enveloping my being. How could he? Hindi na virgin ang dede ko! "Lamas agad? 'Di ko naman nakapa. May tsinek lang." Binatukan ko siya. "Don't get mad at me, Kisses. I just saved you today from those jerks who keep on staring on your n*****s," he calmly told me.  Hinubad niya iyong coat niya. That was too big for me. Halos umabot na ito sa harapan. May kung anong humaplos sa puso ko. Ibig sabihin ayaw niya akong mabastos? Pero bakit nga ba bakat ang n*****s ko? At saka bakit siya nandadakot ng dede?  Baka bra ko lang iyon na hindi ko maayos na naisuot.  Magsasalita pa sana ako ngunit bumukas na ang elevator at lumabas na siya. Naiwan ako sa loob. Humarap ako sa salamin. Napansin kong wala iyong St. Benedict medallion ko. Kinapa kapa ko pa ito sa loob ng blouse ko pero wala talaga.  Kinalas ko ang unang dalawang butones ng blouse ko upang i-check ulit.  Napatakip ako sa aking dibdib nang makitang wala pala akong bra. Shit! Bakit hindi ako nakapagsuot ng bra?!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD