Epilogue

731 Words
Kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko mawari kung anu ang nararamdaman ko. Para akong inahing hindi mapakali sa kinatatayuan pero hindi maalis alis ang paningin sa sobreng nakapatong sa lumang mesang nababalutan ng punit punit na mantel.   "Anu ba anak! Pumirme ka nga sa upuan. Para kang natatae na ewan!" Singhal ng nanay kong kanina pa ako pinagmamasdan.   "Eh sa kinakabahan po kasi ako nay. Panu kung di pala ako pumasa?" Natanong ko sa kanya.   "Eh ogag ka pala eh! E kung buksan mo na kaya yang sulat na yan para malaman mo na ang resulta ng kinuha mong scholarship." Inis na wika ni nanay.   Elementary pa lang ako, pinangarap ko nang makapasok sa isa sa prestigious university sa bansa, Ang Great Star University. Isa itong private university na may modern facilities. Dekalidad ang programa at talaga namang class ang aura nito.   Una kong nalaman ang tungkol dito nang magkaroon ng field trip ang class namin. Isa kasi sa pinuntahan namin noon ay ang nasabing university at na pahanga ako sa ganda ng school. Ang problema lang, pang mayaman ang school na ito. Kaya inakala ko nalang na hanggang pangarap na lang lahat.   Kaya nang eanunsyo noon na magbibigay ng scholarship ang Great Star para sa mga estudyanteng may mga matataas na marka ay hindi na ako nag atubiling magparegister.   Lahat ng qualified noon sa screening ay sumabak sa madugong pagsusulit. Noong araw na kumuha ako nang exam ay talagang natuyo ang utak ko at tila gusto pang lumabas sa ilong ko. Paani ba naman, to the highest level ang mga katanungan. Buti nalang at pinaghandaan ko ng mabuti iyon.   At kanina ngang umaga ay dumating na ang sulat ng paghahatol sa kapalaean at pangarap ko. At nagsimula na akong magmukhang ewan na takot buksan dahil baka di ko matanggap ang resulta.   "Diba pinangarap mo to diba, bakit naduduwag ka! Saka anu kung di ka pumasa? Kahit naman papano ay makakapag aral ka din naman dahil andito pakami ng tatay mo anak." Nagsisimula nang mag drama si nanay.   Muli kong tinitigan ang sulat. Inisip ko ang sinabi ni nanay. Tama kasi siya. Kungtutuosin kasi pasado na din naman ako sa iba pang college na pinagkunan ko ng exam. Kaya di narin bad kung sakaling di ako palarin sa dream school ko. Ang importante naman kasi makapagtapos ng pag-aaral.   Umupo ako sa upuang malapit sa tapat ng sulat. Himinga ako ng malalim at tinitigan ang sulat. This is the moment. Parang nagslow motion ang paligid nang aabutin ko na ang sulat.   Ramdam ko ang nginig. Ewan ko kung bakit pero samut saring kaewanan ang tumatakbo sa isip ko. Iba talagang usapan pagdating sa dream university ko.   And this is it. This is really is it!   Sinimulan kong buksan ang sobre. Tila drum ng dinagyang na nag iingayan ang pintig ng aking puso. Juice colored!   And then sa kaunaunahang pagkakataon sa buhay ko. Tumigil ang mundo ko. Tila yung ingay sa labas ay tumahimik. Yung mga balahibo ko nagtayuan. Parang pakiramdam ko may multo akong nakita habang masusi kong binabasa ng tahimik ang sulat. Paulit ulit.   "Hoy Adi, anu na! Kanina ka pa dyan ah." Boses ni nanay na ng pabalik sa akin sa katinuan.   Tumingin ako sa kanya. Ramdam kong naluluha ako. Hindi ko mapaliwanag.   "Nay..." Garalgal na ang boses ko.   "Hay, sasapukin na kitang bata ka! Anu na? Feeling mo nasa shooting ka, akin na nga yan!" At kinuha ni nanay ang sulat. Samantalang ako nakatulala.   "Anak... " tawag ni inay. Nilingun ko siya. "English anak di ko maintindihan eh. Ikaw nalang magbasa ulit " napangiwi ako sa tinuran ni inay. At kinuha ulit ang sulat.   "Nay, naman eh. Joking time ba?"   "Eh anak, anu bang drama mo kasi." Si nanay.   "Hindi lang ako makapaniwala nay. Grabe nakapasa ako nay, at ang offer sakin full scholarship pa daw."   "Oh diba nga dapat magsaya ka ng bunggang bongga!" Nilapitan ako ni nanay at niyakap. "Kinakabahan ka kung anung mangyayari?" Hinawakan ni nanay ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya. "Pinangarap mo ito nak. Hindi mo ito hiningi lang. Pinaghirapan mo ito. Akala mo ba di ko alam? Yung mga sakripisyo mo para makapasa ka lang. Kaya wag kang kabahan. Pakita mo na hindi sila nagkamali sa pagpili sayo." Nginitian ako ni nanay.   Napangiti nalang din ako sabay takap sa kanya.   Ito na ang hinihintay ko. Kaya di ko na ito uurungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD