CHAPTER 1

1750 Words
MALAPAD NA ANG NGITI ni Taranee nang salubungin niya ng bati ang amo na kapapasok lang sa naturang coffeeshop. “Annyeong haseyo, Sir Chris!” Nag-angat ito ng tingin mula sa binabasa nitong diyaryo at ngumiti sa kanya. “Oh. Annyeong, Tara-ssi. How are you doing?” “I’m very good, Sir. Especially now that I see you.” “Sir, ako rin. I’m very good,” singit ng kasamahan niyang si Gerry. Itinulak niya ito para hindi humarang sa magandang tanawin sa harapan niya sa katauhan ng kanilang amo. “Istorbo ka.” Tumawa lang si Chris. “Its good to know that my best employees were doing good this morning. By the way, has our vegetable supplies arrived?” “Yes, Sir. We already stocked it up in the kitchen.” “Araso. Thank you and…fighting!” Itinaas pa nito ang kamao saka tatawa-tawang dumiretso na sa opisina nito. “Ang guwapong Koreano talaga niyang Sir Chris, ‘no? Kaya hindi nakakapagod magtrabaho rito sa Hanoel, eh,” wika ni Gerry. Eksaherado niya itong sinimangutan. “Linya ko iyan. At may girlfriend ka na kaya ipaubaya mo na sa akin ang kaguwapuhan ni Sir Chris.” “Bayaran mo ang pag-ibig ko.” “O, eto, singko. Pambili ng kausap.” “Okay. Akin na iyan.” Pinalo niya ito sa braso saka itinulak sa puwesto nito sa harapan ng espresso machine dahil may dumating silang customer. Mabuti na lang talaga at silang dalawa lang ni Gerry ang empleyado sa pag-aari nitong coffeeshop na iyon dahil kung hindi, baka madagdagan ang sakit ng ulo niya. Lalo na kung magiging karibal pa niya. “Pabili nga.” Nabitin sa ere ang ngiti at pagbati niya nang marinig ang sinabing iyon ng customer. Pinigilan niya ang magkaroon ng kahit na anong reaksyon sa mukha nang makita ang lalaking nakatayo sa harap ng bar counter at nakatingala sa menu nilang naka-display sa itaas at likurang bahagi ng bar. Ano daw? Pabili? Ano kami, sari-sari store? “Good  morning, Sir,” masigla pa rin niyang bati rito. Kahit ano pa, customer pa rin ito. “Ano po ang order nila?” “Ah…” He rubbed his eyes with his long fingers like he just woke up from sleep.  Muntik na siyang mapangiti sa lalaki. Mukha talaga itong hinila lang ng kung sino na bumangon para bumili ng kung ano sa tindahan. Kaya siguro tipong sari-sari store lang ang turing nito sa coffeeshop nila. Nevertheless, the guy looked fine. Medyo magulo ang buhok na tila sinuklay lang sa pamamagitan ng mga daliri, may kakapalan na rin ang bigote at balbas nito ngunit bagay pa rin na tingnan dito. ‘Yun bang tipo ng mga artist kuno na nakakalimutan ng mag-ahit dahil sa pagkahumaling sa kanilang mga artworks. Sa kaso ng lalaking ito, mukhang tinatamad lang talaga sa proper grooming. Lukot-lukot din ang suot nitong t-shirt na tila pinaglumaan na ng panahon, although mukha pa rin namang malinis. Iyon nga lang, masyado na yata talaga iyong luma at durog na sa kuskos-laba dahil lumaylay na iyon sa isang balikat nito. Kahit ang cargo pants nito ay mukhang nadampot lang nito sa isang tambak ng relief goods, at kita na ang mga natastas na sinulid sa laylayan niyon. “Sir, mukhang wala pa kayo sa wisyo, ah,” biro niya. “Medyo nga.” Muli itong nagkusot ng mga mata. “Bigyan mo na lang ako pinakamatapang ninyong kape.” “Baka gusto ninyong dagdaga ng tinapay o cake, Sir?” “Libre ba?” “Ho? E…” “Nevermind. That coffee will do.” Dumukot ito ng pera sa bulsa ng suot na pantalon at lahat ng laman niyon ay basta na lang inilapag sa ibabaw ng counter. Tatlong balat ng kendi, isang stick ng putol na sigarilyo, ilang barya at isang daang papel. Dinampot nito ang sigarilyo at agad ipinasak iyon sa bibig nito.   “Ay, Sir, bawal hong manigarilyo rito. Pasensiya na ho. Magagalit ho ang amo namin.” “Okay.” Nanatili sa bibig nito ang sigarilyo ngunit hindi na nito iyon sinindihan.” Sinulyapan niya ang mga barya at ilang piraso ng perang papel sa counter. “Sige, Sir. Tutal kayo ang una naming customer ngayong umaga, on the house na ho ang order ninyong kape.” Saglit din itong hindi umimik na tila tinitimbang ang sinabi niya. Pagkatapos ay nagkibit na lang ito ng balikat saka nilimas ang pera sa ibabaw ng counter. “Sige. Salamat.” Nagtungo na ito sa table na malapit sa glass wall ng coffeeshop saka tumunganga sa mga kaganapan sa labas. Sa isang iglap, tila nakatulog ito ng dilat. Narinig niyang napalatak si Gerry. Asar niya itong nilingon. “Maawain talaga ako sa mga stray animals. At huwag kang mag-alala, ako na ang magbabayad ng kape niya.” “Ingat ka, Tara. Baka bigla kang kunin ni Lord.” “At least sa langit ang punta ko. Sige na, gawin mo na ang kape niya.”  Naghanda siya ng platito sa isang tray at kumuha ng isang tinapay na bagel sa estante ng mga naka-display tinapay at cakes. “Huwag mong sabihin na lilimusan mo rin siya ng tinapay.” “Hindi ito limos. Kawanga-gawa ang tawag dito.” “Kapag nalaman ni Sir Chris ang ginagawa mong iyan, lagot ka.” “Babayaran ko naman ito. At puwede bang huwag mo ng pansinin ang mga ginagawa ko? Iyang kape na lang ang asikasuhin mo.” “Crush mo ba iyon? Pagkatapos ni Sir Chris, siya na agad ang boylet mo? Extremes talaga ang tastes mo, ano?” “Oo,” sagot na lang niya para wala ng mahabang usapan. “Tapos mo na ba iyang kape?” “Sige na nga. Hati na tayo sa pagbabayad nitong kawanggawa mo ngayong umaga. Gusto ko rin ng gift kay Papa Jesus sa Pasko, eh.” Malakas niya itong tinapik sa braso nito bilang pakikibahagi nito sa adhikain niya. Nagrereklamo pa ito sa lakas niyang makatapik nang iwan niya ito upang ihatid sa kanilang unang customer ang order nito. “Heto na ang kape mo, Sir.” Nilingon siya nito at napatingin sa extra bagel na inilapag niya sa table nito. “Ah, libre na rin iyan, Sir.” “Hindi ako tumatanggi sa mga libre kaya salamat.” “Walang anoman, Sir. Enjoy your meal.” “Thanks.” Hindi niya alam kung bakit hindi niya agad magawang makaalis sa kinatatayuan sa harapan nito. Dahil ba sa paraan nito ng pagkakatingin sa kanya na tila kinakabisado nito ang kanyang mukha? Speaking of which, siya man ay hindi maiwasang pagmasdan ito. Napaka-elegante kasi ng posisyon ng pagkakaupo nito. He was leaning against his seat and had his one arm on his table while his other hand picked up his cup of coffee. His body was slightly turned to his side so he could get a better look at her, his long legs crossed over the other in a way that made him look casual, cool and…hot. Napaurong tuloy siya ng ilang hakbang upang mas mapagmasdan ang kabuuan nito ng maigi. Sa isang iglap, naglaho ang imahe ng isang taong malapit ng pagtakpan ng langit at lupa. In its place, was a guy with so much confidence and elegance that even his shabby clothes looked great on him. “Taranee Corteza.” “Ha?” Itiniro nito ang kung ano sa kanyang dibdib. Ang nameplate niya. “Ah. Oo. Iyon nga ang pangalan ko.” “My name’s Avex Aragon.” His name sounded familiar. “Parang Avex Aragon din ang pangalan ng kapatid ng isang kaibigan ni Sir Chris.” “Kung si Trax ang tinutukoy mo, yes. We’re just half-brothers.” “Talaga ho?! Kung ganon, isa ka sa mga musical genius ng bansa!” Niyakap niya ang tray na pinaglagyan ng mga order nito. “Ang galing naman. Kaibigan ng boss ko ang dalawa sa pinakamagaling na musikero sa buong mundo.” “Ako na lang ang magaling ngayon. Inabandona na ako ni Trax.” “Ho?” “Avex.” Ang amo niyang si Chris ang nagsalita. Palapit na ito sa kanila. “You’re a little early to travel around. How’s your audition in Korea for Super Junior?” “Their application form was written in Korean. I didn’t understand a thing so I backed out.” Tumawa lang si Chris. At siya man ay lihim na ring pinipigilan ang pagtawa habang ini-imagine si Avex na nag-o-audition para sa naturang Korean boyband. At nahihirapan talaga siyang ma-imagine ito na sumasayaw at nakikipaglandian sa mga fangirls. Kung bubugahan nito ng apoy o aangilan ang mga iyon, baka maniwala pa siya. “I see you’re eating proper meal now,” tukoy ni Chris sa pagkain sa table ni Avex. “At least your adventures in Korea had given you something.” “Libre lang iyan.  Libre niya, actually.” Itinuro pa siya ni Avex. Ay, tinamaan ng lintik! Pahamak na lalaki! Tabingi na ang ngiti niya nang lingunin siya ng amo. “E…babayaran ko naman iyon, Sir.” Imbes na sumagot ay muli lang nitong binalingan si Avex. “Are you gonna eat that?” Abala na sa pagkain si Avex kaya hindi na nito nasagot pa ang amo niya. muli siyang binalingan ni Chris. “Avex was having trouble eating these past months. I’m actually surprised he ate something this early morning.” “Hindi siya…kumakain?” “Not really. He just become a picky eater, I guess.” “Kaya huwag mo ng pagbayarin si Taranee dito sa mga kinain ko,” singit ni Avex. “Ikaw na lang ang manlibre sa akin tutal nakikinabang ka naman sa piso ng bansa namin.”  Tatawa-tawang napakamot na lang ng ulo si Chris. “Okay. Just finish your meal this time. I hate seeing food being wasted.” Iniwan na sila nito pagkatapos upang sagutin ang nag-iingay nitong cellphone. Sinundan lang niya ng tingin ang amo na may paghanga sa kanyang mga mata. Ang bait talaga… “You like Chris?” narinig niyang tanong ni Avex. “You’re in luck. Single and available pa iyan.” Binalingan niya si Avex. “Gusto mo pa ng croissant, Sir?” “Libre mo?” “Oo.” “Padagdag na rin ng kape.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD