Prologue

601 Words
"This is the exact picture na inaasahan natin seventeen years ago." banggit ni Dereen habang pinupunasan ang gawa sa marmol na lapida sa harapan niya. Marahan niyang tinatanggal ang bawat dumi rito kahit na ba nangangalay na siya sa pag-upo ng walang kahit anong dedependahan kundi ang kanyang mga binti.           Alexandria Kirsten Cromello-Vantress           Mula sa prenteng pagkakatayo ay humakbang ng papailan si Renneisme upang ihandog ang dala niyang bouquet na personal pa niyang ginawa para lamang sa pinaka espesyal nilang kaibigan na ngayon ay yumao na. Wala pang limang minuto nang napatigil nila si Fiacre sa pag-iyak pero heto na naman siya at humahagulgol habang hawak hawak ng mahigpit ang litrato ng kaibigan nila na akala mo ba'y aagawin sa kanya sa kahit ano mang sandali.           Hindi na muli pang tinutulan ng dalawa ang pagluha ni Lei. Marahil ay kahit sila man ay nais ng ilabas ang sakit at lungkot na nadarama nila. Mga damdamin na pinilit nilang huwag ipakita sa iba sa loob ng tatlong taon.           Tama ... tatlong taon na nang mangyari ang kinatatakutan nila.           "And on this very day, her reign has officially ended. Spade ordered the maids to collect Alex's belongings and to put them all inside a treasure box. To follow the tradition, mapupunta sa custody ng mga Cromello ang box. Kahit ang mafia pendant na binigay niya kay Alex, pinasama niya sa lalagyanan na iyon. Madali lang naman daw magpagawa ng panibago para sa susunod na tagapagmana." pag-iinporma ni Rennei sa kanilang dalawa. Maaaring hindi maituturing na reaper o associate ang babaeng ito ngunit nirerespeto siya ng mga miyembro ng mafia bilang isang mahusay sa strategist at adviser sa kasalukuyang namumuno.           Marami ng nag-iba. Mga pagbabago na sadyang hindi natin maiiwasan na maganap. Yayanigin tayo ng iba't ibang bagay, uusigin ang mga pangunahing paniniwala mo, aapektuhan ang damdamin, at lilituhin ang pag-iisip mo hanggang sa mahanap mo muli ang daan papunta sa bukas kung saan maaaring hindi mo na muli pang maalala o makita ang nakaraan. To change is a choice but sometimes, it's a must. Sino nga naman ba ang hindi gustong sumabay sa pagbabago ng mundo?           "What are we going to do now?" napatingin sina Fiacre at Dereen sa kanilang kaibigan na si Rennei. Nakatingin ito sa langit kung saan matatanaw ang napakagandang panahon sa labas ng malaking mausoleum na kinaroroonan nila ngayon.           Ano na nga ba ang gagawin nila? Hanggang dito na lang ba talaga magtatapos ang lahat? Nakibaka sila ng ilang taon para lamang makahanap ng lunas pero pumalya pa rin sila. Sadyang tapos na ba talaga ang lahat para sa kanila? Hindi nila inaakala ang araw na ito. Ang araw kung kailan hindi na nila maalala pa ang mga walang kasing gandang larawan noon at ang mga tawanan nilang magkakatropa noon. Lubos nilang iniisip kada gabi at kada paggising nila kung saan point nagkamali. Saang banda nga ba sila nagkulang kung kaya't humantong sila sa ganito? May paraan pa ba na mabalik ang lahat sa dati? O nangangailangan na namang muli ng pagbabago? Pagbabago na siyang magreresulta sa mas maganda pang memorya kaysa noon. But ... among all these matters, ang tanging naiisip nila para makawala sa tila polusyon na kinahaharap nila ngayon ay ang kalabanin ang Onyx Council.           Ano nga ba ang Onyx Council? Bakit nila ito kailangan patumbahin? Makakaya kaya nila? Will they be able to stand against the most powerful council of the underground society? Paano nila ito mapapabagsak kung nagkalas kalas na ang mga lakas at pagkakapitbisig nila? At paano nila ito sisimulan kung kahit ang paghinga nila ay bantay sarado ng konsehong kinatatakutan ng lahat?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD