Prologue

1483 Words
  “Ahm, Miss Vhen, may appointment pa po kayo mamayang 4 PM,” paalala sa’kin ng aking sekretaryang si Sofia. Mula sa aking binabasa ay nag angat ako ng tingin. I was trying to finish the report that I need to submit on Monday. Ayaw ko kasing paabutin pa ito ng deadline kahit pa nga maari ko naman sanang ituloy ito hanggang mamayang gabi o bukas habang nasa bahay.   She was using honorifics and being respectful, bagay na ginagawa lamang nito kapag kinakabahan. The two of us normally speak like usual kapag kaming dalawa lamang.   Umangat ang aking kilay ay bahagyang nagtaka. Kabisado ko kasi ang aking mga schedule at ang alam ko, huling meeting ko na kaninang ala una na hindi naman inabot ng isang oras.   “Para saan? Bakit hindi ko yata alam iyang appointment na yan?”   Mabilis kong binuksan ang aking Google calendar kung saan naka-sync ang aking schedule and it was indeed there. Napahilot ako sa aking sentido. Mukhang hindi ko pa matatapos ang aking report ngayong araw.   Napahilamos ako sa aking mukha. Nevermind the makeup. I can quickly fix it later but the sudden stress is spoiling my mood. My schedule has been packed since two weeks ago. Gusto yata ng boss ko ay humandusay na lamang ako rito sa rami ng kanyang ipinapagawa.   Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago hinarap ang sekretarya kong halatang kabado na. Alam kong stress na rin ito lalo pa nga at alam niyang late rin siyang makakauwi. Sofia is a mother of two toddlers. Ayaw ko rin namang masayang ang oras niya rito lalo na kung kaya ko naman ang trabaho. I can also record the conversation sa meeting and she can transcribe it on Monday.   “Just give me the details so I can review it. You can go home. You don’t need to come with me,”   Kaagad na nabalot ng saya ang kanyang mukha nang mapagtanto ang ibig kong sabihin. I just gave her a smirk after she sent me multiple heart hand signal na naging gawain na nito. Napailing na lamang ako habang pinapanuod itong napapasayaw pa at kumekembot palabas.   “Matapilok ka sana!” habol ko pa rito na ikinatawa nito ng malakas. Sana all makakauwi na. Sa totoo lamang ay antok na antok na ako at gusto ko ng magbuhay prinsesa sa bahay ngunit kailangan kong kumayod dahil pangarap ko pa ring yumaman.   Sofia was an old officemate from our previous workplace kaya malapit kami sa isa’t isa. Matanda lamang ito sa akin ng tatlong taon ngunit sa industriyang mayroon kami, your age doesn’t define hierarchy. Plus, she never once crossed the boundary and disrespected me even once as her direct superior.   Napasandal muna ako sa aking upuan bago huminga ng malalim. Ipinahinga ko ang aking mga kamay sa aking tiyan bago pumikit.   I had so many things to do these past few weeks at talaga namang pagod na pagod ako. But I chose this job and was determine to keep it. I just closed her eyes for a good five minutes bago nagsimulang basahin ang mga papeles para sa venture na kailangan kong siputin mamaya.   I am working on an advertising company and we create ads and marketing strategies for the products of our clients. Matagal na proseso ang kailangang gawin and in our meeting today, malamang ay magbibigay lamang ng mga expectations, discussion ng budget at kung ano ano pang preference ang kanilang gagawin.   Some companies prefer to send drafts and proposals to us and we will send our own proposal back ngunit may ilan na talagang hands on and it’s a good thing. Dahil doon ay mas madali naming nagagawa ang aming trabaho because we know what our clients specifically wants.   An hour before the meeting, I already grabbed my things. Sa kabilang kamay ay ang aking mamahaling bag na pinag ipunan ko pa talagang bilhin. I spend a lot for myself now hindi katulad noon na madalas ay tinitipid ko ang aking sarili.   Habang sakay ng elevator pababa ay bumalik na naman sa isipan ko ang nakaraan. Kung paanong palihim kaming naghahawak ng mga kamay habang puno ang loob… how we would sneak each other glances even if it’s just the two of us dahil natatakot kaming makita sa cctv.   Napalunok ako at pilit na iwinawaksi ang mga alalaang ng nakalipas.   Fucking elevators… Pati sa elevator may memories kami.   Nang tuluyang makalabas ay halos pawisan na ako dahil sa kung ano anong mga alalaa na naman ang pumasok sa aking isipan. Pilit kong kinontrol ang aking sarili habang patungo sa aking sasakyan.   It’s been years and his memories just never leaves me.   Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng aking sasakyan habang pilit pa ring pinakakalma ang aking sarili.   I knew he left for me. He left because he wanted me to achieve my dreams. I just hated the fact that he never once considered my feelings. Kung okay lang ba sa akin na magkalayo kami kapalit ng mga pangarap ko.   “Wake up, Vhen. You have a job to do,” gising ko sa aking sarili. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagtungo na sa lugar kung saan ko kakatagpuin si Mr. Alcantara.   Maaga pa naman kaya kahit pa abutan ako ng traffic ay hindi ako natatakot na ma-late. I was trained to be on time. Naalala ko pa kung paanong napagalitan ako nito noon nang malate ako sa unang araw niya bilang aking boss.   Xandro…   I can feel my heart beating so fast. Parang nayanig muli ang sistema kong akala ko ay subok na subok na ng panahon. Bwisit na elevator iyan. Dahil sa elevator naalala ko na naman siya.    Lahat na lang ng gagawin ko at nangyayari sa buhay ko ay naaalala ko pa rin siya. I wonder if he still remembers me though. Baka nga nakapag asawa na ito ng mayaman lalo pa nga at galing naman ito sa mayamang angkan.   “I just hope he’s happy…”   I parked my car on the restaurant where we will meet. Sinilip ko ang orasan sa aking bisig and smiled when I realized that I was roughly twenty minutes early. Dala dala ang aking bag at folder, pumasok ako sa restaurant at tinungo muna ang powder room para ayusin ang sarili.   I checked my reflection on the mirror and smiled.   Nude is my color kaya naman madalas ay naka cream-colored dresses ako. Ngayon ay isang peach colored midi dress ako with button Dolman sleeves. Simple lamang iyon ngunit eleganteng tignan. I was wearing nude colored heels na may three inches na takong. My hair is tied in a messy bun.   Ipinilig ko ang aking ulo at sinipat ang aking makeup. In contrast with the color of my dress, I wore a bright red color as a shade for my lipstick. Kahit papaano ay pinatapang nito ang aking itsura, something I’d like to show when dealing with people sometimes. I wanted to show people that I am not a pushover.   Nang makuntento sa itsura ay lumabas na ako ng powder room. Bago pa ako makapagsalita ay naharang na ako ng isang waiter. He smiled at me kaya naman hindi ko napagilang hindi magtaas ng kilay.   “Miss Venice Martinez?” biglang tawag nito sa akin. Nagulat man ay tumango ako.   “Mr. Alcantara is already waiting for you on your table. This way, madam,”   Tumango ako at sumunod rito. I didn’t know they made a reservation. And it’s a bit surprising dahil mukhang alam ng waiter ang itsura ko.   Habang naglalakad, my eyes ended up glancing to the right corner of the restaurant.   Before I can even think, I felt my heart started beating rapidly. Naging maligalig ang t***k ng aking puso at tila ba gusto na nitong tumalon palabas ng aking dibdib.   It was just the back of his head but my heart knows. Alam ng puso ko at kilala nito ang pigurang iyon.   I don’t even know how I was able to reach the table ng hindi natatapilok but when I did, ni hindi ko na naintindihan ang tinuran ng waiter. I just stood there as he turned his attention towards my direction.   And in that swift moment where our eyes met, I knew, I’m back in his mercy.   I saw the corners of his lips twitching. Ang gwapong mukha nito na mas lalo yatang hinulma ng panahon ay siyang bumungad sa'kin. In a flash, memories of the past kept flooding in my vision. Katulad ng dati, matikas at ubod pa rin ng kisig ito.    “I didn’t know you like red lipstick now,” bulong nito. Mahina lamang iyon but it was more than enough to get my world shaken. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD