Kabanata 1: Loving Mr. Castillo

5000 Words
NAKAIINIS TALAGA ang life, to be honest. Sobrang naiinis ako dahil sa mga nangyari sa akin ngayong araw. Unang-una sa lahat dahil hindi huli, nabunggo ako ng isang babae kanina pagbaba ko ng bus. Wala lang naman sa akin iyon. Pero ang parteng nakaiinis, siya pa ang galit sa aming dalawa! Hindi kinaya ng kagandahan ko! Ikalawa naman, ang mahal ng bayad sa taxi na sinakyan ko kanina! Ginto ba ang inilalabas na usok ng tambutso niya?! Ang kapal naman ng face niya! Halos wala nang natira sa akin! Sobra na ito! Ngayon naman, gusto kong pasabugin ang bulkang Mayon sa mga oras na ito. Na-stress ang beauty ko. Dumagdag pa ang nangyayari ngayon na hindi na kinaya ng mga kuto sa kili-kili ko! “Nakahanap na kami ng bagong katulong at nakapagsimula na siya kanina. Pasensiya na...” Halos malaglag na ang panga ko nang marinig ko ang sinabi ng kausap ko ngayon. Sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala sa narinig ko ngayon! Matangkad siyang lalaki, medyo maputi. Hindi kalakihan ang katawan niya, sakto lang naman ito. Para siyang tingting na walis, tapos ay pinakain nang pinakain. Seryoso ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya't ganoon na lamang ako nabahala rito. Hindi ako makapaniwala! Parang may daranak na dugo ngayong hapon! Lumuwas pa ako rito mula probinsiya para lang sa trabahong ito! At hindi ko akalaing ganito ang daratnan ko! Nakakapagod rin ang biyahe at tumulo pa nga ang laway ko dahil nakatulog ako sa bus! Buti na lang, naipunas ko agad ang tumulo kong laway sa panyo ng babae kanina! Buti na lang din, hindi ako nakita ng babae! Muntikan na ako roon! “Kuya naman! Huwag ka namang ganiyan, fleece lungs! Ang layo kaya ng pinanggalingan ko para sa trabahong ito! Galing pa akong kabilang galaxy! Alam mo ba kung magkano ang pamasahe roon? Hindi mo alam! Wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya hindi ko tanggap ito!” nagmamaktol na sabi ko habang nakanguso. “Mali pa ang grammar mo. Saka babae, hindi ko na kargo kung galing ka pang ibang galaxy o kung saang kalawakan. Mas mabuti sigurong bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo para matapos.” Hindi ko alam kung maiinis ako sa situwasyon kong ito. Naghangad lang naman kasi ako ng simpleng trabaho! Bilang katulong! Ang mga attitude na tulad ko ay hindi dapat sinasayang! Hinawakan ko sa kamay niya si Kuya. Hindi ako makapapayag na masayang lang ang pagpunta ko rito! Pinag-ipunan ko kaya ang pamasaheng ginamit ko para makaluwas dito sa siyudad! Hindi talaga puwede! Kailangan kong magmakaawa! Kung kinakailangang iumpog ko ang bungo niya sa pader hanggang sa matanggal na ang mga laman-loob niya, gagawin ko. Biro lang! Hindi ko gagawin! “Kuya, fleece lungs! Tanggapin mo na ako!” nagmamakaawang sabi ko kay Kuya. “Marunong at magaling akong magluto, Kuya! Alam mo ba na ako ang chef sa bahay namin sa probinsiya?” “Nagluto pa nga ako noon para sa kapatid ko ng adobong baboy! Alam mo ba kung ano ang sabi ng kapatid ko nang matikman niya ang luto ko?” "Oh, ano namang sabi ng kapatid mo?" tanong ni Kuya na nakakunot ang noo. “Ayaw ko ngang sabihin!” Sumama ang tingin sa akin ni Kuya na para bang gusto niya na akong bigwasan sa tiyan. “Ang sabi niya, lasang adobong baboy raw!” Napatawa ako sa sariling biro ko. “Dati, nagluto rin ako, Kuya ng sinigang. Nilagyan ko ng magic sarap na tapos na ang expiration date. Alam mo ba kung bakit, Kuya? Kasi ang bilin ng nanay ko, huwag na huwag daw magsasayang ng mga bagay sa paligid ko. Ang galing ko, ano?” natutuwang pagkukuwento ko pa. “Sumakit ang tiyan nila, tama?" tanong ni Kuya. Napailing ako. Mali ang sagot! “Mali! Nag-unahan po sila na pumasok sa palikuran!” confidence na sagot ko. “Baka naparami lang sila ng kain dahil nga sa sarap ng luto ko. Ganoon ako kagaling sa pagluluto, Kuya! Kaya hindi ka magsisisi kung tatanggapin mo ako sa pagtatrabaho sa inyo! Pakiusap!” Mukhang hindi pa kumbinsido si Kuya kaya nagpatuloy ako sa pagpapamalas ng itinatago kong kagandahan sa perlas ng kanluran. “Alam ninyo, ba magaling ako pagdating sa paglalaba? Namasukan pa nga akong labandera sa kapit-bahay namin, Kuya! At share ko ang unforgivable experience ko sa pagtatrabaho ko bilang labandera!” “Unforgettable,” pagtatama niya sa akin. Gusto ko siyang lagyan ng isang malaki at kumikinang na check sa noo niya. Panira siya ng moment! Alam niyang nagkukuwento ang magandang dalag dito, iistorbo pa siya?! Parehas lang iyon! “Kilala mo ba si Aling Puma?” tanong ko. “Siyempre, hindi mo kilala! Kapitbahay ko si Aling Puma na mabaho ang hininga. Naging labandera ako sa kanila at ang sipag-sipag ko sa trabaho, Kuya! At ito pa, isa rin si Aling Tess sa naging amo ko! Naalala ko pa nga ang panty niya na may dugo-dugo sa t’wing nilalabhan ko.” Napaatras si Kuya sa sinabi ko. Nandidiri ba siya? Sa bagay, ako rin naman. Pero nasanay na ako dahil para naman sa trabaho. Nagpatuloy ang pagkuwento ko. “Kaya ko ring maghugas ng mga pinggan, ano! Ginagawa ko ang lahat para matanggal ang mga rumi sa plato at sinisiguro ko ring mas maputi pa sa white ang mga pinggan!" Medyo alanganin ako sa huling sinabi ko. “Last na ito, Kuya. Makinig kang maigi.” Napahinga ako nang malalim. “Dapat mo akong tanggapin sa trabaho at sibakin ang kinuha ninyong katulong dahil tiyak akong mas maganda pa ako sa kaniya! Siguradong sure ako na mas magaling pa ako sa kaniya pagdating sa paglilinis ng bahay!” confidence ulit na saad ko bilang pagpapakitang-gilas sa lalaki. “Kahit maliit at small pa na alikabok, hindi ko pinalalampas, Kuya! Gano’n ako kasipag at kadeterminado sa trabaho!” Napangiwi bigla si kuya na parang hindi belief sa mga sinabi ko. "Oo nga, Kuya! Pati nga ‘yung mga pagala-galang ipis sa kisame, kinakain ko rin ang mga iyon!" Napaatras si Kuya at nabigla sa sinabi ko, hindi makapaniwala sa narinig niya. “Biro lang! Kaya Kuya, ipasok ninyo na ako sa trabaho at patalsikin ninyo na ang kung sinumang putragis na kinuha ninyo! Tumawag ako noong isang araw at sabi, puwede pa raw! Ngayon, malalaman ko na lamang na pinalitan na ako? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?!” arte ko. Napahinga nang malalim si Kuya at saka napaisip. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya na akala mo, ikinaguwapo niya. Hindi na siya dapat mag-isip dahil pulido ako sa aking trabaho sa bahay! “Sorry, may nakuha na talaga kami na katulong. Wala na tayong magagawa...” Napalaki ang mata ko nang talikuran niya ako. Ang kapal ng mukhang face niya! Sa rami ng mga sinabi ko, pagsasarhan niya lang ako ng gate?! Ang kapal talaga ng face niya! Mas makapal pa sa thick! Halos maubos na ang laway ko dahil sa rami ng paliwanag ko! Tapos ay ganoon lang?! No way! Walang daan! Dahil attitude akong nilalang ay mabilis kong iniharang ang kanang kamay ko bago pa man tuluyang magsara ang gate. Dahil na rin sa katangahang ginawa ko, napadaing din ako sa sakit. Nagsalita na naman ang kausap kong lalaki na kaharap ko. Medyo naiinis na ang hitsura niya at sasabog na sa inis. “Sinabi ko na kasi sa iyong wala na talaga. Ang kulit-kulit mo kasi!” Hinawakan ni Kuya ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Final answer na? Baka puwede pang gawan ng paraan, Kuya? Huwag kang ganiyan! Ang layo pa kasi talaga ng pinanggalingan ko. Ang dami ko ring dala! Pakiusap!” Iniharap ko sa kaniya ang mga maleta kong lumang-luma na. Mas matanda pa yata ito kaysa sa sa bagang ng tatay ko. Sobrang luma na niya, kailangan na itong palitan at bumili ng bago sa susunod. “Well, It's not my problem anymore...” pagsasalita nito. Napataas na lang bigla ang kaliwang kilay ko. “Minumura mo ba ako?” naghahamon kong tanong sa kaniya. Napakunot ang batok niya. Ang kapal naman ng mukha at face niyang murahin ako. Alam kong minumura niya ako dahil nag-English siya! Pero kinakausap ko siya nang maayos! Huwag na huwag niya lang talaga akong hahamunin sa English-an dahil hindi talaga ako papatalo! My bleed is nosing! “Hindi kita minumura, babae. Ang sabi ko, hindi na kita problema pa at hindi ko na problema ang mga nangyayari sa ‘yo ngayon,” pagpapaliwanag nito at napailing-iling pa. Napahinga na lang ako nang malalim. Mukhang wala na akong magagawa pa. Ang hirap namang pakiusapan ni Kuya! Ang sarap niya ngayong gulungan ng ten wheeler truck hanggang sa humiwalay ang mga organs sa katawan niya at madurog na ang mga ito—biro lang! Isinarado na nito ang gate. Napaisip naman ako sa ginawa niya. Ang kapal talaga ng face niya! Hindi dapat tinatalikuran ang mga attitude na tulad ko! Ako dapat ang tumatalikod at hindi ang tinatalikuran! Hindi ako papayag! “Hoy! Kuya! Opening this gate!" sigaw ko habang kumakatok. Bumukas na naman ang gate at kitang-kita ko sa mukha ng lalaki ang pagkainis. “Your face is so thick!" pag-English ko at napairap din. Akala niya, siya lang dito ang marunong? “Ako dapat ang tumatalikod sa ating dalawa dahil ako ang nagdrama sa ating dalawa, ano! Che!” inis na singhal ko. Tumalikod na ako sa kaniya at napairap. Padabog akong naglakad palayo sa lugar na iyon habang ang hitsura ko ngayon ay pinagsakluban ng buong langit at lupa. Kanina ko pa gustong pasabugin ang bulkang Pinatubo dahil sa mga kamalasang nangyayari sa akin ngayon! Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para akong galing sa lamay dahil sa hitsura ko ngayon. Dahil ayaw kong maging ganoon ay tumawa-tawa ako nang mag-isa. Dapat, happy kahit sad. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa may nakasalubong akong mga tao na tumitingin sa akin. Nagagandahan sila? “Tinitingin-tingin ninyo?" ma-attitude kong sigaw sa kanila at malalim na napairap, abot hanggang sa talampakan ko. Wala namang mali sa pagtawa nang mag-isa? Tusukin ko mga bunbunan nila! Lagi ko nga itong ginagawa at saka nakasanayan ko na rin itong gawin sa harap ng salamin namin. Nakakatalino rin daw kasi ito. Naniniwala talaga ako roon dahil sobrang effective talaga siya. Nakikipagkuwentuhan na rin ako kapag walang kausap, nililibang din ang sarili. “Nakaiinis!” sabi sa sarili. Napapadyak ako sa sarili kong maleta sa inis. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito. Sa basurahan? Hindi ko alam kung saan na ako mapupunta nito. Kung alam ko lang na ganito ang daratnan ko ay hindi na ako umalis pa ng probinsiya! Kung alam ko lang na nakakuha na sila, hindi muna sana ako lumuwas at naghanap pa! Pero sayang din kasi ang trabaho rito sa lungsod, sa totoong to be honest lang talaga. At bali-balita sa lugar namin, mataas daw ang pasahod sa pagiging katulong! Naalala kong si Aling Yema ang nagsabi noon sa amin. Sabi niya, sobrang yaman daw kasi ng mga tao sa lungsod kaya literal na malaki pasahod! Ang tainga kasi noon, may dalawang pakpak sa magkabilaan. Kung saan-saan ba naman nakasasagap ng mga balita! Dinaig pa ang mga diyaryo at mga pahayagan! Next time nito siguro, magiging news ranger na iyon! Dapat pala, hindi na lang ako nakinig sa tsismisan nila na mataas daw ang pasahod rito sa siyudad. Hindi sana ako nagdadrama ngayon at hindi sana nalulugi ang kagandahan ko ngayon! Umupo na lang ako sa batong nasa gilid ng kalsada. Inilagay ko muna sa gilid ko ang dalawang malaking lumang maleta ko at napatingala na lang sa kalangitan. Kaunting imahe na lang ng araw ang nakikita ko mula rito sa kinauupuan ko. Hindi naman masakit sa balat ang sinag ng araw dahil nakagiginhawa pa nga ito. Napatingin ako sa mga nagtataasang gusali na nasa harap ko ngayon. Kahit pa yata pagpatung-patungin ang lahat ng mga bahay sa probinsya namin, hindi nito matutumbasan ang taas. Ang tatayog nila at ang sarap ding gibain! Pero siyempre, mas matayog naman diyan ang pangarap ko, ano! Hindi ako papatalo. Matayog ang pangarap ko! Nakikita ko rin ang dumaraang mga naggagandahang kotse sa harap ko. Marahil milyon ang nilulustay nila para rito. Nakalulula ang mga hitsura niya! Ang ilan ay kumikintab pa! Ang sarap tuloy sulatan bigla ng uling sa harap. Mayroon namang mga kainan dito na naggagandahan, walang-wala sa mga kainan sa probinsiya. Ang mga kainan kasi roon, soaper simple lang. Para nga lang siyang isang bahay pero mukhang house. Hindi sila gawa sa bato dahil gawa lamang sa mga simpleng kahoy. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang karinderya nila Aling Suzette. Kahit pangit ang kabuuang itsura noon ay masasarap naman ang mga luto nila. Paborito ko pa nga sa mga lutong ulam nila ang dinuguan nilang laging may hibla ng mga buhok na pagkahaba-haba. Sa kabilang banda, mayroon din akong nakikitang mga taong dumaraan na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Para silang may sarili-sariling mundong ginagalawan. Baka ang iba, makarating na sa Jupiter dahil hindi man lang tumitingin sa mga dinaraanan. Ang iba naman, baka makarating na ng Saturn dahil dire-diretso lang sa paglalakad. Ang iba ay naglalakad nang tahimik at ang iba ay masayang nagkukuwentuhan. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking abala sa cell phone niya. Napasimangot na lang bigla ang kagandahan ko. Hindi ko talaga maiwasang malungkot dahil buong buhay ko, simula pa lamang ng pagsilang ko, ang ganda ko na talaga. Hindi pa ako nagkakaroon ng cell phone, mula pa man din nang ilabas ako ng nanay ko sa puwet nito habang iniiire. Mamamatay na lang ang katawang lupa kong lahat-lahat, hindi pa rin talaga ako nagkakaroon ng kahit isang cell phone! Mas lalo pa akong nainggit nang makita ko rin sa hindi kalayuan ang isang batang babaeng girl na nalalaro sa cell phone niya. Ang bata-bata niya pa pero mayroon na agad siya! Samantalang ako, naglalaro lang dati sa putikan habang tulo pa ang uhog sa ilong. Minsan pa nga, lumulobo pa. Kadiri! Habang nagdadrama akong nakaupo rito sa gilid ng kalsada at ine-enjoy ang sad moment ko ay napakunot ang noo ko nang may maramdamang balahibong tumatama sa balat ng paa ko. Ano ito? Bakit parang ang lambot na parang soft? Magkakabalahibo na ba ako? Dreaming come true ba ito? Magkatotoong real na? Nang tingnan ko ang dalawang paa ko ay umaliwalas ang maganda kong mukha nang makita ang isang maliit na puting tuta! Agad ko itong kinuha at inilagay sa magkadikit kong hita. Ano ito, sumpa? Malas? Kulam? Hindi nga ako nabigyan ng trabaho ngayon kaya ang ibinigay sa akin, tuta?! Hindi ko acceptance ito! “Ano’ng pangalan mo?” tanong ko rito. Nagpaamo ito sa akin sabay dila ng bibig niya. Tuwang-tuwa siya na para bang ako na ang pinakamagandang dilag na nakita niya sa buong buhay-aso niya. Isinubsob ko siya sa mukha ko dahil nga sa mahilig pa naman ako sa mga alaga. Paborito ko ang tumatayo, tumitigas, at humahaba na alaga. Biro lang! "Arf! Arf!" tahol ng aso, dalawang beses. Ayon sa kaniya, wala siyang pangalan. Bigla tuloy itong napasimangot sa akin. Marahil inabandona na ang aso na ito. Narito lang sa kalsada, pakalat-kalat at bigla na lang sumulpot. Suwerte na siya agad, maganda ang nakakita sa kaniya. "Ayos lang iyan! Ako naman si Marites Ravelo. Twenty-four taong gulang pa lamang ako. Taga-probinsiya ako’t dayo lang sa siyudad para ipamalas ang kagandahan at pagiging attitude ko," pagpakilala ko sa aso at nakipagkamay. Naramdaman ko ang kiliti sa balat ko dahil sa pagdila nito sa mukha ko. Pero natigil din ako. Ang kapal ng face ng asong ito! Hindi ko nga ipinahahawak sa kahit kanino ang mukha ko, tapos ngayon, didilaan niya lang?! Isa pa nga! "Arf! Arf! Arf!" pagtahol nito ulit. Ako na lang daw ang mag-alaga sa kaniya at bigyan siya ng pangalan dahil kuwawa naman siya. Iniwan daw siya ng amo niya sa kalsada at pinabayaan na lang. Muntikan na raw siya masagasaan kanina ng humaharurot na motorsiklo. Sayang lang dahil hindi pa iyon natuloy. “Sayang! Hindi ka pa nagulungan at ng mamatay ka na!" biro ko. Nalungkot ang aso kaya natawa ako. "Biro lang naman!” Napaisip ako bigla. Kakikilala pa lamang namin nitong aso na ito pero ang lakas niya nang mag-suggestion! “Hoy, aso ka! Kakikilala pa lang natin, feeling malakas ka na, ah! Ayaw ko! Pilitin mo muna ako! Sabihin mo, Ang ganda-ganda mo nga talaga, Marites! Dali! Sabihin mo na!” Nalungkot ulit ang aso. “Sige na nga, aso na ito! Baka ma-stress lang ako sa ‘yo. Ngayon, ang pangalan mo ay Atti, gets mo ba? Kasi kung hindi, bobo ka. Chos! Gets mo?" Tinanong ng aso kung bakit daw iyon ang pangalan na naisip ko. “Siyempre! Atti ka kasi ako si attitude. Para same tayo! ‘Di ba?! Understanding mo?” Napatango-tango si Atti sa akin. Tumahol ulit ang aso. Maganda raw ang pangalan na naisip ko, kasing ganda ko raw. Natuwa naman ako dahil may plus points na siya sa akin. Parang gusto ko siyang lagyan ng malaking check sa bandang kidney niya. “Arf! Arf!” Bigla akong nalungkot sa tanong ni Atti kung bakit daw ako mag-isa. Sasabihin ko ba sa kaniya? Pero nalulungkot na naman ako. Kaya hindi ko na lang sasabihin sa kaniya na mula pa akong probinsiya pero malagim ang kinahinatnan ko rito sa lungsod. Sandali kaming natahimik ni Atti dahil nga sa nalulungkot ako. Hinayaan ko na lang na damhin ang paligid. Sayang din dahil narito na ako sa Maynila. Marami ang nangangarap na makapunta rito kaya pansamantala muna akong hindi magiging malungkot at sad. “Sayang talaga Atti, ano? Biruin mo iyon? Pinag-ipunan ko ang pamasahe ko para lang makapunta rito. At siyempre, nag-sacrificing din ako dahil hindi ko muna makasasama ang pamilya ko para sa trabahong inaasam ko. Tapos ganito lang talaga ang mangyayari sa akin?” Totoo iyon, hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko. Nag-sacrificial talaga ako para sa trabaho na inaasam ko. Tuwang-tuwa pa nga ako habang tumatawag ako roon sa lalaki kanina sa telepono. Anito ay naghahanap pa raw sila. Tapos, pagdating ko kanina, wala na raw? Na nakakuha na raw sila ng katulong? Bakas din ang lungkot sa mukha ni Atti at gaya ko ay para kaming mga pulubi rito sa kalsada na pakalat-kalat. Para nga kaming napabayaang mga nilalang at dinaig pa namin ang mga basurero. Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla na lang na maramdaman ang pagkulo rito. Hindi pa nga pala ako kumakain nang mahigit limang oras na mula nang umalis ako galing probinsiya! Ang tanging kinain ko lang ay dalawang kapirasong tinapay. Inaamag pa! Ibinaba ko muna si Atti sa harap ko at inilibot ang paningin sa paligid. Mukhang mamahalin nga talaga ang mga kainan dito sa siyudad. Baka kulang pa ang buhay ko para sa presyo ng isang putahe. Wala akong malaking pera, ganda lang ang tanging mayroon ako. Marahil panahon na yata ito para ibenta ko na ang sarili ko. Para magbenta ng aliw para kumita ako at makakain. Biro lang! Kahit anong gutom pa ang maramdaman ko, hindi ko gagawin iyon. Pero kung kailangan ko na nga talaga... Hinawakan ko na ang dalawang maleta ko na mas matanda pa sa nuno sa punso sa probinsiya namin. Pamana pa kasi ito sa akin ng lolo ko na tatlo na lang ang buhok sa ulo. Kailangan kong gumawa ng paraan para makakain ako at mapakain ang mga bulate at dragon ko sa tiyan. At ng pansamantalang matutuluyan din dahil hindi naman puwede na ipananatili ko ang kagandahan ko sa kalsadang ito. Humarap ako kay Atti at napahawak ako sa bibig ko dahil ang baho ng hininga ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi nasumpungan ng mga mata ko si Atti sa paanan ko! Inilapag ko lang siya kanina! Nasaan na ang aso na iyon?! Kakakilala pa lamang namin ngunit iniwan niya na ako?! Hindi siya nalalayo sa mga taong nakilala ko! Pare-parehas lang sila! Aalis nang wala man lang pasabi? Ganoon lang ba kadali iyon?! Ganiyan naman iyong mga taong nasa paligid natin, hindi ba? Pagtapos ng maikling panahon ng pinagsamahan, iiwan lang din tayo! Totoo naman, hindi ba? Kapag ayaw na sa atin ng tao ay iiwan na tayo na parang walang pinagsamahan o pakitutungo man lang. Si Atti, ayaw niya na ba sa akin? Mabaho ba ang hininga ko? Nakakainis naman talaga araw na ito! Habang nagdadrama ako rito, napalaki ang mata ko nang makita si Atti na nasa gitna na ng kalsada. Hala siya?! Boang na ang aso na iyan! Ano naman ang ginagawa niya sa gitna ng kalsada? Tatahol ba siya sa gitna? Ganito ba ang mga aso rito sa siyudad? Mga maaarte? Sa probinsiya kasi namin, puro galis, ketong, nana, pigsa, uhugin ang aso. “Walang pagkain diyan! Punyemas itong asong ito!" panenermon ko kay Atti at saka napanguso ulit. “Ano ang gagawin mo riyan, aso ka? Tara na’t aalis na tayo sa kalsadang ito! Bilisan mo! Tara na!” Hindi nagpatinag si Atti, hindi man lang ako pinansin at mukhang natutuwa pa siyang nasa gitna siya ng kalsada! Umiirap pa siya sa at tinatahulan ako! “Huwag mo akong mataray-tarayan?! Bahala ka riyan!" buwelta ko naman. Ano ang akala niya, kukuhain ko siya riyan? Nakapapagod kayang maglakad! Tapos ay buwisit na buwisit pa ang araw ko! Kanina pa ako naiinis to the pullest!Kanina pa ako bad trip, punyemas nga! Napalingon ako sa kaliwang direksiyon ng kalsada. Nakita kong may paparating na kotseng itim! Baka masagasaan si Atti at magulungan siya! Baka kapag nabundol siya, lumabas ang lahat ng organs sa buong katawan niya hanggang sa bawian na siya ng buhay at dalhin na siya sa impiyerno—este langit kasama ng mga lahi niyang aso! Ano ang akala niya? Ililigtas ko siya? No way! Bahala siya riyan! Ang mga attitude na tulad ko ay hindi nag-aksaya ng oras! Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, Time is bold. Mahalaga talaga ang oras! “Arf! Arf!” pagtawag ni Atti sa pangalan ko. Aniya, iligtas ko raw siya sa paparating na kotse sa gawi niya. Napalingon nga ako sa kaliwa at may paparating ngang kotse! Bahala siya riyan! Pumunta-pumunta siya riyan, ngayon naman ay magpapatulong siya sa akin? Wala ba siyang paa? Ang kapal naman ng mukha ng mga garapata niya! Napahulukipkip ako. “Pilitin mo muna ako!” sigaw ko kay Atti, tahol nang tahol. Habang tumatagal ay papalapit na nga nang papalapit ang kotseng itim sa gawi ni Atti pero hindi ako nagpatinag. Bahala siya! Ang sabi ko, pilitin niya muna ako! Ang attitude na tulad ko, pinipilit muna. “ARF! ARF! ARF!” Nagmamakaawa na si Atti at halos maiyak na. Kuwawa naman! Pero naisip ko, hindi ko dapat dinadamay ang isang aso sa inis ko. Hindi ko siya dapat isinasali sa BUWISIT na BUWISIT kong araw. Wala naman siyang kinalaman dito, labas siya sa suliraning kinahaharap ng ating ekonomiya dahil isa lamang siyang munting aso! Napahinga na lang ako nang malalim, hingang hinugot ko pa sa talampakan ko. Wala na akong nagawa pa at dali-daling tumakbo, nagpunta sa direksiyon ng aso. Nang malapit na ako sa kinauupuan ni Atti na punyemas na aso, may dumating naman na lalaki na parang sumulpot lang sa kung saan! Malapit na siyang tumawid papunta sa akin ngunit nadaanan niya si Atti at natapakan niya ang buntot nito! Ano ang ginawa niya?! Kitang-kita ko kung paano ngumalngal si Atti! Nasaktan ang aso! Mali ang sinasaktan ang mga aso! Bakit niya tinapakan ang buntot ng aso?! At dahil mahal ko ang asong mabaho pa sa hininga ko ay tumakbo ako sa direksiyon ng lalaki at malakas na tinulak ang lalaki kasabay nang paghinto ng kotse sa harapan namin. Tumalsik ang lalaki sa kabilang bahagi nitong kalsada! Buti nga sa kaniya, ano! Wala siyang karapatan na manakit ng kahit hayop! “Ayos ka lang ba? Ha? May masakit ba sa ‘yo? Dalhin na ba kita sa ospital? O kung gusto mo, sa dentist para specialty ka?!" Napaisip ako bigla sa sinabi ko kay Atti. Dentist ba ang sumusuri sa kalagayan ng mga aso? Bahala na nga. Ang mga attitude na gaya ko ay hindi nag-iisip ng kung ano-anong bagay. Mabilis kong niyakap si Atti at sinuri kung ayos lang ba siya. Wala namang galos na tinamo ang aso. Ayos lang naman ito. Buhay pa man at humihinga pa rin. Kumpleto pa rin ito at walang nabawas. Sayang lang dahil hindi siya nagulungan ng kotse kanina—biro lang! Tiningnan ko ang puwet ni Ate, mayroon pang kaunting dumi! Ang baho rin! Kaya pala ako napatakip sa bunganga ko dahil sa baho ng puwet ng punyemas na asong ito! Akala ko ay dahil sa hininga ko. Pahamak ang aso! Pero pasalamat talaga siya at iniligtas siya ng magandang dilag na nagngangalang Marites Ravelo. Kung hindi, talagang durog na ang aabutin ng katawan niya. Kahit papaano pala, nalaman ko na isa sa mga dahilan ko para mapadpad sa siyudad na ito ay ang magligtas ng aso. Ito na lang kaya ang maging trabaho ko rito sa siyudad? Ang maging isang vegetarian? Tama, iyon ang tawag sa mga taong nag-aalaga, gumagamot, at nagliligtas ng buhay ng mga hayop! Vegetarian! Napalingon naman ako sa lalaking itinulak ko na nakasalampak na sa semento habang nakangiti. Nasa kabilang bahagi na siya ng kalsada matapos kong itulak siya kanina. Kaso, nakangiti siya. BOANG siya! Napatawa ako sa hitsura niya. Siya lang yata ang tinulak na pero ang mukha ay parang nanalo sa lotto! BOANG nga! Pero hindi ko talagang maiwasang soaper magtaka dahil nakangiti siya sa akin ngayon na parang may tama akong ginawa. Itinulak ko lang naman siya at tumalsik pa nga siya sa lupa. Hindi ba dapat, magalit siya dahil nga sa tinulak ko siya nang malakas kaya tumilapon siya sa semento? Pero kabaliktaran naman ang naging tugon ng mukha niya. Baka kung ang kapit-bahay lang namin sa probinsiya iyan, nabugbog na ako nito nang wala sa oras. Mga alas-cinco o alas-sais ng hapon, ganoong oras. Saka iniligtas ko lang naman si Atti dahil naawa at napilitan ako! Iyon lang talaga! Sa kabilang banda, mabilis na humarurot ‘yung kotseng itim na ikinataka naman ng bagang ko. Nagmamadali ba siya? May lakad? Kasali ba siya sa isang race car? Sa race competitor? Sa bagay, pabilisan kasi talaga roon at kailangan talagang mauna ka. Humarap ako kay Atti at binuhat siya. Napatingin ako sa paligid at nagsalubong ang dalawa kong kilay sa leeg nang makita ang maraming tao sa paligid. Tapos naman, nagsimula silang magpalakpakan! Lahat sila ay pare-parehong nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang dilag? Bumulong ako kay Atti. “Ano’ng mayroon at bakit pumapalakpak sila?" naguguluhan kong tanong sa asong mabaho na may rumi pa sa puwet. “Boang ba talaga ang mga tao rito sa siyudad? Ikaw? Hindi ba, taga-rito ka? Boang ba talaga sila? Naguguluhan ako.” Tumahol lang si Atti at sinabing hindi niya rin daw alam. Walang silbi ang asong ito! Dapat dito ay ginagawang tinolang aso! Wala siyang ambag sa buhay ko! Pagtapos kong iligtas, hindi man lang alam ang sagot sa tanong ko na akala mo, hindi taga-siyudad! Napatingin tuloy ako sa langit. Ngunit wala rin namang mga kalapating nakadapo sa mga wire! Malinis iyon at walang mga ibon. Naalala ko na kapag pumapalakpak ng maraming beses, may mga kalapati raw. “Bakit kaya sila pumapalakpak lahat?” pagkausap ko sa sarili ko dahil wala namang kuwenta ang punyemas na asong nasa braso ko na mabaho rin. Hanggang sa halos maihagis ko na si Atti paitaas at palabas ng galaxy nang may bigla na lang na humawak na kamay sa head and shoulder ko! “Maraming salamat sa ginawa mo...” Napahinga ako nang malalim nang bumungad sa akin ang lalaking tinulak ko kanina na tuwang-tuwa pa sa ginawa kong pagtulak sa kaniya. Isa siyang malaki at higanteng boang dahil siya lang ang taong tinulak mo na nga nang malakas, nakangiti pa! BOANG talaga! In fairness of tsinelas? Ang guwapo ng mukha niya at ang baby face ng face niya! Ang laki rin ng katawan niya! Hapit na hapit sa suot na damit ang muscles sa katawan! Ang linis niya ring tingnan! Naku, baka malaglag ang panty ni Marites Ravelo! Mabilis kong hinawi ang buhok ko mula kaliwa patungong left. Dapat ay nagmukha akong magandang dalag sa mukha paningin niya. Siya na yata ang mag-aahon sa akin sa hirap! Siya na yata ang magdadala sa akin sa tila isang paraisong buhay! Patulan ko na kaya ang isang Ito kahit medyo malayo ang agwat ng edad namin? Puwede! Hindi naman imposible! Maaari ko itong subukan! Naniniwala kasi ako sa kasabihang, Ice age has nothing to do with love. Spread love, not legs. Siya na yata ang icing sa ibabaw ng cheese cake ko! Siya na yata ang keso sa ibabaw ng macaroni ko! “B-Bakit po kayo nagpapasalamat?” pabebe at maarte kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon na guwapo. Hindi tuloy maiwasan ng mga mata ko na magliwanag, mas maliwanag pa sa Esperma candle sa sobrang guwapo ng lalaking nasa harap ko! Soaper yummy! Tumahol na naman si Atti na akala mo ay kasali siya sa usapan namin. Gigilitan ko na talaga ang asong ito sa bunbunan niya. Moments ko, nakikisali siya? Alam niyang dumidiskarte ako ng ipangkakain namin dahil gutom na ako, iistorbo siya?! “Iniligtas mo kasi ako sa aksidente...” Nakangiti pa rin ang guwapong lalaki habang nagsasalita. Ang ngita niya ay para bang abot hanggang sa leeg niya! Malapad talaga ang mga ngiti niya. Bagay talaga ang ngiti sa magandang hubog ng pagmumukha niya! Iniligtas? Siya? Iniligtas ko siya? Boang yata itong si kuya. Sayang dahil guwapo, kulang naman sa nutrisyon ang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD