CHAPTER 1: THE SO CALLED FIRST LOVE BUT ENDED IT AS FIRST GAME

1430 Words
                “Kapag naisipan ko na, maybe I will stop the game,” ang sagot ko sa aking pinsan.                 Kanina pa ako kinukulit tungkol sa walang kwentang bagay.                 Oo, walang kwenta para sa akin ang pag-ibig. Hindi naman kasi totoo ang mga taong nagmamahal sa ibang tao. Mahal lang nila ang isang tao kapag may pakinabang pa ito. Sinasabi lang nila ang mga katagang “I love you”, “mahal kita”, “saranghae” o kung ano pang wika ang gamit nila pero hindi naman iyon totoo. Mahal daw nila pero kapag tinoyo na ang babae ay hindi na nila mapagpasensyahan. Mahal nila pero may kasinungalingan. Ang malala pa sasabihing mahal nila pero niloloko naman. Mahal daw pero sinasaktan.                 So bakit ako magseseryoso sa isang bagay na hindi ko nakikita ang importansya?                 I just choose to play this game. Yes, it is clear for me! Alam ko sa sarili kong hindi ako seryoso at nakikipaglaro lang ako.                 “Bella!” Xhyj shouted.                 Xhyj is my older brother. Mabait, matalino, strikto pero mapag-alaga at naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit, pero baliw na baliw siya sa kanyang one and only. Isang sabi lang ng girlfriend niya gagawin niya agad. I do remember back then, we went to the province at kailangan namin magstay doon for just 3 months. Imagine tatlong buwan lang naman sila magkakalayo pero isang sabi lang noon ng kaniyang pinakamamahal na namimiss na daw niya ito dali-dali namang bumalik dito sa Manila si Kuya. Ang OA lang, sabagay mahal daw. At ako naman si Maxibella Peralta or Bella for short na kaniyang kabaliktaran. Yes, hindi ako mabait, but syempre matalino naman ako hindi lang ako seryoso. And hindi ako baliw sa pag-ibig, actually I am just playing it quietly but this cousin of mine na kanina pa ako kinukulit siya si Georgina alam niya lahat. Well, Georgina is not just a cousin but a good friend, bestfriend I mean. Lahat na ata ng pwede niyang gawin para sa akin nagagawa niya. Including ang pagtakpan ang mga kasalanan ko. For sure kung hindi niya yun napagtakpan pagalit na naman ang aabutin ko. Okay let us back to reality.                 “WHY?” ang tanong ko.                 “Tumawag si Dad, magbihis ka raw. Kailangan nating pumunta sa family dinner tonight. Okay?” he said.                 “I don’t want to go,” I said while pushing him away palabas ng kwarto ko.                 Hindi na sya nakapagsalita pa dahil isinara ko na ang pinto. Bakit naman kasi ako pupunta sa family dinner? Para lang sermonan ako? I don’t want that. As long as I am happy in my life I don’t care about them.                 “Are you sure you don’t want to go?” ang tanong ni Georgina.                 “Yes,” I said.                 “Baka naman umiiwas ka lang?” ang tanong niya.                 “Why would I do that?” ang tanong ko sa kanya.                 “I don’t know, maybe because of Chad,” ang sabi niya nang may pang-aasar.                 Si Chad.                 Yes, definitely dahil kay Chad kaya kahit pa magulang ko sila hindi ako makikipagkita sa kanila.                 Si Chad lang naman ang una kong boyfriend. They all said its first love, siguro pero baka first game.                 Alam ng mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Chad at malinaw rin sa kanila na wala na kami. Hindi ko na siya boyfriend pero parati pa rin nilang itinatanong kung kamusta na kami. And that irritates me that much.                 Chad is good guy, actually near perfect ang pagkakakilala ko sa kaniya. He is friend of Kuya Xhyj, magkaklase sila at they are both good in playing baseball. But kuya choose to study than being an athlete, while Chad pursue his passion. At dahil magaling siya, kinilala siyang athlete of the year.                 At ang story namin ni Chad?                 He was my first crush. Noong mga panahon na ‘yon naniniwala pa kong pwedeng magmahal ang mga tao. Masaya ang mga tao kapag nagmamahal sila.                 Chad is very gentleman, nagpaalam pa siya kila Dad and Kuya noong liligawan niya na ko. Naging maayos lahat even si Mommy ay botong boto sa kaniya. He did all the things na pwedeng makapagpabilis ng t***k ng puso ko.                 Masaya ako kapag kasama siya. We spent time together. We also called as a Perfect Couple dahil bagay na bagay kami sa isa’t isa para sa paningin ng mga tao. Ginawa naming best days ng isa’t isa ang bawat araw na magkasama kami. Sinusuportahan ko siya sa lahat especially to his game. Alam kong buhay niya ‘yon, at malinaw sa amin ang aming mga priorities. We both excel in all things. Naging maganda ang academic grades ko at naging active ako sa mga activities sa school. Kaya naman lalong natuwa ang mga magulang ko dahil doon. Masaya sila para sa amin.                 Umabot ng isang taon ang relasyon namin. We celebrated our anniversary sa bahay kasama ng pamilya ko. Then the next day hindi ko siya macontact. I don’t expect the changes that happened. Hindi ko inasahan ang biglaang pagbabago sa relasyon naming dalawa.                 The first quarrel we had.                 The feeling of sadness, noong nagtalo kami dahil sa sinabi ko ang pagbabagong napansin ko sa relasyon naming dalawa.                 Nanatili siyang galit at tahimik na nagtagal ng isang buwan. Ang sabi niya ang immature ko for that na kaunting bagay pinapalaki ko. Even what I did was to ask him why doesn’t he call me that day. He didn’t explained anything, nagalit lang siya. At nalaman ko kay Georgina na kasama niya ang barkada niya noong araw na ‘yon.                 That simple quarrel changes everything. His way of treating me, sa pakikipag-usap niya sa akin, sa bawat maliliit na bagay na nakakapagpasaya sa akin noon ay nawala na at nagbago.                 Hindi na siya ang Chad na nakilala ko. Sa kabila noon nananatili pa rin ako sa kaniya at hindi siya iniwan. Inisip kong baka may dahilan pero kahit anong tanong ang gawin ko o pangangamusta wala siyang kibo at hindi na kailanman nagkukwento ng tungkol sa kaniya. Ang mga minimal na sagot na ‘Okay lang’ ang naririnig ko mula sa kaniya kung minsan.                 Tumagal pa iyon ng limang buwan. At ang nakapagpabitaw sa akin sa aming relasyon ay ang isang pangyayari.                 *Flashback: year 2018*                 “Ano ba Maxibella? Kaibigan ko lang ‘yon!” ang sagot niya sa akin ng itanong ko kung sino ang babaeng kasama niya sa Cafeteria.                 “KAIBIGAN? Ganyan ka ba kabait sa kaibigan? Halos magkapalit na ang mga mukha niyo sa sobrang lapit!” ang sabi ko sa kanya.                 Halos hindi ako makahinga sa sobrang galit. Ang sakit, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.                 “Ano bang sinasabi mo Max?” ang sabi niya.                 Max ang karaniwan niyang tawag sa akin dahil mas maganda raw iyon para kakaiba. Noon kapag naririnig ko ‘yon na binibigkas niya masaya ako pero ngayon mas lalo akong nasasaktan.                 “Ano ‘to? Anong ibig sabihin nito?” ang tanong ko sa kaniya kasabay nang paglahad ko ng aking cellphone sa harap niya na may litrato kasama ang babae niya.                 Hindi siya nakasagot agad bagkus ay bumaling ng tingin sa ibang direksyon.                 Ang sakit pero hindi ko dapat ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Kaya naman pinipigilan ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Gustong-gusto ko nalang umalis sa harapan niya at umiyak pero gusto kong marinig ang paliwanag niya. Gusto ko pa rin intindihin ang dahilan niya. Gusto ko pa rin ilaban kahit dehado na.                 “Maghiwalay nalang tayo!” ang sabi niya nang walang kaemo-emosyon sa mukha.                 Ha? Tama ba ‘yong narinig ko? Nakikipaghiwalay siya sa akin?                 Bakit?                 Saan ba ko nagkulang?                 ANONG MALI ANG NAGAWA KO?                 “Iyan ba ang gusto mo?” ang tanging nasabi ko.                 “Palagi nalang tayong ganito, palagi ka nalang may problema sa akin mas mabuti pang itigil nalang natin ito,” he said and just walked away.                 Ang sakit! Nakakainis! Ako pa? Ako!                 Bakit ako? Ano bang mali sa magtanong? Wala akong problema! Wala akong problema sa kaniya, I am just asking him! Bakit!!!!!                 Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha sa aking mata. Umiyak ako roon na parang isang bata. Gusto kong ilabas lahat ng bigat. Ang sakit, sobrang sakit kung alam ko lang sana. Dito din pala sa hiwalayan mauuwi ang lahat edi sana, sana noon palang sumuko na ko sa kaniya.                 *End of flashback.*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD