Prologue

2053 Words
1YEAR AGO ( LOS ANGELES, CALIFORNIA) "Miss, one cappuccino please?" sabi ni Justin sa isang crew na babae sa coffee shop. "Yes, sir," sagot naman nito sa kaniya at inihanda agad ang order niya. Pauwi na sana siya nang maisipan niyang dumaan muna sa coffee shop malapit sa hotel na tinutuluyan niya. Masyado siyang na-curious sa coffee sa shop na ito dahil maraming tao laging nakapila sa labas para bumili ng kape. Ang totoo hindi talaga siya mahilig sa kape kundi ang half-brother niyang si Edwin o mas kilala bilang Waki. Ayaw nitong tawagin na Edwin dahil napakabantot raw ng totoong pangalan na ibinigay ng kanyang ama. Hindi siya pinapansin nito kapag tinawag niya ito sa totoong pangalan dahil tunog senior na raw. Magkapatid sila sa ama nito dahil gaya ng ibang kalalakihan isang babaero din ang kaniyang ama. Hindi naman niya ito masisisi dahil guwapo, matikas at maraming babae ang nahuhumaling kapag nakita ito. At higit sa lahat mayaman rin ito. Pero kahit gano'n pa man hindi sila pinabayaan na magkakapatid nito. Pantay-pantay lang ang tingin nito sa kanilang magkakapatid. Tatlo silang magkakapatid na iba-iba ang ina. Siya, si Waki at ang bunso na si Darcy. Katulad ng iba hindi sila magkasama sa iisang bubong dahil ayaw ng kaniyang ama na may inggitan at selos sa mga ina ng mga kapatid niya. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at ang ina naman niya ay nakapag-asawa na nang iba. Kaya nasa poder ito ng asawa. Tanging siya nalang ang mag-isang nasa bahay kaya mas pinili nalang niyang sa hotel nalang tumira dahil masyado siyang nababagot kapag nasa bahay siya kasama ang mga katulong. Kaya sinabi niya sa kaniyang ama na iba na lang ang patirahin sa bahay nilang iyon. Dahil mas deserve iyon ng mga kapatid niya kahit siya itong legitimate na anak. Bukod doon mas gusto niyang tahimik at simpleng pamumuhay lang gaya ng karamihan na katulad niya ay matiyagang pumila ng napakahaba para lang bumili ng kape. Sandali niyang inilibot ang mata sa buong coffee shop habang hinihintay ang order niya. Nang mahagip ng mata niya ang isang babae na nasa sulok at hawak nito sa kamay ang inoorder na kape habang nakapikit ang mga mata na animo ninanamnam ang sarap na iniinom nitong kape. Maganda ang babae at napaka-amo ng mukha nito na para bang inosente sa lahat ng bagay. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang sumipsip uli ito sa kape pagkatapos ay ganoon pa rin ang ginawa. Itinaas ang ulo na nakapikit at may ngiti sa labi. "Tsk, OA," mahinang usal niya at pailing-iling na lang sa nakita. "Here's your order, sir. Thank you, please come again!" nakangiting sabi ng babaeng crew. Agad niya itong binayaran at mabilis na lumabas sa coffee shop. Pagkalabas niya roon ay hindi niya maiwasan ang mapatingin uli sa babae nang mapadaan siya sa gilid ng nasabing coffee shop. Kitang-kita kasi niya ito dahil nasa gilid lang ito pumwesto at salamin pa ang dingding. Pansamantala siyang tumigil para tingnan pa ang babae na nakapikit pa rin dahil lang sa kape. Nang bigla nalang sumagi sa isip niya na picturan ito dahil nakuha talaga nito ang atensyon niya ng babaeng ito. Pagkatapos makuhanan ng stolen shot ay isang sulyap pa ang ginawa niya sa babae at ngumiti ng nakakaloko bago mabilis nilisan ang coffee shop. Mabilis niyang tinungo ang suite niya dahil kakaibang init ang binuhay ng babaeng pinagmamasdan kanina. F**k! Stop it man! Don't you dare! aniya sa isip habang nagmamadaling maghubad ng damit para mag-shower. Itinodo niya sa malamig na tubig para mamatay ang kakaibang init na rumaragasa sa kaniyang kalamnan. Sunod-sunod rin ang pagbuga niya ng hangin para pakalmahin ang sarili na napagtagumpayan niya naman. Ano ba ang ginawa ng babaeng 'yon sa akin? Bakit ganoon nalang mag-react ang katawan ko sa kaniya? Samantalang nakapikit lang naman siya at hindi ako nakikita. Buwesit! sa isip-isip niya. Pagkatapos makapag-shower kaagad na lumabas ng banyo upang kumuha ng bagong damit na susuotin. Naisip niya ang kapeng binili na nailapag niya kanina sa may center table na nasa sala. Pinuntahan niya ito at tiningnan nang mabuti. Let's see, kung bakit ganoon nalang ang reaction ng babaeng iyon kanina. Napaka-OA masyado. Samantalang pareho lang naman ang lasa ng kape! sabi niya at tinikman na nga ang kape na binili. "Hmm...pwede na rin," Napapatango pa siya nang sabihin 'yon. Sumipsip uli siya. "Parang sumarap sa pangalawa kong pag-inum. Bakit ganito ito?" Nakakunot ang noo dahil sa pagtataka kung bakit mas sumarap ang lasa ng kape habang sunod-sunod ang ginawa niyang pag-inom dito. Hanggang sa hindi niya namalayan na naubos niya na pala ito. Nagtaka pa siya nang walang lumabas na kape sa lagayan nito. F**k! Nang napagtantong said na pala ito. "Now, I know kung bakit napaka-OA masyado ang reaction ng babae iyon kanina!" aniya at napapailing na kinuha ang phone at tiningnan ang kinuhang stolen shot sa babae habang OA sa pag-inom ng kape. Maganda at malinaw ang pagkuha niya dito kaya naman kitang-kita niya ang mukha nito. Simple innocent yet seductive! Single pa kaya siya? Taga-saan kaya siya? tanong niya sa kanyang isip na ang mata ay nakatutok sa mga labi nito. Natigil lang ang siya ng tumunog bigla ang phone na hawak niya. Nakita niyang ang kapatid niyang si Waki ang tumatawag. "Have you seen the latest model?" bungad agad nito sa kanya. "What latest model?" sagot niya na walang idea kung ano ang sinasabi ng kapatid. "Really, Justin? Hindi mo talaga alam? What happened to you? Nakakita ka na naman ba ng babaeng nagpapawala sa katinuan mo?" sunod-sunod na tanong nito at tinawanan pa siya sa kabilang linya. "F**k you! Diretsuhin mo na ako!" bulyaw niya rito dahil alam niyang pinagtatawanan na naman siya nito. "I think tama ako dahil obviously pikon ka na naman," tatawa-tawa pang sagot nito sa kaniya. "Bullshit!" sigaw niya dahil patuloy pa rin ito sa pagtawa. "Who is it? par--" "Stop it! Ibaba ko na ito kapag hindi ka pa tumigil! Baka nakalimutan mo na mas matanda ako sayo ng pitong buwan! Kaya igalang mo pa rin ako. Dahil kuya mo pa rin ako!" Galit niyang saad rito. Hindi ito sana'y na tawagin siyang kuya dahil ilang buwan lang naman ang tanda niya rito. "Okay, fine," mahinahong sagot nito at tumigil na rin sa pang-aasar sa kaniya. "Then, what is it?" tanong niya muli sa kapatid. Dahil hindi niya talaga ma-gets ang sinasabi nito dahil sa kakaisip sa babae kanina. Ayaw niya lang aminin na tama nga ito sa mga sinasabi. Dahil alam niyang aasarin lang rin siya nito hanggang mapikon na siya. "A motorcycle," biglang sabi nito sa kaniya na lumaki ang mata niya. "What?! Kailan lang nilabas? Kanino mo nalaman? Saang branch daw naglabas?" Sunod-sunod at nagmamadaling niyang tanong sa kapatid. "Isa-isa lang mahina ang kalaban," narinig na naman itong tumatawa sa kabilang linya. "Kanina lang nilabas at doon parin sa binilhan natin last month sabi ng kaibigan ko. Kaya bilisan mo na at baka maubusan ka pa! Kung nandyan lang ako baka nag-ikot na ako ngayon," excited na sagot nito sa kanya. "Okay. I'll hang up now! Thanks for now. Tatawagan nalang kita mamaya." Hindi na niya ito hinihintay na sumagot pa at pinatay na niya ang tawag nito. Nagmamadali siyang lumabas ng suite para puntahan ang nasabing tindahan ng motorcycle. Pagkarating niya sa tindahan ng motorcycle ay dalawang lalaki ang naabutan niya doon. Mukhang galit na galit ang mga ito habang kausap ang isang staff na lalaki sa tindahan. "Bullshit! Kanina pa ako dito tapos hindi niyo ako mabigyan?!" galit na reklamo ng isang may edad na lalaki. "Kahapon pa ako nag-order at nag 'yes' ang naka-usap ko kahapon. Tapos sasabihin mo na out of stock na kayo ngayon? Ano 'to lokohan?!" Katulad ng isa galit rin ito. Lumapit na rin siya sa mga ito para magtanong kung may stock pa. "Excuse me! May stock pa ba kayo? Iyong kalalabas lang na bagong modelo," tanong niya sa lalaking staff. Bumaling ito sa kaniya "I'm really sorry, sir. Pero huli na po talaga iyong nabili kanina at kakaalis lang din niya," sagot nito sa kaniya at palipat-lipat ang tingin sa kanila. "P**ang *na!" gigil ng isang lalaki. "Buwesit! Sana hindi na ako pumunta pa rito. Nagmamadali pa ako tapos wala naman pala akong maabutan dito," hiyaw ng may edad na lalaki. Ganoon nalang ang panlumo niya nang marinig ang sagot ng staff sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi ang umuwi pabalik sa hotel. Sa ikalawang pagkakataon nakita na naman niya ang babae kanina sa coffee shop. Kasalukuyan itong nakaupo sa may mahabang upuan. Napadilat siya nang makitang may hawak na naman itong kape habang nakikinig ng music sa cellphone nito. Adik ba siya sa kape? Pambihira! Ilang beses ba siya nagka-kape sa isang araw? Wala pang dalawang oras ah? komento niya sa isip. Muli, kinunan na naman niya ng stolen shot ang babaeng OA sa pag-inom ng kape. At sa tingin niya ay adik yata ito sa kape. Dalawang kuha lang ang ginawa niya rito bago mabilis na bumalik sa hotel. Kinabukasan, muli siyang dumaan sa coffee shop bago pumasok sa trabaho. Pero hindi na niya nakita ang babae doon kung saan niya ito nakitang nakaupo. Kahit sa sumunod na mga araw ay dumaan ulit siya doon. Pero gaya kahapon hindi niya pa rin ito makita. Saan na kaya siya? Saan na naman kaya siya bumili at uminom ng kape? tanong niya sa sarili at doon pa mismo puwesto sa inupuan ng babae kung saan niya ito unang nakita. Nakaramdam siya ng lungkot nang hindi niya na muli itong nakita pa. Ngunit hindi niya maipagkakaila na nagulo ang tahimik niyang utak dahil sa babaeng iyon. 11 MONTHS LATER.. Napabalikwas ng bangon si Justin nang marinig ang pag-ring ng cellphone niya. Nakapikit pa ang isang mata niya nang sagutin niya ang tawag sa kabilang linya. Ni hindi tiningnan kung sino ang tumatawag sa kniya ng gano'ng oras. Naisip niyang mukhang emergency ang tawag na ito dahil dis-oras pa ng gabi sa lugar kung saan siya ngayon. "Yes?" "Justin! Si Waki," anang sa kabilang linya. Nakilala agad niya ang boses nito. Dahil ito mommy ni Waki at isa sa mga babae ng Daddy niya. Si Gina. "Tita? What about, Waki?" tanong niya rito at humiga muli sa kama. Dahil inaantok pa talaga siya sa sobrang pagod ng babaeng kasama sa kama ngayon. Ang babaeng nagbigay motibo sa kaniya kanina sa pinuntahang club. "Si, Waki nasa ispital at kritikal ang lagay, Justin," sagot nito sa kabilang linya at humahagulgol pa. "What?!" Napabangon siyang muli at tuluyan nang nagising ang diwa dahil sa masamang balita ng mommy ni Waki. "What happened? Sinong may gawa niyan sa kaniya? Bakit nasa ospital siya? Ano ba talagang nangyayari, Tita? Kahapon lang masaya pa kami na nag-uusap dahil malapit na raw siyang mag-propose sa girlfriend niya. Pero bakit nasa ospital na siya ngayon?" Sunod-sunod niyang tanong rito. Hindi siya makapaniwala sa narinig niyang balita nito sa kaniyang kapatid. Kilala niya ang naging girlfriend ng kapatid. Dahil halos araw-araw itong ibinalita sa kaniya. Excited palagi ito kapag kausap niya. Halatang mahal na mahal nito ang girlfriend. Nakaramdam siya ng selos at inggit sa kapatid. Dahil ang girlfriend nito na laging ibinida ay iyong babae na OA sa pag-inom ng kape. At ang babae na kinunan niya ng stolen shot na hanggang ngayon ay nasa cellphone niya parin. Kahit alam niyang girlfriend na ito ng kapatid niya. "Dahil sa babaeng iyon! Dahil kay Daniela na isang malanding gold digger!" Galit na sagot nito sa kabilang linya. Nagtagis ang mga bagang niya at naiyukom ang mga kamay ng marinig iyon. "Uuwi po ako, tita, ngayon din!" Kaagad siyang nagdesisyon na umuwi na sa pilipinas para damayan ang mommy ni Waki. At para na rin alamin ang totoong nangyari sa kapatid. "You will pay for this, Daniela. Pagbabayaran mo ito, Daniela Oliveros!" Aniya sa nagbabagang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD