Prologue

1268 Words
Three years ago - somewhere near the South China Sea   Ang pinakahuling narinig ni Trust Benedicto bago siya namatay ay ang putok ng baril na tumama sa kanya. One minute he was congratulating himself on getting out of there in one piece, and the next minute he was lying flat out of the deck while his blood pooled around him. Sa mapanganib na buhay na palaging kinasusuongan niya, wala pa naman siyang hindi nalalampasan. Except this time. Sa kasamaang palad naiwan niya ang kanyang bulletproof vest sa hotel kung saan siya nag stay. Para kasi kay Trust, kakailanganin lang naman niya ang vest pag meron siyang masamang kutob. Pero wala talaga siyang naramdaman ni isang sinyales sa kanyang pagkasawi sa mga oras na yon. Nakita niya sa kanyang blurry vission na pinalibotan na siya ng mga tao. But why were they standing there? Bakit wala man lang silang ginawa upang tulongan siya? Sa halip ay pinanood lamang siya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Hanggang sa may bumuhat sa kanya. Inilagay siya sa isang kotseng convertible kung saan natatanaw niya ang kalangitan. Nang tuloyan ng pumikit ang kanyang mga mata, nakita nalang niya ang kanyang ama't ina sa unahan at tinawag siya. "Halika na dito, anak. Hinihintay ka na namin." He started walking toward them, but it was like he's walking through a sea of cotton candy. Mga walo or sampung hakbang siguro para maabot niya ang kinaroroonan ng mga magulang. But no matter how many steps he took, hindi pa rin niya maabot ang kinaroroonan ng mga ito. Tumakbo na lamang siya, slow at first, then faster, gaining speed but not distance. Humihingal na siya sa kakatakbo pero parang hindi parin siya umabante ng ilang steps kasi natatanaw parin niya ang mga magulang sa unahan, at naghihintay lamang sa kanya. "Trust." Huminto siya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng babae na tinatawag siya. That voice. That sweet voice. He tried to focus through a gathering haze. "Mahal kita." sabi nong babae. "Hindi ako tumigil sa pagmamahal sayo." Sa halip na mga magulang niya, ang pamilyar na pigura na ng babae ang naghihintay sa kanya sa unahan. Her long hair tangled about her delicate shoulders. She smelled of jasmine and innocence. Naalala na pala niya, ito yong babaeng nakasama niya ng halos dalawang linggo. At ang babaeng palaging laman ng kanyang panaginip. Hindi ito totoo, sabi niya sa sarili. Matagal na siyang lumayo sa babae. Siguro may nagmamay-ari na nga sa puso nito. At higit sa lahat, baka may asawa na rin ito at mga anak. Pero hindi rin siya tumigil sa pagmamahal niya sa babae. Pinilit niyang humakbang sa kinaroroonan nito, but he stumbled. Tumayo siya at humakbang ulit, but he stumbled again. This time he fell heavily, landing on his right knee. The pain was so strong, and the heavy pain crushing its way out from his rib cage, choking his breath, his life.   Three days later...   The encrypted message came in a little after midnight. Luis Aragon snapped instantly awake at the sound of electronic machinery receiving a message from headquarters. The safe vault was conveniently set at eye level kung saan naroroon ang enigma machine. Then he punched his access code, waited a moment, then peered through the eyepiece for retina identification. Another moment passed, then another. Finally he heard a series of click as one by one, and the locks tumbled open. He swung open the safe vault and pulled out the enigma machine. Pinindot naman niya ang red button sa kaliwang side, tas malakas niyang binanggit ang kanyang pangalan at hinintay niya ang voice ID. Seconds later, naging berde ang pinundot niyang red button at lumabas mula sa machine ang isang papel. TERMINATION NOTICE Name: Benedicto, Trust Age: 30 Birthplace: Cebu, Gibitngil Island Family: None Height : 6'5" Weight: 185 lbs Hair: Black Eyes: Brown Service History: Europe, Southeast Asia, and Middle East. Situation in Egypt handled successfully but cleanup necessary. A loner. Loyalties uncertain. Current Status: Body returned to Philippines for burial. Terminate payroll #789022XYZ. Sorry, Luis. I know he was one of your trusted men. Nanikip naman ang dibdib ni Luis Aragon ng mabasa niya ang mensaheng iyon. He hated death, hated it with his entire heart and soul, even if there been nothing he could stop the inevitable. Kapag kamatayan kasi ang pag-uusapan, ang maiisip niya lang ay ang nasawi niyang asawa na si Marga. Namatay kasi ito sa plane crash at hanggang ngayon hindi pa niya matanggap ang pagkamatay ng esposa. Tiningnan niya ulit ang papel. Thirty years old. Hell, that was just the blink of an eye. Marami pang mangyayari sa buhay ng isang thirty years old at maaring makamit pa nito ang kanyang mga pangarap sa buhay. He folded the paper and put it back in the safe vault, then locked it again. His eyes filled with tears. "Damn!" mahinang mura niya sa sarili. May kasalanan pa kasi siya kay Trust dahil sa inilayo niya ang kanyang anak na si Mati sa lalaki. Masyadong bata pa kasi si Mati at baka masaktan lamang siya sa huli. Bilang ama mali ba ang ginawa niya sa paglayo sa dalawa bago pa may masaktan sa kanila? A bitter laugh rose in his throat and he wished he had a brandy to wash it back down. Bago pa may masaktan sa kanilang dalawa. Ang katagang iyan ay pabalik-balik naman sa kanyang isipan. Patay na si trust. Sigurado siyang mag bi-break down talaga si Mati pag malaman niya to. Sumikip na naman ang dibdib niya. Naisip kasi niya ang tatlong anak na babae, lalo na si Mati na medyo mahina sa tatlo. She was different among the three girls. Pangalawa si Mati sa tatlo niyang anak. Kung ang panganay at bunso niyang anak na si Frances at Sab ay maganda at sopistikada. Simpleng babae naman si Mati na may angking ganda, at higit sa lahat matalino. In fact, ito ang namamahala sa negosyo ng magkapatid na mga fashion accessories. Si Mati rin ang mismong nag design sa kanilang mga ibenentang accessories here and abroad. Saka last year, her lovely face and exquisite designs had graced more magazine covers than he could count. Kilala rin kasi si Mati sa larangan ng fashion sa bansa. Ang tanong lang sa karamihan kung bakit wala ni isang lalaki ang na ugnay nito. Alam mo ba kung bakit, Luis? tanong niya sa sarili. Dahil hindi pa siguro ito naka move on sa ginawa mong paglayo sa kanila ni Trust. Sa panlilinlang mo sa kanya na patay na ang lalaki. Nagsisi man siya ngayon ngunit huli na, dahil hindi na niya pwedeng bawiin sa anak na hindi talaga namatay si Trust. Dahil sa nagkatotoo ang pagkamatay nito. The bitter taste of regret filled his mouth, at umakyat siya ulit sa kama upang piliting matulog. He shifted, trying to find a comfortable position, but he never had. Not ever. Naghahangad pa naman siya na makita muli si Trust. Hihingi sana siya ng paumanhin sa lalaki sa mga nagawa niya. But now it was too late. Trust is dead. At malaki rin ang kasalan niya sa anak. Mati deserved to be happy and loved, she deserved to have a husband and a family of her own. Kaya panatilihin na lamang niya ang pinaniniwalaan nito dahil hindi na rin naman babalik si Trust. He'd played God once, with dismal results, but he'd learned from his mistakes. Pinatay na ni Luis Aragon ang ilaw sa lampshade. Tas umusal siya ng panalangin para sa kaluluwa ni Trust, at sa tuloyang pag move on ng kanyang anak na si Mati. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD