Chapter 1 : "Uncle Niko"

1659 Words
CHAPTER 1 : “Uncle Niko” Annais   "Annais sasama ka ba sa amin o mauuna ka ng umuwi?" Tanong sa akin ni Lianne ang nag-iisang kaibigan ko.Katatapos lang namin'g mamasyal sa mall pero nag-aaya nanaman silang pumunta sa bar mamayang gabi, gusto ko sanang sumama kaya lang may kailangan pa akong asikasuhin.   Isang napaka importanteng bagay na hindi dapat isantabi. Kinakabahan akong napangiti ng maalala ang taong dahilan kung bakit ako aligaga ngayon.   Isang taon pa lang ang nakakalipas simula nung umalis ako sa mansyon na iyon. Sinabi ko kina papa na mamumuhay na ako mag-isa pagkatapos kong makagraduate sa pangatlong kurso na kinuha ko. Sobrang excited ko nung araw na iyon, first sem pa nga lang ay naka-impake na ako.   "May kailangan pa akong asikasuhin kaya hindi muna ako makakasama."   Napasimangot si Lianne ng marinig niya ang sagot ko. Punong puno ng paper bag ang kamay ng babae kaya hindi siya makalapit para hawakan ang kamay ko at kumbinsihin na baguhin ang aking desisyon. Unfortunately...wala talagang makakapagbago sa Isip ko dahil sa takot na paghindi ako sumunod kay papa ay baka tuluyan na akong masipa pabalik sa mansyon na iyon.   Ma-Mahal ko ang pamilya ko pero a-ayokong tumira sa lugar na iyon. Ayoko ng maalala pa kung gaano kadumi ang pamilyang kinabibilangan ko.   "Hindi ba pwedeng ipagpaliban yan?"Tanong pa ng babae na ngayon ay kasing haba na ng ilong niya ang pagkakanguso ng kaniyang labi.   "Hindi talaga pwede, sobrang importante ng dapat kong asikasuhin mamaya." Binigyan ko pa ang babae ng Isang pilit na ngiti ng makita kong inaaya na siya ng iba pa niyang mga kaibigan.   Mga kaibigan niyang hindi naman talaga ako gusto. Si Lianne lang talaga ang kaibigan ko pero dahil nga masyadong friendly ang babaeng ito ay wala na akong nagawa nung sumama sa amin ang iba pa niyang mga kaibigan na obviously ay ayaw sa akin. Akala kasi nila ay mahirap ako. Sinulyapan ko ang dalawang piraso ng paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko sa department store.   Libre pa ni Lianne ang Isa dahil hindi pa ganoon kalaki ang kinikita ko sa pagsusulat. Tapos kailangan ko pang unahin yung mga gastusin ko sa bahay kaya kahit sanay sa karangyaan ay kinakailangan ko rin'g mamaluktot. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ng Iba pa niyang kaibigan?, akala nila ay mahirap ako.   Walang class at walang kakayanan na bumili ng mga mamahaling damit at gamit.   Muli kong sinulyapan si Lianne pero ngayon ay malayo na siya sa akin. Hinihila kasi ito palayo ng iba pa niyang mga kaibigan. Lihim akong napangiti dahil sa katotohanan na hindi nila alam na kami ang nagmamay-ari ng mall kung nasaan sila ngayon. Hays, totoo nga pala ang sinabi ni lolo noon. Makikita mo lang ang mga totoong kaibigan sa oras ng kagipitan.   Wala sa sarili akong napailing at ng hindi ko na matanaw pa si lianne at ang mga kaibigan niya---Napagdesisyonan kong lumakad na papunta sa cafe na malapit sa entrance nitong mall.   Hindi naman ako makikilala ng mga staff dito dahil hindi ko suot ang family crest at hindi rin mukhang pang elite family ang suot kong damit. As of now I am not Annais Laurent Davis, as a commoner my name shall be Annais Laurent Salvia, bilang normal na mamayan na naninirahan sa maliit at lumang apartment malapit dito sa mall. Nagtra-trabaho bilang isang full time writer at namumuhay ng mag-isa ngunit masaya. Gusto ko ang buhay na ito kahit na malayo ako sa mga bagay na nakasanayan ko bilang miyembro ng Davis Family.   Sagad kong nginitian ang isa sa mga staff ng cafe ng makapasok ako sa loob nito. Mukha akong hindi kinakabahan pero sa totoo niyan, hindi ko na mapigilan pa ang panginginig ng aking mga daliri. It's been a year since I saw my parents, nakakapagtaka lang na ipapatawag nila ako bigla.   Umupo ako sa pwesto na malapit sa glass wall at ng maging komportable ay lumapit ang Isang babae na nakasuot ng Uniporme nitong Cafe.   Nginitian ako nito kaya ganoon rin ang aking ginawa. Ito kasi ang tinuro sa amin ni Nikolai noong bata pa ako. Si Nikolai yung kanang kamay ni papa, uncle Niko ang tawag ko sa kaniya ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay pinagbabawal iyon para sa mga elite na katulad ko.   Meroon'g isang rule sa book of laws na nagsasabing "The master shall call his servant to his given title." Therefore we can not call our servants as Uncles or aunties.   Nakakalungkot iyon dahil sa tuwing tatawagin ko si Uncle Nikolai sa pangalan lang nito?, Kusang nadudurog itong puso ko. Parang ang sama naman kasi ng kung sinong gumawa sa rules na iyon. Talagang pinaalala niya ang pagitan sa mga servants at elites.   Matapos kunin ng babae ang order ko ay dali-dali na itong bumalik sa counter at doon ginawa kung ano ang dapat niyang gawin.   Napatitig na lamang ako sa labas habang hinihintay ang Isang tasa ng kape na aking Inorder.   Kailangan ko pang hintayin si Uncle Niko dito sa labas, siya ang maghahatid sa akin papunta sa Davis manor.   Ang lupain kung saan nakatayo ang mataas at enggrandeng palasyo ng mga Davis. Kumpara sa laki ng mansyon ay dalawang pamilya lang ang naninirahan don.   Ang pamilya namin at ang kina Aunt.Rosie at Uncle Laurice. Mabait silang dalawa pati na rin yung tatlo kong pinsan na sina Raha, Lex at Rein. Malaki na sila pero dahil ayaw silang pakawalan nila Aunt.Rosie ay doon pa rin sila nakatira sa Davis manor.   Kasama nila yung dalawa kong kapatid. Ang pinakamatanda sa amin na si Kuya Caedman, ang pangawalang si Ate Berry at ako na bunso pero may sarili ng buhay.   Hindi ko naman masisi ang mga kapatid ko kung nasanay na sila sa buhay ng pagiging prinsipe at prinsesa. Sadyang ako lang ang may gusto ng ganitong klase ng buhay.   "Here's your order ma'am."   Inilapag ng babae ang isang tasa ng kape kasabay ng isang platito ng bagel.   "Salamat."   tumango ito at kasama ang tray na ginamit niya ay muling siyang lumakad pabalik sa counter upang tapusin pa ang ibang trabaho.   Napabuga ako ng hangin at bago pa lumamig ang kape ay dinampot ko na ito at dahan dahang hinipan upang mainom.   Agad na pumasok sa aking pang-amoy ang matapang na sipa ng kape at dahil sa natural na aroma nito ay nagawa kong pakalmahin ang aking mga kamay na kanina pa nanginginig dahil sa nerbiyos. Ano kaya ang rason ni papa para ipatawag ako?, hindi naman siguro niya ako pababalikin sa mansyon diba?.   May kasunduan kaming dalawa, hindi niya pwedeng baliwalain ang kasunduan na iyon dahil ang totoong leader ng pamilya ay hindi kumakawala sa pangako niya sa kaniyang nasasakupan.   Nang matansya kong medyo malamig na ang kape ay napagdesisyonan kong humigop dito. Muntik ko pa ngang maipikit ang aking mga mata ng matikman ang mapait ngunit may katamisan na lasa ng inumin. Coffee is life, mas gusto ko pang iniinom ito kesa sa mga gatas na pinaiinom sa akin nina mama noon.   Galing pa raw kasi ng italy kaya para hindi masayang ay kailangang ubusin agad.   Naipikit ko ang aking mga mata ng maalala ko si mama, sure akong nasa italy nanaman iyon para bisitahin ang  pamangkin kong si Con con.   Gustong gusto na ni mama ng apo pero wala pang may gusto sa mga anak niya. Mas lalo na ako na kakasimula pa lang mamuhay mag-isa.   Muli akong humigop sa tasa ng kape at akmang titikman ko na yung nakakatakam na Bagel ng marinig ko ang mahinang pag-ubo ng kung sino.   Inangat ko ang aking tingin, muntik ko pa ngang mabitawan ang Isang tasa ng kape ng sumalubong sa akin ang nakangiting si Uncle Niko!. May tipid na ngiti sa mukha ng lalaki, bakas na ang katandaan sa itsura niya ngunit may angas pa rin naman ito lalo na at suot suot niya ang astig na uniporme bilang butler ng Davis family.   "Uncle Niko!"   Tawag ko sa lalaki. Mas lumawak pa ang ngiti ng matanda at upang magbigay respeto ay yumuko ito.   "Good morning young mistress." Pormal na bati ng taong tinuturing ko ng pangalawang ama. Ngayon na nasa harapan ko na siya, naramdman ko na kung gaano ko kamiss ang mga tao na nandoon sa manor.   Ibinaba ko ang aking tasa bago walang pagdadalawang isip na tumayo at binigyan ng isang mahigpit na yakap ang matandang lalaki.   "Young mistress you must act politely towards your guest, it's ina-"   "Oh please just let me hug you. Namiss kita uncle Niko!"   Ramdam kong napabuntong hininga ang matanda.   "Young mistress you shouldn't call me uncle Niko, Niko is fine."   Agad akong napailing. Hell! sino ba ang makakaalam na tinatawag ko siyang Uncle Niko ngayon?!   "You're really a hard headed princess young mistress." Parehas kaming napatawa dahil sa komento niya.   Alam naman ng lahat kung gaano katigas ang ulo ko kaya sa tuwing sinasabihan ako ng ibang bisita o kakilala nila mama na Isa akong pasaway na bata na dapat turuan ng leksyon---Tinatawanan na lang namin sila. Walang makakapagpatino sa akin kahit na yung mahabang patpat ni Mama!   Nang magsawa na akong yakapin ang paborito kong uncle ay napagdesisyonan kong bumalik na sa upuan ko, umupo naman siya sa bangkuan na nasa aking tapat.   "Bakit ako pinatatawag ni papa? May problema ba?" Kinakabahan kong tanong sa matanda.   Nabura ko na yung kaba pero ng makita ko ang emosyong naka plaster sa mukha ni Uncle Niko, alam kong hindi maganda ang balitang sasabihin niya.   Sunod sunod akong napalunok ng laway---Umaasang sana ay mapalis ang kaba.   "The master wants to discuss things about your new butler."   N-No freakin way...   Namilog ang aking mga mata dahil sa gulat pero walang naging reaksyon si Uncle Niko. Tinitigan lang ako ng matanda.   Napag-usapan nanamin ito ni papa! hindi ako magkakaroon ng butler dahil ayokong may araw-araw na susunod sa akin para lang itanong kung may kailangan ako.   I don’t want to have a freaking butler!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD