CHAPTER 1: INTRODUCTION

2148 Words
Jade's POV     I'm so excited, may pasok ulit kami! Actually hindi ako masipag mag-aral and I know that I am a bit unique dahil kaunti nalang yata kaming mga students na excited pumasok sa school. Hihi so I woke up early and the next thing I did is I kiss a picture besides my bed. This is actually my inspiration and guess what? This is not a photo of my mom or dad na separated na ngayon, instead the picture of my crush. Amara Jules Cordovez is her name. She's a model and she's  5 years older than me. Yes, she's also a girl and so what? Honestly, I'm confuse. I like both boys and girls so I thought that I'm a bisexual. Nasa lahi na namin ‘yon just like my sister or rather step sister pala! Medyo hindi kami okay eh, by the way, my step sister’s name is... is ahh... ahmm... Nevermind na nga lang. But don't think that I'm maldita hah! Ibahin niyo ko guyss. First impression ng iba sa ‘kin, they thought na mataray ako just because maganda raw ako. But I’m telling you that not all of the pretty girls have a bad attitude just like me hihi. A bit of trivia about my background, noong naghiwalay ‘yong parents ko, ‘di ko alam kung kanino ako sasama so I decided na bumukod nalang and magsolo. I want to live independently even though 16 palang ako. So now, I'm staying in the apartment na pagmamay-ari rin ng pamilya namin. Madalas akong mag-isa, minsan naman dito umuuwi ‘yung step sis ko dahil dito niya ginagawa ‘yung mga kalokohan niya hays. So let's go back to Ate Amara, my ultimate crush! She's so damn beautiful that's why I’m calling her Ms. Gorgeous. Same University lang ‘yung pinapasukan namin and she's the only reason kung bakit ako nabubuhay ay este nag-aaral pala. Hihihi oo na landi ko talaga! So ayun na nga, nagprepare na ako agad. I went to the kitchen to eat breakfast and when I'm already there... Napadabog nalang ako because I just realized that my step sis didn't prepare my breakfast for today! I know na wala kaming pakialaman pero kapag nandito siya sa apartment ko ay responsibilidad niya ako! So pinuntahan ko siya sa kabilang kwarto para ipaalala sa kaniya ‘yung obligasyon na seems like nakalimutan niya.   Nakasimangot na ako! I knocked 3 times sa pinto ng kwarto niya. *Knock! Knock! Knock!*  Ilang seconds din akong nakatayo sa labas ng kwarto niya at naghintay but still no response. I decided to knock again pero noong saktong itataas ko palang ‘yung kamay ko ay may nagbukas agad ng pinto na medyo ikinagulat ko. Suppose to be iirapan ko sana si Ate Mira (my step sister) but I'm shocked dahil ibang mukha ang nakita ko. Ibang tao ang bumungad sa akin. Isang babae na hindi ganoon ka-familiar. Yeah she's pretty pero napasigaw talaga ako when I saw that girl because she's totally naked! Gosh! “Wahhhhhhhwahh­hh!”  I shouted sabay takbo sa kitchen. Sinundan naman ako ni Ate Mira, obviously para patahimikin ako. "Hindi ka ba titigil sa pagsigaw Jade? It’s so early para diyan sa kaingayan mo!" sigaw ni Ate Mira noong maabutan niya ako. "Duh! Sinong ‘di magugulat doon sa nakita ko? At Sino na naman ba ‘yung girl na kasama mo?" matapang kong tanong. I mean, mukha lang akong walang galang hah but not to brag, my voice is so soft and cute. At this moment, I’m still in shocked. "That's none of your business! Intindihin mo 'yang sarili mo." sagot ni Ate Mira. "None of my business? Hello? Magkasama lang po tayo sa isang apartment! So dapat akong makialam right?" tama naman ako ‘di ba? Kung tutuusin mas mature pa akong mag-isip sa kanya. "Alam mo naiinis na ako sa ’yo Jade huh. ‘Di ba sabi ko ‘wag mo akong aabalahin kapag may bisita ako!" sigaw niya. Gosh, alam ba niya kung gaano ako ka-sensitive, tapos sisigawan niya lang ako. Well, wala namang bago. Kapag magkasama kami, palagi na lang may sabong sa apartment ko. Ang perfect ng life ko noh? Hiwalay na ‘yung parents ko tapos hindi ko pa kasundo ‘yung kapatid ko. At this moment ang dami nang tumatakbo sa isip ko kaya hindi na ako nakapagsalita. Instead, tinitigan ko na lang si Ate Mira, tutal sabi ng karamihan, expressive naman ‘yung mga mata ko. "What?" tanong niya na para bang naguguluhan. Agad ko naman siyang sinagot. "Anong what? Don't tell me tutunganga ka lang diyan!" "What the f**k are you saying, Jade?" "Hindi mo ba ako ipagluluto? Trabaho mo ‘yun ‘di ba?" paalala ko sa kaniya. "Trabaho ko ‘yon noong kumpleto pa ‘yung pamilya natin. But now, kanya-kanya na tayo! You understand?" tugon ni Ate Mira. You know what, masakit ‘yung sinabi niya hah, seems like proud pa siyang sabihin na sira na ‘yung pamilya namin but instead na damdamin pa ‘yon, may naisip akong magandang pang blackmail sa kaniya. After noong sagutan namin, palayo na sana si Ate Mira when I said something that definitely caught her attention. "Okay… I understand my dear step sis! So sana maintindihan mo rin kapag isinumbong na kita kay mommy!" kalmado kong usal. "At ano namang sasabihin mo batang madaldal? You think na matatakot ako?" Ate Mira said. You know what, halata namang threatened siya haha. "Uhm… sasabihin ko lang naman na gabi-gabi ka nalang nag-uuwi ng ibat-ibang babae rito sa apartment ko. I don't know kung anong ginagawa niyo, but I'm sure na may ginagawa kayong hindi maganda. You want me to say that to mom?" naka crossed arm kong tanong. Gusto ko lang siyang asarin haha. Nakita Kong namula siya sa inis at nanlaki 'yung mga mata niya but before she says something, she takes a deep breath and said...  "Of course Jade, ipagluluto na kita ngayon din."  nakangiti niyang sambit. Hays plastic talaga. Halatang napilitan lang eh. Naging kalmado rin bigla 'yung boses niya. A while after, I am eating my breakfast and nagkita ulit kami nang babaeng nasa kwarto ni Ate Mira kanina. ‘Di na ako nagulat kasi may damit na siya ngayon haha. Then she talks to me. Mukha naman siyang mabait kaya magaan ‘yung loob ko sa kanya. "Hey kid… I'm Aimee." Nakangiti niyang pagbati sa akin bago siya naupo sa tabi ko. "Oh, hi Ate Aimee. I'm Jade! Nice meeting you po." "Nice meeting you too. By the way, you're so cute." pagpuri niya. "I know right!" tipid kong sagot. Nase-sense ko na parang may kailangan siya sa ‘kin kaya niya ako ine-entertain. However, nagfocus pa rin ako sa pagkain. Actually inalis ko na 'yung tingin ko sa kaniya. Obvious naman na wala ako sa mood makipagkwentuhan pero bigla na lang kasi siyang nagbubukas ng topic. "Hahaha, nakakaloka ‘yung sigaw mo kanina ah." pabiro niyang usal. Akala niya yata nasiyahan ako sa nangyari kanina. Kung alam lang niya, first time kong nakakita ng babaeng hubo't hubad. "I'm just shocked kanina okay? So don't think that I'm overreacting." Paglilinaw ko. Oo na inaamin ko, may pagka-defensive talaga ako. "Are you going to school, dear?" "Obvious po ba? I'm wearing a school uniform." "Pilosopo ka rin pala hahaha. Just like your sister." "Uhmm correction lang po, you mean step sister." "And what's the difference? You're still sisters." Ate Aimee emphasized then she laughed. Kainis ‘tong si Aimee ah, kakikilala palang namin feeling close na agad si ateng! Pero ang mas ikinainis ko ay nang pisilin niya ‘yong pisngi ko. "Ang cute cute mo tlaga!" nanggigigil niyang sambit. Realtalk, masakit ‘yung ginawa niya. Ayaw ko pa naman nang may humahawak sa cheeks ko. Nabigla ako so I ask her a very personal question na hindi ko alam kung bakit ko ba sinabi. "At saang bar naman po kayo nadampot ni Ate Mira?" tanong ko kay Aimee then nakita kong bumagsak ‘yung mukha niya sa itinuran ko. Nawala ‘yung ngiti niya at napalitan ng pagkadismaya. Kahit papaano natigilan din ako sa nasabi ko. "I'm her girlfriend!" tipid niyang sagot. Shocks! Really? I suppose to say sorry pero bigla na siyang umalis sa harapan ko. Gosh! Malay ko bang girlfriend pala siya ni Ate! Mukhang nakasakit na naman ako ng damdamin. Hayss ‘di bale na… I'm excited to go to school na eh dahil finally makikita ko na ulit si Ate Amara. Siya lang ‘yung dahilan kung bakit ako pumapasok everyday hihi. But aside from her, I know na imposibleng ‘di kami magtagpo nang ultimate enemy ko! So lumabas na ako ng apartment at naghintay ng masasakyan. "Kuya! Kuyaaa! Pasakay po!" pinapatigil ko ‘yung jeep na dumaan sa harap ko kaso hindi naman nag stop. Hayss nag effort pa naman ako sa pagtalon. Tapos, what a very random scenario na nakakita ako ng puppy sa daan. "Ayy kawawa naman ‘yung puppy, halika nga rito.” masaya kong usal sabay dampot ko sa tuta. Medyo naka-relate ako doon sa puppy kasi kagaya niya, pareho lang kaming inabandona at iniwan ng mga mahal namin sa buhay. " Aampunin nalang kita hah para may mag-aalaga sa ‘yo. Alam ko kasi ang feeling nang walang nag-aalaga." Dagdag ko pa then hinimas ko ‘yung balahibo niya. Kanina pa ako late pero chill lang ako as always and think positive lang hihi. Hanggang sa may mabuting loob na driver ang nagpahinto ng jeep sa harap ko kaya sumakay na ako. Nakatingin sa ‘kin ‘yung mga pasahero na para bang isa akong marshmallow na gumagalaw! Ganoon ‘yung nararamdaman ko sa mga titig nila. "Hello po sa inyo!" Bati ko sa kanila tapos nagsmile sila sa ‘kin. Then iniabot ko na ‘yung bayad ko kay kuya driver na hanggang ngayon, hindi pa niya kinukuha. "Kuya driver doon lang po ako sa may tapat ng mall." Wika ko. Bigla namang naguluhan ‘yung driver. "Hah? Naka-uniform ka pero sa mall ka pupunta? Isusumbong kita sa papa mo!" sagot sa ‘kin ni manong driver na para bang inaasar at tinatakot lang ako. Napatingin tuloy sa ‘kin lahat ng pasahero na para bang hinuhusgahan na agad nila ako. "Ah hindi po. Sa tapat po kasi ng mall nandoon ‘yung university na pinapasukan ko kaya nga po doon ako sa tapat ng mall nagpapababa ihhh!" mahinahon at nakangiti kong sambit. "Haha ganoon ba iha? Bakit kasi hindi ‘yung mismong pangalan ng university ang binanggit mo, eto talaga oh." natatawang sambit ni manong. Aluh, ako pa 'yung sinisi haha. "Kayo po kasi ihhh, hinusgahan niyo po agad ako! Heto po ‘yung bayad ko, kunin niyo na po, nangangalay na po ako." Reklamo ko. Actually naiinis na ako sa boses kong pambata, hindi akma para sa isang 16 years old. Hindi naman sa pabebe, pero medyo maliit kasi ‘yung boses ko kaya napagkakamalan akong bata. I mean, yes I am still a minor but at the age of 16, I could say that I am independent and mature enough. Puwede na nga akong mag-asawa eh, charrr! "Libre na kita iha! Tutal pinasaya mo naman ako ngayong araw." Tugon ni Manong driver. Ano pa nga ba? Isang nilalang na naman ang napasaya ko. Not a big deal pero I really appreciate his kindness kaya sa sobrang saya ko, may nasabi na naman akong hindi ko dapat sabihin. "Talaga po? Thank you po daddy!" Ohh myy! Bakit ko siya tinawag na daddy? Hays, nababaliw ka na Jade. Hayaan na ah nasabi ko na ihh. "Daddy? Bakit naman daddy neh?" Nagtatakang tanong nung driver. "Wala po kasi akong daddy eh." Malungkot kong sambit. "Imposibleng wala kang daddy neh, ay aba paano ka nabuo?" "Ano po?" Nagtataka kong tanong. Sorry medyo slow ako pagdating sa mga ganiyang bagay e haha. Tapos ‘di na sumagot ‘yung driver, sinamaan kasi siya ng tingin nang katabi kong matanda.   Okay, so habang nasa biyahe pa, allow me to introduce myself. I'm Limuel Jade Wintermelon. Hihi cute ng surname ko noh! Jade lang ‘yung nickname ko and yes, I’m 16 years old. I'm also a high school student in "FG University". Ipinangalan ‘yung university sa daughter ng may-ari ng school na mortal kong kaaway. She is Trina Faye Grayson but I call her Ms. Attitude dahil sa character niya. Imagine nasa higher grade siya tapos binubully niya ako! Kaya hindi ko mabanggit dun sa driver na "Faye Grayson University” ‘yung name ng school ko dahil naiinis talaga ako kay Ms. Attitude! Naiinis ako every time na maaala ko siya. But one thing is for sure, kahit gaano pa kalawak ‘yung campus na pagmamay-ari ng pamilya niya, imposibleng hindi kami magkikita mamaya kaya I need to prepare myself sa mga possible na mangyayari. A while after… "Baba ka na anak, nandito na tayo sa "Faye Grayson University."  Narinig Kong sabi ni manong na ikinatuwa naman ng puso ko because he called me anak porke tinawag ko siyang daddy haha. Kahit papaano, may isang taong nagparamdam sa akin na special ako kahit hindi ko siya kilala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD