Part 1 - Stress-free Bride?

1296 Words
"HOW’S our stress-free bride?” Nakangiti ang coordinator ng Full Glam and Gloss pagkakita sa kaniya. “Are you excited para sa big day mo tomorrow?”   "Sabihin mo sa‘kin ngayon kung papaano ako magpapakasal kung walang groom?" mahinahong tanong ni Carla Love.   Naumid ang dila ng bakla sa gulat. "C-Car?"   “Umalis si Aron.” Hindi niya akalaing napakabigat ng pagbitaw niya sa simpleng salita.   Lumakad ito at isinara ang pinto bago siya inakay sa isang silya. "May mga clients akong dahil sa anxiety ay uurong sa araw mismo ng kasal pero pagkalauna'y itutuloy din. Half-day lang siguro ang delays," pabirong sabi nito.   Gusto niyang tumawa sa joke ng coordinator pero wala siya sa mood. "Babayaran niya raw ang lahat-lahat ng nagastos natin sa preparasyon."   Halos lumuwa ang malalaking mata ng kausap.   Nakita niya ang isang garapon ng candy sa lamesa at kumuha siya ng isa. "Sorry at nasayang ang effort ng team mo, Clyde. Six months tayong naghanda pero nauwi sa ganito."   Mahinang tinapik siya sa braso ng kausap. "Sure na ba talaga ang desisyon niyo? Baka pwedeng mahilot pa."   Umiling siya bago isinubo ang candy. "I-deduct mo na lahat ng nagastos niyo pati sa mga meryenda niyo while taking care of me. Isama niyo na rin ang gastos sa transpo, pagkain sa aso, baboy kasi babyo siya, panonood ng sine, tickets sa amusement parks – buysit! Doon first date namin."   Mukhang na stress na rin si Clyde sa balita kaya kumuha rin ito ng candy mula sa garapon at isinubo. "Ano ang gusto niyong mangyari sa cake? Handa na kasi lahat."   Gusto niyang umiyak nang maalala ang six foot wedding cake na may temang Lord of the Rings. Excited pa naman siya kasi ito ang highlight sa kasal. "Pwedeng ibenta niyo na rin para naman magamit niyo ang pera. Pwede ring i-donate niyo sa charity. Tawagan mo na rin ang caterer na ipamahagi ang pagkain sa kung kanino nila gusto. Sayang din naman.”   "Car, maiintindihan namin kahit ano ang gusto niyong gawin sa mga orders niyo," mahinahong sabi ni Clyde. Nanigas ang mukha ni Carla nang maalala ang oras at effort ng mga tao para sa sana sa happiest day of her life. "Ayokong itapon ang mga finished products. Pinaghirapan niyong gawin ang mga ‘yan at maganda talaga ang mga gawa niyo. It’s just so unfortunate na ganito ang mga nangyari."   Nag-discuss pa sila ng kung anu-anong pwedeng gawin sa mga bulaklak, kung paano tawagan ang simbahan, ang resort para sa venue, ang hotel kung saan dapat naka check-in ang bisita, kung paano i-contact ang family, friends, former co-workers, mga ninong at ninang at i-announce sa kanila na hindi matutuloy ang kasal. Ipapa-refund pa niya ang mga tickets sa mga bisitang naka book na ng flight.   "Alam mo Clyde, okay lang sana siguro kung nakipag-break siya sa'kin pero sana hindi sa ganitong paraan," kalmadong sabi niya. "Ako nga ang naiwan at ako pa ang haharap sa mga tao at lilinisin ang kalat na ginawa niya. Nasan ang hustisya non?" Akala ni Carla na mahirap paghandaan ang kasal. Hindi niya akalaing mas mahirap palang i-cancel ang kasal kung nakahanda na ang lahat. Matamlay na umuwi siya ng bahay at nadatnan ang kaniyang inang umiiyak. Kumurot ang kaniyang dibdib kasi alam niyang nasasaktan ito sa mga pangyayari. Ayaw ng nanay niya na matulad siya rito – iniwan nung mabuntis.   Single mom ang ina niya at ni minsan hindi niya nakita ang ama o ang pamilya nito. Pagod na rin siyang magtanong kasi nakikita niyang nasasaktan pa rin ang ina kahit papaano sa tuwing babanggitin niya ang tungkol sa ama. Kaya naman nahihiya siya kasi gumuho ang pangarap nitong makita siyang lumakad sa simbahan.   "Anak, magpahinga ka muna. Anong gusto mong kainin?" Dali-dali itong nagpunas ng mga luha at kinuha ang shoulder bag niya.   "Saan na sila?" Tukoy niya sa mga kamag-anak na naki-stay sa kanila para sa kasal.   Napakaingay ng bahay sa excitement kaninang umaga lang. Masaya ang buong angkan para sa kaniya kasi ikakasal na ang eldest na babaeng apo sa side ng nanay niya. Pero umuwi siyang tahimik ang paligid.   "They decided to stay out muna," ingat na sabi nito.   Alam niya ang dahilan - ayaw nilang makita siyang nasa pinaka-vulnerable state. Nagpasalamat din siya sa ginawa ng mga ito kasi  hindi rin niya kayang mag break down sa harapan nila. Hindi rin niya kayang makinig sa mga advices o words of wisdom. Feeling niya baka konswelo de bobo ang dating sa kaniya.   "Busog pa po ako, Nay," tipid niyang sagot. "Papahinga muna ako at may pupuntahan pa kami ni Clyde bukas para i-contact 'yong mga hindi namin na-cancel today." Hinalikan niya ang noo ng ina bago pumasok sa kaniyang silid. Humiga siya sa kama at napatingin sa ceiling. Blangko. ‘Yan ang salitang gustong bumalot sa kaniya ng mga sandaling ‘yon kahit na tahimik na dumadaloy ang mga luha niya.   Pero tila ilap ang salitang emptiness lalo na’t naalala niya ang mga sinabi ng kaniyang ex-fiance kaninang hapon. Alas dos kwarenta y dos – nakatatak pa rin ang eksaktong oras nang umiiyak itong kausapin siya sa loob ng kotse.   "I'm very sorry. I did not mean it. It just happened. Nagkita kami ni Ruby sa Cebu and – " Pula ang mga matang humarap ito sa kaniya. "We're going to elope."   Uso pa ba ang tanan sa panahon ngayon?    Si Ruby ang ex-girlfriend ni Aron.   College classmate ni Aron si Ruby noong sa Cebu ang mga ito nag-aral. Si Ruby daw ang unang babae na nagpatino sa pagiging player nito. Hindi naman sinabi ng lalaki sa kaniya kung bakit naghiwalay ito at si Ruby. Since wala rin naman siyang nakitang lingering feelings ni Aron para kay Ruby kaya she didn't mind about his past relationship at all.   And now? Hindi niya akalaing matatapos ang dalawang taong relasyon nila sa loob ng kotse ng lalaki.   Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na 'yon pero sinubukan pa rin niyang maging neutral ang boses. "It did not just occur in an instant. You let it happen, Aron. What do you want now?"   "I want to elope with her. No – I'm scared about what's going to happen with you – with us." Napasinghot ang lalaki. "I d-don't know! Maybe I need time to think about this." Tila nahulog ang panga niya. "Time? Bukas na ang kasal natin, Aron!"   Nanginginig ang mga kamay ng lalaki na napahawak sa manubela. "Can we postpone it for a while and then move it to later dates? I mean – this is all the favor I want to ask from you, Carla. A cool off, a space..."   Cool off? Space? Pwede pa ba 'yon lalo na’t bukas na ang kasal nila? Nag-expect ba ang lalaki na babalikan siya nito kapag hindi naging successful ang pagtatanan nito kay Ruby?   She sighed. "Let's cancel the wedding, Aron. Let's end this right now."   Hinawakan siya nito sa braso at napaatras siya sa gulat. Pero hindi namalayan ng lalaki ang kanyang reaction at nagpatuloy itong makiusap sa kaniya." I'm not asking you to end our relationship..." Tama nga ang kaniyang hinala.   "It's a practical decision, Aron. You can think without any strings attached.” She pushed his arm away, combed her hair with her fingers as if it would make her feel alright. “I'd better go and talk with the wedding planner about this decision. Goodbye." "Carla..."   Akala siguro ni Aron na wala siyang emosyon at hindi siya nasasaktan sa mga sandaling 'yon. Hindi alam ng lalaki na sa bawat pag-apak ng paa niya sa lupa ay parang may punyal na sumasaksak sa puso niya sa sobrang kahihiyan at sama ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD