Violet

894 Words
"Manang Rosie!"  Tinawag ni Violet mula sa hapagkainan ang kanyang tagapangalaga na si Manang Rosie. Ngunit isang dalaga ang lumapit sa kanya.  "Madam, magandang umaga po" Nahihiyang bati ng dalaga sa kanya. Napataas ang kilay ni Violet dahil hindi niya kilala ang dalagang ito. Tila natakot naman ang dalaga sa kanya ng mapansin na nakataas ang kanyang kilay.  "Ikaw ba yung pamangkin ni Manang Rosie?" tanong niya dito.  "Ako nga po Madam" sabi sa kanya ng dalaga.  "Anong pangalan mo? At kailan ka dumating" tanong niya.  "Aileen po Madam. Kagabi lang din po Madam." sagot naman ng dalaga sa kanya.  "Aileen. Una, wag mo na akong tawaging Madam. Pang may mansyon lang yon. Hindi pa mansyon ang bahay ko. Pwede namang Ate na lang." Napatingin kay Violet si Aileen. Tila ba nagtatataka ang dalaga bakit ganito magsalita si Violet.   "Pangalawa, bakit ganito ang nakahain? Walang kape. At ano ba 'tong sinangag mo?" Tanong ni Violet habang sinasandok sandok ang sinangag. "Bakit malagkit? Ayaw ko ng malagkit na kanin" sabi niya. "Hindi ka ba maalam sa kusina?" diretsong tanong niya kay Aileen.  "Ah madam, ay ate, kasi po, kanina lang sinaing yang pang sinangag. Hindi po ata nakasaing kagabi si Tiya Rosie." Kinakabahang sagot ni Aileen sa kanya.  Napabuntong hininga si Violet at may tinawag pang isang kasambahay.  "Marietta!" Nagmamadaling lumapit si Marietta sa dining table. Tinignan ito ni Aileen at tumango lang ito. Ngayon ay dalawa na silang nakatayo sa harap ni Violet.  "Saan ka na naman galing kagabi?" tanong ni Violet sa kasambahay niya.  Hindi nakasagot agad si Marietta at yumuko saglit. Nang tignan niya ulit si Violet ay naka-tingin pa rin ito sa kanya at nakataas na ang kilay.  "Vi, nagyaya kasi si ..." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay pinutol na siya ni Violet.  "Alam mong masama ang pakiramdam ni Manang Rosie. Alam mong hindi nakakakilos ng maayos. Unahin talaga yung kapitbahay natin kesa sa trabahong bahay?" kalmado ngunit may diing sabi ni Violet kay Marietta.  "Pasensiya na Vi, hindi na mauulit" nakayukong sabi ni Marietta sa kanya.  "At tsaka, bakit mo pinapabayaang magkikilos mag-isa tong pamangkin ni Manang? Bago pa dito sa bahay yan, hindi pa alam kung ano ang gusto ko at ayaw ko. At talagang siya lang ang pinaharap mo saken kanina??" Tanong ni Violet na hindi na naghihintay pa ng sagot. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili dahil ayaw niya pang magalit dahil mahaba pa ang araw niya.  "Violet"  Napalingon si Violet mula sa kusina, at nakita si Manang Rosie na naglalakad papuntang dining area. Nilapitan nito ang dalawang dalagang nakatayo. Tumingin si Violet kay Manang Rosie.  "Pinayagan ko namang lumabas si Marietta kagabi dahil ang sabi niya ay saglit lang siya. Pinakilos ko na rin si Aileen dahil alam ko namang sanay siya sa gawaing bahay. Pero tama ka nga. Hindi pa niya alam kung ano ang gusto mo at ayaw mo. Hayaan mo at ituturo ko. Wag mo ng sirain ang araw mo" Sabi sa kanya ng matanda.  Napabuntong hininga na lang ulit si Violet. At tsaka tinignan ang dalawang dalagang nakayuko. Tsaka lumipat ang tingin niya kay Manang. Ngumiti lang si Manang Rosie sa kanya tsaka bumaling ang matanda sa dalawa.  "Aileen, naghanda na ako ng kape sa kusina, ipagsalin mo na lang sa tasa si Violet. Marietta, kuhanin mo na yung labada sa kwarto ni Violet." utos nito sa dalawa.  "Sige po" sabay na sagot ng dalawa tsaka sabay ding umalis.  Nanguha na lang ng itlog si Violet mula sa nakahain at yun na lang ang kakainin niyang almusal. Inilapag naman ni Aileen ang kape niya sa tabi niya tsaka din umalis. Palagay ni Violet ay sumunod kay Marietta.  "Sumabay ka ng mag-almusal saken Manang" aya niya sa matanda.  "Kumain na ako kanina." pero umupo pa rin si Manang Rosie. Para makausap si Violet.  "Ayos lang ba talagang andito si Aileen, Violet?" tanong ni Manang Rosie sa kanya.  "Wala namang problema yun Manang. Turuan niyo na lang ni Marie." Marie ang tawag niya kay Marietta pag hindi siya naiinis dito. "At tsaka, kailangan niyo na mas gumaan ang trabaho niyo. Napapadalas ang pagsama ng pakiramdam niyo. Nagpatingin na ba kayo sa doctor?" tanong niya sa matanda.  "Hindi pa. Naidadaan naman sa pahinga eh" sagot naman ni Manang Rosie sa kanya.  Napa-irap na lang si Violet sa sagot ng matanda. Kilala niya itong matigas ang ulo.  "Kahit na Manang. Magandang natitignan kayo ng doktor sa kalagayan niyo." sagot ni Violet.  "Sige papasama ako kay Aileen minsan" sagot ng matanda sa kanya.  Tumango naman si Violet at ininom ang kape tsaka tumayo dahil tapos na siyang mag-almusal. Tumayo na rin si Manang Rosie. Umakyat ulit si Violet para mag-ayos bago pumasok. Pag baba niya ay tinawag niya si Marie.  "Marie!" Lumapit naman sa kanya si Marie. Habang inaayos ni Violet ang gamit niya sa bag na nakapatong sa sofa, nagsalita siya ng mahina dahil ayaw niyang marinig ni Manang Rosie ang sasabihin niya kay Marie.  "Tignan tignan mo yang si Manang Rosie ha. At kung mapipilit mong magpa check-up, gawin mo." sabi niya.  "Sige. Nga pala..." hindi na naman natapos ni Marie ang sasabihin niya dahil naglakad na palabas si Violet. Sumunod na lang siya rito papunta ng garahe.  "Good Morning Ma'am!" biglang bati naman ng isang gwapong lalakeng nakabarong kay Violet paglabas niya sa garahe.  Napalingon si Violet kay Marie na nakataas ang kilay.  "Bagong bodyguard/driver mo daw. Kapalit ni Mang Andoy" sagot ni Marie sa kanya. Huminga ng malalim si Violet.  "Ano bang meron sa araw na'to at parang hindi ko kilala yung mga nasa loob ng pamamahay ko?" iritang iritang sabi ni Violet. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD