Prologue

130 Words
Ang tanga-tanga ni Kupido, 'no? Sablay kasi siyang umasinta ng pana. Kaya maraming nasasaktan, eh. At isa na ako ro'n. Inasinta niya kasi ako para mahalin siya. Pero hindi naman pala ako ang para sa kanya. Ang komplikado, 'no? Siguro gano'n lang talaga. Nakalaan lang ako para magmahal sa kanya, pero hindi siya nakalaan para mahalin ako. Hanggang kailan ko pa kakayaning maghintay? Kung alam kong hindi niya ako matutunang mahalin. Ako nga pala si Prianne. At ito ang complicated love story ko. * * * Oo nga, tanga si Kupido. Sablay kasi siyang umasinta ng pana. Kaya maraming umaasa, eh. At isa na siya ro'n. Bakit naman kasi ako pa ang napili niya? Hindi naman ako ang para sa kanya. Ang komplikado 'no? Siguro nga gano'n talaga. Nakalaan siya para mahalin ako, pero hindi ako nakalaan para magmahal sa kanya. Ang hirap naman nito. Hindi ko talaga siya kayang mahalin. Ako nga pala si Pierre. At ito ang complicated love story ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD