Prologue

575 Words
Halos tatlong araw ng hindi nagpaparamdam si Dice sa dalaga. Namimiss na niya ang kanyang kasintahan. Hindi siya makapagfocus sa klase niya dahil ang isip niya ay nakatuon sa kanyang cellphone na minu-minuto ay tinitingnan niya kung may tawag na ito o text man lang.    Baka busy sa trabaho niya? Pero kahit na busy siya sana man lang ay nagtext ito para hindi siya nag-aalala. Iba-iba na ang naiisip nitp. Kinakalma niya na lang ang sarili at sinasabihan ng kung ano-anong dahilan pera lang wag itong mag-isip ng negative.  Lunch break na. Sa nakalipas na tatlong araw na hindi nagpaparamdam ang binata ay lagi niya itong tinetext kung kumusta na siya, kumain na ba siya o anong ginagawa niya pero ni isang reply ay wala itong natanggap sa kanya.  Naiinis na siya. Kinuha niya ang cellphone niya pero wala parin itong ni isang message sa kanya. Kaya ngayon ay nakapagdesisyon siya na wag na muna niya itong ititext pa.  "Kung ayaw mo magpaistorbo, bahala ka. Sa oras na tumawag ka o magtext ka, babalewalain ko din. Para malaman mo ang sakit na binabalewala." Padabog niyang inilagay ang cellphone sa kanyang bag at kumain na ng lunch. Wala siyang kasabay dahil hindi nag-aral ang dalawa niyang kaibigan at nakakasama sa University, si Coleen at si Luis. Bakit ngayon pa kung kailan kailangan niya ang makakausap.  Halos patapos na siyang kumain ng biglang nagring ang phone niya. Nakaramdam siya ng excitement dahil naisip niya na baka si Dice na iyon.  "Manigas ka dyan. Di ko sasagutin!" Matapos ang isang ring ng cellphone niya ay hindi na muli itong nagring pa. Naghintay pa siya ng kaunti pero wala na siyang marinig na ring ng phone. Kinuha na niya ang phone sa bag. Lalo siyang nainis ng malaman na hindi naman din pala si Dice ang tumawag. Unregistered number Ito.  Ano na Dice? Wala ka na ba talagang pakealam sa akin. Inis nitong nasambit sa sarili. Muling tumawag ang unregistered number sa kanya. Marahan niyang sinagot ang tawag. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ella ng marinig ang boses sa kabilang linya.  "This is Dice' mother. At gusto ko sabihin sa iyo na you should stay away from my son's life dahil ayoko sa iyo. Gold digger. My son was too bored kaya ka niya nilapitan. Stop calling or texting him dahil wala ka ng mapapala pa. Walang wala ka sa mga babaeng ginusto ko para sa kanya. As can you see, wala na siyang pakealam sa iyo. Pinagpili ko pa nga siya kung ang company o ikaw. Pero tulad ng inaasahan ko. Company ang pinili niya. Ayoko na sana sabihin sa iyo ito pero ang sinabi niya ay di naman talaga seryoso sa iyo ang anak ko. Akala mo ba ay makakabingwit ka ng malaking isda? Sorry to disappoint you pero never mangyayari yon. Kaya kung may kahihiyan ka pa natitira sa katawan mo, stay away from my son. Bumalik ka nalang ulit sa buhay niya kapag abot mo na ang mundo niya." Natigilan ako sa mga narinig ko. Hindi na niya ako hinintay sumagot ay ibinaba ng nanay ni Dice ang phone.  Is this for real? Oo alam ko simula pa lang noong una magkaiba ang mundo namin. Pero sabi niya kahit magkaiba ang estado namin ay wala siyang pakealam. Sabi niya mahal niya ako at kahit anong mangyari ay hindi niya ako iiwan. So ano to? Niloloko lang ba talaga niya ako at bored lang siya sa buhay? Dahil ba mahirap lang ako kaya di kami pwede? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD