Chapter 01

1426 Words
Felia Saktong pagpasok ko sa gate ay siyang pagtunog naman ng bell, hudyat na mag uumpisa na ang oras ng klase ngayong umaga. Tuloy pa rin ang paglalakad ko. Pinag kibit balikat ang pag tunog ng bell. Nakangisi ako habang pinapanuod lahat ng mga estudyanteng nagmamadaling nagsisi-pasukan sa kani-kanilang mga silid. Ako, ito normal na naglalakad sa gitna ng corridor habang kinakain ang masarap na sandwich na bigay sa akin ni Manang Delima. Nagmamadali kasi akong umalis sa bahay kanina, kaya hindi na ako nakapag almusal pa. May mga nagtatakbuhan at nag tutulakan pa nga para lang maunang makapasok. Parang may mga kinakatakutan kong maka-asta. Well... Isa sa patakaran ng paaralang ito ay sa oras na tumunog ang bell ay hudyat na mag uumpisa na ang oras ng klase, kaya dapat wala ng makikita o pakalat-kalat pa na estudyante na nasa labas. Well again! kapag nahuli ka lang naman ng mga campus officer na mga nakatukang nanghuhuli ay may ibibigay sila sayong parusa na hinding hindi mo matatangihan-- hindi ka na nga naka pasok, may parusa ka pa. At wala nang rason-rason pa kapag nahuli ka. Parusa agad! Kapag hindi mo ginawa ang pinapagawa nila. Maghanap kana ng bago mong papasukang paaralan. Ano namang nakakatakot doon? Maganda nga kung mahuli ka at mabigyan ng parusa. Mas gusto ko pa nga na mahuli kesa pumasok. Isipin mo yon, walong oras akong naka upo at nakikinig. Sa hinahaba-haba na lecture ng mga teacher tapos ni isa wala man lang matinong pumapasok sa utak ko. Tapos mag papa recite sila at quiz. Putcha! Anong isasagot ko roon ni wala ngang pumapasok sa utak ko. Peste! Wala naman akong pakialam sa batas na 'yon. Kung meron man nasa loob na sana ako ng classroom ko ngayon-nakaupo sa aking silya sa tabi ng bintana at nakasandal sa pader habang nasa mukha ang mga hibla ng buhok. Naka pikit at walang pakialam sa teacher na nag discuss sa harapan. Humikab ako. Inaantok pa talaga ako kaya ang gusto ko ngayon ay makarating na agad sa classroom ko at umupo sa upuan ko nang makatulog na ako. Pero hindi sapat ang sandwich na kinain ko. Nagugutom parin ako kaya pupunta muna ako sa cafeteria para mag almusal. Kahit na bawal. Bawal dahil oras na ng klase. Pagkapasok ko sa cafeteria ay ang mga crew lang ang mga naroon. Halos magka gulo pa sila ng makita ako. Walang kahit isang studyante ang naroon. Dire-deretso lang ang lakad ko papunta sa counter. Wala namang nag lakas ng loob na lumapit para sitahin ako. "One pasta, One large fries and One large Ice coffee na strawberry flavor!" I causally said to the new casher. Ngayon ko lang nakita ang pag mumukha niya rito kaya alam kong bago siya. "Oras na ng klase ah! dapat nasa loob kana ngayon ng classroom mo at nag aaral." Galit na wika niya. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isang kilay ko. Nakakairita na nga yong mukha niya pati ba naman boses niya. "Pwede bang gawin mo nalang ang trabaho mo hindi yong daldal ka ng daldal diyan!" "Abah sumasagot ka pa ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa ang galit!" medyo malakas na ang boses niya. Nakita kong lalapit na sana si Gilbert, ang matagal ng kahera dito. Kaya lang sininyasan ko siyang wag lumapit. Wag siyang pabida baka gawin ko siyang bala rito sa babaeng pangit na ito. "Anyway I don't need your help, ang kailangan ko ay ang pag kain na inorder ko kaya mag trabaho kana lang diyan at wag mo nang paki alaman pa ang buhay ko. My Problem it's only my Problem not yours. You get it?!" Pinagkrus ko pa ang braso ko. Paduguin ko nguso nito. E. "Napaka basto-" "Ako na diyan Nelly!" singit ni Gilbert. Hindi na pinatapos pa sa pag sasalita si Nelly. Mabuti naman at alam niya ang oras ng pakikialam niya. Bago umalis si Nelly ay umirap muna ito sa akin. Wala akong pakialam sa pairap irap niya. Sana nga hindi na bumalik yong dating mata niya kong ganon. Pagkatapos kong mag bayad ay umupo na ako sa bangko sa gilid ng glass wall. Kung saan nakatalikod ako sa pintuan ng cafeteria kaya hindi ko makikita kong may papasok ba. As if I care. Pag kakuha ko ng pagkain ko ay nilantakan ko agad ito. Walang pakialam sa mga crew na tinitigan ang bawat galaw ko. Nag angat lang ako ng tingin ng may tumikhim sa harapan ko. Umirap ako ng makikila ko siya. Patuloy parin ako sa pag nguya kunwari ay hindi ko siya nakita. "Gusto mo?" I asked after a long silent. Ramdam ko ang titig niya kaya tinanong ko kong gusto niya. "Bumili ka!" Dagdag ko. Mamaya kunin niya bigla itong pagkain ko. "What are you doing here?" seryusong tanong niya. Bulag ba to? o Tanga lang. "Malamang kumakain ano sa tingin mo lumalangoy!" I sarcastically said. Humagikgik pa ako. "Huliin mo yan ang tigas ng ulo akala mo kong sino!" sigaw ni Nelly na umalingawngaw pa sa buong cafeteria, agad naman siyang sinaway ng mga Crew. Mabuti at sinaway. Wag lang siyang papakita ng magisa sa akin. Hindi na niya gugustuhing lumabas pa sa lungga niya. "Bilisan mong kumain ng maka pasok kana sa klase!" wika niya Hindi pinansin ang bwisit na sigaw ni Nelly. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko. Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi na siya umalis bagkos tinitigan niya ako habang kumakain. Tinitigasan na siguro to kakatitig sa akin... Charot! Habang ngumunguya ako ay panay ang irap ko sa kaniya para maibsan ang pagkailang dahil sa titig niya. Mas binagalan ko nga ng mainip siya. Bahala siya diyan. Hanggang sa makalabas kami sa cafeteria ay naka sunod siya. Wala ni isang gustong mag salita sa amin. Asa siyang kakausapin ko siya. "Levy nasa quadrangle na silang lahat... Oh Hi Felia!" wika ni Miguel ng maka salubong namin. Nang makita ako ay ngumiti siya. Ngumiti rin ako pabalik kahit na hindi kami close. "Mauna kana susunod na ako!" walang reaksyong wika ni Levy. Nang maka-alis si Miguel ay hinarap niya na ako. "Mukhang marami kayong nahuli ngayon, you need to go." pagtataboy ko. "Ihahatid na kita bago ako bumalik roon!" Hindi ako mag cu-cutting tanga nito! "Hindi na kailangan sige na umalis kana!" "Ihahati-" "Hindi na nga sabi, wala na akong pupuntahang iba papasok na ako agad kaya wag muna akong ihatid pa!" inis na sabi ko at tinalikuran siya. Mabuti naman at hindi na siya sumunod pa. Nang nasa hagdan na ako papunta sa second floor ay wala na ni isa talagang estudyanteng nasa labas. Ako na lang. "Kikilalanin mo kong sinong kinakalaban mo!" Bigla akong natigilan dahil may narinig akong mga boses ng mga lalaking animo'y nag aaway. Hindi ko na sana papansinin pero, nakarinig ako ng pag daing mula pa roon. Ungol? ungol ng nag sesex? Tanga ungol yon ng nasasaktan? O ungol ng sinasaktan? Tignan ko nga. At nang may maisumbong kay Dean. Para naman may trabaho siya hindi yong puro utos lang ang alam. Naglakad ako patungo sa isang silid kung saan ko narinig ang mga tinig. Ang silid na ito ay dating classroom ng mga junior pero ngayon ay wala nang gumagamit. Habang mas papalapit ako ay mas nagiging malakas ang mga tinig ng mga nasa loob. Napailing nalang ako nang makilala ko kung sino-sino ang mga nagmamay-ari nito. "Akala mo kong sino ka!" anang isang lalaki na naroon sa loob. "Akala mo may tutulong sayo rito, diyan ka nag kakamali!" "Arghhhh!" ungol ulit ang narinig ko. Ungol na sarap? o ungol ng sakit? Nang nasa tapat na ako ng pinto ay hindi muna ako pumasok kaagad, tumayo muna ako ng naka-cross ang mga braso sa dibdib. Humikab ako habang pinapa kinggan ang mga kalalakihang may ginagawang kalokohan. Peste! Bakit ba ako nandito imbis na naroon na dapat ako sa upuan ko at ngayon ay natutulog na sana. Nakarinig lang ng ungol. E. "Tandaan mo ang mukhang ito!" "Mali ka ng binabangga!" Napabuntong hininga ako nang makarinig muli ng pagdaing. Ang aga-aga nag iingay ang mga gago. "Kikilalanin--" Isang malakas na pag sipa ang ginawa ko sa pinto para buksan ito. Buti nalang bumukas kung hindi pahiya ako. Gulat na gulat ang lahat ng mga nasa loob. Their eyes grew wide open as their jaw dropped because of what I just did. Natulala ang mga gago. Huli kayo balbun! Humanda ka Dean. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD