TEASER

373 Words
  SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian]   By: " Ms. Alejos "     Lumaking naging malapit sina BRICE VILLAFUERTE at  GABRIELLE DE OCAMPO SANTILLIAN.. Magkapit-bahay lang sila sa isang mamahaling subdivision sa lungsod nang Quezon City. Magkaibigan ang Mama ni Gabrielle at Brice kaya naman kapag dumadalaw ang bawat isa palagi ding nagkikita sina Gabrielle at Brice. Bukod tanging si Gabrielle ang kinakaibigan ni Brice sa triplets dala na rin ng awa marahil sa kanyang paboritong kalaro dahil sa taglay nitong kapansanan.   Isang kapansanang taglay na ni Gabrielle ang nakuha n'ya simula nang mangyari ang aksedenteng iyon, hindi s'ya makakita naapektuhan kase ang cornea ng kanyang mata dahil sa mga bubog na tumama sa kanyang dalawang mata, isa syang bulag kaya naman, wala halos siyang mga kaibigan, maliban sa kanyang dalawang kapatid. Kung meron mang kaibigang lalaki kadalasan inaalipusta lamang s'ya, kaya s'ya na mismo ang umiiwas sa mga eto, hindi rin s'ya palagi dumidikit sa kanyang triplets dahil kung minsan tinatawag pa s'ya ng mga eto na isang bulag. Ngunit dahil magkatabi lang ang bahay nina Brice at Gabrielle si Brice ang madalas na dumadalaw kay Gabrielle para makipaglaro, sinasabi eto palagi nang kanyang Mama kase palagi raw malungkot si Gabrielle. Kaya naman nakagawian na din ni Brice ang dalawin eto at pasayahin..   Isang relasyong nagsimula sa pagiging magkaibigan. At isang pangako sa bawat isa ang binitiwan. Saan hahantong ang pangako nang isang kagaya ni GABRIELLE DE OCAMPO SANTILLIAN kay BRICE VILLAFUERTE? Paano maapektuhan ang batang si Brice, hanggang sa s'ya ay lumaki at magkaisip sa pangakong iyon?     GABRIELLE DE OCAMPO SANTILLIAN. Isang tanyag na enhenyero sa kanyang panahon. Malakas ang karisma pagdating sa mga babae, ngunit mahirap masilaw at mahirap mapaamo ng sino mang babae, maliban lamang sa kanyang girlfriend. Tahimik. Seryoso sa lahat ng bagay, at kapag nagmahal kayang ibigay ang lahat para sa babaeng minamahal. Ang panganay ng Mag-asawang Garrett Santillian at Hailey De Ocampo Santillian. Kilalanin natin sya sa kwentong eto.     BRICE VILLAFUERTE. Simpleng babae. Tahimik. Maganda at mahirap mapaibig ng sino mang lalaki na gumugusto sa kanya. Ang nag-iisang anak nina Beth at Henry Villafuerte. Ngunit anu ang kaya n'yang gawin kapag nakita na n'ya ang tunay na pag-ibig?     ****             --------     Copyright ⓒ Ahna Alejos 2015, All rights reserved.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD