Prologue

1131 Words
Prologue Bumuhos ang malakas na ulan, at kasabay ng pag hulog ng mga luhang kanina pa pinipigilang umagos ni Ashley. Hindi niya na napigilan ang maluha, dahil sa pighating kanyang nararamdaman. Sa pagkawala ng kanyang mahal na ina, at ang pagkabiyak ng kanyang puso para kay Tristan. Na inakala niya ay may pagmamahal din ito sa kanyan. Sakit at pagdadalumhati na kanyang nararamdaman, dahil sa lungkot na kanyang nararanasan. Habang siya ay nakaupo sa upuan kaharap ang labi ng kanyang ina, ay bigla na lang na tumunog ang kanyang phone. Tita Nancy Calling... Kaagad niya itong sinagot. "Hello po tita," aniya sa kausap. "Kamusta hija?" tanong ng kaniyang kausap. "Okay lang po," aniya. "Ahmm." Tumikhim ang kanyang kausap bago nag patuloy sa pagsasalita. "Ahmm Ashley hija gusto mo bang tumira rito sa akin?" tanong sa kanya ng kanyang tita. Natahimik siya sa sinabi ng kanyang tita, at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong nito. Bago siya makasagot nagsalita na naman ang nasa kabilang linya. "Hija nandyan ka pa ba?" tanong sa kanya ng kanyang tiya. "Ahmm tita pag-iisipan ko muna po ha?" sabi niya. Hindi madali para kay Ashley na lisanin ang lugar na ito. It needs courage. "Ah sige, basta tawagan mo ako ‘pag nakapag -isip ka na ha?" tila panunuyo ng kanyang tiya. "Opo tita, sige po ingat po kayo diyan," sabi niya at namatay na ang tawag. Nagdaan ang tatlong araw na nagmumukmok lamang si Ashley sa kanilang bahay, at kahit anong gawin niya ay naaalala niya ang kanyang ina sa bawat sulok ng kanilang bahay. Malungkot siyang nakaupo at naisip niya na mag-isa na lang siya sa buhay. Iniwan na siya nang isang tao na mahal na mahal niya. At sa nagdaang araw na iyon ay hindi niya makalimutan ang pagtatapat niya, ng kaniyang nararamdaman para kay Tristan at kung paano siya nito ni-reject. Sorry Ashley but I don't love you... Iyan ang katagang tumatak sa isipan niya na sinabi ni Tristan. Malungkot siyang natawa ng maaala niya ang katangahang nagawa niya. 'Bakit kasi ang bobo ko?' sisi niya sa sarli. 'Hindi ko man lang binigyan ng kahihiyan ang sarili ko, at inamin ko sa kanyan na mahal ko siya. Nagmukha pa tuloy akong kawawa’, aniya sa kanyang isip. Siguro nga hindi na magbabago ang nararamdaman sakin ni Tristan. Kaya kailangan ko ng tigilan ang kabaliwan kung ito. Tumayo siya at nagtungo sa banyo para maligo, at paglabas niya ay nagbihis bago lumabas ng kanilang bahay. Para bumili ng kanyang iluluto ngayong pananghalian. Habang naglalakad siya sa kalsada ay bigla na lang may sumabay sa kanya sa paglalakad. At nang tignan niya ito ganun na lang ang gulat niya ng makita niya si Tristan. "Hey," sabi sa kanya ng binata. "O-oh ikaw pala," nauutal na tugon niya. "Pasensya ka na, kung hindi ako nakadalaw sa burol ng nanay mo, naging busy kasi ako at hindi ko maiiwan si Natalia eh," sabi ng binata. "Okay lang iyon," sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumikhim si Tristan bago nagsalita ulit. "Ahm Ashley about pala don sa..." Pinutol na niya ang iba pang sasabihin ni Tristan. "Ah iyon ba? Wala na iyon kalimutan mo na siguro iyon, at saka tapos na man na iyon, 'wag mo nang alalahanin," sabi niya at ngumiti ng pilit kay Tristan, para maitago ang sakit na nararamdaman niya. Parang unti-unting dinudurog ang puso niya sa panahong iyon. At nang matapos na siyang makabili humarap siya dito "Ahm Tristan una na ako ha? Magluluto pa kasi ako," paalam niya kay Tristan. "Ah sige ingat ka," sagot ni Tristan sa kanya. Habang naglalakad siyang mag-isa pabalik sa bahay nila, ay hindi pa rin nawala ang kirot at sakit na nararamdaman niya, lalo na sa ginawa sa kanya ni Tristan. Pero tinatatagan niya ang sarili para hindi nito makita na nasasaktan siya nito. Ayaw niyang maging mahina ng dahil lang kay Tristan... Hindi siya isang babae na hihingi ng awa at ipipilit ang sarili sa isang tao, na ayaw naman sa kanya, at walang nararamdaman na pagmamahal dito. Kaya hangga’t kaya niya itong iwasan, ay iyon ang ginagawa niya. At nang makarating siya sa kanilang bahay, ay agad niyang inayos at hinain ang kanyang mga pinamili, at nag umpisa na siyang magluto. Habang nagluluto si Ashley, ay bigla na lang tumunog ang phone niya. Tinignan niya ito at nakita niya ang pangalan ng kanyang Tita Nancy. Dinampot niya ito sa dinning table at sinagot. "Hello, Tita," sabi niya. "Hello, Ashley nakapag desisyon ka na ba?" tanong sa kanya ng tita niya. "Ahm opo, Tita, sa susunod na araw po aasikasuhin ko na po yung mga papeles ko. Para po makapunta na po ako diyan," aniya. "Sige, tawagan mo ako ‘pag aalis ka na para masundo kita sa Airport," sabi sa kabilang linya. "Sige po tita," aniya at pinatay na ang tawag. Naupo siya sa silya, at napatingin sa kawalan. Siguro nga ito na ang tamang oras para unahin niya muna ang sarili niya, at makalimutan ang mga nangyari. Tama si tita nancy kung mananatili siya rito sa bahay. Lagi niya lang maaalala ang kanyang nanay, at ito na rin ang tamang pagkakataon para makalayo na siya kay Tristan, at mawala na ang pagmamahal niya rito, sabi ng kanyang isip. Habang siya ay nakatitig sa kawalan, at nag-iisip ng kung ano-ano para mawala sa isip niya, at sa puso niya si Tristan. Nang matapos magluto at kumain si Ashley, ay agad siyang tumayo. At nag-ayos, desidido na siya sa gusto niyang gawin. Kaya naman mabilis siyang umalis ng bahay, at inasikaso ang mga kakailanganin niya sa pag alis papuntang Amerika. Dumaan ang ilang araw at ayos na ang mga kakailanganin ni Ashley, para sa kanyang pag-alis. At nakaimpake na rin ang kanyang mga gamit habang siya ay palabas na ng pinto, ng kanilang bahay ay bigla na lang dumating si Tristan "Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. Hindi mawari ni Ashley bakit tila galit ang aura ng lalaki. "Pupunta na ako sa Amerika titira na ako kay Tita Nancy," sabi niya. Sa totoo lang ay ayaw niya ng magpaliwanag sa kanya. Pinakatitigan siya ni Tristan, at sinuri pagkatapos nag salita na naman ito ulit. "Dahil ba ito sa nangyari sa atin kaya ka aalis?” sabi nito sa kanya. "Hindi nga! Wala na iyon, aalis ako kasi ito ang desisyon na pinili ko," sabi niya at nagpaalam na kay Tristan, at pumara na ito ng taxi para ihatid siya sa Airport. Naiwang mag-isa si Tristan at pinagmasdan lamang niya ang papalayong si Ashley. Hahayaan na lang ba ni Tristan na umalis si Ashley? Dahil hindi niya alam ang tunay niyang nararamdaman para sa dalaga. Or they will forget about the happy memories that they shared in a short time of their life's. They should accept that they are not meant to be? At kalimutan na nakilala nila ang isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD