Prologue

755 Words
Napapamangha ako sa aking mga nakikita ngayon. Ngayon lang ako nakapasok sa isang marangyang palasyo. Hindi ko kaagad naisip na ganito pala iyon kaganda. Ang sarap sigurong tumira dito maaliwalas ay malayo sa gulo. Biglang bumukas ang malaking pinto pagdating namin ng aking ama. Mabilis itong naglakad papasok at nakikita kung nakaupo roon ang royal family pati na rin ang kanilang dalawang anak na lalaki.  Crowned Prince Kaito Gray Remington  at ang nakababata nitong kapatid na di nalalayo ang kanilang agwat sa isa't-isa, Prince Yani Cohen Remington  and they are both an Alpha.  Hindi ko alam kung bakit kami nagpunta ni ama dito sa kaharian at basta basta nalang niya akong sinama. Si mama naman ay panay ang payu sakin nag mag.iingat ako at kung anu-ano pa.   "Magandang umaga aking Kamahalan." Pagbigay pugay ng aking ama ng makarating kami sa kanilang harap as we kneel down in front of them.  "I hope dala mo na ang hinihingi ko Alfonso Matsumoto."  Matigas na bigkas ng mahal na hari kaya napapitlag ako. Pero patuloy parin akong nakayuko pati na rin ang akin ama.  "Paumanhin po kamahalan pero hindi ko po dala ang bagay na hinihingi niyo. Isa lang po akong hamak na magsasaka at alam kung malaki ang kasalanan na nagawa ko sa inyo. Hayaan niyo po akong bayaran kayo sa ibang paraan." Buong pusong ani ng aking ama.  Napatingin naman ako sa gawi nito. Gusto kung hilahin si Ama patayo ngunit alam kung mas lalo lang kaming pag-iinitan ng mahal na Hari.  Anong bang kasalanan na nagawa ng aking ama? Ito ba ang dahilan kung bakit kami napadpad sa palasyo? Pero sa pagkakaalam ko isang mabuting tao ang aking ama. Kailan may hindi ito gagawa ng kasalanan na ikapapahamak namin. "At ano naman iyon?" Tanong ng mahal na hari sa aking ama.  Napalingon si ama sa akin at nag butong hininga.. Binalik niya ang tingin sa kamahalan at saka ito nagsalita. "Naririto po ang akin anak ibibigay ko po siya inyo bilang kabayaran ng aking pagkakautang at sa aking pagkakasala aking kamahalan." Buong tapang na bigkas ng aking ama na siyang kinagulat ko. K-kabayaran? Ako? .  "This is ridiculous!" Sigaw ng mahal na Reyna.  Napayuko naman ako dahil sa kanyang pagsigaw at hindi alam ang nararamdaman.  Kilalang bilang tuso ang kanilang pamilya. Sa matagal na pamamahala nila dito alam kong lahat ng kagustuhan ng kamahalan ay iyon ang masusunod at kapag hindi isang matinding parusa ang naghihintay sa kahit sino man ang lumabag.  At pati narin ang kanilang mga anak. Bali balita sa buong lugar ang pagiging strikto nila sa kanilang nasasakupan. Lalong lalo na ang crown Prince na talagang strikto pagdating sa mga batas. "Lapastangan! Ano naman ang mapapala namin sa anak mong isang Omega. Ang kasunduan ay kasunduan Alfonso!" Matigas na sigaw ng mahal na Hari. "Paumanhin kamahalan ngunit hindi ko pa kayang ibigay ang gusto niyo ngayon. Pero kung bibigyan niyo ako ng mahigit tatlong b--- "   "Nonsense! Ilang beses na kitang pinagbigyan ngunit patuloy mo akong binibigo at pinagtaguan. Guards! Get them here and throw them into the dungeon. " Sabi ng mahal na hari at tinawag ang Royal Guards.  Kaagad na pumasok ang apat na gwardya at hinawakan ang aking ama. Kaagad naman akong tumayo. Tumakbo ako sa mismong paanan ng mahal na hari at nagmakaawa.  "Parang awa niyo na po m-mahal na hari. P-pakawalan niyo po ang aking ama." Pagmamakaawa ko dito.  "Get your hands of me you filthy Omega!" Marahas nitong sabi at saka ako sinipa sa mismong mukha ko. Napadaing ako sa sakit.  Ininda ko lang yung sakit at patuloy na nagmakaawa. Hinawakan ako ng mga gwardya at saka ako nagpupumiglas.  "Kamahalan parang awa niyo na po... " I begged habang tumutulo ang aking luha sa aking mga mata.  Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang aking ama. Kahit hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagkakasala dako ako mismo alam ko sarili ko na may malalim siyang dahilan.  "Enough!"  Napatigil ang lahat sa biglang pagsigaw ng mahal na prinsipe.  "Let his father go, Dad. At ako na ang bahala sa Omegang iyan. Afterall ginawa na siyang pangbayad ng kanyang ama. " Sabi niya habang mariing nakatingin sa akin.  Napatingin naman dito ang mahal na hari pati din ang mahal na reyna at ang kapatid nito. Dahan dahang tumayo sa kanyang kinauupuan ang mahal na prinsipe at lumapit sa akin.  Umupo siya upang sa aking harapan upang makalevel ko siya. Mahigpit na hinawakan ang aking panga at saka inangat ito kanya. Nagkasalubong ang tingin namin at parang gusto na lang maglaho dahil sa uri ng tingin niya sa akin. Na para bang pinaparating nito na ito na ang katapusan ko.  "You'll be my slave omega." Matigas niyang bigkas sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD