Chapter 1

1299 Words
PROLOGUE: Sa mundong mapaglaro nila. Ang tadhanang pinaglaruan ang dalawang taong nagmamahalan. Pinaghiwalay ng mahabang panahon. At sa muli nilang pagkikita marami ng nagbago. Paano kung ang taong matagal mo ng hinihintay ay may iba na palang pamilya? Would you fight for it? Or would you let them go? 'It's worth to fight if the LOVE is TRUE'. - Ang sabi nila ang ibig sabihin ng 'SORRY' ay paghingi ng paumanhin para sa nagawa mong mali. Ang sabi nila, masakit daw marinig ang salitang SORRY na galing sa mahal mo lalo na't ang nagawa nyang kasalanan ay mabigat. Yung tipong mahirap kalimutan. Yung tipong nasaktan ka ng sobra dahil sa pagkakamali nya. Yung tipong tagos hanggang puso ang kasalanan nya. Yung tipong parang hindi mo na kaya dahil sa sakit. SORRY, pero hindi na kita mahal. SORRY, may mahal na akong iba. SORRY, mahal kita pero mas mahal ko sya. SORRY, ikakasal na ako sa iba. SORRY, hindi ko sinasadyang magkamali. SORRY, kung nabuntis ko sya. SORRY, kung nagkasala ako. Ang sakit at ang saklap ng mga SORRY na ganyan hindi ba? Pero may SORRY pa palang ikakasakit nyan mula sa taong hindi mo man mahal pero sya na din ang nagsasabi na wala na at wala na kayong pag-asa. "I'm sorry. We did our best to save her but we already lost her." Yan ang pinakamasakit na SORRY ang narinig ko mula sa isang doctor. ****** 5 years later... Faith's POV: "Tita..." Masayang salubong sa akin ni Tyler. Kinuha ko naman sya at hinalikan sa pisngi. "Did you miss tita?" Masaya naman syang tumango. "Yup, yup." Ang gwapo talaga ng batang ito, manang-mana sa daddy nya. Hindi na din ako magtataka kung paglaki nito ay marami din itong papaiyakin na mga babae gaya ng daddy nya. "Where's your mom and dad?" "At the kitchen, they're preparing dinner." Tumango naman ako at kinurot ng mahina ang pisngi nya. "Big boy." Napalingon naman si Tyler sa tumawag sa kanya. "Tito " Nakangiti naman syang tumakbo. "I miss you." Niyakap naman sya ni Darwin. "Tito miss you too. I have something for you big boy." Lumiwanag naman ang mukha ni Tyler. "Really tito?" Masaya namang binigay ni Darwin ang pasalubong na binili nya mula sa Venice para kay Tyler. Limang taon na din ang nakakalipas. Marami na ang nagbago. Lahat kami nagbago pero ang pagkakaibigan naman namin ay nagiging matatag parin. Gaya parin ng dati ay nabo-bondong parin kami twing sunday pero minsan hindi kami nako-kompleto dahil ang iba ay nasa isang bansa at may mga business trip minsan. Ako at si Darwin ay tatlong taon ng engaged at nagpa-plano na ding magpakasal. Si Cresent at Gray naman ay isang taon ng engaged, samantalang si Seb at Meads ay apat na taon ng engaged. Pagkatapos na pagkatapos ng ceremony ng graduation namin ay nag-propose agad si Seb kay Meads dahil ayaw na daw nya itong pakawalan pa at syempre kahit umiiyak ay masaya namang tinanggap ni Meadow ang proposal ni Seb. Ang dami na din ng pinagdaanan ng dalawang yan at masaya ako para sa kanilang dalawa, lalo na kay Meadow. Si Fayre naman at Troy ay tatlong taon ng kasal. Hindi agad naka-graduate si Fayre dahil nabuntis sya noong bakasyon namin at ayun nga nabuo si Tyler Ace Champ. Pagkapanganak nya ay doon na sya nagpatuloy sa pag-aaral. Nang maka-graduate naman sya ay nagpakasal agad sila ni Troy. Naging successful kaming lahat sa mga buhay-buhay namin. Nakapagtapos at nagkaroon ng mga negosyo. Gaya ng pinagplanuhan namin limang taon na ang nakakalipas ay naging mag-business partner kami sa negosyo. Nagkaroon kami ng tayloring, FFCM shop, boutique and others business that related to dresses. And of course it's all Cresent, Meadow and Fayre's design, while I'm the one who manage the business. Ang mga boys naman ay naging mag-business partner din and there business run well. Naging successful ang mga business nila at patuloy na lumalaki. They have 5 stars hotel and restaurants. May branches na din sila sa iba't-ibang bansa and of course they call it DB Sweet Home Hotel and DB Sweet Restaurant. Nilagyan talaga nila ng DB dahil 'yun daw ang pangalan na binuo nila para sa barkada nila. Lahat kami ay masaya sa mga nakamit namin at sa buhay pag-ibig na meron kami. Si Blake nalang ang walang pares, dahil hanggang ngayon ay hinihintay parin nya ang pagbabalik ni Allison. Hindi din sya nakikipag-date sa ibang babae, after 5 years he's still single. Mas dumami ang mga babaeng humahabol sa kanya dahil sa makalipas na limang taon ay mas lalo naging gwapo at makisig si Blake pero kahit isa ay wala syang pinatulan. Hanggang ngayon ay mahal parin nya ang asawa nya. Speaking of Allison, limang taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli namin syang nakausap at nakita. Hanggang ngayon ay wala parin kaming balita sa kanya kung saang lupalot sya naroon. Hindi man lang sya nagparamdam sa amin. Kumusta na kaya sya? Ang pinagtataka namin ay limang taon na ang nakakalipas pero hindi daw nagfa-file ng annulment si Allison kay Blake. Ibig bang sabihin nito ay mahal parin nya si Blake? Naalala ko tuloy 'yung bilin nya sa amin nong huli naming pagkikita, na ingatan namin si Blake para sa kanya. "Oh, dadating pa ba si Blake?" Tanong ni Troy. Hindi ko napansin na kompleto na pala kaming lahat dito sa sala at si Blake nalang ang kulang. "Hay, may bago pa ba doon? Eh gusto na atang magpakamatay non." Sabi ni Seb. Napatingin naman sya kay Meadow ng sikuhin sya nito. "Bakit? Totoo naman ah. Palagi nyang sinusubsob ang sarili nya sa trabaho." Napailing naman si Meadow sa sinabi ng fiancée nya. Pero kahit ganyan si Seb ay alam naman namin na nag-aalala din sya sa kaibigan nya. Bumalik na din sa dati ang pagsasamahan nila at mas lalo pa sila naging malapit. "Intindihin nalang natin. Mabigat ang pinagdadaanan eh." Awat ni Gray. Naiintindihan naman namin na mabigat ang pinagdadaanan ni Blake, pero hindi parin namin maiwasan na mag-alala sa kanya dahil sinusubsob nya ang sarili nya sa trabaho, baka isang araw bumigay ang katawan nya sa pagod. "Oh sya, kain na tayo." Aya ni Fayre. Nagkanya-kanya na kaming tayo at papunta na ng kusina ng biglang may sumigaw. "Am I late?" Napalingon naman kami sa kanya. "Blake/Dude." Sabay-sabay naming tawag sa kanya. . Nakipagbeso-beso naman sya sa aming mga babae at manly hug naman sa mga kaibigan sya. "Akala ko hindi ka na makakarating dude." Masayang ani ni Darwin. "May tinapos lang kasi ako sa opisina. Sorry kung late ako." Sagot naman ni Blake. "Okay lang 'yun Blake, ang importante ay dumating ka. 'Kala tuloy namin hindi na naman tayo makokompleto." Sabi ni Cresent. "Oh, tara na. Kainan na." Tumawa naman kami dahil sa sigaw ni Cresent. Hindi parin talaga nagbabago si Cresent, marami paring energy. Nakita ko naman na napangiti ng mapait si Blake. Kailan ba kami naging kompleto? Matagal na kaming hindi kompleto, simula ng mawala na parang bula si Allison, hindi na kami naging kompleto. Napapaisip tuloy ako kung kailan kaya kami magiging kompletong muli o may pag-asa pa bang magiging kompleto kaming magkakaibigan. Masaya kaming kumain, habang kumakain naman ay nagku-kwentuhan din kami. Syempre bida sa kwentuhan si Tyler na madaldal. Masaya at bibong bata si Tyler. Kahit 5 years old pa lamang ay alam na namin kung kanino nagmana. Gwapo at malakas ang s*x appeal ni Tyler kahit bata palang, manang-mana sa ama nya. Akalain mo 'yun, sa edad na limang taon ay may pinaiyak ng babae dahil binasted nya ito at ito pa ang malala, may hinalikan pang babae sa skwelahan nya. Hinalikan daw nya dahil sinasabihan daw syang bakla. Syempre kaming lahat ay nagulat, pero ang ama ay tawa ng tawa at proud na proud sa anak dahil mana daw sa kanya. Mukhang may magpapatuloy ng pagiging chick boy nito ah. Masayang natapos ang pagsasama naming magkakaibigan. Sa pagku-kwentuhan ay hindi na namin pinag-uusapan si Allison. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan sya dahil alam namin na hanggang ngayon ay nasasaktan parin si Blake dahil sa pagkawala nito at hanggang ngayon ay hindi parin nya nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD