// prologue //

2050 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //PROLOGUE// "I will do everything!" ang sinabi ni Zoe nang ibalitang ie-expel siya sa Westerhaven nang dahil sa picture niyang kumalat sa internet. Pero hindi naman siya makapagreklamo sa ipinaratang na parusa sa kaniya. Pero hindi naman kasi 'yun 'yun eh, paghampas niya ng palad sa ulo niya habang naglalakad papunta sa president's office. Tama din naman siya. Kung hindi lang nilabas ng traydor niyang photographer ang picture niya para sa susunod na project ng organization niya, edi sana walang ganitong problema. But the damage has already been done. All she has to do now is make up for her mistakes. Hindi na niya ginawang batiin ang sekretarya ng presidente at agad-agad na pumasok sa loob ng opisina ng matandang panot na may isang pekeng ngiti. Pero ang matamis na pagkurba ng mga labi niya ay agad na sumampal sa lupa nang makita niya kung sino ang lalaking nakaupo sa harapan ng presidente nila. What the is he doing here? Oh wait, no! How did he get in here?! Nagtatanong siyang tumingin sa presidente nila. Isa kang traydor! ang gusto niyang isigaw. Just the mere sight of this guy's navy blue uniform is enough to make her blood boil. Bakit may mortal na kaaway dito? Ba't hindi siya namatay sa anti-Prystonian spray nila?! What is happening?! Oh my God! Westerhaven is not safe anymore! Napalingon sa kaniya ang lalaking kanina niya pa pinapatay sa isip niya. What is he doing here? How dare he step foot in our territory? Agad na napakunot ang noo ni Zoe nang makita ang infamous nitong hanggang balikat na buhok at ang pagsipsip nito ng lollipop. At mas lalong ikinalalim pa ng noo niya ang pagngiti nito sa kaniya. Asong ulol lang? Napatingin siya sa president, naghahanap ng paliwanag kung anong ginagawa ng isang outsider sa loob ng opisina niya. "Ms. Armamento," pagbati ni panot sa kaniya. "Please have a seat." Hindi mapigilan ng kilay niya ang paggalaw nito sa isipin na tatabi siya sa lalaking iyon. Pero hindi siya pwedeng magwala doon kaya nama'y hinatak niya na lang ang upuan palayo. Hindi naman ito pinansin ng dalawa niya pang kasama at naupo na siya. "I assume you two know each other." "No." "Yes." Sinamaan ng tingin ni Zoe ang lalaki pero hindi ito tumingin sa kaniya. "I do mean that, I know her name and I assume she does know mine. So yes, we do know each other," sagot ng lalaki bago sumandal nang prente sa upuan nito. "No," sagot naman ni Zoe. "We haven't been introduced and neither will I give the pleasure to." Narinig niya ang pagngisi ng lalaki sa kaniyang gilid. Ang yabang talaga nito. Siya na nga ang wala sa lugar niya pero siya pa ang nagaangas sa kaniya. "Not that we have to be, babe." Halos mabali ang leeg ni Zoe sa pagtingin sa lalaki sa tinawag nito sa kaniya. "What did you just call me?" "Ms. Armamento," pag-agaw ng atensyon niya ng president. Umakyat na ang lahat ng dugo ni Zoe sa mukha niya sa galit sa lalaking katabi. Ano ba kasing ginagawa niya dito? "Jet is here for a reason." Malamang, edi bakit pa siya nandito kung hindi mo siya ipapapatay sa'kin. "He is here as the representative of Pryston University for the treaty we made three days ago." Tumaas lang ang kilay ni Zoe sa sinabi sa kaniya. And so what?"And he is here to meet you." Mas lalo lang tinaasan ni Zoe ng kilay ang president. What are you trying to say? Pero sana pala hindi na lang siya nakinig dahil walang pupuntahan ang pinagsasabi ng panot na iyon sa kaniya. Ano nga ba namang bullshit iyon? Tama ba namang gamitin silang dalawa para lamang magkaayos ang dalawa nilang paaralan? And what made them think that making the most popular ones pretend to be lovers will cease the uproar of students? It will only make things worse! Napatingin si Zoe sa plaka na nakatayo sa lamesa dahil baka matawag niyang 'panot' ang president. "Mr. Gutierrez, hindi ho tanga ang mga estudyante para maniwala na mayroong namamagitan sa'ming dalawa nitong..." sinilip niya muna si Jet at sinamaan ng tingin. "...taong 'to. Alam niyo naman kung gaano katindi and pusok na nadarama namin para sa mga taga-Pryston. What made you think that they will think that I, the so called Ms. Smart Sexy, will fall in love with such a douchebag?" Nagulat si Zoe nang ihampas ni panot ang kamay nito sa makintab na lamesa. "We are desperate, Zoe. We have to try! The school is already losing its credibility-both of our schools! Pryston and Westerhaven! We already lost thirty percent of our future enrollees because of these childish acts! Do you want to see this school crumble to the ground?!" Hindi nakapagsalita si Zoe. Alam niyang napapadalas sila ngayon sa balita dahil sa mga rambol na nangyayari dahil sa matinding kompetensya nila sa Pryston. Masyado yatang ginawang literal ng dalawang paaralan ang katagang 'rivals in all fields' na simpleng upuan sa mga restaurant, babae/lalaki, at sa pila ay pinagaawayan ng dalawang kampo. Hindi niya alam na ganoon na pala kalala ang naidudulot ng mga street fights at internet bashing. "Pryston already agreed to our terms and that is to have their most popular and influential person in school to act as the boyfriend of one of our students. They sent us Mr. Revereza. Of course, it is you the only girl the whole population knows for your previous actions. But even so then, they look up to you for standing up for yourself. Well, in fact, saying no is not an option for you, for you will be expelled if you dare refuse." Isang ngisi na naman ang narinig niya na nanggaling sa bibig ni ng lalaki sa gilid niya. Sinamaan niya ito ng tingin pero parang wala namang epekto sa lalaki na mas lalo lang niyang ikinainis. Nagawa pa nitong itaas-baba ang mga kilay niya para lang lalong makapangbwisit. Expulsion? That she cannot take. But dating this guy? It has become something she has to bear. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox oxoxoxoxoxox "I was born to hate you," sabi ni Zoe sa lalaking kasabay maglakad. Tinitignan niya palang ito mula sa kulot na buhok nitong hanggang balikat, sa subo-subo nitong lollipop, at sa hindi maayos na pagkakasuot nito ng uniform, hindi na mapagilang mapangiwi ni Zoe. Just the thought of breathing the same air as him suffocates her. "Oh, I know, baby," pagngisi sa kaniya ni Jet. "It's not a secret is it?" "Baby, my ass." "Yeah," narinig niya ang pagtama ng lollipop nito sa ipin ng kausap nang ilipat nito ang candy sa kabilang gilid ng bibig. "You have a sweet a*s there." "Ewww!" hindi siya makapaniwalang harap-harapan siyang minamanyak nito. Hindi niya mapigilang hindi bigyan ito nang nandidiring tingin. "What?" pagtaas ng mga kilay ng lalaki sa kaniya bago ito ngumisi ulit habang naghihintay sila ng elevator. "In case you have forgotten, you're my girlfriend now." At tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinihubadan na siya. "I thought it was all just Photoshop. But damn, babe, you're f*****g sexy." Base sa paraan ng pagkakasabi nito sa kaniya, bigla siyang kinilabutan. Hindi niya maisip kung dahil ba parang totoo ang sinasabi nitong mokong na 'to o kundi dahil ba kinikilabutan siya sa paraan ng pagtitig sa kaniya. Nag-ding! na ang elevator at wala pang isang segundo, nag-slide na pabukas ang mga pintuan. Nauna pang pumasok ang lalaki sa kaniya. Napaka- gentleman naman talaga nito. Papasok na sana siya nang biglang magsalita ang lalaki. "I hope you didn't believe a word I said," kumagat ito sa lollipop at narinig niya ang pagbasag ng candy laban sa mga ipin nito. Isang malokong ngiti ang lumabas sa mga labi niya. "It was all bullshit." Nagsimula nang magsara ang mga pintuan at nakuha pa siyang kindatan ng lalaki. "Laters, baby." Nang mawala na ang mukha ni Jet sa harapan niya, tsaka niya lang nakuhang pagtatadyakin ang pintuan ng elevator at paghahampasin nito habang sumisigaw. "Damn it," paghagod niya sa buhok. "It's on, Jet. This means war." STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #1// HINDI na makapaghintay si Jet kay Zoe. Bakit ba kasi sobrang tagal ng mga babae kumilos? Ang dami kasi kaartehan sa katawan eh. Mainit na ang ulo niya sa paghihintay. Tatlong minuto na siyang pinaghihintay ng babaeng iyon at two minutes na lang ay iiwanan na niya ito. Sa kabutihang palad, bago sumapit ang dalawang minuto niyang marka, lumabas na si Zoe mula sa pintuan ng bahay na may agad na kunot sa noo at nagmamadaling naglalakad papunta sa kotse ni Jet. Akala nga ng binata ay matatanggal ang buong pintuan ng kotse niya sa sobrang lakas nang pagbukas ni Zoe. "Let's go," malamig na bati ni ng babae. Ayaw ni Jet na inuutusan siya pero mas pinili niyang hindi na lang magsalita at wala din siya sa mood makipag-usap ngayon at baka kung ano pang masabi niya. Tahimik silang dalawa na nasa kotse nang magsimulang magpahid ng wipes si Zoe sa leather seat niya. Napangisi na lang si Jet at umiling. "Iling ka diyan?" pagpuna ni Zoe sa kaniya. "Ano bang malay ko kung ano nang ginawa mo dito sa loob ng kotse mo? Magka-STD pa ko. So, no thanks na lang." Hindi napigilan ni Jet ang malakas na pagtawang lumabas sa bibig niya. Just who does this girl thinks she is? "Hey, I'm clean." "I'm not one to just believe words." He immediately grabs her arm and pulls her to his side. "Oh, why not? You wanna get it on, babe?" Alam niyang sa pagresponde pa lang ng katawan nito sa sinabi niya ay sasampalin na siya nito kaya madali niyang nasalo ang palad nito at hinalikan. Pero ang hindi niya inasahan ay ang paglipad ng isa pa nitong kamay sa pisngi niya. Tumawa siya kahit sobrang sakit ng sampal sa kaniya, iniwasan niyang hawakan ang part ng pisngi na iyon. Nasaktan siya pero alam niyang nasaktan din si Zoe dahil sa pamumula ng palad nito. Mabuti nga. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox ANG sakit!!! Iyan na ang sigaw sa utak ni Zoe ngayon sa palad niyang parang tinutusok ng isang milyong karayom. Hindi pa nga sapat ang sampal niya dito pero gusto niya pa 'tong bugbugin sa puntong makikita niyang nagdudugo ang bibig ng lalaking ito. Most popular and influential? Saan banda? Mga sira ulo ba talaga mga taga- Pryston para i-idolize ang kumag na 'to? Bakit nga ba siya pumayag sa deal na ito? Parang wala naman sa karakter nito ang makipagkasundo sa ganitong klaseng sitwasyon. At paano siya nakumbinsi ng principal nila na pumayag dito? Hay nako mga taga-Pryston talaga. Tila naging isang bato na si Zoe sa pagkakaupo dahil hindi na sila nag-imikan ni Jet hanggang sa tumigil sila sa tapat ng hotel para pumunta sa isang birthday party kung saan nila gagawing official ang pagiging mag-jowa nilang dalawa. Ewww, na lang ang nasabi ng loob-loob ni Zoe. Mas naunang umabot sa kaniya si Jet nang malapit na nilang maabot ang floor na pupuntahan sa loob ng elevator. "What the hell are you doing?" pagtulak nito kay Jet palayo. Mukhang nagtitimpi na lang din si Jet sa kaniya at marahas siyang hinatak. Nakakatakot si Jet lalo na height nitong 6'3, kung walang siyang heels ngayon, malamang ay wala pa ang bunbunan niya sa balikat nito. "Can you drill this in your head?" iritadong sabi ni Jet. "You're my girlfriend. You are not to be any more than an arm's length away from me. Do you hear me? I'm not supposed to get my hands off you." "Eh grabe ka naman kasi eh!" sigaw ni Zoe. "Para naman kasing ra-r**e-in mo ko sa paghawak mo sa'kin kaya pwede ba? Maghinay-hinay ka lang! At kapag nagpasa 'yang paghawak mong 'yan sa'kin ikaw lang ang sisisihin dahil ikaw ang boyfriend ko. Let go of me!" Mabilis siyang binitawan ni Jet at pinanood niya ang patuloy na pag-akyat nila. 36... 37... 38... Bumuntong hininga si Jet na parang napapagod na siya at inabot ang kamay ni Zoe. Medyo nagulat pa siya nang maramdaman kung gaano kainit ang kamay nito. "Let's go," murmurs Jet. At nang mag-ding! na, magkahawak kamay silang lumabas ng elevator. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD