Chapter 1

2539 Words
Mataman akong nakatingin sa labas para magmasid. Pakiramdam ko ay palaging may nakamasid sa kilos ko. Isang maling kilos, masisira na ang plano namin ng pinsan ko. "Ano na, Coleen?! Akala ko ba magc-cutting tayo! Tangina kasing subject 'yan! Dinaig pa ang nagmimisa!"  "Kung gusto mo, ikaw na lang magcutting. Akala mo ba gusto kong pumasok? Kung hindi lang nakabantay palagi iyang si Xeus e!" Kapag nahuli na naman akong nagcut ng klase, sigurado akong malalaman kaagad ni Kuya Hexel dahil sa punyetang si Xeus. Si Xeus ang student council president at alam kong marami siyang galamay kaya makakarating kaagad sa kanya ang balitang hindi na naman ako pumasok ng klase. "Wala naman si Xeus ah! Naglunch iyon kasama ang girlfriend niya," sabi ni Ezekiel. Tila seryoso talaga siya sa sinasabi. Nag-isip ako ng malalim. Baka makatakas ako ngayon. Hindi naman siguro iyon 24 hours na nakabantay sa akin. "Paano mo naman nalaman?" tanong ko kay Ezekiel. "Kakatext lang ni Yvette sa akin. Kasama niya ang girlfriend at kumakain yata sa canteen. Ano, tawagin ko na ba ang mga tropa natin?" Napairap ako nang makita kong ngiting-ngiti si Ezekiel. Hayok na hayok mag-cutting ang gago. Sabagay, ganoon din naman ako. Lalo na at nakakaantok ang susunod na subject. "Ikaw ang bahal--" "Nagreply na sila, Coleen. Halika na, kunin mo na ang bag mo. Sama-sama na tayo sa impyerno." Humalakhak ako sa tinuran ng pinsan. Para nga kaming pinagbiyak na bunga. Sa lahat ng bagay magkasundo kami, at isa na doon ang magcutting ng klase kapag may pagkakataon. Kapag kumpleto ang tropa, wala na akong mahihiling pa. Magkakapalitan na yata kaming magkakaibigan ng mukha dahil palagi na kaming magkakasama. "Adik ka talagang kupal ka," humagikhik ako kay Ezekiel at saka hinampas siya sa balikat. "Tanginang 'to e, napakamapanakit!" "Dalian mo na at baka maabutan pa tayo ni Xeus. Patay ka kay Daddy kapag nalaman noon na kasama kang nagcutting." Kinuha ko na kaagad ang gamit ko at marahang lumabas ng classroom. Bahagya pa akong lumilinga dahil baka malaman na naman ng demonyong iyon na liliban ako sa klase. Wala naman kaming napansin sa hallway pero pagliko ko sa may kanto sa east wing, nakasalubong ko si Xeus. Babalik sana ako para iwasan siya pero huli na ang lahat: nagsalubong na ang tingin naming dalawa. f**k, this is not good.  "Gago, retreat! Andyan si Xeus," hinampas ko si Ezekiel. "Tangina, Coleen. Wala akong balat sa pwet! Ikaw yata itong meron!" This fucker. At balat talaga sa pwet ang pinag-uusapan! Sa pagtatalo naming magpinsan, hindi ko na namalayan na parating na si Xeus. Itinulak ko na si Ezekiel palayo para makatakbo na siya at makatakas. Okay na sigurong ako ang maalaska kesa si Ezekiel.  "Why are you carrying your bag with you? It's still ten in the morning?" I always admire Xeus's voice. Bagamat malalim ang boses niya, kalmado siyang magsalita. Iyon nga lang, sa ganitong pagkakataon, mukhang kalmado ang boses niya subalit nagyeyelo. Parang sasaksakin ako ng mga salitang lalabas sa bibig niya. "Uhhh, bawal ba dalhin ang bag kapag lalabas ng classroom?" I rolled my eyes to show him my irritation. Matiim siyang nakatitig. Kinikilatis siguro kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. "Then, why are you out here? The classes will start in ten minutes." Tangina, pwede ko ba siyang ibalibag? He's so pakialamero! "Pupunta ako sa canteen. Tumabi ka nga sa dinadaanan ko. Ang laki mong harang." Tiningala ko si Xeus. Nagtama kaagad ang paningin namin. He looked displeased. Hindi ko siya masisisi. Dati pa man, sadyang mainit na ang dugo niya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan pero sigurado akong dahil iyon sa pagiging pasaway ko." "And I'm certain that it's not the way to the canteen." "Bakit? May canteen pa sa labas ng gate, stupid! Doon ako pupunta!" Tinabig ko siya pero nahawakan niya kaagad ang braso ko. Masama ko siyang tinitigan pero hindi siya natitinag. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng ilang estudyante. Palagi naman. Lagi kaming may scene ng hayop na 'to lalo na kapag sinisira niya ang plano kong magcutting. "You're cutting classes again. I knew it." Mahinahon pero nararamdaman ko ang pagkairita sa boses niya. Hindi pa rin naaalis ang masama niyang tingin at inaamin kong nakakatakot iyon. Hindi siya presidente ng Student Council para lang sa wala. He's very strict and disciplined. This is why I don't like him. Mas gusto ko pang mamatay kaysa makasama siya ng matagal. "And so? Wala ka ng pakialam doon. Besides, wala naman mawawala sa'yo kung magcut ako ng classes ah?" mataray kong sagot. "Yes, I'm losing something." "At ano yun?" "My patience.." Ughh... Gigil akong tumalikod para iwasan siya pero kaagad niyang nahablot ang mga braso ko. "You spoiled brat.." I saw how his teeth gritted. "Ano ba, Xeus! San mo ba ako dadalhin?! You asshole! Isusumbong talaga kita kay Daddy!" Hindi siya umiimik habang hinihila ako. Hindi niya pa rin ako binibitawan. At ang nangyari, bumagsak ako sa opisina niya. Unang beses kong makakapasok sa opisina niya dahil palaging sa reflection room ako bumabagsak kapag nahuhuli niya akong lumiliban sa klase. "Wait here. Maghintay ka dito, Coleen.. Huwag mong sasagarin ang pasensya ko," iritado niyang tugon bago ako iniwan doon. Pagbalik niya, may dala-dala na siyang pagkain na nakalagay sa plato. Inilapag niya iyon sa mesa niya. Tinitigan ko naman siya at nagtataka kung para saan ang pagkaing iyon. Hindi pa ba siya kumakain ng lunch?  "You're going to the canteen, right? Then, eat.." seryoso niyang tugon sa akin habang itinuturo ang pagkaing inilapag sa mesa. "Sino bang nagsabi sa'yong nagugutom ako?" mataray kong sagot. "Pupunta ako sa canteen pero hindi ibig sabihin noon na kakain ako. Tatambay ako doon kasama ang mga kaibigan ko."  Napahilamos siya sa mukha niya dahil sa pagkairita. "Fuck." he hissed. "Now I know kung bakit nahihirapan sa'yo si Hexel, you stupid brat."  Narinig ko pa ang ilan niyang mga mura. Para sa akin ba ang mga salitang iyon? Well, I am not affected. Immune na ako sa mga masasakit na salitang binibitiwan niya. Wala siyang ibang nakikita kundi ang mga mali ko. Para siyang reporter. Lahat ng mga ginagawa ko ay sinasabi niya sa kuya ko kaya madalas akong mapagsabihan ng magulang at kapatid. "Bakit ka napipikon? Di ko kailangan ng opinyon mo ano? You stupid president." "Isa pa, Coleen!" nagulat ako sa pagsigaw niya sa akin. Aba't ang gunggong na 'to? Napakaeskandaloso! Akala naman niya siya lang itong naiinis? Ako din, naiinis na! Siya lang naman itong masyadong feel na feel magbantay tapos ibubunton niya sa akin ang inis kapag hindi ko sinunod ang gusto niya! "O bakit nga? Sasabihin mo kay Kuya Hexel na nagcutting ako? Edi sabihin mo! Samahan pa kita e!" sagot ko. "Stop getting into my nerves. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Eat this food.." "Hindi ako nagugutom." mabilis kong tugon. "Kanina pa kitang binabantayan and I know na hindi ka pa kumakain. So please, kainin mo na 'yan bago pa uminit ulit ang ulo ko sa'yo." he said seriously. What? Kanina pa niya akong binabantayan? Seriously? Is he a stalker or something? "Kapag kinain ko ba 'to, papayagan mo na akong magcutting?" tanong ko. "Of course not." Agad akong sumimangot. See? Negotiations will never work on this dumbass. Gusto niya siya lang palagi ang nasusunod. "Forget it. Ayokong kumain. Hindi ako kakain hanggang hindi mo ako pinapayagan magcutting!" Ayaw kong magpatalo sa kanya. He's not responsible kung mahuli man akong lumiban sa klase kaya bakit ako magpapatalo sa kanya? President lang siya, si Coleen ako. And I won't lose to someone like him. Bumuntong-hininga siya habang hinuhugot ang cellphone sa bulsa. He just dialed something and in an instant, he's already in line with my father. This guy.. really.. ticks me off. Stupid. Stupid Xeus. Mamatay ka na. Mamatay ka na. "Hello po, Tito Lemuel. Good afternoon po.." Wala akong ibang nagawa kundi ang kunin ang pagkain sa mesa. Masama ko siyang tiningnan. This stupid man! Using my father as a threat! He's a dirty player! Curse him! "Opo. Okay naman po si Coleen. Kasabay ko po siyang kumain ngayon." he said while throwing his signature smirks on me. "Napatawag lang po ako para mangumusta. I'll visit next week po, Tito. Pinaalam ko lamang po sa inyo.." Nakangisi niyang binaba ang tawag pagkatapos magpaalam sa ama ko. "You don't have to make this difficult. Remember, isang tawag ko lang sa Papa mo and you're doomed." nang-aalaska niyang tugon habang lumalapit sa akin. "So finish your food and be a good girl." I swear, nandidilim ang paningin ko at gusto kong itarak sa kanya ang hawak na tinidor. Bwisit! Nakakainis siya! Naaalala ko pa noong isinumbong niya ako kay Papa dahil nagcutting classes ako. Hindi ako binigyan ni Papa ng allowance for a week. And take note, my mother won't give me some, too. Even Kuya Hexel. Kaya literal na impyerno ang buong linggo ko noon dahil sa kanya. Thanks to him, halos isang linggo akong nambuburaot sa mga kaibigan ko. "Do you want to cut your class that bad?" He asked. Nakaupo na siya sa kanyang swivel chair at tila may binabasang mga dokumento. Nilingon ko siya kahit na nakasimangot pa rin. At least, he should hear my explanation this time! "Pinag-iinitan ako ng professor na iyon dahil lang nahuli ako sa klase. Alam mo ba, pinahiya niya ako sa klase ng maraming beses. Ganoon din si Ezekiel. That's why I don't want to attend! I can pass the subject even without attending!" masama ang loob kong tugon. Bukod sa reason na para akong um-attend ng misa, ako palagi ang pinag-iinitan ng prof na 'yon. Hindi ko alam pero nang minsan ay nagtanong ako about corrections doon sa integration, pinagalitan niya ako sa harap at sinabing hindi ako marunong rumespeto. Simula noon, palagi na niya akong pinag-iinitan. That bald professor really knows how to keep a grudge! Narinig ko ang buntong-hininga niya. Nabuhayan ako ng loob. Naaawa na ba siya sa akin? Papayagan na ba niya akong mag-cutting? "Fine.. I'll let this slide for now. But on one condition." he said. "Let's meet up on Friday." "Anong meron sa Friday?"  tanong ko. May iuutos ba siya sa akin? May kapalit ba ang pagc-cutting classes ko? "Tuturuan kita sa Calculus." Eh? No way. Ayoko ngang makita anino niya tapos yatayain niya ako ng tutorials? Di na uy! "Bakit mo naman ako tuturuan? Hindi naman ako bobo." "Sinabi ko bang bobo ka?" singhal niya. My eyebrow twitched at his rebuttal. Kapag talaga nahubad ko ang sapatos ko at naibato ko sa pagmumukha niya. Naku, Xeus. Malapit-lapit ka na. "That's just the same! And don't volunteer to help me on that subject! Kaya kong magself-study!" "Shut up! Wala akong pakialam kung kaya mong magself-study! You are going to study with me or sasabihin ko sa Papa na nagcutting ka? Am I making myself clear?" galit niyang sagot sa akin. Iritado ko siyang tiningnan. "Fine, fine." Wala naman akong choice dahil kapag binabanggit niya ang Papa ko, hindi na ako makaangal. "Dito ka muna sa office because I have some matters to deal with. Don't try to escape, Coleen. Huwag mo akong galitin. You know me when I'm mad." He said with finality. "Oo na, bakit ba ang clingy mo? Boyfriend ba kita?" yamot kong tugon. I swear I saw him throwing dagger looks at me kaya nanahimik na lamang ako. Tumayo ako at tsaka naglibot sa office niya nang makaalis siya. In fairness, malaki ang office niya. Natural na iyon dahil maganda at mamahalin ang unibersidad na pinapasukan ko kaya maganda ang pasilidad. Nakakita ako ng Rubiks's Cube kaya nilaro ko iyon. Paminsan-minsan din akong humihiga sa sofa ng office niya para magpalipas ng oras. Gusto ko ng lumabas at makipagkulitan sa mga kaibigan ko. Why do I have to wait for that stupid horse? Naglibot muli ako at napansin ko ang mga larawan at trophy na nakahanay sa isang shelf. Nakalagay doon ang mga achievements niya. Xeus is a bright and model student. Pero dahil malapit si Xeus sa pamilya ko, marahil ako lang ang nakakaalam ng tunay na ugali niya. He's taking up Civil Engineering. Ganoon din ako. Ang pinagkaiba lang namin, graduating na siya ngayong taon samantalang third year pa lamang ako. Para na siyang kuya. Or sa mas tamang term, mas mahigpit pa siya kesa sa sarili kong Kuya. Ipinagkatiwala kasi ako sa kanya ni Kuya Hexel dahil sa ibang school pumapasok si Kuya. Hindi ko alam kung bakit paranoid si Kuya pagdating sa akin pero alam kong nag-aalala lang iyon sa akin kaya hinayaan ko na lang sa kagustuhan. Kilala si Xeus sa unibersidad. Hindi dahil sa campus hearthrob kundi dahil sa pagiging model student niya. As in prodigy ata talaga 'tong hinayupak na 'to. Sa physical attributes, well I hate to admit it pero sadyang gwapo din siya. Marami siyang napapanalunang awards. Maraming sinasalihang competitions kaya hindi na ako magtataka kung bakit sangkatutak ang medals at trophies. Kaya natural na marami ang naghahabol. But I know he's taken. Well, wala naman akong pakialam talaga sa buhay niya. Ang gusto ko lamang talaga ay tigilan na niya ang paghihigpit sa akin. Kinuha ko ang phone ko dahil nakita kong nagtext si Ezekiel. Ang tanga mo talaga, Coleen. Ang sabi ko tumakbo ka na. Bakit ka nagpahuli? Hinahanap ka na nila Jiro sa akin! I replied in a few second. E siraulo ka pala. Sabi mo, naglunch siya kasama ang jowa niya? Mag-enjoy ka na nga lang na baluga ka. Ilang segundo lang, nagreply rin si Ezekiel. Fine, nasaan ka ba? Ang boring kapag wala ka dito. Pero sabi ni Jiro, may gala daw mamaya. Sama ka? Sus, papunta sila ng bar para lang mambabae. No way. Baka magwala ang Papa ko pag nabalitaan niyang pumapasok ako sa bar. Baka instead na one month akong walang allowance ay mas malala pa ang gawin noon sa akin. One year na walang allowance. Nakakatakot. Isa iyon sa pinakamatinding bangungot. Ayokong sumama. Mambababae ka lang e, gago. Inilagay ko na ang phone ko sa bulsa. Bumukas ang pintuan noon at iniluwa noon si Xeus. May dala dala itong papeles na alam kong paper works lang. Nagtama muli ang paningin namin kaya ako na ang unang umiwas. "Tinitingin-tingin mo dyan?" iritado kong tugon nang mapansin ko ang pagtitig niya sa akin. Lumapit siya at inilapag ang papel sa may mesa. Pagkatapos noon, ay umupo siya sa sofa na nasa tapat ko. "I am just thinking.." he said. "Thinking of what? Pakealam ko sa iniisip mo?" He chuckled at what I said. Nakatitig lang siya sa akin ng diretso. "Curious ka? No need to be curious. Taming you is just a matter of time." makahulugan niyang sabi sa akin bago tumayo. "Anyways, sort this files." "Ano?! Ayoko nga!" "Do the paperworks or else.." Padabog kong kinuha ang papeles na nasa harapan niya. Talagang pinagbabantaan na naman niya ako! Lagi na lang niyang ginagamit ang Papa ko para masunod ang gusto niya! "Or else, hahalikan kita." "Anong sinabi mo?!" Singhal ko. Damn this guy! Nakakairita talaga siya! "Do the paperworks or hahalikan kita?" paghahamon niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang nagsisimula na sa ginagawa. Curse you, Xeus. Makakaganti rin ako sa'yo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD