CHAPTER ONE

3669 Words
MAKAILANG beses na humugot nang malalim na hininga si Victoria habang nakatanaw sa kalmadong karagatan. Umupo siya sa swing na nasa balkonahe ng sarili niyang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng Victoria Resort main building na pag-aari ng kanilang pamilya na nakalagak sa Nasugbu, Batangas. Pinakiramdaman niya ang init ng mug saka sinamyo ang amoy ng paborito niyang Cudberry milk chocolate na may marshmallows. Bahagya niya pa itong hinipan bago iyon hinigop. ‘Hmmm! Yum!’ nakangiting turan niya saka ninamnam ang bula na natira sa bibig niya. Mabilis niyang ikinulong ang mainit-init na mug sa mga palad niya upang kontrahin ang nanunuot na lamig na dulot ng pang-umagang hangin. The weather is nice and the sea is calm. She just hopes that everything will go smoothly according to her desire. Tumayo siya para sana pumasok na sa loob ng kuwarto niya ngunit naantala ang balak niya nang makitang papasok sa parking area ng resort ang sasakyan ng best friend niyang si Harold. She leaned over the wooden railings and waited until Harold get out from his black Mercedes-Benz CLS 50 Bluetec. Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya nang ganap nang makita ang kababata na nakaputig poloshirt, maong pants at puting sneakers. May kinuha itong ilang kahon mula sa car trunk na ibinaba nito sa semento. Pihadong mga party decoration ang laman ng mga iyon na gagamitin nila mamaya para sa continuation ng 18th birthday celebration niya kasama ang mga malalapit na kaibigan nila. She couldn’t contain her happiness while she watches him. He looked so dashing today at along lumitaw ang kagandahang lalaki nito dahil sa suot na Ray-Ban Original Aviator Classic na iniregalo niya rito noong nag-graduate sila ng high school. As she stares at him, she noticed that there is something especially different with his aura today. Kimi siyang napangiti. Marahil ay may kinalaman iyon sa gustong sabihin sa kaniya ng kababata. Gosh, na-excite tuloy siya! Malakas kasi ang pakiramdam niya na magtatapat na rin sa wakas ang binata ukol sa tunay nitong nararamdaman sa kaniya. Harold is so decent that he waited for her to turn eighteen to finally ask her to be her boyfriend! This makes her adore him more! “Geez!!!” kinikilig na bulong niya saka niya pinigilan ang sariling mapatalon at sa halip ay kinagat na lamang niya ang pang-ibabang labi. Napukaw lamang ang pangangarap niya ng gising nang pumasok sa loob ng kuwarto niya si Maritoni, ang pinsang buo niya na apat na taon ang tanda sa kaniya at rason kung bakit siya pinayagan ng magulang niya sa hiling niya na private party. Basically, si Maritoni ang bantay nila sa gaganaping party mamaya. “Tori!” tawag nito sa kaniya na saglit niyang ikinalingon. May dala itong mga regalo na pihadong galing sa mga kaibigan nito na gustong mapalapit sa kaniya pero hindi naman imbitado. “Yup?” tugon niya saka muling ibinaling ang tingin sa kababata na noo’y tumigil sa paglalakad saka ibinaba ang mga dala. May kinausap ito saglit sa telepono saka nito kinausap ang isa sa mga tauhan ng resort na tumulong sa buhat nito. “What time your friends are coming?” tanong ni Maritoni habang papalapit sa kaniya. “I dunno… but Harold’s here,” kinikilig na turan niya sabay kaway sa kaibigan na noo’y nag-angat ng tingin saka kumaway sa kanila ni Maritoni. Malakas na pumalatak si Maritoni saka kumaway rin sa binata bago dumukwang at ipinatong ang mga braso sa wooden railings ng balcony. “Does he even know how much you like him?” all of a sudden ay tanong ng nakatatandang pinsan sa kaniya. Mula pagkabata, si Maritoni lang ang bukod-tanging pinagsabihan niya ng tunay na nararamdaman niya para kay Harold. Ilang beses na rin siya nitong pinagsabihan na huwag masyadong umasa na papatulan din siya ni Harold dahil daw baka masktan lang siya… but of course, she dismissed her advice. Afterall, mas kilala niya si Harold and he is too good to her kung talagang kaibigan lang ang turing nito sa kaniya. He will not even go to her house regularly since they were in high school if he is only after her friendship. She heaved a sigh then drank her chocolate milk until the last drop. Tumango siya nang magmustra si Harold na papasok na sa loob ng building kasunod ang tauhan ng resort bago niya hinarap si Maritoni. “I’m sure he likes me too, ate. I gotta feeling that he’s going to finally confess to me tonight. He told me that he’ll tell me something tonight,” nagniningning ang mga mata niyang wika. “Don’t get your hopes up, Tori. Baka masaktan ka lang,” muling paalala ni Maritoni. She frowned then rolled her eyes. “There’s nothing to worry about, ate. Do you think he’ll come all the way from Mindoro if he doesn’t feel the same way?” buong kompiyansang turan niya saka akmang papasok sa loob ng kuwarto nang muling magsalita si Maritoni. “I’m just giving you an advice, Tori. I don’t want you to end up crying,” paalala nito. She chuckled, turned around and smiled. Maritoni has always been there for her. Always. Daig pa nila ang magkapatid kaya naiintindihan niya ang pagiging protective nito sa kaniya. Kahit pa nga sobrang sutil niya, isang saway lang nito, bumabaluktot na siya. “Ate, don’t worry. I know Harold too well. He will not hurt me. There’s no way he’ll hurt me. No way!” Umiling-iling pa siya saka tuluyang pumasok sa loob nbanyo pagkalapag niya ng mug sa center table. Hindi na lang kumibo si Maritoni. Alam kasi nito na pagdating kay Harold, nabibingi siya. Nawawala lahat ng logical reasoning niya. Inayos at isinalansan na lamang nito nang maayos ang mga dinalang regalo sa isang corner ng kuwarto niya. “I’ll go down na, ha. Sunod ka na lang sa atrium,” paalam niya rito habang nagpapahid ng lotion sa kamay. “Okay. Call Elyssa and Samantha. Ipinadala pa nila ‘to sa bahay para madala ko rito,” anito saka tumayo. “Bakit ba kasi ‘di mo sila in-invite? Kailangan ko pa talagang magdahilan para lang hindi ka magmukhang b***h sa dalawa,” reklamo nito saka humalukipkip at sumandal sa may hamba ng pintuan ng kuwarto niya nang buksan niya iyon. “Ate, please. Alam mo naman kung bakit gusto nilang mapalapit sa akin, ‘di ba? I don’t tolerate fake friends!” ismid niya saka kumaway rito. “Ciao!” paalam niya saka ora-oradang binagtas ang hallway. Mula sa second floor ay natanaw na niya kaagad ang kababata na nasa may gilid ng atrium sa ground floor kung saan naroon ang mga grillers at cooking equipment. The resort has a magnificent indoor courtyard garden in the middle of the building that is overlooking from the surrounded guestrooms located from first floor to third floor. The Victoria’s Atrium as what it is called, is actually the best asset of their resort as there’s also a mini swimming pool on the side, a renaissance fountain in the middle, several concrete tables and chairs, cooking and barbeque equipment, a small stage for small events and four palm trees in each corner that are surrounded by five lounges each. The atrium has a retractable roof system and translucent fiberglass roof that you may open for a direct sunlight or keep it close against the rain. It is surrounded and covered with a sound-proof glass wall from ground floor to ceiling in order avoid any disturbance to those occupying the guestrooms. Hindi pa man siya ganap na nakararating sa entrada ng atrium ay nakasalubong niya ang isang matandang lalaki na halos kasing-edad ng daddy niya habang bitbit ang dalawang kahon na nababalutan ng gift wrap. He was wearing a uniform kaya’t alam niyang isa iyon sa mga empleyado nila. Tumigil ito sa harap niya saka siya binati. “Good morning po! Ma’am, akin na po bang ididiretso ang mga ire sa kuwarto n’yo?” may puntong-Batangueñong salubong na tanong nito sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay saka sarkastikong sinagot. “Natural! Alangan namang ako pa ang magbitbit niyan?” inirapan niya ito saka magdidiretso sana ng lakad papasok nang may magsalita mula sa likuran niya na galing yata sa lobby. “Puwede mo namang sagutin nang maayos si manong. Hindi mo kailangang magmaldita lalo sa nakatatanda sa iyo. Mga kabataan talaga ngayon,” anang baritonong boses. Awtomatiko siyang humarap at handa na sanang sugurin kung sino man ang taong naglakas-loob na pagsabihan siya ngunit tila umurong ang dila niya nang ganap nang mapagmasdan ang lalaking noo’y kinuha ang mga bitbit ng matanda. “Ako na hong magdadala nito.” Nag-iba ang tono nito sa kausap na matanda. The man is tall… taller than Harold or maybe as tall as her classmate Nat who is almost six-footer. “Ala, eh, salamat, hijo! Nakakahiya naman,” bagama’t alangan ay nakangiting anas ng matanda saka nagpatiuna na sa paglalakad. Saglit lang siyang sinulyapan ng lalaki saka umiling-iling bago sumunod sa matanda. Sapagkat naunahan siya ng pagkagulat dahil sa unang pagkakataon ay may sumita sa kaniya na hindi niya kakilala kaya naman hindi siya kaagad nakamaang. Lalo tuloy umusbong ang inis niya para sa estranghero. “How dare him talk to me like that?” iritableng bulong niya habang sinusundang ng matalas ng tingin ang lalaki. Bumuntong-hininga siya para at handa na sana niyang sugurin ang higanteng lalaki ngunit naantala lang nang tawagin siya ni Harold. “Tori!” muling tawag sa kaniya ng kababata sabay kaway nang lingunin niya. Sa isang iglap ay parang yelong natunaw ang kanina’y pagpuputos ng dibdib niya at napalitan ng kiliti sa puso niya. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi niya. Si Harold lang talaga ang nakapagbabago ng mood niya sa tuwing bad trip siya. Alam naman niya na may nararamdaman din ito sa kaniya. Kaya nga lalo siyang na-excite nang sabihin nitong may ipagtatapat ito sa kaniya nang magkausap sila three days ago. At wala siyang balak magpakakiyeme at magpakipot. She’ll say yes. Definitely, without a doubt! Sinalubong siya nito ng yakap saka ito humalik sa pisngi niya. Mahigit isang lingo rin kasi itong namalagi sa Mindoro dahil dinalaw raw nito ang abuelo at ang bagong dating na kapatid nito mula sa abroad. He always talks about his family pero sa totoo lang, she know nothing about them maliban sa ilang pangalan ng mga ito dahil hindi naman siya maka-focus sa ikinukuwento ni Harold sa tuwing binabanggit nito ang pamilya. Yes, nabablangko siya kapag kaharap at kausap niya si Harold. Ganoon niya ito kagusto. “So, are you ready for tonight?” tanong nito habang nakaangkla ang kamay niya sa braso nito at magkapanabay na naglalakad sa hallway patungo sa atrium. “Well, yeah. My debut was so boring without the troupe! You were there, you knew what happened. It was like a party for my parent’s business partners. That’s all!” pag-alala niya sa party na binigay ng magulang niya. Ang mga kaibigan nila na karamihan ay mga high school friends nila na mula sa mga de alta sociedad na pamilya rin naman ay hindi naka-attend dahil nagkataong finals nila kinabukasan. Bukod-tanging si Harold at tatlo pa nilang kaibigan ang nakarating sa party na iyon kaya naman hindi talaga siya nag-enjoy lalo at umalis din ang mga ito kaagad. “Well, I enjoyed it though,” kontra naman nito saka kumalas sa pagkakaangkla niya para tulungan ang isang matandang tauhan ng resort na noon ay pumasok sa atrium bitbit ang isang kahon na may mga decorations. “Salamat po, manang,” wika ng binata sa matanda. Ngumiti lang ito saka ibinigay kay Harold ang car key bago nagpaalama sa kanila. Iginiit pa ni Harold ang ibinigay na tip sa matanda kahit pa nga nagpakatanggi-tanggi ito. Iyon pa ang isa sa mga nagustuhan niya kay Harold. He has a good heart. And that is something she doesn’t have. Aminado naman siya roon. What more to expect from her gayong lumaki siyang spoiled brat? Iyong tipong hindi titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. And basically, she could get everything, almost everything, she wanted kesehodang may masaktang ibang tao, basta siya ay masaya. Opposites attract. Perhaps that’s true. Harold is an angel and she is a devil. And the irony of that reality is that, Harold could actually control her from messing her life. Without Harold, with the circle of friends she’s surrounded with, malamang matagal na siyang nasadlak sa kapamahamakan. And somehow, Harold kept her from losing herself and give in from the craziness of her friends. Among the troupe, she is the only one who doesn’t drink, smoke and do drugs. And somehow, that is something she is proud of. Umupo siya sa konkretong upuan saka pinanood ang pagbuhat ni Harold sa isang kahon mula sa may lutuan papunta sa kinaroroonan niya. “Let the staff do it, Harold. They’ll be here to decorate the atrium,” saway niya rito saka ito hinila paupo sa tabi niya. “Yeah, they were here earlier pagdating ko,” anito saka inginuso ang mga decorations na nasa may gitna ng atrium sa paligid ng fountain. “So, where are they now?” taas-kilay niyang tanong saka iginala ang paningin sa paligid. “I told them to do something else. I just wanted to talk to you in private. Alam ko na baka ‘di na tayo makapag-usap mamaya, eh,” anito na nakapagpakabog sa dibdib niya. She tried her best not to show her excitement but her face couldn’t hide it, especially her eyes that were obviously twinkling like stars at night! Tumikhim ito saka umayos ng upo sa tabi niya. Hinawak nito ang kamay niya saka bgumiti nang matamis sa kaniya. ‘Gosh! Please, Lord, don’t make me pee my shorts! It’ll be embarrassing!’ sigaw ng isip niya habang mahigpit na gagap ng binata ang kamay niya. Again, she couldn’t control her happiness that she couldn’t stop her lips from grinning. “I told you that I need to tell you something, right?” umpisa nito na ikinatalo ng puso niya. ‘This is it! This is really it!’ naghuhumiyaw na sambit ng utak niya habang tumatango. He heaved a deep sigh then squeezed her hand once more. “What is it?” naiinip na niyang tanong. “I think…” he paused then looked at her then exhaled and continued, “I think, I’m in love.” She swallowed a big lump then held her breath. ‘He’s finally confessing!’ her mind shouted. “R-Really? Since when?” kunwari ay usisa niya pero deep inside, gusto nang kumawala ng puso niya sa sobrang kilig! “I guess, four… five years ago?” paglalahad nito. This time, there’s a bit of hesitation in his tone. “Really? So… do I know her?” kunwari ay clueless na tanong niya rito. He bit his lower lip while grinning. Sunod-sunod na pagtango ang ginawa nito saka nagpakawala ng hininga. Hindi niya alam kung ano ang iba pang sasabihin kaya hinintay na lamang niya ang binata na magtapat. Baka kasi masira pa ang momentum nito kapag in-interrupt niya nang in-interrupt. But he kept silent and just staring at her for the past two minutes. “Okay, fine!” She leaned over then kissed him on the lips that made him gasped because of disbelief. Panandalian itong natigilan ngunit mabilis ding siya nitong itinulak palayo saka siya tiningnan sa nagtatakang paraan. “Are you crazy, Victoria?” kunot-noong tanong nito saka tila nandidiring pinahid ang labi at iginala ang mata sa paigid. Confused, she also looked around then looked at him again. “It took you forever to speak up that’s why—” dahilan niya na agad nitong pinutol. “What are you talking about?” His voice is deeper this time. He heaved a sigh then looked up before looking at her while holding her arms in a very caring way. “Look, Tori… you’re my best friend. I love you and I know that you know that.” “Is there a ‘but’?” nakakunot-noong tanong na rin niya habang nakatitig sa binata. He heaved another sigh then nodded. “I’ve been dating this girl for almost a year now,” pag-amin nito. His eyes automatically glimmered but automatically changed when she started shedding tears. “Oh, Tori! I… I didn’t know that—” Iwinaksi niya ang pagkakahawak nito saka ito pinahid ang luhang kusang naglandas sa pisngi niya. “You’re not dumb, Harold. Alam mong mahal kita ever since we’re in high school…” Hindi niya napigilang mapaigik. She felt so miserable. She’s hurt… badly hurt. Her heart and her pride were wounded. “Who’s the girl?” matalim na tingin ang ipinukol niya rito. “I love her, Tori. I really do,” sa haip na sagutin ang tanong niya ay wika nito. She grabbed his phone when it rang and answered it without any hesitation when she saw the name written in the screen. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. “The hell, Harold! Are you out of your mind!” sigaw niya sa kaibigan bago sinagot ang nasa kabilang linya. “Do you honestly think that Harold will take you seriously? Wait until I get home and I will definitely make your life a living hell!” maanghang na sagot niya bago pa man makuha sa kaniya ni Harold ang telepono nito. “I’ll call you later, baby. I’ll just talk to her, okay? Don’t worry,” kalmadong wika ni Harold sa nobya saka siya hinarap. “Mahal ko si Jane, Tori. Please understand that,” nakikiusap na samo nito. She chuckled. She can’t believe what he’s hearing right now! “One year? One year kang pumupunta sa bahay at ako naman itong si tanga, ang buong akala hindi ka lang makatagal na hindi ako makita! You made me look like a damn fool, alam mo ba ‘yon! And what do you expect me to feel now, ha, Harold? Ipinagpalit moa ko sa isang anak ng katulong! My God! If it is someone rich, I might have accepted it, but Jane?” sigaw niya rito saka ito itinulak. “I’m sorry. I didn’t know that you like me that much—” paumanhin nito saka tumayo nang tumayo siya. Marahas siyang humarap dito saka ito nang-uuyam na tinitigan. “Don’t play dumb, Harold.” Huminga ito nang malalim saka siya hinawakan sa kamay bago muling nagsalita. “What do you want me to do? Ayokong masira ang araw na ito dahil lang sa pag-aaway natin. Alam mo namang ayoko na nagkakaganyan ka.” “Yes. That’s why I fell for you. Dahil sobrang bait mo! Dahil sa lahat ng tao, pinagtatanggol mo ako. Dahil kahit may gawin akong masama, pinagsasabihan mo ako at pilit na itinatama… pero never mo akong sinisi. Kaya kita minahal dahil palagi mong ipinaparamdam sa akin na mahal mo ako. That I am special to you!” Hindi na niya pinigilan pa ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya. She doesn’t care anymore. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya sa kababata. She felt so betrayed and fooled. Of all people, ni sa hinagap, hindi niya lubos maisip na sasaktan siya nang ganoon ni Harold. Not her precious heart. “Tori—” He tried to embrace her to calm her down but she stepped back. “Stop it, Harold! Just… just shut up and leave!” galit na turan niya. “No, I’ll stay. Kung ayaw mo akong makita, I’ll stay in my room. We’ll talk tomorrow when you’re okay,” malumanay na tugon nito. “Damn you for breaking my heart! I’ll make you mine, Harold. Remember that,” banta niya saka patakbong lumabas ng atrium. Muntikan pa siyang mabangga sa makakasalubong niya, Mabuti na lamang at mabilis itong tumayo sa gilid at inihatid na lamang siya ng tanaw. Imbis na sa kuwarto niya ay sa may beach siya nagdiretso. Hindi niya kayang harapin si Maritoni sa ganoong hitsura niya. Baka sa babae niya pa maibunton ang galit at suklam niya kina Harold at Jane dahil pinagmukha siyang tanga ng mga ito! “I’ll make them pay, big time!” banta niya habang nanlilisik ang mga matang nakatitig alon ng dagat. She screamed with all her might. Isa. Dalawa. Tatlo… until she can’t hear herself anymore. “This will calm you down,” mula sa likuran ay anas ng pamilyar na boses. “Mind your own business!” matigas na turan niya saka niyakap ang sarili at nanatiling nakatayo sa buhanginan habang ang mga alon ay patuloy ang pa rin ang paghalik sa mga paa niya. “How could I kung ang imbis na ma-relax ako, eh, sigaw ka nang sigaw riyan?” sarkastikong wika nito na ikinalingon niya rito. “Just as I thought! It’s you again, Kingkong!” Umirap siya rito saka siya nag-exhale. “Assh*le!” mura niya rito saka siya nagmartsa pabalik sa building ng resort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD