Simula

225 Words
Mariin akong nakapikit at pilit na hinihila ang sarili sa antok, ngunit hindi iyon tumatalab. Ganito na lamang ako simula nang tumungtong ako sa labing walong taong gulang, dalawang araw ng nakakaraan. Gabi-gabi akong hindi makatulog. Ang diwa ko ay buhay na buhay. Hindi ko alam kung nag-aala-paniki ako o nocturial chuchu na 'yan. Para akong nakalaklak ng sangkaterbang kape. Humigpit ang aking pagkakahawak sa kumot na nakatalukbong sa akin. Madilim ang buong paligid. Lahat ng tao sa bahay ay tulog na maliban sa akin. Siguro tanda na rin nito ang pagdadalaga ko... Ngunit sino ba naman ang aking niloko? Hindi lang iyon ang nagyayari sa akin gabi-gabi... Dahil sa tuwing papatak ang hating gabi... ay may paulit-ulit na umaangkin sa akin... Dalawang araw simula nang maganap iyon maging ang aking kaarawan. Wala akong alam sa nangyayari... Pinilit kong magpumiglas ngunit ang sarap ay nanunuot sa aking kalamnan. Dilat ang aking mata ngunit wala akong makita... Ramdam ko siya, niroromansa niya ako, ngunit siya ay hindi ko maramdaman. Wala akong kakayahang hawakan siya! Hindi ko rin siya maaaring makita. Pinaramdam niya sa akin ang sarap. Bawat halik at haplos ay ginigising ang bawat himaymay ng aking katawan. Tila sinisilaban niya ang sistema ko... wala na akong nagawa kung hindi ang isuko ang aking sarili. Bigla akong nawawalan ng lakas... Parang lang akong nananaginip ng gising...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD