CHAPTER 01

1342 Words
"GOOD morning ma, pa and ofcourse bunso!" bati ni Shallimar, bago umupo sa bakanteng upuan dito sa tapat ng hapag kainan, ngumiti lang ang mama at papa n'ya bilang sagot. "Musta ang trabaho mo? hindi ka ba nahihirapan?" panimula ng kaniyang ama. "Mabuti naman po papa!" tipid n'yang sagot bago nag simulang kumain. "Nga pala anak, bukas pala pupunta dito ang kaibigan ng lola mo, kasama ang lalaking pakakasalan mo, para pag usapan 'yong tungkol sa kasal n'yo" paalala nito. "Pa! di'ba puwedeng i cancel niyo na 'yang arrange married na 'yan? pa! ma! ayaw kong maikasal sa lalaking hindi ko mahal, at lalong hindi ko pa s'ya nakikilala" malungkot niyang paliwanag. "I'm sorry anak! pero wala na tayong magagawa pa para umatras" malungkot na sabi ng kaniyang ina. "Ang lola mo na ang may gusto nito, kaya sana pag bigyan mo na, 'yon kasi ang huling habilin n'ya, ang ipakasal kayo ng nag iisang apo ng kaibigan n'ya" dugtong n'ya pa. "Pero ma ayaw ko, pag pinilit n'yo ako, mas mabuti pang mag papakamatay nalang ako" maluha luha n'yang paliwanag. "Sige subukan mo! walang mag lilibing sayo, hindi rin kami sisipot sa lamay mo!" madiin na sabi ng kaniyang ama. "Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong mag pakasal! that is final shallimar!" dugtong pa nito. "No pa! hinding hindi ako mag papakasal sa lalaking hindi ko pa nakilala, no! ayaw kong mag pakasal!" iyak n'yang sabi PAGKATAPOS n'yang mag breakfast, agad na s'yang nag paalam, dahil may pasok pa s'ya sa hospital. "Ano? ikakasal ka na?" napatakip na lang s'ya ng teynga sa sigaw na tanong ng kaniyang kaibigan. "Puwede ba? pakihinaan naman, nakaka bingi na kasi eh" inis niyang sabi. Nandito sila ngayon sa cafeteria, dito rin sa loob ng Willson United Hospital, kung saan sila nag tatrabaho bilang nurse. "Anong gagawin ko Pammy? ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal" malungkot niyang sabi. "Hindi na ba puwedeng umatras? kawawa ka naman pala!" hindi n'ya alam kung concern ba ito o ina-asar lang siya. "Teka! sino ba iyong pakakasalan mo? guwapo ba? mayaman ba?" sunod sunod na tanong nito. "Umayos ka nga! at 'tsaka hindi ko pa s'ya na me-meet, basta sabi nila mama, nag iisang apo ng kaibigan ni lola daw" paliwanag n'ya. "Gano'n ba? ang hirap naman ng sitwasyon mo, kung ako sayo pumayag ka na lang, malay mo mapapamahal ka rin sa kaniya" paliwanag nito. "No way! baka nga pangit iyon, bungi o may kapansanan!" walang ganang sabi n'ya. "Hindi naman siguro papayag ang parents mo, na maikasal ka sa pabigat di'ba?" natatawa nitong tanong. "Natawa ka pa! at saka may gusto na ako" sabay kindat n'ya. "Sino? si Doctor Yuhan ba? hay nako Shalli! wag kanang umasa, may girlfriend na nga 'yon eh!" paliwanag nito, wala sa sariling napa simangot na lang si Shallimar. "Ano ba kasi ang dapat kung gawin? please! tulungan mo naman ako!" pakiusap n'ya. "Shalli! parents mo na 'yon, anong magagawa ko, isa lang naman akong hamak na bestfriend mo!" malungkot nitong paliwanag. "Nga pala, mag o-over time ka ba ngayon?" pang iiba nito. "Hmm! may ooperahan kasi ngayon gabi si Dr. Yuhan, kaya hindi ako puwedeng umuwi" paliwanag n'ya. "Gano'n ba! alam mo na ba 'yong tungkol kay Dr. Yuhan?" seryoso nitong tanong "hindi! bakit?" curious na tanong ni Shalli. "Si Dr. Yuhan pala ay!" bigla silang natigilan, nang biglang dumaan si Dr. Yuhan, mukhang kakarating lang nito ngayon, agad naman silang tumayo para bumati. Ngunit nilampasan lang sila nito, "ang sungit!" inis na sabi ni Shalli, bigla naman 'tong lumingon, kaya wala sa sarili s'yang nag peace sign. Nag patuloy nalang sila sa pag uusap ni Pammy, lunch time kasi nila ngayon. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo tungol kay Dr. Yuhan?" curious niyang tanong. "Ah! wala 'yon kalimutan mo na" sabi nito, pagkatapos nilang mag lunch, isa isa na nilang pinuntahan ang mga patient para kumuha ng vital sign. Kumatok muna siya, bago pumasok sa room 303, ngunit muntik na s'yang mapatalon sa gulat dahil nandito rin pala si Dr. Yuhan. "G-Good afternon doc! good afternoon ma'am!" ngiting bati n'ya, bago tuluyan pumasok. "Ahm! ma'am mag vi-vital sign lang po ako saglit ah" paalam n'ya, tumango naman ang pasyente. "Nurse! Nurse Jiao! ano nga palang blood type ni Missis. Sidik?" biglang tanong ni Dr. Yuhan sa kaniya. "Doc hawak n'yo po 'yong history niya, bakit niyo sa akin tinatanong?" pekeng tawa niya. "Wala kasing nakalagay dito" walang gana nitong sabi, habang binubuklat buklat ang history ni Missis. Sidik, lumapit naman si Shalli bago kinuha ang history at agad binuklat buklat. "Nandito lang pala doc!" sabay wagay way n'ya sa maliit na papel, pero biglang nahulog 'yon, kaya agad niyang pinulot. "Aray ko po! Doc naman eh!" wala sa sarili s'yang napa himas sa noo, dahil no'ng yumuko si Dr. Yuhan, ay s'ya naman ang pagtayo ni Shalli, kaya na untog s'ya sa baba nito. Hindi nalang s'ya nitong pinansin, agad na niyang sinabi ang mga dapat gawin ng patient, pagkatapos agad na itong lumabas ng silid na 'yon. "Ang guwapo talaga ni Dr. Yuhan!" kilig na sabi ni Missis. Sidik. "Guwapo nga! pero napa ka sungit naman" inis na sagot ni Shalli. "Parang hindi naman s'ya gano'n ah!" sabi nito habang nag babalat ng orange. "Saan po si sir ma'am? mukhang wala po kayong bantay ngayon na" pang iiba n'ya sa usapan baka kung saan pa patungo 'yon. "May binili lang sa baba" tipid nitong sagot, agad nalang s'yang nag vital sign bago nilisan ang silid na 'yo, at agad ng nag tungo ng nurse station. "Paano ba 'yan? mauna na ako sayo, alam mo naman hindi ako puwedeng mag overtime dahil may anak ako" paliwanag ni Pammy, habang nag liligpit na ng gamit nito. "Sige! kiss mo lang ako sa baby tera ko" sagot ni Shalli. "Sige! bye good luck na lang sayo, just focus! hindi sa kay Dr. Yuhan!" natatawa nitong biro, bago tuluyan ng umalis. Mag kaiba kasi sila ng time ni Pammy, dahil nga may baby pa itong kailangan alagaan. NAGPAHINGA lang siyang saglit, bago nag prepare para sa operasyo mamaya, kinakabahan s'ya, dahil first time niyang makakasama si Dr. Yuhan sa operating room. "Tapos ka na ba? halikana!" yaya ni Tina, agad naman silang pumunta sa operating room, habang bitbit ang surgical equipment. Pagkapasok nila sa operating room, saktong dumating na rin si Dr. Yuhan. Habang nag oopera ito, hindi niya mapigilan mapapatitig kay Dr. Yuhan, parang bang madali lang 'to sa kaniyang ginagawa. Ngunit bigla s'yang napalunok, na'ng biglang tumingin ito, "cut!" tipid nitong sabi na ikina gulat niya, sa sobrang taranta ni Shalli, mabilis nalang niyang ginupit ang dulo ng tahi, subalit agad s'yang napa bitaw, dahil biglang dumugo ang kamay nito, 'yon pala nagupit pala n'ya ang kamay nito. "Naku po Doc! sorry po talaga!" sabay hawak n'ya sa kamay nito, pero bigla nitong binawi. PAGKATAPOS ng operasyon na 'yon, na'n dito siya ngayon sa tapat ng office ni Dr. Yuhan, para humingi ng tawad. Agad naman s'yang napa tayo ng matuwid, nang bigla itong lumabas ng office n'ya. "Doc! pasensya na po talaga! hindi ko po kasi masyado nakita 'yong tahi!" parang maiiyak na s'ya ngayon dahil sa katangahan nagawa. "Nurse Jiao! next time, dapat hindi na maulit to, paano kung nag kamali ka na naman ng ginupit? alalahanin mong hindi lang trabaho mo ang nakataya dito, kundi buhay ng pasyente" madiin nitong paliwanag, napa iyak nalang si Shalli. "Nurse Jiao! are you crying?" alalang tanong nito, "ikaw kasi Doc!" iyak n'yang sagot. "Why?" tipid nitong tanong, "kasi po bakit niyo ako tinitigan ng gano'n, na co-conscious tuloy ako sa inyo!" parang bata n'yang sabi. "So dapat pala hindi kita tinitigan?" natatawa nitong tanong, mabilis naman s'yang tumango. "Sorry po talaga Doc! patawarin n'yo po ako!" paghihingi n'ya ng tawad. "It's okay! make sure na hindi na 'to mauulit, sige na! umuwi ka na" sabay lagpas nito, napa buntung hinga lang si Shalli habang pinag mamasdan ang kamay nitong may band aid. wenawendyiiew All right reserved 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD