Prologue

452 Words
Nagkita kami ni Cris dito sa restaurant para mag- usap. Tumayo na ako ng alam kong wala na din naman patutunguhan pa ang pag uusap naming dalawa. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap sa sobrang bilis ay hindi na ako naka-iwas sa kanya pumiglas ako pero hindi ako makaalis.    At dahil salamin ang paligid ng restaurant ay kitang- kita mo ang mga tanawin sa labas at doon ako napatigil sa pag piglas ng magawi ang mata ko sa isang tao na nakatayo sa labas at nakatingin lamang sa amin. Kumalas ako kay Cris at saka ko siya tiningnan ng seryoso.   “I’m sorry Cris, pero hindi ko na maibabalik ang dating pagmamahal ko sa’yo, goodbye” At saka ako tumakbo palabas para maabutan ko si Delfin.   “Delfin” Hinihingal kong tawag sa kanya huminto naman ito saka humarap sa akin.   “Kaya ba umalis ka sa Baryo Masilang para sa kanya?” Tanong ni Delfin sa akin.   “I’m sorry, Delfin” Hinging patawad ko sa kanya.   “Minahal mo ba akong talaga o ginawa mo lang ba akong panakip butas? Iniwanan mo ako sa Baryo para sa lalaking iyon?” Ramdam ko ang sakit sa bawat salita niya.   “Hindi ganun iyon, Delfin minahal kita ng totoo pero hindi natin pwedeng ituloy itong relasyon natin na ito.” Malungkot kong sabi sa kanya.  May kinuha ako sa aking bag at saka ko iyon inabot sa kanya.   “Goodbye, Delfin” Sabi ko at saka ako tumalikod.   “Tang ina naman ang layo ng pinanggalingan ko para makita ka, kinulit ko si Tiya Delia para lang maibigay ang address mo tapos ano? Kapirasong papel lamang ang ibibigay mo sa akin?” Gusto kong manlabot sa mga sinasabi ni Delfin sa akin kahit mahirap ay tinatatagan ko at baka bigla na lamang ako bumigay ngayon sa kanya.   Naglandas ang mga luha ko sa aking pisnge ng marinig ko iyon. Hindi  na ako humarap pa sa kanya at saka ako tuluyuang naglakad palayo.   ***   “I love you Delfin.” sambit ko sa kanya.   “Mahal ko, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, hahamakin ko ang lahat para lang makasama ka habang buhay” Nakakalunod ang mga salita ni Delfin na ume- echo pa rin sa aking tainga.   “Hindi ko hahayaan na saktan o masaktan ka, Kahit kalian”. Napangiti ako ng mapait.   Ang mga salitang iyan ang unang pumasok sa akin habang pinagmamasdan mula dito sa malayo ang dalawang taong magkayakap.   Kita ko ang saya sa iyong mukha habang kasama mo siya na kahit kailan ay hindi ko nakita noong tayo ay magkasama. Naglandas ang luha ko sa aking pisnge.   Hindi mo ako sasaktan? Pero nangyayari na Delfin kahit hindi mo iyon gustong mangyari. Ang mga pangako mo ay lilipas din.   Napangiti ako ng  mapait sa isip na hindi nga siguro kami para sa isa’t- isa.   Mahal kita, Delfin kahit ang kapalit nito ay ang paglayo ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD