PROLOGUE

409 Words
NESSIE POV Nagising ako sa parang malamig na bagay na dumampi sa katawan ko. Mabilis na lumipad ang paningin ko sa bintana ng kuwarto. Kumunot ang noo ko nang makitang nakabukas iyon. Ang pagkakatanda ko, isinara ko iyon bago matulog. At saka, nililipad-lipad pa ang kurtina na para bang may kadadaan lang na kung ano o sino. Eh, sa naririnig ko sa labas, 'di naman gan'on kalakasan ang hangin. Iiling-iling na tumayo ako para sana isara uli ang pinto. Ala una pa lang ng madaling araw ang nakalagay sa digital clock na katapat ko. Pero gan'on na lang ang pagkagulat ko nang malamang nakahubo't hubad ako. Sa pagkakatanda ko rin, nakapantulog ako kagabi. At saka, never pa akong natulog ng walang damit. Naiilang ako kahit ba mag-isa lang ako sa bahay. Hindi ko napigilan ang manghilakbot nang makita ko sa sahig ang nakakalat kong mga pantulog, na tandang-tanda kong suot-suot ko kagabi. Base sa ayos niyon, mukhang hinubad iyon sa akin at basta na lang inihagis sa sahig. Nanginginig ang mga kalamnan na inusisa ko ang sarili. Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko. O senyales na nagahasa ako. Maliban sa isang estrangherong pakiramdam sa loob ng tiyan ko na para bang may ipinasok na kung ano. Basta. Parang mayroong nangyayari sa loob ng tiyan ko na hindi ako komportable. Hindi naman ako natatae or what. And besides, hindi ako mayaman para pagnakawan. Hindi hamak na mayayaman ang mga kapitbahay ko. Wala rin akong nakitang patunay na pinasok ako ng magnanakaw. Dahil nasa ibabaw pa rin ng lamesa ang wallet ko. Napatingin ako sa librong sinulatan ko kagabi. Walang bagong mensahe roon mula sa mga anghel. Kapag kasi hindi nila ako "nakontak", isinusulat na lang nila sa librong iyon ang bagong mensahe ng Diyos para sa akin. At saka kung isang espiritu man ng anghel ang dumalaw sa akin kanina, dapat ginising man lang niya ako dahil sgiuradong may importante silang balita na gustong iparating sa akin. Iyon lang naman kasi ang dahilan kung bakit personal nila akong dinadalaw. At iyon ay parte ng "trabaho" ko bilang isa sa pinakamatapat na alagad ng Diyos dito sa lupa. Dali-dali akong nagsuot ng robe at sumilip sa bintana para alamin kung may tao ba sa paligid. Kaso, wala akong nakitang maski anino ng kung sino. Pero nasisiguro akong kung sino man ang pangahas na 'yon, siya ang nagbukas ng bintana at... Nanamantala sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD