CHAPTER 1

524 Words
CHAPTER 1 ELSIE OWEN MONTECILLO "I'M WHAT?!" Napatayo ako bigla sa magarang upuan namin. Pinagmasdan ko ang aking ina na nakadikwatro at relax na relax. Ang tatay ko naman ay nagmamasid lang at nakangiti lamang. "You're getting married." Mama said with authority. "I am? Bakit hindi ko alam?!" turo ko pa sa sarili ko. "Kaya nga sinabi ko na sayo. " She said before she rolled her eyes. "Opphie, mahal.” Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama at pinisil iyon. “Pagpahingahin mo muna natin si Elsie." "Ace, mahal. Ako nang bahala dito. Panira ka eh!" Nakatitig lang ako sa aking mga magulang habang nagpapatayan ang mga ito. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ito. Parang kanina lang kasi ay sumasayaw ako sa bar kasama ang mga kabarkada ko nang damputin ako ng bodyguards nila Mama. "Ma! I'm twenty-five years old! Damn! Legal age na yun! Ako na ang bahala sa buhay ko." I snapped. "Elsie! You're already twenty-five. Five years nalang at mawawala na ang edad mo sa kalendaryo! Hindi pa na kami bumabata ng ama mo! Hindi ka na namin maaalagaan o mababantayan. This is for your own good." Sermon ni Mama sakin. Pabagsak akong umupo sa sofa. "Kaya ko naman ang sarili ko." "Hindi kami mapapanatag hangga't hindi ka nakikitang nasa maayos, Elsie Owen. I mean, puro ka bar at gala." Tumayo ito at umupo sa tabi ko. Hinaplos nito ang aking buhok at inipit iyon sa tenga ko. "Ma naman! Alam kong nag-aalala kayo. Kasal lang ba talaga ang solusyon!? That's invading my personal life, Ma! At alam nyong ayaw ko ng ganun!" "This is the only way we know." Sumeryoso ang mukha nito saka tumayo. "Listen, Elsie. Aalisin naming ang pangalan mo sa aming last will testament. You will live with limited income. Ngunit kapag nagpakasal ka sa anak ni Caddey Zheng, nothing will change." “That’s blackmail!” I hissed. "Our decision is final." seryoso ang mukha nito. "But, 'Ma! My personal Life is nothing to do with my inheritance." paanong nasama ang mana ko dito? Nananahimik lang sya sa bangko ng pamilya namin! Bakit kailang nilang i-hostage ang mana ko! "Dont worry, baby. The guy you’re going to marry is a very fine man." Alo sa akin ni Papa. Fine man? Nag-e-exist pa ba iyon? Puro manyak na ang mga lalaki dito sa mundo! No offense ha! Makita kalang na naka-short na babae.. nakasunod na lahat ang mga mata. I was their only daughter. Gusto kong magtampo sa kanilang dalawa. Hindi ko sila masisise kung gusto nila akong mapunta sa maayos na kalagayan. I sighed. "I want to meet him." Biglang napahinto sa paglakad palabas si mama. "Gusto ko syang makilala." ulit ko. Nakita ko ang unti-unti pagngiti ni Mama. May dinukot ito sa bulsa at inabot sakin ang isang maliit na papel. "That's the address." Pagkakuha ko sa papel ay kinuha ko na agad ang bag ko. "Elsie." napatigil ako sa pag-martsa palabas nang magsalita ang Papa ko. "Be gentle on him." "We'll see, Papa." pagkatapos kong sabihin yun ay nag-martsa na ako palabas. Makikita natin ang galing mo, A-B-C-D ZHENG.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD