PROLOGUE

232 Words
        “Arbor ko na ‘yan!" sigaw ni Greg sa isang ka-brod niya sa fraternity na kung saan isa siya sa elders na dumalo.                   Branding… the final ritual ng isang fraternity upang ganap na masabi na isa ka na sa mga miyembro nito. Ito ay isang palatandaan sa isang bahagi ng katawan na kahit saang lugar ka man ng mundo mapunta ay masasabing you belong to one family, brotherhood, ika nga.            Hinang-hina na si Diane. Isa siya sa mga sumali sa fraternity ng kanilang school. Pananakit ng binti at mga paa ang kanyang nararamdaman. Puno ng latay ng pamalo o paddle. Nagkukulay ube na ang likod ng kanyang mga binti. Takot at nerbiyos ang kanyang nararamdaman. Malakas na sigawan at kantiyawan ang kanyang naririnig mula sa mga regulars at elder members ng fraternity. Iyakan naman sa kampo ng kapwa nya bagong recruit.           Nahihilo na si Diane habang pinapaso ng sigarilyo ang kanyang kanang kamay. Madilim ang lugar na pinagdalhan sa kanila. Mahigpit ang pagkakahawak ni Greg sa kamay ni Diane habang pinapaso n’ya ito. Inubos ni Greg ang isang stick ng sigarilyo sa kamay ni Diane upang maganda ang kalalabasan nito.          "You will be mine forever," usal ni Greg, sabay diin sa pangalawa pang sigarilyo na ipinaso sa kanyang kamay ngunit hindi na narinig ni Diane dahil mistula na syang nawalan ng ulirat. "Aaaaahhhhhhhhhh!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Diane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD