Prologue

1488 Words
I SLOWLY OPENED my eyes and an unfamiliar sight welcomed me. Saglit kong iginala ang mga mata sa paligid. Trees are calmly swaying sa kumpas ng hangin. Hindi rin naka ligtas sa mata ko ang mga bahay kubo na nadadaanan kaya't binuksan ko ang bintana ng van. "Oh guys! Malapit na tayo sa arko," Kia announced. "Alam namin Kia, okay? Dito kaya kami lumaki," nag iinat na sabi ni Ate Yuli. "Gisingin nyo na 'yan si Miko. Malapit na tayo," sabi ni Kuya Jule na nag d- drive ng van na sinasakyan namin. Para bang nag ro- road trip lang kami but for me, this is the biggest plot twist of my life for 19 years. I was born and raised in the Metro. Tall buildings, smoky and loud streets, busy people walking at the pedestrian are the things that I grew up with, hindi ang mga puno, sakahan, at bukirin. Welcome to Ilaya Norte The arko confirmed the reality that I've been denying. Heto na nga, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Narito na ako sa bayan na kinalakihan ni Mama at ng mga kamag- anak ko on her side. The ride took 2 hours from the plane and 3 hours by land and kada lumalapit kami sa destinasyon, unti-unti na ring bumubungad ang reality sa akin. Lubak- lubak ang kalsada kaya hindi smooth ang daan. May iilang bahay kaming nadadaanan pero magkakahiwalay. "Guys, ready na kayo andito na tayo." I looked at Ate Yuli who momentarily broke the silence on the van. Maya- maya pa ay tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng bahay nila Lola na ngayon ay tinitirahan ng parents ko. May shed at maliit na garden sa harap. I saw Mama at the front waiting and she walks towards the van at sinalubong kami. Agad namang bumaba ang mga pinsan ko. For a moment, I suddenly didn't want to go out of the van. "Haya, tara na!" I got out of the van at agad naman akong dinaluhan ni Mama. She welcomed me with her warm smile and lovingly look to which I returned with a small hug. "Kumusta ang byahe nyo, 'nak?" I smiled at her. "Ayos lang po, Ma. Medyo nakakapagod lang." "Pumayat ka ah! Hindi ka ba nagkaka- kain roon?" tanong nya habang pinipisil pisil ang mga braso at baywang ko. "Kumakain po ako, Ma, medyo na stress lang po talaga last semester ." "Kaya nga mabuti rito na makalanghap ka ng sariwang hangin para naman ma- relax ka. Halika, pumasok na tayo sa loob," she said at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Me and my parents have lived in the city but not until they decided na umuwi at dumito na lang for good at dito magtrabaho. Naumpisahan ko na ang unang taon ko sa college nung panahong tuluyan na silang lumipat dito kaya I had to move in a dorm for that school year. The kumustahan and small catching up passed and now we are sitting sa dining table habang nilalantakan ang maliit na salu-salo na inihanda nila na puro paborito ko. "Fiesta na pala sa susunod na araw." Tito Ed turned into my direction, "'Nak, mag ikot- ikot kayo ng mga pinsan mo sa fiesta. Siguradong mag e-enjoy ka." Oh, that explains why puro makukulay na banners amg nadaanan namin sa may Sentro kanina. "Naku! Kami bahala sayo Haya!" sabi ni Kuya Jule and when I looked at my cousins, they're all grinning. Oh no, mukhang I have to prepare myself sa mga kalokohan ng mga pinsan ko. "Kayo naman, baka naman anu- anong kabulastugan ang gawin nyo kay Haya ha? Baka biglang bumalik ng Manila 'yan," pabirong sabi ni Papa. "Biro lang, kami na bahala sa first fiesta experience mo dito so relax ka lang," Kia said as she tapped my back to assure me. Days passed and the Fiesta came. Madaling araw pa lang pero naririnig ko na ang mga parents namin na abala na rin sa pag prepare ng mga handa sa kusina. Hindi naman ganoon ka layo ang pagitan ng mga bahay namin kaya't i-isang handaan na lang ang ginawa nila. I don't think makakatulog pa ako kaya't lumabas na lang ako para makatulong at nadatnan ko na si Ate Yuli na nagka-kape. I went to her at nag timpla na rin ng sarili kong kape pampa- gising. "Good morning, Haya! Ready ka na para mamaya?" "Good morning, looking forward to it, Ate." She sipped on her coffee."'Nga pala, mamaya ha?" Kumunot ang noo ko. This sounds news to me. I thought pagtapos ng kainan ay tapos na? "Anong..." "Ah, familiar ka ba sa Baylihan?" My forehead creased. I didn't answer and looked at her with a questioning face. Sandaling napa tigil ako nang may naglapag ng tasa sa tabi ko. Si Kia pala. "Sayawan yun, Haya. Para kang nasa disco pero open ground. D'yan lang din yun sa may covered court." I nodded in response to them. Base sa kwento nila, I started to anticipate tonight's Baile-han. First time kong ma e-experience and I don't know what to expect but I'm sure my crazy cousins will make it fun for me. Dahil wala naman kaming gagawin ng mga pinsan ko, tumulong na lang kami sa pag hi-hiwa sa mga rekados para sa lulutuin nila at nag balot ng lumpia na hindi pwedeng mawala sa kahit anong handaan. It's still 8 in the morning, at kakatapos lang namin mag breakfast pero pakiramdam ko ang dami nang nangyari. "Haya? Dun na kayo ng mga pinsan mo sa van sumakay," sabi ni Mama. "Okay po, Ma," paalam ko saka lumakad papunta sa bahay nila Kuya Jule kung nasaan ang van na katapat lang ng bahay namin. "Mag ingat kayo, ha? Enjoy kayo!" Pag dating ko naka sakay na silang lahat kaya hindi na rin nagtagal at bumyahe na kami. Papunta kasi kami sa Bayan para daw ma experience ko ng buo ang fiesta. May mga street parades and performances daw kasi roon. Pag dating namin, marami- rami na yung tao sa paligid. You can even see foreigners touring around, taking pictures and really enjoying their time. Maya- maya ay nag umpisa na ang street performance. Kahit tirik ang araw, mapapansin mo pa rin ang energy ng performers. It was such a fascinating thing for me dahil first time kong maka panood ng ganoong event! Nang matapos ang performance, people stated to move out of the way at nag aya na rin si Miko na pumunta ng plaza. Ramdam ko na ang pinaghalong init at lagkit sa katawan ko dahil sa dami ng tao na nag- sisiksikan. I was just following their lead and then suddenly, I was all alone. I started to panic dahil ni- isang pinsan ko ay wala sa akong makita sa paligid. I am awfully bad at directions kaya't hindi ko rin matandaan kung saan naka park ang van. My phone beeped and I got a text from Ate Yuli. Ate Yuli: Haya? Nasaan ka? How am I supposed to know kung nasaan ako? Naglinga- linga ako paligid. Aanother text came. Ate Yuli: Nasa mismong plaza kami. Kuya and Miko's looking for you. I decided to ask but before I could do that, someone came up to me. "Hi! Ano, sorry, pansin ko lang na kanina ka pa naglilinga- linga. Ah, may hinahanap ka ba?" A tall guy smiled at me. I looked at him and his t-shirt and it says 'Volunteer'. Seeing his shirt, I felt some kind of relief that somebody could help me. "I was with my cousins kani-kanina lang pero nahiwalay kasi ako sa kanila. May I know kung saan yung plaza?" tanong ko sa kanya saka sya tumango. "Tourist ka?" "Yes. Ah, No?" He chuckled. "Ha?" "I mean, bago lang ako dito but I'm staying for good," sagot ko at tumango sya sa akin saka ngumiti. "Okay lang ba sayo na ihatid na kita sa plaza? Baka kasi... alam mo na, maligaw ka ulit?" I was taken aback with his offer but he's not wrong tho. Sa lawak ng paligid, baka nga maligaw nanaman ako. "Uhm... okay lang po ba kuya?" "Kuya," he playfully said then lets out a soft chuckle. "Oo naman. Tara!" He started walking kaya sumunod na rin ako sa kanya. Napansin ko na makes sure to walk beside me at tuwing nauuna sya he'll kind of slow down so I could catch up. Not long after that, I saw my cousins in the distance. Lumingon ako sa kasama ko. "Hey, ah... ayun na yung mga pinsan ko," I said as I pointed out their direction na agad naman nyang nilingon. "So... Thank you po kuya for the help saka pasensya na sa abala." "No, okay lang saka wag ka na mag kuya, di naman ako ganon ka tanda." "Okay but still, salamat pa 'rin talaga." "Ah, nakalimutan ko," he said as he extended his hands on me. "I'm Lukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD