PANIMULA

1113 Words
Siya at Ako "Jeydee isang photoshoot para sa isang sikat na magazine ang next schedule mo.." sabi ng isang dalagang babae Isa siyang P.A ng sikat, gwapo, billionare at kinahuhumalingan ng mga kababaihan na si Jeydee Valkrie. Maswerte? Nah. Para sa 21 anyos na dalagita na si Aika Feliciano ang pagtatrabaho sa modelo, singer at actor na si Jeydee ay hindi isang madaling trabaho. Mahirap. Sobrang hirap hinde lang yung trabaho niya kundi pati yung amo niya mismo. "Tsk. I'm too tired to do it. Cancel that shoot I'm going home." cold na sabi ng binatang si Jeydee "Pero Jey--" Hindi na natapos ni Aika ang sasabihin niya ng nilagyan ni Jeydee ng headset ang magkabilang tenga nito sabay tingin sa labas ng kotse. What Jeydee ordered must be followed. Napabuntong hininga na lang ang noo'y puyat at pagod na rin niyang P.A. Hinilot hilot niya ang kaniyang sentido sabay cross out ng PHOTOSHOOT SCHEDULE sa notes niya. "Manong sa Hacienda ng mga Valkrie po tayo." sabi niya sa driver 'Mahaba habang paliwanag na naman to' sa isip isip ng dalaga sabay buntong hininga. Samantala, nakatanaw lang sa daan ang 22 anyos na binata na si Jeydee Valkrie sa labas ng tinted nilang kotse. He has his own car but he's too tired to drive. Ano pa ba ang kulang sa kaniya? He has everything. The money, fame, looks, friend, family, ah except for one thing-- LOVE. He have so many girls on his pocket but he don't considered it as love but just mere flings or his past time, nothing serious. Sino ba ang babaeng hindi magkakagusto sa isang sikat gaya ni Jeydee ? Ofcourse everyone adores and love him. Only one girl is on his heart right now. The girl that he only love, is his Mom. He don't know his Dad. His Mom said that he died when he is still a baby. He don't know what he looks like, and his Mom doesn't want to show any pictures of his Father to him, which is bothering him, but he just let it go anyway. Maybe his mom is too sad to brag about his Dad, that's what he think. Pinatay niya ang iPhone niya ng nakapasok na sila sa Hacienda nila. He put his headset on his neck at dun niya lang napansin ang pagbigat ng kaliwang balikat niya. Ayun at natutulog ang pagod niyang P.A at hindi na namalayang napasandal pala siya sa amo niya. "Aika" tawag pansin niya dito. Umungol lang ang dalaga sa pagtawag ng amo niya sa kaniya. Sarap na sarap siya sa tulog niya dahil sobrang pagod siya. Tinitigan muna siya ni Jeydee bago nito nilapit ang mukha niya sa tenga nito sabay bulong ng mga katagang, "You'll wake up or I'll kiss you right here right now ?" Napamulat ang dalaga ng marinig niya ang mapang akit at malamig na boses ng gwapo niyang amo. Napadiretso siya ng upo at sobrang nahiya. "Bumaba ka na jan pag tapos ka nang kiligin" Napakagat siya ng labi ng lumabas na si Jeydee sa kotse. Gusto niyang magalit, oo. Pero hinde siya nagalit. Bakit? Dahil di niya maitatagong kinilig siya. Eto ang dahilan ng pagiging P.A niya sa binata. Ang labis na paghanga. Ngunit kahit anong pagpigil at pagkunwari niya sa nararamdaman ay nandiyan pa rin eto. Akala ng binata na ang simpleng pambobola niya sa dalaga ay walang epekto dito dahil yun na ang nakasanayan nito. Pero hindi. Tinatago lang iyon ng dalaga sa sarili niya. At sa dalawang taon magmula ng maswerte siyang matanggap bilang P.A nito at sa dalawang taon na pagpapanggap niya na wala siyang paki sa binata, ay wala pa ring alam ang binata sa labis na paghanga sa kaniya ng dalaga niyang P.A. Habang sa kabilang banda... "Gulay ! Bili na po kayo ng gulay murang mura lang mga suki !" Isang umaatikabo at mainit na araw na naman ang kelangang harapin ng 22 anyos na dalaga na si Yuna Legazpi. Tinda na naman kasi at matumal na naman ang bentahan ng mga karne, gulay at kung anu-ano pa. "Tsk, tsk, tsk. Wag kayong maniwala sa payatot na yan mga suki. Tignan niyo oh lanta na ang mga gulay niya! Dito na kayo sa mga gulay ng gwapong si Layz Ocampo, presko at bagong bago!" Nagsitawanan naman ang mga taong napapadaan at katabi nila. Sanay na sanay na sila sa araw araw na eksena ng binata at dalaga tuwing tinda. "Hoo ! Ayan na naman ang magkababatang laging nagbabangayan sa tinda ! Hahaha" sigaw ni mang Neri na malapit sa kanila Sinamaan ng tingin ni Yuna ang kababata at kaaway din simula pa pagkabata na si Layz Ocampo, 22 anyos. "Hoy kapre! Anong sinasabi mong lanta na tong mga gulay ko? Fresh from soil to noh! Tsaka yang sayo? Sus! Mga bulok gaya mo!" "Payatot!" "Kapre!" At sa gitna ng mala aso at pusa na bangayan ng dalawa ay siya namang pasok ng ama ni Yuna na si Mang Kristof na noo'y may kagat kagat pa na sigarilyo at may nakatali pang puting tela sa noo. "Ano na namang ingay to ha? Kayo na naman ba Payatot at Kapre? Hahahaha!" Nagsitawanan din ang mga kabaro ni Mang Kristof dun sa palengke. Halos buong baryo ay kilala si Mang Kristof at ang anak niya gayun din ang pamilya Ocampo. "Tay!" Ani ng dalaga sa ama. Nakasimangot na lumapit si Yuna sa tatay niya at nagmano. Ikinatawa naman ng tatay neto ang reaksyon niya. "Hahaha ! Tatay Kris !" Siya ding lapit ni Layz kay Mang Kristof at nakipag fist bump pa. "Sup kap's ! Hahaha !" Mang Kristof Kap's ang tawag niya kay Layz na shortcut para sa kapre. "Sipsip" Inis na inis na bulong ni Yuna sa gilid sabay irap habang tinitignan ang kababata niya at ang tatay niya na nagtatawanan habang nakaakbay. Wala ng ina si Yuna. Ang sabi ng tatay niya ay namatay daw ito sa pagkapanganak sa kaniya. Kahit litrato neto ay wala siyang nakita. Hindi niya rin kamukha ito dahil kuhang kuha niya ang mukha ng ama. Nalulungkot siya oo. Pero iniisip niya rin na mas nalulungkot ang ama niya dahil namatay ang taong mahal niya. Nagpapasalamat na lang siya na isang masiyahin at mapagmahal na ama ang meron pa rin siya. 'Pero sana nandito ka rin Nay' nakatingin sa langit habang iniisip niya yun. Sa loob ng ilang araw ay magtatagpo ang landas ng dalawang tao na susubukin at paglalaruan ng tadhana. Ang isang lumaki sa karangyaan at kaginhawaan at ang isa na lumaki sa simple pero mahirap na bu hay. Ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa dalawang taong gumagalaw sa magkaibang mundo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD