PROLOGUE

1169 Words
CHARLES POV    Tatlong taon din akong nawala dito sa Pilipinas, simula nang ipatapon ako sa America ng aking mga magulang. Nang malaman nila na nabuntis ko ang kasintahan kong si Abby na pilit nilang hinadlangan ang pakikipagrelasyon ko dito, sa kadahilanang ang aming mga pamilya ay matinding magkatunggali sa politiko. Nang maging maayos ang buhay ko sa America, ay kumuha ako ng private investigator upang malaman kung nasaan ang aking mag-ina. Agad ko ring nalaman na nasa condo ito ng kaibigan kong si Nathan at silang dalawa ni Lorraine ang tumulong kay Abby noong panahong itinakwil ito ng kanyang ama. Nang umuwi ako ng Pilipinas ay agad kong pinuntahan ang aking mag-ina, sa condo ng kaibigan kong si Nathan. Huminga muna ako nang malalim bago ko pindutin ang door bell. Nang bumukas ang pintuan ay naramdaman ko ang malalakas na t***k ng aking puso nang makita ko ang babaeng matagal ko ng inaasam na makasama. Ngunit nang makita ako nito’y biglang dumilim ang anyo na kaniyang mukha. "Anong ginagawa mo dito?!" galit nitong tanong. Niyakap ko siya. "Abby, andito na ako. Patawarin mo ako, kung bigla akong nawala. Miss na mi—" pinutol niya ang sasabihin ko at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. "Bakit ka pa bumalik?! Pagkatapos mong mawala ng ilang taon! Ngayon ay bigla kang susulpot! Para ano?!" galit niyang sigaw sa akin. "Abby, magpapaliwanag ako. Kung bakit? Bigla akong nawala," seryosong sabi ko. Pagkatapos kong magsalita ay biglang nanlisik ang mga mata ni Abby, "Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo! Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Charles! Kaya umalis ka na!" pasigaw at galit na taboy sa akin ni Abby. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka makikinig sa mga paliwanag ko." Lumuhod ako sa kanyang harapan. "Maniwala ka sana sa akin, Abby, na hindi ko ginustong lumayo. Sa maniwala ka at hindi. Walang ang hindi ko kayo inisip na mag-ina," paliwanag ko sa kanya. Ngunit mukang nagbingibingihan na si Abby sa mga paliwanag ko. Pinahid nito ang kanyang mga luha at nagsalita ng may galit sa dibdib. "Kahit ilang beses ka pang lumuhod sa harapan ko! Hinding-hindi kita mapapatawad! Dahil iniwan mo ako nang mga panahong kailangan kita!” Nagsimula na akong umiyak. "Abby, naman— Huwag mo naman akong pahirapan nang ganito," pagmamakaawa ko. "Wala akong pakialam! Kung mahirapan ka! Kulang pa ‘yan, sa sakit na naramdaman ko noong iniwan mo ako!” galit niyang sigaw sa akin. "Abby, nakikiusap ako sa 'yo. Bigyan mo pa ako, nang…isa pang pagkakataon. Para sa anak nating dalawa,” pilit kong pagmamakaawa kay Abby. "Anak?!" ngumiti ito na parang aso. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Charles?! Noong panahon na iniwan mo ako, at alam mong buntis ako!” Tumulo na ang mga luha ni Abby. “At simula nang itakwil ako ng mga magulang ko ng dahil sa 'yo ay pinatay na kita sa puso ko!" galit nitong sabi at pagkatapos ay tumalikod na ito sa akin. Maglalakad na sana ito papasok ng unit niya. Ngunit agad ko itong niyakap sa kanyang mga hita. "Abby, mahal kita. Bumalik ako para sa 'yo." Hanggang sa tuluyan na akong umiyak. "Bitawan mo ko, Charles! Umalis ka na! At huwag na huwag mo na kaming guguluhin ng anak ko! Dahil nasanay na akong, wala ka sa tabi ko!" galit nitong sigaw. Pagkatapos ay tinanggal nito ang mga braso ko na nakayakap sa kanyang mga hita. Pagkatapos ay pumasok na ito ng unit niya at padabog na isinira ang pintuan. Kumatok ako nang sunod-sunod sa pintuan, "Abby, mag-usap tayong dalawa," sigaw ko dahilan upang maglabasan ang mga tao mula sa mga katabing unit dito. Nang pinagtitinginan na ako ng mga tao ay nagdesisyon na akong umalis at para akong tanga na umiiyak habang naglalakad. Kung hindi lang ako naging duwag noon, sana’y kapiling ko ang aking mag ina ngayon. "Ipinapangako ko, hindi ako titigil na suyuin ka, Abby. Mapatawad mo lang ako at muling mahalin," bulong ko sa aking sarili. Nang bumalik ako sa condo ng aking mag ina, ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib, nang makita ko ang lalaking lubos kong pinagseselosan. Walang iba kung 'di si Bryan, ang lalaking gusto ng ama ni Abby para sa kaniya. Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon, dahil nakikita kong masaya si Abby na nakikipag-usap dito habang nilalaro ni Bryan ang aking anak na dapat ay ako ang kasama. Lumapit ako sa mga ito at nagsalita. "Pare, mukang enjoy na enjoy mo ang pagiging-ama, sa anak ko ah!" sabi ko na punong-puno ng galit. Ngumiti ito. "Pare, ang lakas ng loob mong magsalita! Ikaw naman itong, tinakbuhan ang ‘yong obligasyon!" galit na tugon ni Bryan. Nagtagis ang aking panga at hinaklit ko ito sa kanyang braso. "Wala kang alam, sa nangyari! Kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako, nang hindi maganda!" Tinitigan ko ito. "Ito ang tatandaan mo, akin lang ang mag-ina ko!" sabi ko na punong-puno ng galit. Ngumiti ito. "Sige, may the best man win na lang, pare!" galit niyang sagot.. "Tumigil nga, kayo!" saway ni Abby sa aming dalawa. Tumingin si Bryan kay Abby. “Sige, Abby, aalis na muna ako. Mukang kailangan n'yong mag-usap ng gagong 'yan!" Sabay turo sa akin. "Babalik na lamang ako para malaman ko kung pumapayag ka na sa inaalok ko," pagpapaalam nito. Nang maiwan kami ni Abby ay nagsalita itong muli. "Ikaw, ano na namang ginagawa mo dito?! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, na wala na tayong dapat pag-usapan pa!" Nagtagis ang panga ko, "Bakit, Abby? Dahil s'ya na ba ang nagmamay-ari ng puso mo?!" tumingin ako sa aking anak na nakakapit sa mga hita ni Abby. "Kaya kahit ang anak natin, ay ayaw mong ilapit sa akin!" pahayag ko na may kasamang sumbat. Ngumiti ito nang pilit. "Wala kang karapatan na sumbatan ako! Dahil ikaw ang nang-iwan sa ating dalawa!" sigaw nito sa akin dahilan upang umiyak ang aming anak. "Kaya nga bumalik na ako, Abby. Upang gawin ko ang dapat, na sana ay noon ko pa ginawa. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon magpaliwanag ay mauunawaan mo ako," sabi ko. "Umalis ka na! Wala na tayong dapat pag-usapan pa, dahil tinapos ko na ang relasyon nating dalawa noong iniwan mo ako!" galit nitong sigaw. "Dahil ba sa lalaking ‘yon? Kaya ganoon na lang kadali sa 'yong tapusin ang matagal nating relasyon?" tanong ko dito. Hindi ito nagsalita. "Kung hindi mo na ako, kayang tanggapin sa buhay mo. Hayaan mo akong maging ama sa anak natin," seryosong sabi ko. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Charles? Wala kang kwentang ama!" sigaw nito. "Ito ang tatandaan mo! Hindi ko kayo isusuko! Kahit humantong pa tayo sa korte ay gagawin ko, dahil ilalaban ko ang aking karapatan para sa anak ko!" Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. "Hindi ako papayag na ibang lalaki, ang kilalaning ama ng anak ko. Tandaan mo ‘yan, Abby," sabi ko sa baritonong boses ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD