Chapter 1

888 Words
Chapter 1 MALUNGKOT NA NGUMITI ang manager ni Salvi nang sabihin nito sa kanya na wala nang project na inaalok sa kanya. Wala na ring director ang gusto siyang tanggapin. Laos na kasi siya kaya wala nang tumatanggap sa kanya. Wala na rin siyang fans at naglaho ang mga ito na parang bula. Hindi alam ni Salvi kung paano iyon nangyari. Naalala pa niya noon kung paano siya dumugin ng mga tao dahil sa kasikatan hniya. Isa siyang bitiranang aktress sa telebisyon— sa isang industriya na sikat— ang CEP— Community Entertainment Program. Labing siyam siya noong magsimula lamang siya sa pagmomodelo, hanggang sa makitaan siya ng galing sa pag-arte. Kinuha siya ni Kerara— ang bakla niyang manager— na ngayon ay may edad na rin. Sa edad niya na dalawamput anim ay malabo na ang karera niya sa showbiz. Lalo na ngayon at mga bata na ang mga kasabayan niya. Nahuhuli na siya, hindi na siya ang pinagkakaguluhan at iniidolo ng mga tao o ng mga manonood. Totoo nga na ang labis na kasikatan ay may hahantungan din sa huli— may katapusan. At ang lahat ng iyon ay sinamantala niya; nagpakalunod siya sa pera at sa mga bisyo. Nilamon siya ng labis na kasikatan at hindi niya man lamang naalala ang nanay niyang nakatira sa isang eskwater area. Hindi niya man lamang ito nabisita noong pagkatapos niyang iwan. Nagpakasasa siya sa alak at mga lalaki, nalulong siya sa droga. Hindi siya nag-ipon para sa sarili niya; para sana sa oras ng pangangailangan niya; ubos-biyaya. Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin, wala na ang kinabukasan niya. Sinira niya mismo; tinataboy na siya ngayon ng showbiz. “Pasensya na Salvi, pinapapirmahan na ito sa iyo ng head ng CEP.” Inabot ni Kerara ang isang puting papel na kung saan may nakalagay na Exclusive End of Contract. Iyon ang pahiwatig na hindi na talaga siya parte ng industriyang pantelebisyon. Wala na talaga ang karera niya, parang mga usok na naglaho pagdating sa ere. Sinayang niya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya n nug Diyos. Nanginginig ang kamay niyang inabot ang papel kay Kerara. Wala na siyang magagawa kundi ang sumuko na lamang. Hindi na niya mapapakiusapan pa ang management dahil desidong-desido na talaga ang mga itong paalisin siya. Heto na nga at binigyan na talaga siya ng kontrata. Nanginig ang kamay niya habang pumipirma. Parang gusto niyang sumigaw at lumuhid sa harapan ni Kerara; makiusap na sana ay huwag muna siyang paalisin. Pero kahit naman papaano ay may puri pa naman siyang natitira, at ayaw niya iyong isuko na lamang iyon nang ganoon. Pagkatapos niyang pumirma ay inabot niya agad iyon kay Kerara. Ngumiti nang malungkot sa kanya ang bakla sabay yakap sa kanya nito. “Job well done, Salvi,” sabi nito sabay tapik sa kanyang balikat. Pagkatalikod na pagkatalikod nito ay napabuga siya ng hangin. Kanina pa niya pinipigilan ang luhang gusto nang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Mabuti na lamang at napigilan niya ang mga iyon. Napailing siya nang marahas nang maalala ang huling sinabi sa kanya ni Kerara bago iyo umalis. “Job well done, psh!” usal niya habang may sarkasmo sa kanyang tinig. Bumalikid na nga siya't nag-umpisa nang lumakad. Sinadya niya talagang igewang ang kanyang puwet. Taas-noo siyang lumabas sa.gusali ng CEP. Dapat ay ipagdiwang niya ang nangyari ngayon sa kanya, hindi pwedeng malungkit siya. May natitira pa namang pera sa kanyang pitaka. Uubusin na lamang niya iyong lahat— tutal wala naman na siyang pangarap pa. Nasira ang lahat ng iyon mula kanina nang pumirma na siya ng kontrata. Pumara siya ng taxi at pasalampak na sumakay rito. “Saan po ma'am?” agad na tanong sa kanya ng nagmamaneho. “Sa may malapit na bar, manong! Magpapakalunod ako ngayong araw sa alak!” sigaw niya na tila walang pakialam kung maisama niya sa kanyang inis at galit ang kawawang taxi driver. Hindi naman ito kumibo at nagmani-obra na para maihatid siya sa pupuntahan. Gagamit siya ngayon ng ipinagbabawal na gamot para naman kahit papaano'y makalimutan niya ng pansamantala ang pagkawala niya sa showbiz. Hindi niya muna iisipin na magsisimula na naman siya ulit sa simula. Isang malaking dagok iyon sa buhay niya, gayung nasanay na siyang madali ang lahat. Hindi naging madali noon ang buhay sa kanya; pakiramdam niya'y pinagkakaisahan siya noon ng tadhana at ng Diyos. Lumaki siya noon sa eskeneta; mga basura ang kinagisnan niya sa paligid, ang mga mabahong amoy na dumi ng tao at ng mga nabubulok na pagkain; ang damit niya'y punit-punit, inaabuso pa siya ng kanyang tinuturing na ama, maski ang kanyang ina ay binubugbog nito. Mabuti na lamang at inatake ito sa puso kung kaya't napaaga ang kanilang pagkalaya mula sa pang-aalipin. Kaya't noong madiskubre siya ni Kerara ay hindi na niya sinayang ang pagkakataon. Pumasok siya sa showbiz; nakabihis na siya ng magara at nalulunod sa maraming pera. Pero ang lahat ng iyon ay sinayang niya. Hindi niya pinahalagahan ang mga biyayang ibinigay sa kanya. Ngayon na lamang siya nagsisisi. Huminto ang taxi sa tapat ng isang bar. Agad siyang bumaba pagkabayad na oagkabayad niya sa driver. Pagkatuntong niya ng kanyang paa sa loob ng bar na iyon ay mas lalong gumulo ang mundo niya; tuluyang nawasak at nasira— na hindi niya alam kung mabubuo pa ba niya at maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD