1. Prologo

401 Words
CAS woke up nursing a headache. Parang binibiyak na naman ang ulo niya. He wasn't sure how he ended up rotting in the living room right now. Worst, he couldn't even remember the name or face of that hot chick that he had f****d last night. But one thing he was certain about though - his life had turned into a big mess since that day happened. Ngayon kahit gulong-gulo ang buhok, nanlalaki ang eyebags, at umaalingasaw ang hiningang amoy alak, wala siyang pakialam. Habang nakahawak sa kanyang batok, marahan siyang tumayo upang lumipat sa sopa. Sumandal siya sa backrest at mariing pumikit. Ngunit agad ding dumilat nang marinig ang malakas ngunit balisang boses ni Roberto Lacsamana, ang kanyang ama habang nakikipag-usap sa cellphone. "Tama ba ang dinig ko, Bobby? Mag-re-resign na si Carlos?" Sinundan ni Cas ng tingin ang ama hanggang umupo ito sa tabi niya. "Pero hindi puwede iyon dahil magbubukas na ang Hong Kong branch." Tumayo si Roberto at nagpaikot-ikot sa sala habang tahimik na pinakikinggan ang kausap sa kabilang linya. "Okay. Sige, aasahan ko iyan. Maraming salamat sa 'yo." Muling umupo si Roberto sa tabi ni Cas na nakasapo sa kanyang mukha. Ang huling sandali na nakita ni Cas na ganito kabalisa ang ama ay noong namayapa ang kaniyang ina. Ngayon, silang mag-ama na lang ang nagdadamayan. Kaya kahit na may iniinda siyang sariling pagsubok, alam niyang mas kailangan ng ama ang tulong. "Bakit kausap mo ang head ng HR, Dad?" Tipid-ngiti na tumingin si Roberto sa kaniya. "Maliit na problema lang, hijo. Huwag mong masyadong alalahanin," aniyang niluluwagan ang necktie. "Sigurado ka ba? Kasi sa tono mo, parang katapusan na ng mundo." Matamlay na natawa si Roberto. "Mukha na ba akong pinagsakluban ng langit at lupa?" "Hindi naman. Pero nararamdaman kong seryoso ang problema sa ITrends. Kung gusto mo, ako mismo ang pupunta doon. Hindi ka pa puwedeng umuwi dahil sa operasyon." Umangat ang mukha ni Roberto at matagal siyang tinitigan na parang binabasang diyaryo. "Cas, hindi kita pinipilit na bumalik agad sa trabaho. 'Di ba nagluluksa ka pa? Ilang linggo pa lang ang nakalipas simula noong—" "It's fine!" pagputol ni Cas sa sinasabi ng ama. "Dad, walang kinalaman ang kompanya sa pinagdaraanan ko. Trust me. Let me handle this." Ilang segundo ring natahimik si Roberto bago tumango at tapik-tapikin si Cas sa balikat. "Thank you so much, Cas. You're such a good son."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD